DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 16

☆

6/30/2025

Comments

 

Grims do fall in love: till death do us part

SAYDIE


MABUTI na lang at hindi ko pa nababasag ang crystal nang muli kong maramdaman kung nasaan si Van. Muntik na ‘yon. Akala ko talaga patay na siya. Ano man ang dahilan kung paanong bigla ko uli siyang naramdaman—ang mahalaga may pag-asa pa. Tuwang-tuwa pa siya dahil nandito na ako para iligtas siya.

“You guys are so screwed! Go, Saydie! Upakan mo ang mga `yan!” Napangiti ako sa sinabi ni Van bago ko isa-isang tiningnan ang apat na kalaban na mukhang vengeful spirits lahat. 

Nanlilisik ang mga mata nila habang nakatingin sa akin. I wondered if they were all here to seek revenge on Van. 

“Get lost, Grim Reaper! I will claim my vengeance!” Namukhaan ko ang nagsalita. Siya `yong kaibigan ni Van, si Kobe. Mukhang siya ang sinapian ng pinaka-kalaban.

And if they were all possessed... I couldn’t just kill them. I had to force the hidden souls out first—which meant I had to land a hit on each of them. But I knew they’d fight back. I’d have to blind them first. Then, I had to get Van out of here. 

“You picked the wrong soul to take. His soul is mine,” sagot ko at ibinuwelo ang patalim ng sandata ko para sa isang malakas na pagtaga. 

Bigla namang may isa pang pumasok sa kuwarto kaya naging lima na ang mga kalaban. They positioned themselves in a reverse V shape. Dahil doon, nakabuo ako ng plano na isa-isahin sila nang mabilis at pa-zigzag. 

Stupid vengeful spirits... they made themselves an easy target. 

They all hissed like wild animals. 

“Kill her!” sigaw ni Kobe. Bago pa man sila makahakbang, ubod-lakas ko na inihataw ang aking sandata sa harapan. Lumikha iyon ng malakas na pag-ihip ng hangin na dahilan para mapahinto sila at mapapikit. 

Itinarak ko sa sahig ang patalim ng Death Scythe at nag-warp agad sa pinakamalapit na kalaban sa gawing kanan. Dahil malaki siya, sinuntok ko siya sa sikmura, saka nag-warp uli palayo. 

Sunod ay lumitaw ako sa harap ng lalaking nasa gawing kaliwa ko. Sinuntok ko siya sa mukha at bago pa man lumapag sa lupa ang mga paa ko, agad akong nag-warp uli. Lumitaw ako sa likod ng ikatlong lalaki na nasa likuran ng sinuntok ko sa sikmura. Mabilis ko naman siyang sinuntok nang malakas sa likod. At para mabilis ko silang maubos, hindi ako nag-aksaya ng kahit isang segundo. 

Nag-warp ako sa itaas ng lalaking nasa likod naman ng kalabang sinuntok ko sa mukha. Habang nasa ere, sinuntok ko siya sa bumbunan. At sa huli kong pag-warp, lumitaw naman ako sa harap ni Kobe. 

Pero nakita niya ang pagsulpot ko, kaya binigyan niya ako ng isang right hook. Inasahan ko iyon kaya mabilis akong yumuko at nakaiwas. Binigyan ko siya ng right uppercut kaya tumalsik siya hanggang sa kisame. 

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at sinubukang abutin si Van kahit hindi ko alam kung saan ko siya mahahawakan dahil nakatingin ako sa kalaban. Hanggang sa may nakapa akong mahaba... at matigas. 

Nang tingnan ko siya, nakahawak na pala ako... sa braso niya. Inisip ko agad na mag-warp papunta sa condo unit. Pero nang igala ko ang tingin sa paligid, napunta lang kami sa puwesto ko kanina kung saan ko iniwan ang Death Scythe ko. 

“Uhm... Saydie... I think it's best if you teleport us back to my place. We’ll be safer there,” sabi ni Van. 

It was my intention but my warping suddenly malfunctioned. Hindi ko na lang siya sinagot. Bumaling ako sa kanya at ginamit ang lakas ko para punitin ang mga gapos niya sa braso’t paa. 

“Thanks, Saydie. Mabuti na lang at dumating ka,” sabi ni Van nang makatayo siya habang minamasahe ang mga braso. Pero bigla na lang siyang natigilan at nanlalaki ang mga mata habang deretso ang tingin sa likod ko. 

“S-Saydie... w-what are those?” Itinuro niya ang mga kalaban kaya bumaling ako doon. 

Nawalan ng malay ang mga kalabang napabagsak ko pero may lumalabas na puting usok sa mga katawan nila. 

“What have you done to them? Bakit umuusok sila?” takot na takot na tanong ni Van. 

“Shut up!” saway ko. “They’re coming out.” 

“W-what’s coming out?” 

Ang mga puting usok ay nagpormang kalansay. Ang kanang kamay nila ay kasinlaki ng aking katawan. Pagkatapos, nagkaroon sila ng ripped cloak na kulay-puti rin. Ang mga daliri nila sa kanang kamay ay nagkaroon ng mga kuko na parang patalim. `Singhaba ang mga iyon ng katana. Ang kanilang mga ulo ay napuno ng dugo maliban sa isa—ang vengeful spirit na lumabas sa katawan ni Kobe. Malalaki ang magkabilang kamay niya at may matutulis na kuko na parang patalim din. Isa siyang babae na may blangkong ekspresyon sa mukha at tuwid ang itim at mahabang buhok. Bakante ang eye sockets niya pero lumuluha iyon ng dugo. Mas malaki siya kumpara sa mga kasama niya at natatandaan ko siya. 

She defeated me before but this time I’d be more careful. 

Maybe the reason I couldn’t warp away was because I had to defeat them all. Only then could I finally end the greatest threat to Van Kyle Chua’s soul. But deep down, I wasn’t sure I could win—especially without Master Reeve. I’d tried calling for him before I even got here, but there’d been no response.

“Saydie, ngayon na! Dapat tumakas na tayo! Mga halimaw na sila!” 

Napapasigaw na sa takot si Van. Hindi ko siya pinansin at binuhat ko ang aking sandata. 

Pero nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang maramdamang may pumulupot sa aking baywang at tiyan. May kung anong mainit na dumampi sa buong likod ko. 

“Saydie, let’s go. Gamitin mo uli ang teleport or instant transmission mo na parang kay Goku. Tumakas na tayo dito,” dinig kong sabi ni Van. Sobrang lapit ng bibig niya sa akin.
 
Nagpumiglas ako pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. “Saydie, stop! Don’t fight them. You... you might get hurt and I’ve seen enough people getting hurt. So please... let’s just go.” 

Natigilan ako at nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso kasabay ng pag-iinit ng mga pisngi ko at paglakas ng tibok ng puso ko. Pero bumalik sa realidad ang diwa ko nang sumigaw ang limang vengeful spirit na parang mga halimaw. Nagtipon-tipon sila at malapit nang umatake para pabagsakin ako. 

“Van...” Nilingon ko siya nang may bahagyang ngiti sa mga labi. “...let go. Their souls have suffered enough. Kailangan na silang maihatid sa kabilang buhay at ako lang ang makakagawa n’on.” 

Bumitaw naman siya at umatras. “O-okay. Basta... mag-ingat ka.” 

Tumango ako. “Find a place to hide and please... do as you're told. Don’t come out until I’ve vanquished them and don’t ever try to escape.” 

Tumango naman siya habang seryoso ang mukha. “I will. Thank you, Saydie.” 

Bumaling ako sa mga kalaban nang marinig ang nagmamadaling mga yabag ni Van papalayo. Itinuro ng babaeng vengeful spirit ang direksiyon ko at nag-growl na parang isang halimaw. Sumunod naman sa utos ang dalawang vengeful spirit at mabilis silang bumulusok papunta sa akin. Agad ko namang iniangat ang sandata ko at naghanda sa isang mabilis at malakas na pag-atake. 

Nang makita kong sapat na ang distansiya nilang dalawa, inihataw ko ang aking sandata. Pero tumarak lang sa lupa ang patalim ng sandata ko nang bigla silang maghiwalay. 

Naghanda ako para dumepensa mula sa atake nila pero nilampasan lang nila ako. Agad akong kinutuban na aatakihin nila si Van kaya binunot ko agad ang aking sandata. Sinundan ko sila at hiniwa pahalang. Tinamaan sila at nahiwa sa kalahati. Pareho silang nagliyab at naglaho. 

Ipinatong ko sa balikat ang aking Death Scythe at humarap sa tatlong natitirang kalaban. Only the leader remains.

“I told you earlier you can’t have him. You’re gonna get through me first.” 

The lady vengeful spirit hissed. “So be it, Grim Reaper! The two of you will die together!” 

Magkasabay akong sinugod ng dalawa niyang alagad gamit ang kanang kamay nilang may matutulis na patalim bilang kuko. Sa bilis nila, hindi ko na nagawang paikutin ang aking sandata para i-repel sila—sa halip, ginamit ko na lang ang hawakan nito bilang panangga. 

Muli nilang ibinuwelo ang mga kuko para atakihin ako pero bago pa man ako tamaan, nag-warp ako isang metro ang layo mula sa likod nila. Ibinuwelo ko ang patalim ng aking sandata at pahalang na inihataw sa kanila. 

Tinamaan ang isang kalaban na agad napugutan ng ulo pero ang isa ay nakailag. Sumugod ito sa akin nang mabilis. Nawalan naman ako ng oras para ihanda ang sandata ko dahil sa haba at laki nito kaya lumiyad na lang ako para ilagan ang atake. Ang mga kuko niya ay dumaan sa harap ng mukha ko.

Dumeretso ako ng tayo nang maiwasan iyon. Pero agad akong napapikit nang may kung anong matigas na tumama sa mukha ko. 

Napaatras ako nang tatlong hakbang. Sinubukan kong dumilat pero agad akong napapikit dahil parang nakuryente ang ulo ko sa sakit. Ipinilig-pilig ko ang aking ulo at muling dumilat. Pagtingin ko, nasa harap ko na ang kalaban.

Inatake ako nito at sinalag ko iyon gamit ang mga braso kaya binitawan ko ang aking sandata. Agad akong nag-warp palayo. Bigla akong nakaramdam ng hapdi sa kaliwang braso ko na parang sinunog. Pagtingin ko, nagdurugo na ito at may tatlong mahahabang sugat. Nakalmot pala ako ng kalaban. 

Hindi pa man ako nakakabawi, nakita ko agad ang kalaban na papasugod sa akin. Agad ko namang itinapat ang palad ko sa kanya at pinalabas ang Death Shackles. Inutusan ko ang lubid na pigilan ang kalaban at agad naman itong napuluputan nang mabilis. 

Tiniis ko ang hapdi sa braso ko at nag-warp kung nasaan ang sandata ko. I picked up my Death Scythe and warped again over the enemy’s head. Mabilis kong pinaikot nang tatlong beses sa ere ang aking sandata, saka tinaga ang kalaban. Nahati sa gitna ang katawan niya. Nagliyab siya at naglaho. 

Nanghina ako sa ginawa ko at naghabol ng hininga. I was about to turn to the last enemy when I suddenly felt sharp blades cut into my back, like a gust of wind made of razors. It burned right away, and before I knew it, I was on the floor, lying on my back and barely able to move.

“Saydie!” dinig kong sigaw ni Van. 

Nag-angat ako ng ulo at nakitang tumatakbo siya papalapit sa akin. Sinubukan ko siyang pigilan kahit nauubusan na ako ng lakas at namimigat na ang mga mata ko sa hapdi ng likod ko. 

“Van... no! Stay... away!” 

Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa bibig ko at tumulo iyon sa mga labi ko. Napahinto si Van sa paglapit. Nakatingin lang siya sa akin at tila nanginginig. 

“Bakit mo siya tinutulungan? Bakit mo itinataya ang sarili mo para sa kanya? Hindi mo ba alam na masamang tao `yan?” dinig kong tanong ng isang boses ng babae na galit na galit. Tinig na mukhang nanggagaling sa vengeful spirit. “Manloloko siya! Wala siyang pakialam sa iba kundi ang sarili lang niya! Dapat siyang mamatay!” 

“He will... die... but not... tonight. All souls... have the right... to be judged... equally... by... the... Death Lord,” hirap kong sagot. Parang lalo akong nanghihina at bumibigat na ang mga mata ko. “And he... he’s helping... me feel... what it... feels like... to be... a human.” 

I won’t die with this wound but if my mortal body passes out... there won’t be anything between the vengeful spirit and Van. I have to... get up. 

“Ang pagiging tao ay hindi maganda. Sa una lang masaya, puro pighati at paghihirap lang. At kapag minalas ka pa... makakatagpo ka ng isang masamang tao na katulad ni Van Kyle Chua,” sagot ng vengeful spirit. 

Itinukod ko ang aking sandata para sana makatayo. Nagawa kong lumuhod pero biglang bumigay ang mga binti ko. 

“Saydie!” dinig kong tawag ni Van pero agad ko siyang sinenyasang huminto. 

“Give up, Grim Reaper. Let me kill him and stop the suffering for both of us,” sabi ng vengeful spirit. 

Kahit nanginginig ang mga binti at wala nang lakas ang buong katawan ko, nagawa kong tumayo habang ginagawang tukod ang aking sandata. 

“You’re... gonna... get through me... first,” hamon ko. 

“So be it,” sagot ng vengeful spirit. Napatingala ako nang itaas niya ang mga kamay. 

Bumubuwelo siya para atakihin ako. Death Lord... please... lend me strength. 

“Paula, stop!” biglang sigaw ni Van. 

Bubuhatin ko sana ang aking sandata para bumuwelo’t hiwain ang kalaban—pero bumigat ito kaya napaluhod ako. Hanggang sa tila hindi ko na maramdaman ang buo kong katawan. 

“That’s enough, Paula! Ako ang pakay mo, hindi ba? Lumapit ka sa akin!” dagdag pa ni Van. 

“Van... stop. Tumakas ka na. Tumakbo ka na. She can’t... kill me,” sabi ko bago tuluyang bumagsak sa sahig. 

“I had enough people getting hurt for me. So if you want to hurt someone, hurt me instead. Kung gusto mo, patayin mo na rin ako. Kung `yan ang paraan para matahimik ang kaluluwa mo!” sabi ni Van. Kita sa mga mata niya na seryoso siya.

Gumalaw ang vengeful spirit papunta kay Van. Sinubukan ko itong hawakan pero parang papel lang na nalanta ang kamay ko. Bumibigat pa ang mga mata ko. 

Van... don’t do it... run! Those were the words I wanted to say but even my tongue couldn’t find its way. It seemed there was something in her claws that immobilized me. 

“I’m sorry, Saydie. I have done enough damage to this woman. She has every right to kill me,” sabi ni Van habang nakatingin sa akin. 

I can’t let this happen. I have to stand. I have to fight. I have to save his soul with all my might. Power of death... please be with me. 
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly