DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 13

☆

6/30/2025

Comments

 

​Grims do fall in love: till death do us part

VAN

WHAT the hell? Did I really go too far for Clarice to do this right now? Nag-arkila pa talaga siya ng limang goons para ipabugbog ako. `Buti na lang at nasa car park kami ng mall. Secured ang lugar. All I needed to do was  to call the guards. 

“Guard! Guard!” sigaw ko. “We have an emergency here!” 

“That’s pointless, Van. Nasuhulan ko na ang security dito. Alam mo naman kung gaano kayaman ang pamilya ko, ‘di ba? Now, I will see you scream in pain together with your girlfriend,” sabi ni Clarice. 

Papalapit nang papalapit sa akin ang mga goons nang biglang pumunta sa harap ko si Saydie. 

“Van, ito ang dahilan kung bakit ko gustong pumunta sa sementeryo. I was trying to lure the enemy out. And I think she’s the enemy. This time, stay there and do nothing if you don’t want to die today.” 

Napalunok ako sa sinabi ni Saydie. Umatras na lang ako at hinayaan siya. Siguro naman kaya niya `yong mga kalaban dahil hindi siya tao. Ako nga inihagis-hagis lang niya, eh. 

“Pati `yang babaeng `yan bugbugin ninyo, ah!” utos pa ni Clarice sa mga tauhan niya. 

“Stupid humans,” dinig kong bulong ni Saydie. 

Sumugod kay Saydie ang nasa unahang lalaki na pinakamalaki sa mga goons. Kasinlaki na ng hita ko ang mga braso niya. Susunggaban sana niya si Saydie pero bigla itong nawala. 

“Anak ng!” 

Hinanap ko si Saydie sa paligid. Nandoon siya sa likod ng isa pang lalaki na nasa may hulihan sa gawing kaliwa. 

What the... She’s showing them her powers? 

Hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang lalaki na humarap kay Saydie. Sinipa ito ni Saydie sa tagiliran at tumalsik pa sa katabing goons kaya nagkabanggaan sila. 

“Paanong?” gulat na sabi ng sinipang lalaki. 

Nabaling ang atensiyon nilang lahat kay Saydie. Kalmadong-kalmado ang hitsura niya na parang wala lang sa kanya ang ginawa. 

Ang... Ang astig niya. 

Muli siyang sinugod ng isa sa mga lalaki pero bigla uli siyang naglaho. Mayamaya, lumitaw siya sa harap ng lalaki na nasa bandang kanan at malapit sa akin. Nagulat ito at napaatras pero mabilis si Saydie. Yumuko siya at sinuntok sa sikmura ang kalaban. `Tapos, sinundan pa niya ng uppercut sa baba nito. Tumba ang lalaki sa sahig. 

Whoa! Kung hindi ko alam na nagte-teleport si Saydie, iisipin ko na sobrang bilis lang niyang tumakbo. Ang bilis niyang kumilos at ang lakas pa. Kung tutuusin, nagmukha siyang kinder sa laki ng mga kalaban. Pero kayang-kaya niya sila. Grabe! Para akong nanonood ng sci-fi movie. 

Hindi na nagbigay ng pagkakataon si Saydie na makaatake pa ang mga kalaban. Muli siyang naglaho at biglang lumitaw sa itaas ng lalaki sa kaliwa. Napatingala ang lalaki pero tinapak-tapakan siya ni Saydie sa mukha na parang nagmamartsa hanggang sa natumba ito sa sahig. Napansin ko ang isa pang goon na malapit sa kanya. Nakaumang ang kamao na sinugod niya si Saydie. 

“Saydie, look out!” babala ko. 

Kahit hindi nakatingin, nasalo ng kaliwang kamay ni Saydie ang suntok ng goon. Napanganga ako at napadilat nang sobra. Ganoon din ang reaksiyon ng lalaking sumugod sa kanya na para bang hindi rin ito makapaniwala. Binalingan ito ni Saydie at mabilis na binigyan ng suntok sa mukha gamit ang kanan niyang kamao. Binitawan niya ang lalaki na parang lantang gulay na natumba sa sahig.

Yes! Four down, one to go. 

Tatayo na sana ang lalaking nabagsakan ng kasama nito kanina, pero biglang lumitaw si Saydie sa harap nito at tinadyakan sa dibdib. Tumalsik ito at tumama ang likod sa isang kotse. Tumunog ang alarm ng kotse at nabalot  ng nakakarinding ingay ang paligid. 

Ang bilis ng mga pangyayari. Pagtingin ko sa paligid, bagsak na ang lahat ng kalaban at maging si Clarice ay takot na takot na napaupo sa sahig. Pinuntahan ito ni Saydie at binuhat sa kuwelyo ng damit. Kinutuban ako na baka pati si Clarice ay saktan niya.

 “Saydie, `wag!” 

Agad akong lumapit para pigilan siya. 

“Come out, vengeful spirit! Or I will kill you together with this body,” banta ni Saydie kay Clarice habang nakaamba ng suntok. 
“Mommy! Daddy!” sigaw ni Clarice at nagsimulang humagulhol. 

“Saydie, stop! Tama na!” saway ko at hinawakan ang braso niyang nakahawak sa kuwelyo ni Clarice. 

“Listen to me, stupid human! If I’ll see you near Van again, I will drag you down and throw you to the fiery  pits of hell,” banta ni Saydie bago binitawan si Clarice. 

Paupong bumagsak ito sa sahig at mayamaya ay umiiyak  na tumakbo palayo sa amin habang sumisigaw. “Mommy! Daddy!” 

“Jeez! Saydie, that was too much. Nagpakita ka pa ng powers sa kanila.” 

“No one will believe them,” malamig niyang sagot at naglakad papunta sa kotse ko na parang walang nangyari. “Let’s go.” 

Napakamot na lang ako sa ulo bago siya sinundan. Sumakay kami sa kotse. Ako ang nagmamaneho habang nasa passenger seat siya. Minabuti kong umalis agad sa lugar dahil baka lalo pang gumulo ang sitwasyon kapag natagpuan ng mga awtoridad ang mga walang malay na goons. 

“Saydie, ang galing mo kanina, ah. Halos walang nagawa sa `yo `yong mga goons,” sabi ko habang nagmamaneho. Hindi siya sumagot pero pagsulyap ko sa kanya, nakita kong nakangiti siya. “By the way, you said those enemies were the reason you wanted us to go to a cemetery and you were trying to lure them out. Since natalo na natin sila, does that mean I’m safe from any threat now?” 

“I’m not sure. But don’t forget you’ll die soon so you’re not really safe.” 

Speechless ako. Parang hindi mahanap ng dila ko ang sasabihin. Jeez! Ang harsh talaga ng babaeng `to.  Magmamaneho na nga lang ako. 

Pero siguro sinasabi lang niya `yon para hindi ako gumawa ng kung ano. Come to think of it, naiinis siya kapag lumalabas ako nang hindi ko siya kasama. Which meant she was worried that something might happen to me. That I might end up dying earlier than the date she said. 

Bakit kaya importante sa kanya na mamatay ako sa nakatakdang  panahon na `yon kung kaluluwa ko lang din naman pala ang makikinabang dahil magkakaroon ako ng pantay na  paghuhusga? 

Pero bahala siya. Gusto kong mabuhay at gagawin ko ang lahat ng paraan. Kailangan kong subukan  `yong anting-anting ng detective na iyon. Kailangang makipagkita uli ako sa kanya bukas. 

“Siya nga pala, Saydie. Makikipagkita raw uli sa akin `yong detective bukas. Doon lang uli sa ibaba ng condo.” Hindi siya sumagot at nanatiling deretso lang ang tingin niya. I guess that’s a yes? 

“So, uhm... Sa’n na tayo pupunta? Sa sementeryo pa rin ba?” tanong ko habang nagmamaneho sa gitna ng ma traffic na daan. 

“No. Let’s go to your place and stay there.” 

“What? Akala ko ba maghapon tayo sa labas?” Sumulyap ako sa kanya at nakita ko na naman ang mukha niyang walang emosyon na kaunti na lang makakabisado ko na. Jeez! Lagi na kaming magkasama. Miss ko nang mag-party. 

“Change of plans.” 

“Change of— Jeez! Okay sige. Wala naman akong magagawa kapag ikaw nagsabi, eh.” 

Ang labo ni Saydie. Akala ko, maghapon kami dito sa labas, `tapos ngayon sa bahay na lang uli. For sure,  I’ll get bored doing it. Or maybe... maybe there’s no threat anymore. Kaya gusto niyang sa bahay lang kami kasi madadalian siyang magbantay sa akin. That’s fine by me, lalo ko siyang maaakit doon kapag mas naging tao na siya. Pero susubukan ko muna `yong anting-anting ni Detective. Mas madali `yon kapag gumana. 





PAGDATING sa condo unit ko, nagmamadaling naglakad si Saydie papunta sa kuwarto ko.

 “Van, I’m taking your bed. Huwag kang papasok sa kwarto at huwag kang tatabi sa akin,” sabi niya bago tuluyang pumasok sa kwarto. 

“Saydie, wait!” Hindi niya ako pinansin at isinara na ang pinto. 

What the— wala akong palag doon, ah. Pasalamat siya nasa kanya ang susi para mabuhay ako. Saan naman ako matutulog nito? Sa sofa?

Makalipas ang ilang sandali, sinilip ko si Saydie sa kuwarto at nakitang natutulog siya. Siguro napagod siya sa pakikipaglaban kanina. I haven’t thanked her for protecting me. Kung wala siya, siguradong nabugbog ako at nasira ang pogi kong mukha. I guessed for that... I should stay at home tonight and let her rest. 

Jeez! I can’t believe na hihiga ako sa sofa dahil sa isang babae. 

I took my phone out from my pocket and opened it while lying on my cozy sofa chair. 

Tumambad sa akin ang  picture ni Saydie na kinuha ko kanina.

Hindi ko pala na-i-close ang gallery pagkatapos ko siyang picture-an. I must admit she was really pretty earlier— kaya napakuha ako ng picture. I had never done this before with my past girls. Wait! What am I saying? Am I starting to like her? No way!

Pati `yong kanina na hindi ako nakapagsalita dahil naka-bra at panty lang siya. Takot lang ako na baka kung ano ang gawin niya sa akin kapag nag-take advantage na naman ako.

Pero... the heck? Hindi man lang siya nahiya na gano’n lang ang suot  niya. Ibang klase. But what am I thinking? She’s a Grim Reaper and she’s here to take my soul. I should start taking things more seriously because I only have a couple of weeks to live. I should call that detective now and set up a meeting tomorrow while she’s asleep. 






THE NEXT day, pumayag si Saydie na makipagkita ako kay Detective Ignacio sa showroom ng condo. But I had to tell her that it’ll be just ten minutes. Mabuti na lang at hindi late itong si Detective. 

“Mr. Chua, good morning,” bati niya at nakipagkamay sa akin.
 
“Good morning, Detective. How’s the investigation?” 

“We’re still running the test para malaman kung kaninong dugo `yong nasa death threat letter. But why did you ask to meet me today? May death threat ka ba uli?” 

“W-wala naman, detective, pero gusto ko sanang tanggapin `yong offer mo na anting-anting. Tingin ko kasi,  mawawala `yong pangamba ko kapag meron ako niyan,” sagot ko. Kunwari ganoon pero gusto ko lang talagang i-try kung mapagtataguan ko si Saydie gamit iyon.
 
“Iyon lang pala. Oo naman, Mr. Chua. Mas kampante pa ako kapag suot mo ito. Mabisa kasi talaga `to, eh,”  sabi niya at hinubad ang suot na kuwintas, saka iniabot sa akin. “Heto, o. Isuot mo lang `to hanggang sa mahuli ko kung sino mang sira-ulo ang nagtatangka sa buhay mo.” 

Kinuha ko ang kuwintas at isinuot. “Salamat, Detective. I feel safer already,” nakangiti kong sabi. 

Ngumiti rin si Detective. “Wala `yon, Mr. Chua. May maitutulong pa ba ako?” 

“Wala sa ngayon, Detective. Salamat uli.” 

“Sige tawagan mo lang ako kung may impormasyon ka na sa tingin mo ay makakatulong sa imbestigasyon.” 

Tumango lang ako. Nagpaalam na siyang umalis. Ako naman, tumakbo papunta sa CR. It was time to test this talisman. Kapag hindi lumitaw si Saydie after two hours, it only means na may kung anong power nga ito at hindi niya ako mahahanap. All I had to do was to sit here and play with my phone. 





THE TWO hours of waiting game in the restroom— I realize that it was a stupid idea. May dalawang magkasunod kasing tumae sa kabilang cubicle kung saan ako nakaupo. Jeez! Grabe sobrang baho! Sana lang worth it ang ginawa ko.

Lumabas ako ng cubicle. Dahan-dahan akong lumabas ng CR at sinilip kung nasa labas si Saydie. Unti-unti kong binuksan ang pinto pero biglang may pumasok. Mabuti na lang at nailagan ko ang pinto. Kunot-noong  tumingin sa akin ang lalaking pumasok na nagtataka siguro kung bakit ako sumisilip. 

“What? Ano’ng problema mo?” maangas kong tanong. 

Hindi niya ako pinansin at nagmamadali nang pumasok sa cubicle. 

Jeez! Mukhang may tatae na naman dito. I need to get out at baka dumikit na sa akin ang mabahong amoy. 

Tuluyan akong lumabas ng CR at luminga-linga sa paligid. 

Ayos! Wala si Saydie. All I have to do now is to get away from here. 

Planado ko na ito. Hindi  ko dapat sakyan ang sasakyan ko dahil baka nag-aabang siya doon. I’ll book a ride-hailing instead. Tapos, pupunta ako sa bahay namin sa Manila para kunin ang isa ko pang kotse. Ayoko kasing nagpapa-drive sa iba.

Tagumpay akong nakasakay sa isang ride-hailing car service at wala ni isang bakas ni Saydie. Mukhang mabisa ang anting-anting.  Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Kobe habang nasa biyahe. 

“Van, ikaw pala. Saan ka?” sagot niya sa kabilang linya. 

“Dude! Bakasyon tayo sa malayo. Iyong may nightlife.”

“Sige ba. Nightlife ba at malayo? Gusto mo sa Cebu o sa Boracay?” 

“Boracay na lang para may mga foreigner na girls. Meet me at the airport in two hours.” 

“Sige.”

“Tayo lang, ah. Huwag kang magsasama ng pangit. Doon na lang tayo sa Bora humanap ng eabab,” sabi ko pa. 

“Okay, sure. Mamaya na lang,” sagot naman ni Kobe at nauna siyang nagbaba ng phone. 

Biglang nabaling sa paligid ang mga mata ko. Nasa kahabaan kami ng Divisoria, to be exact sa harap ng Lucky Chinatown Mall. Naalala ko si Mom. I couldn’t believe we used to own that mall because of her talent in business management. Sabi niya, nasa dugo raw talaga naming mga Chinoy iyon. Kung hindi lang sana ibinenta ng magaling  kong ama ang mall na `to, eh, di sana alam ng mga tao na si Janna Chua ang may-ari nito. 

Pagdating sa bahay namin, agad kong kinuha ang blue convertible sports car ko at nagmaneho papunta sa shopping mall. May oras pa kasi para bumili ng mga gamit ko sa bakasyon bago pumuntang airport. I parked my car in the basement. But right after I got out of the car, a white van stopped in front of me. 

Napakunot-noo ako pero hindi ko na lang pinansin iyon. Dumaan ako sa gilid nito. Paglampas ko sa van, narinig kong bumukas ang pinto. Gumawa iyon ng tunog na parang gumulong na bakal. Naisip ko bigla si Saydie.

Ano na kaya’ng ginagawa niya? Siguro hanap na nang hanap sa akin iyon. Bahala siya. Basta ako, gusto ko pang mabuhay. At tataguan ko siya hanggang na sa akin ang anting-anting ni detective. Siguro naman maiintindihan niya. I’m just desperate.

Itinaas ko ang mga kamay ko na parang nanalo habang naglalakad. “Yes! I’m free! I’m—” Bigla na lang may humampas sa batok ko na ubod ng lakas. Tunog iyon ng bakal. Bumagsak ako at napatukod ang kamay sa sahig. At sa isang iglap, bigla na lang dumilim ang paningin ko. 
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly