DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 12

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

SAYDIE


HINANAP ko si Van kung saan-saan kanina pero hindi ko siya makita. Bakit nga kaya hindi ko siya maramdaman kanina at bakit kaya hindi ako makapag-warp kung nasaan siya? Bigla ko lang uli siyang naramdaman noong nasa  elevator na siya. Kakaiba talaga. Hindi kaya dahil iyon sa unti-unting pagkawala ng kapangyarihan ko? 

This is bad. The Death Lord’s challenge is getting more difficult. I hope Master Reeve is free to talk again. 

Pumasok kami ni Van sa condo unit. Agad siyang kumuha ng tubig sa refrigerator. “Gutom ka na ba? Magpapa deliver na lang ako ng food para hindi na tayo lumabas,” tanong niya matapos uminom. 

Hindi ko siya pinansin. I have to talk to Master Reeve again but I have to ensure this loser won’t do anything stupid again. 

“Van, umupo ka,” utos ko. 

“What? Why?” kunot-noo niyang tanong. 

“Just do what I said.” 

“Okay, okay. Masyado ka namang bossy. Jeez.”
 
Umupo si Van sa dining chair at pumuwesto ako sa harap niya. Tatlong hakbang ang distansya namin. Itinapat  ko ang kanang palad ko sa kanya at gamit ang isip ay lumabas mula sa palad ko ang itim na Shackles of Death.  Gamit pa rin ang isip, inutusan ko ito na puluputan si Van.

Tila nalaman naman niya ang balak ko kaya sinubukan niyang tumayo, pero mabilis ang lubid kaya agad siyang naigapos sa upuan. 

“Hoy, Saydie, akala ko—” Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil pumulupot ang lubid hanggang sa bibig niya. 

“I had enough of your stubbornness, Van. I’ll be back soon.” 

Hindi ko siya pinansin kahit nagpupumiglas at nagpupumilit siyang sumigaw. Nag-warp ako sa rooftop ng condo. Luminga-linga ako sa paligid para siguruhing walang tao bago ko tinawag si Master Reeve. Agad naman  siyang lumitaw sa harap ko.
“Again, Saydie?” 

“Apologies, Master. It’s urgent,” sagot ko. 

“Okay. What is it?” 

“I need the plan to stop all threats to Van, including the vengeful spirit issue as soon as possible.  Nararamdaman ko kasing mas bumibilis ang pagkawala ng kapangyarihan ko. Kanina, umalis siya nang walang paalam at hindi ko maramdaman kung nasaan siya. I’m afraid his stubbornness will lead my mission to failure if threats are still around.” 

Hinimas-himas ni Master Reeve ang kanyang baba habang nakatingin sa itaas. 

“Hmm... it seems that you’re right, Saydie. Well then, I think we have to draw the enemy out. Kung hindi natin siya mahanap, hayaan nating siya ang lumapit sa target niya. Gamitin natin ang pagkauhaw niya sa paghihiganti para lumabas siya.” Tumingin siya sa akin ng diretso. “Lumabas-labas uli kayo ni Van. Mas maganda kung dadalhin mo siya sa hindi mataong lugar para magpakita talaga ang kalaban.” 

“Do you mean we should use Van as a decoy to lure the enemy out?”
 
Tumango siya.

“Understood,” sabi ko. “But please stand by for my call, Master.” 

“I will, Saydie. Siguruhin mo lang na tatawagin mo ako kapag lumabas na ang vengeful spirit sa totoong anyo nito.” 

“Masusunod, Master. Gagawin ko na agad ang plano.” 

“Good. And, Saydie... don’t forget to eat. Your human body needs all the energy for the upcoming battle. Natatandaan mo naman siguro kung paano ka nito napabagsak noon?”
 
Tumango ako. “It won’t happen again.” 

Ngumisi si Master Reeve at nagpaalam. “May the power of death be with you.” 

“As it was and ever shall be.” 

In a second, Master Reeve was gone. Leaving me thinking if the plan would work. Nangangamba ako dahil  baka mapahamak si Van sa gagawin namin at bumagsak ako sa challenge ng Death Lord. Pero mas mabuti sigurong gawin iyon ngayon habang may kapangyarihan ako kaysa kapag wala na.
I warped back to Van’s condo unit and he was at where I left him. Nang makita niya ako, gumawa siya ng ingay na tila ba gusto na pakawalan ko siya. Iniangat ko sa kanya ang palad ko at biglang naglaho ang lubid. Napangiti ako nang bahagya nang muntik pa siyang malaglag sa upuan. 

“Napakasadista mo talagang babae ka! Hindi naman ako aalis at susunod naman ako sa sinabi mo! Bakit kailangan mo akong igapos?!” 

“Wala akong tiwala sa `yo. Matigas ang ulo mo,” sagot ko. 

“Grabe ka naman. Hindi ko kaya gusto `yong nangyari kanina,” sabi niya habang nag-iinat ng katawan. “Jeez!  Sumakit ang katawan ko sa magic lubid mo. Puwede bang `wag mo na akong itatali? Makikipagtulungan na nga  ako sa `yo, eh.”

Hindi ko siya pinansin. “Let’s eat. I need food.” 

“Well, ako rin naman. Kung hindi mo ko itinali, eh, di sana nakapagpa-deliver na ako at may pagkain na tayo dito. Wait mo lang. Tatawag ako sa resto at magpapa-deliver.” Pumunta si Van sa pinto ng kuwarto pero bago siya makapasok... 

“No need to do that. Let’s eat outside. Let’s go outside the whole day.” 

Kunot-noo siyang lumingon. “Huh? Akala ko ba hindi tayo puwedeng lumabas? Bakit sa labas tayo kakain?” 

“Change of plans,” sagot ko at lumakad papunta sa pinto. 

“What?! Nakalimutan mo na bang may threat sa ‘kin?”

“Basta sumunod ka na lang.”

Nanahimik siya saglit. Parang may iniisip na kung ano. Hanggang sa…

“Sige. Sabi mo, eh,” sabi pa niya. “Pero wait lang. Kung maghapon tayo sa labas, magpalit ka muna ng damit. Better yet, maligo ka muna.” 

Huminto ako at nilingon siya. “Why? What’s wrong with my clothes?” 

“Jeez! Do I have to tell you everything? Siyempre, baka hindi na maganda ang amoy mo at dapat talaga araw-araw nag-iiba ang damit mo. Don’t ask why, just do it, kung gusto mong mag-blend in sa mga tao.”

“Grims don’t need to take a bath. Hindi kami bumabaho katulad mo,” sagot ko. 

“Anong—” Inamoy ni Van ang magkabilang kilikili niya. “Hindi ako mabaho, ah. Saka kahit hindi ako maligo ng  isang linggo, gustong-gusto ako ng mga ex ko kasi mabango ako.” 

Lumapit siya sa akin at inilapit ang kanyang ilong sa bandang braso ko. 

“Ano’ng ginagawa mo?” 

“Inaamoy ka,” sagot niya. I heard him sniff five times before moving away. “What the... bakit parang wala  kang amoy?” 

Muli sana niyang ilalapit ang ilong sa akin pero itinulak ko ang mukha niya. 

“Cut it out.” 

“All right, you don’t smell bad and you smell nothing, but please... at least change your clothes. Nandoon sa  kuwarto ko `yong mga damit mo na ipinamili natin. Hanapin mo na lang `yong mga puting paper bags. Maliligo  lang ako,” sabi niya, saka tumalikod sa akin at pumasok sa banyo. 

I didn’t want to do what he asked but I figured that if I really wanted to see what it felt like to be a human, I should act like one… even just a little.

Pumasok ako sa kuwarto ni Van at hinanap ang sinabi niyang paper bag. Nakita ko naman ang mga ito at kumuha ng damit. I found a short-sleeved black dress with a crescent moon symbol  on its chest. I found it nice and very convenient if a battle was inevitable. Hinubad ko ang mga suot kong damit  hanggang ang mga panloob ko na lang ang natira. 

“Saydie?” 

Narinig kong bumukas ang pinto pero paglingon ko... bigla itong sumara nang mabilis. “S-sorry. Hindi ko alam na nagbibihis ka pala. I just forgot something,” dinig kong sabi ni Van sa likod ng  pinto. 

May nakalimutan pala siya. Bakit hindi na lang siya pumasok? Wala naman akong balak parusahan siya  ngayon para matakot siya nang ganoon. 

Pumunta ako sa pinto at binuksan iyon. “What?” 

“Kukunin ko la—” Naputol ang sasabihin niya at nanlaki ang mga mata habang bahagyang nakanganga. 

What’s wrong with this loser? 

I frowned and repeated what I said. “What?” 

Pumikit si Van at biglang yumuko. “I, uh... I just... forgot my towel.” 

“Then go get it,” sabi ko, saka tumabi sa daraanan niya. 

Tinakpan niya ng kamay ang mga mata bago pumasok sa kuwarto. “E-excuse me.” 

Binuksan niya ang cabinet  at kumuha doon ng towel. Tila ba hindi siya makatingin sa akin hanggang sa makalabas siya ng kuwarto at bumalik sa banyo. Ano kaya’ng nangyari sa kanya? 

Ipinagpatuloy ko ang pagpapalit ng damit. Tapos ay hinintay ko siya sa sala hanggang matapos siya sa ginagawa niya. 





WE WENT to what humans called a mall. A place where a lot of people go. After eating my favorite ice cream and what Van called a steak, we walked around. The steak was really good, it made me feel energized and full. 

“Saan mo gustong pumunta or better yet may mga bagay ka bang gustong maranasan?” tanong niya. Hindi ko siya pinansin at tuloy lang ang lakad ko. Pinakikiramdaman ko ang paligid dahil baka nasa hindi  kalayuan lang ang kalaban. 

“Ah! Alam ko na! Kung gusto mo talaga na sa labas tayo maghapon, let’s watch a movie. Sa cinema. Promise  magugustuhan mo `yon.” 

“A movie?” tanong ko. Huminto ako sa paglalakad pero patuloy akong nagmamasid sa paligid.

Tumayo naman si Van sa harap ko. “Yeah, a movie. It’s a thing that we do to be entertained. I also need that. Para mawala sa isip ko ‘yong death threat kahit papaano. Bale manonood tayo ng isang kuwento sa isang malaking screen. Puwedeng horror, puwedeng love story, puwedeng....” Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang huminto. Nakita ko siyang nakatitig sa akin. 

“Why?” 

“Uhm, Saydie... can you just stand there for a second?” 

Umatras siya at kinuha ang tinatawag nilang phone sa bulsa. Itinapat niya ang likod nito sa akin. 

“I’ll just...  take a picture.”  

Pagkatapos, ipinakita niya sa akin ang phone at mayroong imahe ko doon. Natulala naman ako saglit. Hindi ako makapaniwala na ako iyon. 

“What is that for?” tanong ko. 

Biglang uminit nang bahagya ang mga pisngi ko. “N-nothing.” 

Itinago ni Van ang phone at bigla akong inakbayan. “Let’s go. Let’s watch a movie.” 

Hinawi ko ang kamay niya at huminto ako sa paghakbang. “Will there be people inside the cinema?” 

“Oo. Pero depende sa panonoorin natin. If we’re gonna watch a blockbuster movie, there will be a lot of people.  Pero kapag hindi naman, may tao pa rin pero konti lang.” 

“I don’t want to do that. Dalhin mo `ko kung saan walang tao at tayong dalawa lang.”
 
“Ha?!” 

Napatingin ako sa kanya dahil nagulat siya sa sinabi ko. “Kung saan malawak at walang makakakita,” dagdag ko. 

“G-gaano kalawak? S-saan?” 

Mukhang hindi niya alam ang ibig kong sabihin. Gaya ng sabi ni Master Reeve, kailangan kong dalhin si Van sa walang taong lugar. At kung mapapalaban kami, mas mabuti nang sa isang malawak na lugar. Pero saan kaya? 

“Ah... Eh... G-gusto mo sa ano... sa....” 

“Sa sementeryo,” singit ko. 

“S-sementeryo?! Bakit doon? Ano nama’ng gagawin natin do’n? Don’t tell me ililibing mo `ko nang buhay? Akala ko ba sa October 30 pa ako mamamatay?” takot na takot na tanong niya.
 
“Don’t ask and just do what I said or you know what will happen to you,” sagot ko at tiningnan siya ng diretso sa mga mata. 

“Okay, okay, okay! Jeez!” kamot-ulo niyang sabi. 

Pumunta kami sa car park ng mall kung saan niya ipinarada ang kotse. Pero bago pa man niya buksan ang pinto  nito... 

“Van Kyle Chua!” 
Napalingon kami sa boses ng isang babae tumawag sa kanya. 

“Clarice?” sabi ni Van. “Ano’ng kailangan mo?” 

Siya `yong babaeng napagkamalan kong Vengeful Spirit noon sa lugar kung saan ko natikman ang masarap na cheesecake at frappe. She was wearing sunglasses but this time she was not alone. She was with five big guys in black shirts. 

“`Di ba sabi ko sa `yo babawi ako sa ginawa mo sa akin noon? Oras na para pagbayaran mo ang kasalanan  mo.” 

“W-what do you mean? Sino ‘yang mga kasama mo? C-can we just talk about it?” tanong ni Van. 

“We’re way past that, Van. Ngayon pati `yang pangit mong girlfriend, pagbabayarin ko sa pagsuntok niya sa  akin,” sagot ng babae. “Boys, alam ninyo na.” 

Pinatunog ng mga lalaki ang kanilang mga daliri. Mukhang balak nilang saktan si Van. “What the hell, Clarice! This isn’t a movie or a drama para humantong tayo sa ganito. Ikaw ba `yong  nagpapadala ng death threat sa akin?” 

“Shut up, Van. I’ll see you suffer right now. Boys, bugbugin ninyo na `yan!” 

This is my cue. Maybe the vengeful spirit is really inside her. Or maybe not. But I can’t take any chances. I have to deal with them and protect Van’s soul at all costs.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly