DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 18

☆

6/30/2025

Comments

 

Grims do fall in love: till death do us part

SAYDIE


I WAS defeated by the vengeful spirit again. Maybe because I’m a Senior Grim Reaper and not a Death Grim Reaper. But where am I right now? Why is everything… dark?

“Saydie... Saydie...” 

Lumingon ako nang marinig ang pagtawag sa akin. May nakita akong dalawang babae. Isang matanda at isang bata. Nakatayo sila sa dulo ng rooftop. 

“Saydie... halika na. Lilipad na tayo,” sabi ng nakatatandang babae pero hindi siya nakatingin sa akin kundi sa bata. 

“Natatakot po ako,” sagot ng bata. 

“Lilipad tayo at hindi babagsak,” ulit ng babae at hinawakan niya ang kamay ng bata. 

“Talaga po?” 

Tumango ang babae. “Magtiwala ka... sa ating paglipad lahat ng problema ay mawawala na. Magiging masaya na tayo.” 

“Makikita na po ba natin si Papa kapag lumipad na tayo?” tanong ng bata.  

Nakangiting tumango naman ang babae. Kumislot ang kaliwang paa ng babae at kinutuban ako na tatalon sila kaya…

“No!” sigaw ko pero hindi ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko nakagapos ako kahit wala naman. Tuluyang tumalon sa gusali ang babae kasama ang bata. `Tapos, bigla muling dumilim ang buong paligid.

“Saydie...” May tumawag uli sa akin at nag-iba ang aking pakiramdam. Parang napunta ako sa kung saan. Pagmulat ko ng mga mata, tumambad sa akin ang tila takot na mukha ni Van.  

“S-sorry to wake you up.” 

Agad akong tumayo at nanlaki ang mga mata nang makita siya. Ano’ng nangyari? Buhay siya? Paano? 

“Y-you’re alive? How?” 

Napalinga ako sa paligid at natuklasang nasa kuwarto niya kami. 

Yumuko siya at lumungkot ang hitsura. “Paula spared me. Napatawad niya ako sa huling sandali.” 

Napangiti ako. Masarap sa pakiramdam na ligtas siya. 

“But I think I don’t deserve it,” sabi pa niya, sabay buntong-hininga. 

Bigla namang kumalam ang tiyan ko na parang naghahanap ng pagkain. “I’m hungry, Van. Let’s eat.” 

“Ah oo. Tama ka. K-kailangan mo nga iyon. I’ll prepare something for you,” sagot niya. Lumabas siya ng kwarto at sumunod naman ako. 

“By the way, how did we get here?” tanong ko.

“Your mentor Reeve helped us.”

“Si Master Reeve?!” gulat kong tanong. 

Tumango si Van at dumiretso sa tapat ng refrigerator, saka binuksan iyon. Ako naman, umupo sa hapagkainan. Kumalam uli ang tiyan ko. Pakiramdam ko, walang lakas ang katawan ko. 

Gusto ko ng paborito ko. “Do you have ice cream, Van? I want ice cream.” 

“Wala. Pero gagawa ako ng omelet,” sagot niya habang may kinukuha sa loob ng ref. 

Hindi na ako umangal. Siguro mamaya na lang ang ice cream. 

Biglang tumunog ang telepono. Pinuntahan ito ni Van at sinagot ang tawag. 

“Hello?” 

Huminto siya saglit na parang naghihintay, `tapos ay tumingin sa akin. “Paakyatin mo na lang siya sa unit ko. Ayokong umalis dito.” Muli siyang huminto nang saglit. “Sige. Salamat.” Ibinaba na niya ang telepono. 

“May bisita tayo, Saydie. Please change your clothes. Medyo sira-sira na, eh,” sabi niya habang palapit sa akin. 

Napatingin naman ako sa damit ko at nakitang may mga punit na nga. Tumayo ako at pumunta sa kuwarto para magpalit ng damit. 




NAGPUNTA si Van sa may pinto nang tumunog ang tila kalembang ng isang maliit na kampana. Binuksan niya ito at isang lalaking matangkad na mahaba ang buhok ang nakita ko. 

“Good morning, Mr. Chua.”

“Detective Ignacio, tuloy ka,” sagot ni Van sa lalaki. 

“Salamat.” 

Nang makapasok ang lalaki, nag-iba ang pakiramdam ko. Lumapit ako at tiningnan siya nang mabuti. 

“By the way, Detective. This is my friend, Saydie,” sabi ni Van. “Saydie, this is Detective Rio Ignacio.” 

Inalok akong makipagkamay ng Detective. “Nice to meet you, Miss Saydie.” 

Pero hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatitig lang sa kanya. 

Hinawakan ni Van sa balikat si Detective. “Let’s take a seat, Detective. Ganyan talaga `yang si Saydie `pag gutom. May topak. Kakain pa lang sana kasi kami, eh.” 

Napakunot-noo ako. Topak? Anong ibig sabihin no’n?

“Ah gano’n ba. Pasensiya na,” nakangiting sagot ni Detective habang hinihimas ang likod ng kanyang ulo. “Don’t worry. This won’t take long.” 

Umupo sila sa dalawang magkatapat na upuan. 

“How can I help you, Detective?” tanong ni Van. 

Umupo ako sa tabi ni Van at tinitigan ang detective. Meron talagang kakaiba sa kanya na hindi ko pa maipaliwanag. Pero kung matititigan ko siya nang matagal, lalabas din ang katotohanan sa pamamagitan ng mga mata kong may basbas ng Death Lord. 

“Naparito ako para i-update ka sa kaso nina Paula Fuentes at Marsha Uy. Base sa investigation namin at sa mga witness na lumitaw, ito pa lang si Miss Fuentes ay nalulong sa bawal na gamot nang bumagsak ang kanyang career bilang artista. Naging dahilan ‘yon kung paano naganap ang isang karumal-dumal na krimen six days ago. Ayon sa autopsy, nakadroga siya nang kidnap-in niya si Miss Uy at dinala niya ito sa isang lumang bahay kung saan niya ito ginilitan sa pulso. Pagkatapos ay nagpakamatay siya,” sabi ni Detective. 

Hindi ko alam kung bakit pero habang nakikinig ako, nakaramdam ako ng kung anong bigat sa dibdib ko.  Parang bahagya din na bumaba ang lakas ko. Ito ba ang sinasabi nilang… awa?

“Ang masama sa nalaman ko, Mr. Chua,” dagdag pa ni Detective, saka bumuntong-hininga. “Ayon sa mga malalapit na kaibigan ni Miss Fuentes, nagsimula ang pagpapabaya niya noong maghiwalay kayo. Hindi ako sigurado pero mukhang hindi niya natanggap ang nangyari sa relasyon niyo at doon siya naligaw ng landas. At kaya naman niya pinatay si Miss Uy ay dahil ito ang sumunod mong naging nobya matapos siya. Siguro, inakala niya na dahil kay Miss Uy kaya mo siya iniwan.” 

Napatingin ako kay Van. Nakayuko siya at mukhang maiiyak na. Mukhang ang tinutukoy na Paula ng detective na ito ay ang vengeful spirit na nakalaban ko kagabi base sa banggit ni Van kanina. Pero kung six days ago siya namatay, mukhang hindi iyon ang dahilan kung bakit si Van Kyle Chua ay isang killer’s soul. He’s been a killer’s soul for a very long time. He was just lucky to be alive up to this point.

Bumuntong-hininga si Van at nanatiling nakayuko. “Maraming salamat sa update, Detective.” 

“Pero ang motibo na iyon ay theory pa lamang. Maaaring may iba pang dahilan kung bakit pinatay ni Miss Fuentes si Miss Uy. Pwedeng siya’y sobrang high lang sa droga ng mga oras na `yon at napagtripan niya si Miss Uy. Kaya huwag kang mag-isip na baka ikaw ang dahilan kung bakit sila namatay. Gayon pa man, labas ka na sa kasong ito, Mr. Chua. Dahil wala namang direkta o hindi direktang utos mula sa `yo na magpakamatay si Miss Fuentes o kaya naman patayin niya si Miss Uy. Also, matagal na rin pala mula noong kayo’y maghiwalay,” sabi pa ni Detective. 

Hindi sumagot si Van pero tumulo ang luha niya na agad naman niyang pinunasan. Ano itong nararamdaman ko? Bakit tila nararamdaman ko rin ang kalungkutan niya? 

“I’m sorry about the news I brought, Mr. Chua.” Tumayo si Detective at hinawakan niya si Van sa balikat. “Lalakad na ako.” 

Tumango lang si Van at inihatid na si Detective papunta sa pinto. Agad akong sumunod sa kanila. Kailangan kong malaman kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa detective na ito. 

“Siya nga pala, tungkol sa nagbabanta sa buhay mo. Hindi pa namin alam kung sino ang may gawa n’on. Base kasi sa blood test at DNA test ng dugo na nakuha namin sa death threat letter na ibinigay mo, lumabas na animal blood lamang iyon. Pero patuloy pa rin ang aming imbestigasyon.”

Umiling si Van at ngumiti ng pilit. “No need, Detective. N-nakausap ko na kung sino ang may gawa n’on. It was a friend of mine pulling a prank. I won’t be pressing charges.”

“Gano’n ba? Sige, Mr. Chua. Ikaw ang bahala. Pero pwede ko na bang makuha uli ang anting-anting ko?” 

Natawa ng marahan si Van at napakamot sa likod ng ulo. “Uhm, about that, Detective… I uh—dropped it somewhere. Hindi ko na mahanap kaya...” Dumukot si Van ng wallet sa bulsa. “I’m really sorry. If it’s okay, can I just pay for it?” 

“Ay gano’n ba? Well, mukhang hindi mo naman talaga sinasadya. `Wag mo nang bayaran. Actually, may taning na ang buhay ng tatay ko kaya ako rin ang magmamana n’ong anting-anting niya, so may kapalit pa rin,” sagot ni Detective, saka bumuntong-hininga. “Siguro kaya nawala `yon ay dahil mamanahin ko na ang sa tatay ko. One hundred years niya ring nagamit `yon at mukhang dahil doon kaya siya nakatagal nang gano’n.” Tinapik ni Detective sa balikat si Van. “Mr. Chua mauuna na ako.” 

“S-sige, Detective. Maraming salamat.” 

“Miss Saydie...” sabi niya sa akin. Bigla kong nakita na kulay-itim na ang kanyang bungo. Isang palatandaan na minsan o maraming beses na siyang nakaligtas sa kamatayan. Bakit kaya? May nagbubura kaya ng pangalan niya sa death book? 

Tuluyang umalis ang detective at si Van naman ay bumalik sa kusina. Umupo uli ako sa may hapag-kainan at tahimik na naghintay. Bigla kong naalala `yong babae at bata kanina. Hindi kaya alam ni Van ang ibig sabihin n’on? 

“Van...” tawag ko. 

“Yes?” 

“Kanina, nakakita ako ng babae na may kasamang batang babae na tumalon sa building. `Tapos, bigla na lang akong napunta sa kwarto mo at nakita kita. Anong ibig sabihin n’on? Nangyayari ba `yon sa inyong mga tao?” 

“Hmm, hindi ka naman umalis kagabi at kanina ka lang nagising. Baka panaginip lang ‘yon,” sagot niya habang may hinahalo na kulay-dilaw na likido sa glass bowl. 

“Ano ang isang panaginip?” tanong ko pa. 

“It’s, um... It’s what you see when you’re asleep. Minsan mga random na bagay ito na walang kinalaman sa buhay mo. Minsan alaala ng nakaraan mo. Sabi naman ng mga matatanda, may kinalaman daw sa hinaharap mo ‘yon. Pero sabi naman ng science, sometimes it’s what your mind’s hidden desires. It’s really hard to explain. Mukhang tama nga `yong si Reeve.” 

“Si Master? Anong ibig mong sabihin?” 

“Ang sabi niya, nagiging tao ka na daw. Have you looked at yourself in the mirror?” 

Napakunot-noo ako. “Why?” 

Nginitian niya ako at itinuro ang salamin. “See for yourself.”

Pumunta ako sa salamin at nang makita ang aking sarili... nanlaki ang mga mata ko. Wala na ang war paint sa mukha ko. My lips were just plain pink, and my eyes didn’t have the black paint anymore. “This is absurd.”

“Absurd?” ulit ni Van, saka tumawa. “No, Saydie! You actually look prettier.” 

Nag-init ang mga pisngi ko at namula nang bahagya. Marahan kong hinawakan ang aking mukha. Para bang nagustuhan ko ang sinabi ni Van. 

“A-are you sure? Is this really better?”

“Way better! Come. Food is ready.” 

Napangiti ako at muling tiningnan ang sarili ko sa salamin. Bumalik na ako sa hapag-kainan. Inilapag doon ni Van ang isang pagkain na kulay-dilaw na may kaunting kulay-green. Mukhang malambot ito at mainit. “Ano ito?”

“That’s an omelet. Kumain ka na, may tatawagan lang ako,” sagot niya at pumasok sa kwarto. Binalingan ko uli ang pagkain. Malaki ang omelet na inihanda niya at may kulay-kahel pang inumin. 





NASARAPAN at nabusog naman ako sa inihanda ni Van pero gusto ko talaga ng ice cream. Saktong pagkatapos kong kumain, lumabas siya ng kwarto. “Van, let's go get an ice cream.” 

“Uhm, Saydie, lilipat nga pala tayo ng unit bukas. Para may sarili tayong kuwarto. `Tapos, mula breakfast, lunch, snack hanggang dinner may magde-deliver ng pagkain dito. And don’t worry, sinamahan ko ng ice cream. Kapag bored ka, I set the TV for different kinds of movies na pwede mong panoorin. Just press the biggest button to turn it on. Gusto ko na lang kasing mag-stay dito at ayoko nang lumabas hanggang sa mamatay ako,” seryosong sabi niya. 

“Why?” 

Umupo si Van sa tapat ko at bumuntong-hininga. “May aaminin ako sa `yo, Saydie. And if you want to punish me after hearing what I’m about to say, okay lang. I don’t care anymore. But, uh... I just want to say that after what happened last night, I realized that I don’t deserve to live. All my life I’ve been a guy who broke women’s hearts. Ako `yong klase ng tao na sarili lang ang iniisip at dahil doon, marami akong nasaktan including Paula. Dahil doon pinatay rin niya si Marsha. And I— I can’t live with that. Knowing that I was the reason behind the bad things that happened.” 

Nakatingin siya sa ibaba na parang natulala. Malungkot siya at ramdam ko na nasasaktan siya sa tono ng kanyang pananalita. Nakaramdam na naman ako ng bigat sa dibdib ko. Mas mabigat kumapara kanina.

“Saydie... I, uh...” Muli siyang bumuntong-hininga na para bang ang bigat-bigat ng kalooban niya. “I’m sorry. Kasi kahapon... kaya ako nalagay sa peligro ay dahil tinakasan kita. I discovered something that allowed me to hide from you. Kaya ko nagawa iyon. But that item has been destroyed kaya hindi na kita matatakasan pa. At isa pa, ayoko na ring tumakas. Pero hindi pa rin maikakaila ang katotohanan na niloko kita. Itinaya mo pa rin ang sarili mo para iligtas ako. Pero sa totoo lang, hindi ko na nakikita ang sarili ko na karapat-dapat na iligtas. I don’t deserve to live, and this time... I seriously want to tell you that I’ll just stay here until the day I die. No more games and no more lies.” 

Ito nga ang sinasabi nilang awa. Nararamdaman ko na. Imbes na magalit ako at maisip na parusahan siya—nalungkot lang ako para sa kanya. Being human was something different. You felt more alive because you could feel what others felt. However, regret only comes when the deed is done.

“So... if you want to punish me or tie me up, it’s okay. I will accept,” sabi pa niya. 

“Forget it,” sagot ko. “What’s done is done.”

Hinayaan ko na lang siya. Sa tingin ko, nagdurusa na rin siya at mukhang nagsisisi na. Sapat na iyon bilang parusa sa mga nagawa niya. Pero… matutuwa ba ako sa desisyon niyang mamalagi na lang dito? Or is this where I finally ask... what do I want now?
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly