DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 14

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

SAYDIE

SAMPUNG minuto lang ang ibinigay ko kay Van pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Isang oras na ang lumipas. That loser... what could he and that detective be doing that was taking a lot of time? Higit sa lahat, bakit hindi ko na naman siya maramdaman? Pati ang warping ko, hindi gumagana. This human body... it seemed it was making my powers come and go. 

Tila umakyat ang dugo ko papunta sa ulo. Naikuyom ko ang mga kamay ko. Pumikit ako at sinubukang magwarp hanggang sa bigla kong naramdaman ang tila pag-usod sa aking katawan. Pagmulat ko, nasa rooftop na ako ng condo. “At last,” bulong ko. 

Muli kong sinubukan na pakiramdaman si Van pero hindi pa rin gumagana ang abilidad kong `yon. If he was telling the truth, he said he’d be at the condo’s showroom. Tumayo ako sa dulo ng rootop at sinilip sa ibaba kung saan ako puwedeng mag-warp nang walang makakakita sa akin. Then I found an empty alley on the other side of the road. Nag-warp ako doon at tumawid papasok sa main entrance ng condo. 

Pagpasok sa lobby ng condo, luminga ako sa paligid para hanapin ang sinasabi niyang showroom. Hindi ko iyon makita kaya nilapitan ko ang isang babae na nasa likod ng isang raised counter. 

“Good morning! My name is Leivy. How can I help you?” bungad niya sa akin habang nakangiti. 

“Where is the showroom?” 

“Left side po, Ma’am. Dire-diretso lang po `tapos sa huling pinto,” sagot niya habang nakaturo sa kaliwa. 

Pinuntahan ko ang sinabi niyang kuwarto, pero pagpasok ko, wala namang tao. 

That loser. Where could he be? 

Lumabas ako ng showroom at natanaw ko mula doon ang babae kanina. Maybe the human girl knows. Bumalik ako sa babae na nakangiti pa rin. 

“Hi, Ma’am! Would you like our sales staff to help you in our showroom?” 

“Where is Van Kyle Chua?” Mukhang nagulat siya sa tanong ko kaya nawala ang ngiti sa mga labi niya. 

“S-Si Mr. Chua po ba?” Paglinaw niya.

Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya. 

“Uhm... parang nakita ko po siya kanina, eh. But I think it was an hour ago. Baka po nasa unit niya na po siya,” sabi niya.

“He’s not there. Lumabas ba siya?” 

“H-hindi ko po sigurado, eh.” 

Napabuntong-hininga ako. 

Masama ito. Baka may nangyari na sa kanyang masama. Maybe that detective he was talking about was the vengeful spirit. But what should I do if I can’t feel where he is? 

Bumalik ako sa empty alley at doon nag-warp pabalik sa rooftop. I sat on the ledge and closed my eyes. Then I thought about his face. 

“Saydie.” 

Agad akong dumilat nang marinig ang boses ni Master Reeve. 

“Master Reeve.” 

“What are you doing up here? Bakit wala ka sa tabi ng binabantayan mong kaluluwa?” 

“He’s been missing for an hour now, Master. I’ve been trying to sense where he is.” 

“Mukhang pati ang abilidad mong iyon ay wala na. Tama ba?” 

Tumayo ako at umiling. “Not really, Master. I’m not sure but it seems that my power comes and goes. Do you remember when I said that I lost my strength yesterday? Well, it came back yesterday when we were threatened by humans.” 

“Threatened by humans?! What did you do to address that threat?” tanong niya at tumalikod sa akin. 

“I hurt them, Master.” 

“You hurt them?” 

Tumango ako. 

“What have you done, Saydie? You know that Grim Reapers are not allowed to hurt humans.”
“But I am not a Grim Reaper right now, Master.” 

Humarap siya sa akin. He nodded and pursed his lips. “Fair enough. But are you certain your powers are just malfunctioning? Not... fading?”

“It seems so, Master.” 

“Very well then. But bear in mind that it could be just another side effect.” 

“Yes, Master. Babalik na ako sa paghahanap kay Van,” sagot ko. 

“All right, Saydie. I’ll take my leave. May the power of death be with you.” 

“As it was and ever shall be.” 

Muli akong umupo sa sahig nang maglaho si Master Reeve. Pumikit ako at muling sinubukang pakiramdaman kung nasaan si Van. 





THREE hours passed and I still couldn’t feel where Van was. Itinigil ko na ang pagsubok at nag-warp na ako kung saan-saan para hanapin siya. 

I have a feeling that the vengeful spirit took him. It’s making me uneasy. I hope that’s not the case. He might be annoying but he was helping me feel what it was like to be a human. More importantly, he’s my key to be reincarnated. 

I found another alley and stopped for a moment. Nakaramdam ako ng pagkahingal dahil sa sunod-sunod na pagwa-warp. May kapangyarihan nga ako pero napapagod ang katawan ko. 

Ganito pala ang pagiging tao. It felt... more alive. 

“Batee! Bumalik ka dito!” 

Napalingon ako sa narinig kong boses. Nakita ko ang isang ale na hinahabol ang kanyang aso na papunta sa direksiyon ko. Nang makalapit ang aso sa akin, tinahulan ako nito nang malakas. Tiningnan ko ito sa mga mata. Bigla itong umiyak na tila takot hanggang sa inihiga niya sa sahig ang buong katawan.

“Ikaw talagang aso ka! Pinapahirapan mo ako!” sabi ng babae nang makalapit. Nilagyan niya ng kadena sa leeg ang aso at bumaling sa akin. “Pasensiya ka na, Miss. Pasaway kasi ang aso na `to. Palaging tumatakas. Nakagat ka ba?” 

Umiling ako. 

“Mabuti na lang. Sige,” paalam niya at umalis na sila. Hindi ko alam kung bakit pero para bang dumikit sa isip ko ang salitang “tumakas” at bigla kong naisip na... Hindi kaya tinakasan ako ni Van kaya hindi ko siya makita? Pero paano? 

Napakuyom ako ng kamay at nag-warp sa rooftop ng isang mataas na building. Kung tumakas ang lalaking `yon, saan naman kaya siya pupunta? 

Inisip kong mabuti kung saan ko makikita si Van. Hindi na ako dapat magwarp na lang nang mag-warp dahil puwedeng bumigay ang katawan ko. 

“Van Kyle Chua... where are you?” bulong ko. 

Pinagmasdan ko ang buong siyudad habang dumadampi sa akin ang malamig na hangin. Ilang saglit pa, naisip kong mag-warp sa mga lugar kung saan ko siya natagpuan at nakasama. 

Inuna ko ang condo unit pero wala pa rin siya doon. Sunod kong pinuntahan ang kainan kung saan ko siya nakitang kumakain noon pero wala rin. Nag-warp ako malapit sa bowling center at pumasok sa loob. Hinanap ko siya sa paligid pero wala. Kahit ang kalbo niyang kaibigan ay wala. Pinuntahan ko rin ang mga kinainan at nilakaran namin. 

Those places reminded me of the times we were together, and I didn’t even know why. But instead of feeling angry, I just found myself growing more… worried.

Ang huli kong pinuntahan ay ang itim na bahay kung saan niya ako niyakap. 

What’s wrong with my mind? Why do I keep seeing images of me and Van? 

Kakatukin ko sana ang pinto pero bago pa man lumapat ang kamay ko, bigla itong bumukas. 

Isang matandang babae na nakaupo sa isang rocking chair ang tumambad sa akin. 

“Saydie. Inaasahan talaga kita. Tuloy ka.” 

“Sino ka? Bakit mo ako kilala?” tanong ko.

Ngumiti siya at nakita ko ang mga kulang-kulang niyang ngipin. “Kilala ko ang lahat ng Grims kahit pa ang tinatawag ninyong... Death Lord.” 

Biglang sumara ang pinto nang pumasok ako sa loob ng bahay. 

“Paanong kilala mo kaming lahat pati na rin ang Death Lord?” 

Tumawa siya at iniugoy ang rocking chair. “Hindi na mahalaga. Ang mahalaga ay ang malaman mo na si Van Kyle Chua ay nasa kamay na ng vengeful spirit na gustong gumanti sa kanya.” 

“P-paano mo nalaman? Nasaan siya?” 

“Iyan ang hindi ko alam. Ang alam ko lang... mauubos na ang oras mo kaya kung ako sa `yo, humayo ka at maghanap,” sagot niya. 

Hindi ko na kinuwestiyon kung totoo ba ang sinasabi ng matanda dahil sa mga bagay na alam niya tungkol sa akin. Lumabas ako ng bahay at agad na nag-warp. Kung ano o sino man siya, wala akong pakialam at ang tanging gusto ko lang gawin ay hanapin si Van, lalo na ngayong nasa panganib na siya. 


​

INABUTAN na ako ng paglalim ng gabi, pero hindi ko pa rin makita si Van. Naubos ko na rin ang aking lakas sa kaka-warp sa buong siyudad at mga kalapit na siyudad. Nakatukod na ako sa sahig ng isang rooftop at hinahabol ang aking hininga. 

“Master... Reeve,” hirap kong sabi. 

Agad naman siyang dumating. “Saydie, what happened?” 

Umiling ako at tumingin sa kanya. “Hindi ko pa rin siya makita. I need your help, Master! Maybe you’ll be able to sense him.” 

“I’m sorry, Saydie. Hindi naka-assign sa akin ang soul niya kaya wala kaming koneksiyon para maramdaman ko siya.” 

Nanghina ako sa sinabi ni Master Reeve at natulala na lang sa sahig. Bumigat ang aking pakiramdam.

“Just wait for him to come back, Saydie. You’re exhausting your mortal body,” sabi niya. Umiling ako. 

“I can’t. May nakapagsabi sa akin na hawak na siya ng vengeful spirit at pakiramdam ko, tama siya.” 

“You sound really worried and uneasy. Sino naman ang nagsabi sa `yo n’on?” 

“An old woman. She seems to know all. Kahit ang tungkol sa ating mga Grims alam niya,” sagot ko. 

“An old woman, huh? And she seems to know all? Well... if she’s right your killer’s soul must’ve been dead by now. Hindi mag-aaksaya ng panahon ang vengeful spirit na hindi patayin ang kanyang pakay sa mundong ito.” 
Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang mga labi. Patay na nga kaya si Van? Nabigo na nga ba ako sa challenge ni Death Lord? 

“Saydie... saan matatagpuan ang matandang sinasabi mo?” 

Hindi ko pinansin ang tanong ni Master Reeve. Ang tanging nasa isip ko ay ang pagkabigo ko sa pagsubok at ang pagkabigo ko na bigyan ng patas na hatol ang kaluluwa ni Van. Kumikirot ang dibdib ko sa isiping iyon. 

“Some other time then. Saydie, don’t worry too much if you failed this time. You can try again and collect 9999 killer souls. Return to being a Grim Reaper and come back with me to the Death Collector’s Society.”

“Go on, Master. Let me have a moment as a human to think about my mistakes. Susunod na lang ako.” 

“Very well then. I have to take my leave. I am being summoned by the Death Lord.” 

Tumango ako at nanatiling nakatulala sa sahig. 

“See you later, Saydie. I’m sorry that the power of death wasn’t with you this time.” 

Napatingin ako kay Master Reeve pero mabilis siyang nawala. Then I sat on the edge of the rooftop thinking about my days as a human. I remembered the ice cream and all the food. Even the clothes. At ang imahe na pinakapumapasok sa isip ko ay ang mukha ni Van. I felt sorry for his soul. Killer soul siya hindi dahil pumatay siya kundi dahil may napatay siya ng hindi naman niya kagustuhan at mukhang hindi pa niya alam. It wasn’t fair for him. 

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kalangitan na puno ng mga bituin. Hinawakan ko ang crystal cube na kasinlaki ng mata. Kapag sinira ko ito, babalik na ako sa pagiging Grim Reaper. Hindi na ko muli magiging tao.  

Van Kyle Chua... Thank you for helping me experience what it’s like to be a human. And I’m sorry for your soul. This is my last day, too... as a human.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly