DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - CHapter 17

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

VAN


FOR MANY years I had been jumping to different kinds of girls almost every month— I didn’t know that this was going to happen. Hindi ko alam na ang sama-sama ko na palang tao. And Paula was right... all I thought about was myself. That’s why I never thought that someone may have been suffering because of me.

But not anymore... Siguro ito rin ang dahilan kung bakit ipinapasundo na ako ni Kamatayan. Kaya habang may oras pa ngayon… itatama ko na ang lahat ng kamalian ko kahit sa huling pagkakataon. 

Tiningnan ko si Paula na tila isa nang multo na may matatalim at mahahabang kuko. Puting-puti ang buong katawan niya maliban sa kanyang itim na buhok at sa mga matang lumuluha ng dugo. Pero kahit ganoon ang kanyang hitsura, tila nakikita ko sa aking isipan kung gaano siya naghirap dahil sa akin. 

“Paula... Alam kong huli na ang lahat para humingi pa ako ng tawad sa `yo pero... I just want to say that I’m sorry— sorry for everything. Naging selfish ako at marami pala akong nasaktan at napaluha dahil do’n, at isa ka sa mga ‘yon. Honestly, I never have thought about it and all I had in my mind was to play. But now... I have realize that I shouldn’t live in this world. I have no right anymore. Dapat ang buhay sa atin ay ikaw.” 

“Huli na ang lahat para sa pagpapatawad. Huli na ang lahat para sa pagsisisi. Dadalhin kita sa impiyerno kahit magdusa rin ako!” sagot niya na para bang puno ng galit habang papalapit sa akin. 

Bumuntong-hininga ako at umiling habang nakatitig sa kanya. Bigla na lang tumulo ang luha sa aking mga mata nang maisip ang hirap na dinanas niya dahil sa akin. Ang bigat sa pakiramdam. Ang sakit sa dibdib na parang may pumipiga.

“I was so wrong to have wronged you. Lalong-lalo na sa pagpapawalang-bahala ko sa damdamin mo. If I could turn back the time, I shouldn’t have done what I did. I should have become a better person,” sabi ko kahit nanginginig ang mga labi ko.

I let out a long exhale.

“Pero alam kong huli na ang lahat para doon. But if I can make a last wish, Paula—hindi mo na kailangang sumama pa sa impiyerno. Kusa akong pupunta doon para sa `yo at para sa lahat ng taong nasaktan ko at naloko ko. You don’t deserve more suffering. Kung meron taong dapat maghirap dito, ako iyon. Kaya naman...” 

Idinipa ko ang aking mga braso. Tumingin ako kay Saydie sa huling pagkakataon. She was trying to say something or trying to stop me, but her voice seemed to have disappeared and her eyes were filled with tears. I never thought that. I never thought that Grims could cry. 

“Saydie, say good-bye to my sister Kylie for me. Tell her that her brother loves her so much and tell her not to fall for a guy like me. Pakisabi rin sa ama ko na...” Bumuntong-hininga ako. “...tell him I’m so sorry for being a stubborn son.” 

Hinang-hina na umiiling lang siya at ang kanyang mga mata ay parang papikit na.

“Good-bye, Saydie.” Binigyan ko siya ng ngiti. Pero tuluyan na siyang nawalan ng malay. 

Bumaling ako kay Paula na nasa mismong harap ko na. “Paula, thank you for opening my eyes,” sabi ko at nginitian siya. “Now...” Inalis ko ang ngiti sa aking mga labi, pumikit ako at huminga nang malalim. “...kill me with all your hate. Let me take that hate with me to the afterlife so you may rest in peace.” 

Inihanda ko ang aking sarili sa paparating niyang atake na papatay sa akin. Wala na akong pakialam kung ito’y masakit, mahapdi, o kung ano pa man ang pakiramdam ng mamatay. Ang mahalaga, mapagbabayaran ko na ang mga kasalanan ko. 

“Van... Kyle... Chua,” dinig kong tawag ni Paula. It was slow and… calm.

Pero hindi ko siya pinansin at inalala ko lang ang mga masasayang araw ng buhay ko. Pati na rin ang mga pagkakataon na nang-iwan ako ng mga babae. Suddenly, I was able to feel their broken hearts. It made me feel like I was being torn apart. It was like my first heartbreak but tenfold. 

Umabot man ito sa inyong lahat o hindi, gusto kong malaman niyo na... I’m so sorry for being Van Kyle Chua. 

I waited with my eyes closed. For a moment I thought she was gonna give me a final attack. Hanggang sa para bang nag-iba ang pakiramdam ng paligid. Parang may kapayapaan.

“Van,” dinig kong tawag ulit ni Paula sa akin pero hindi na talaga galit ang tono niya. “Open your eyes... I… I heard you.” 

Dahan-dahan akong nagmulat. Wala na ang halimaw at ang nasa harap ko ay ang totoong itsura ni Paula bilang isang tao. “P-Paula?”

Nakangiti siya habang lumuluha. “Narinig kita at naramdaman ko kung gaano mo pinagsisisihan ang lahat. Ngayon, alam ko na. Sapat na sa akin na pinagsisisihan mo na kung ano ka noon. I wish I was able to see more of the new Van Kyle Chua but it’s the end of the line for me. Pero bago ko tuluyang lisanin ang mundo, gusto kong malaman mo na...” 

Napalunok ako. Sobrang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko. 

“...hindi mo kasalanan ang lahat at may oras ka pa para itama ang lahat ng bagay at saka... pinapatawad na kita.” 


Nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Paula, tila may nag-alis ng bigat sa puso ko kasabay ng pagtindig ng mga balahibo ko. Bahagya akong napanganga at tumulo ang luha sa aking mga mata.

“Good-bye, Van,” nakangiti niyang sabi.

I was speechless. Hindi ko akalaing mapapatawag niya ako. Hindi ko ‘to deserve. But somehow… forgiveness was granted to me.

Bigla namang may dumating na lalaking nakaitim sa likuran ni Paula. 

“Paula Fuentes, your time in this world is over,” sabi ng lalaking walang emosyon, saka inalok ang kanyang kamay sa babae. 

Tumalikod sa akin si Paula at hinarap ang lalaki. 

“P-Paula… Paula sandali!” tawag ko pero hindi niya ako nilingon at humawak siya sa kamay ng lalaking nakaitim. Sinubukan ko silang lapitan pero para bang unti-unti silang nawawala. Hanggang sa di ko na sila makita kahit saan.

I stood frozen, stunned by what I saw. Then it hit me—the black attire, the emotionless face. The man I saw was a Grim Reaper. Bigla kong naalala si Saydie. 

“Saydie!” Nagmamadali akong lumapit sa kanya at iniangat ang ulo niya sa braso ko. Sinuri ko ang kanyang pulso sa leeg. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdamang may pulso doon. “Saydie, wake up! Wake up, please!” Inalog-alog ko siya pero hindi siya nagigising. 

“Let her sleep and rest to heal.”  

Isang malalim at malamig na boses ng lalaki ang narinig ko. Lumingon ako at nakita ang isang lalaking naka-black suit. 

“Who are you?” 

“I am Reeve, Saydie’s mentor.” 

“M-Mentor? Can you help her?” 

“I will. That’s why I am here. But first I have to deal with the other humans in this room.” 

Inilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang wala pa ring malay sina Kobe at ang mga tauhan niya pati na rin si Bea. 

“Ano’ng nangyari sa kanila? Buhay pa ba sila?” tanong ko. 

Tumango si Reeve at naglakad patungo kay Bea na nasa mesa. “Buhay pa sila. But I need to take them back to their homes and erase their memories on what transpired here.” Hinawakan niya si Bea sa braso at lumingon sa akin. “Wait here.”

“Okay. But please take care of them. And whatever you’re gonna do, make sure they won’t get hurt.” 

Hindi siya sumagot pero hindi naman ako kinutuban nang masama. Then a circular motion of space appeared in the middle of his body, and within two seconds he vanished with Bea. 

Tumingin ako kay Saydie at napansin kong may mga dumi sa mukha niya. Hinubad ko ang sira at basa kong T-shirt, inirolyo ko iyon, saka marahang idinampi sa mukha niya. Pero hindi mabura iyong dumi. 

Pinunasan ko uli nang may kaunting diin ang mukha niya hanggang sa wala na ang kulay-kadiliman niyang lipstick pati na ang maitim niyang eyeliner. 

Ang aliwalas niyang tingnan at tila maamo. Higit sa lahat, ang ganda niya. Mas maganda siya kapag natural ang kanyang itsura. 

Bigla akong nakarinig ng pag-ihip ng hangin.

“What are you doing?” 

Nataranta ako at agad na itinakip sa katawan ko ang T-shirt na ipinamunas ko. “N-nothing, Sir. Pinupunasan ko lang ang mukha niya.” 

It was Reeve. Lumapit siya sa akin at tiningnan si Saydie. “I see... Her war paint faded. She’s becoming more human now.” 

Jeez! What the— he calls makeup as war paint? Weird. 

“I came back to get the others. Give me a few seconds,” sabi niya, saka lumapit sa isa sa mga tauhan ni Kobe. Hinawakan niya ito at naglaho sila. 

Muli akong bumaling kay Saydie na mukhang mahimbing ang tulog. “So mas nagiging tao ka na pala. I don’t know what that really means but… don’t worry I will fully cooperate with you.” 

Lumipas ang ilang sandali at nadala na ni Reeve sina Kobe sa kanya-kanyang tahanan. “All right, I’m done,” sabi niya, saka kami hinawakan ni Saydie sa balikat.

Tila may puwersang nagtulak sa katawan namin at sa isang kurap, napunta kami sa condo unit ko. Binuhat ko si Saydie at dinala sa kuwarto. Inihiga ko siya sa kama at susuriin ko sana ang kanyang sugat pero nawala na lang ito bigla. 

“Let her rest, human. It will take time for her mortal body to heal. Do her a favor and do not leave her side,” sabi ni Reeve bago bigla na lang naglaho.

Jeez! He said he was gonna help her. Akala ko pagagalingin niya si Saydie, `yon pala ihahatid lang kami. I guess I have to tend to her. But I’ll be glad to do it. She sacrificed herself for me not just once but many times now. This is the least that I can do. 

Inayos ko ang pagkakahiga ni Saydie sa kama. Ipinatong ko sa unan ang kanyang ulo at minabuting kumutan na siya. I knew she would be mad if I did something about her clothes so better leave it as it is for now. Baka kung saan na naman niya ako ihagis o itulak. Pero sa totoo lang, wala na akong pakialam kung ano’ng mangyari sa ‘kin. Kung mamatay ako nang maaga o sa nakatakdang panahon. Kahit pinatawad na ako ni Paula, hindi pa rin maaalis sa isip ko na pinatay niya ang sarili niya dahil sa ‘kin. At maraming babae ang nasaktan ko ang damdamin. 

Lumabas ako ng kwarto matapos magpalit ng damit. Nahiga ako sa sofa at naisip na tawagan si Kylie. Agad naman niya itong sinagot.

“Hi, Kuya Van! Napatawag ka?” 

“Hi, Kylie. I just... miss my little sister. Kumusta ka? Nasaan ka ngayon?” 

“Oh, I miss you, too, Kuya. I’m at the office. It’s working hours right now,” sagot ni Kylie sa kabilang linya. “Bakit hindi ka pa natutulog?” 

Napatingin ako sa wall clock at nakitang twelve midnight na pala. “I, uh... I can’t sleep. Do you have a minute?” 

“Sure, Kuya. Bakit? May problema ka ba? You sound sad,” sagot ni Kylie sa nag-aalalang tono.

“Not really. But I just want to ask... Masama ba akong kuya?” 

Tumawa siya nang marahan sa kabilang linya. “Kuya, are you drunk? Nagda-drama ka, eh. But of course not. Ikaw nga ang pinaka-da best na kuya, eh.” 
“I see... thanks, Kylie.” Hearing my little sister’s voice and flatterings should have made me happy but it made me feel worse. Mahal na mahal ako ng kapatid ko pero sa klase ng pagkatao ko, mukhang hindi ko deserve ito. 

“What’s wrong, Kuya? May problema ka ba sa babae?” 

“Wala, Kylie. That’s all. Mag-iingat ka palagi at tandaan mo na mahal na mahal ka ng kuya mo.”

“I know. Thanks, Kuya! Have a good sleep.” 

Pinatay ko na ang tawag at natulala na lang ako sa kisame. Iniisip ko ang lahat ng nangyari kanina. Pumasok din sa isip ko ang mga panahong masaya ako pero hindi ko alam na may mga nasaktan ako. Dahil doon, nakabuo ako ng desisyon. Habang may oras pa ko, itatama ko ang mga pagkakamali ko.



UMAGA na pero gising pa rin ang diwa ko. Halos hindi ako nakatulog sa kakaisip at sa kakasisi sa aking sarili. Pumasok ako sa kuwarto at nakitang tulog pa rin si Saydie. She needed to eat to gain strength again, I should wake her up. 

“Saydie?” 

Tinapik-tapik ko ang braso niya. Ilang saglit pa, bigla siyang nagising. Napalunok ako at agad na umatras.

Saydie’s eyes locked onto mine. No rage. Just… silence. And for some reason, that scared me even more.

Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko nagising ko ang isang natutulog na tigre? Come to think of it, hindi pa ko lusot sa nagawang kong pagtatago sa kanya. Sigurado galit siya. Ano kayang gagawin niya sa ‘kin? Patay ako!


NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly