DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIl- Chapter 11

☆

6/30/2025

Comments

 

Grims Do fall in love: till death do us part

VAN


THAT gothic girl was really crazy. Hindi ko alam kung bakit nagising ako nang nakapaibabaw sa kanya pero tama bang itulak niya ako? She could have told me to get up. Pero ang lakas niya. Hindi nga siya tao. Jeez! Ang sakit tuloy ng batok ko. Hindi pa nga nakaka-recover `yong likod ko sa paghagis niya akin sa kisame kanina, sinaktan na naman niya ako. Pero bakit kaya parang natataranta siya? At saan naman kaya siya pumunta? 

Tumayo ako at napansin ko sa mesa ang death threat. Pumasok uli sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Saydie tungkol sa vengeful spirit, sa kaluluwa ko, at higit sa lahat, ang nakakasindak na impyerno. Mukhang hinimatay ako kanina dahil na-imagine ko ang hitsura ng impiyerno habang sinasabi niya iyon sa akin na may kasamang nakakatakot na pagtitig. 

Jeez! Iyon lang hinimatay na ako? That was really lame of me. 

Biglang tumunog ang landline phone ko kaya agad ko itong pinuntahan at sinagot. “Hello?” 

Walang sumagot  sa kabilang linya. Kaunting static noise lang ang naririnig ko. 

“Hello?” ulit ko pero wala pa ring sumagot.

 “Papatayin kita!” 

Agad kong inilayo ang phone sa tainga ko matapos marinig ang garalgal na sigaw mula sa kabilang linya.  

“Papatayin kita! Papatayin kita!” 

Nanayo ang mga balahibo ko sa katawan at parang biglang tumalon ang puso ko kaya nabitawan ko ang telepono. Napaatras ako at natulala. Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga salitang iyon. 

What the hell? Sino `yon? Bakit parang boses demonyo? 

Nanginginig ang mga kamay na ibinalik ko ang telepono sa lagayan para mahinto ang paulit-ulit na pagsigaw ng kung sinong nasa kabilang linya. Pero matapos lang ang ilang segundo, muli itong nag-ring. Pinabayaan ko lang  iyon hanggang sa napagdesisyunan kong hindi ako dapat magpasindak. 

“Hoy! Kung sino ka man hindi ako natatakot sa `yo! Magpakita ka sa akin at malalaman mo kung sino ang kinakalaban mo!” sagot ko sa phone nang buong tapang. 

“Uh... Hello Mr. Chua? Si Leivy po ito, concierge ng condo. May I request po na pumunta kayo dito sa lobby? May detective po rito na gusto kayong makausap.” 

“Ay akala ko kasi— S-sorry. Sige, I’ll be there in a minute.”
 
“Sige po. Thank you, Mr. Chua. Have a nice day.” 

Jeez! Akala ko iyon `yong sumisigaw kanina. Iyong concierge lang pala. Pahiya ako, ah. Teka... bakit kaya ako gustong makausap ng detective? At sino kaya `yong sira-ulong tumawag kanina? 

Nagbihis ako ng T-shirt at ripped jeans para palitan ang pantulog kong boxer shorts at black sando. Palabas na sana ako ng unit nang maalala ko ang death threat sa akin. Naisip kong ibigay ito sa detective kaya inilagay ko sa bulsa. Bumaba ako sa ground floor ng condo kung nasaan ang lobby at lumapit sa concierge. 

“Miss, nasaan `yong  detective?” 

“Nasa showroom po, Mr. Chua,” nakangiti niyang sagot. 

Pumunta ako sa showroom at pagpasok ko, tumayo ang isang lalaki mula sa kinauupuan niya na nasa harap ng babasaging bilog na mesa. Naka-ponytail ang itim na buhok niya, kayumanggi ang balat at matipuno ang katawan. May suot siyang black leather jacket. Mukhang forty-something na siya dahil sa medyo may wrinkles niya ng mukha. 

Lumapit siya sa akin at nakipagkamay. “You must be Mr. Van Kyle Chua. Ako nga pala si Detective Rio Ignacio.” Malamig at malalim ang boses niya, parang DJ sa radio. 

Bahagya akong tumingala nang sagutin siya. “How can I help you, Detective?”
 
“May itatanong lang ako tungkol sa isang kaso na hinahawakan ko. Pero bago `yon, maupo muna tayo.” 

Magkatapat kaming naupo sa harap ng mesa. Naglabas siya ng isang notebook na may kasamang ball pen.  

“Mr. Chua, hihingin ko lang sana ang kooperasyon mo para sa kaso ng artistang si Paula Fuentes at isa pang babaeng nagngangalang Marsha Uy.” 

Tumango ako. “Nabasa ko nga ang nangyari sa kanilang dalawa. What exactly happened? Sino ang may gawa sa kanila n’on?” 
“Kukumpirmahin ko dapat kung kilala mo sila, pero mukhang kilala mo nga sila, tama ba?” 

Tumango uli ako. “Ex-girlfriends ko sila.” 

May isinulat si Detective Ignacio sa notebook niya. “Okay... Sa initial autopsy, lumalabas na nagpakamatay sila tatlong araw na ang nakakalipas. Pero may mga nadiskubre kasi akong ebidensiya na nagsasabi na pinatay ang  isa sa kanila... si Marsha. Kaya hindi malayong pinatay rin si Paula. Higit sa lahat, napag-alaman ko rin na hindi  sila magkakilala para magkasamang magpakamatay.” 

“T-talaga? Sino naman ang gagawa n’on sa kanila?”

“Iyan ang inaalam ko ngayon. Mr. Chua. Nasaan ka maghapon at anong ginagawa mo four to three days ago?  Kung maaari ay sabihin mo ang buong detalye,” tanong niya. 

“Four to three days ago? Teka...” Inisip ko kung ano nga ba’ng ginagawa ko noong mga nakalipas na araw.  Naalala ko na. Four days ago, nakipag-break ako kay Bea at three days ago naman, ang araw na nagpapakita sa akin si Saydie. “Uhm four days ago, nasa bahay lang ako at nanonood ng movies. Late na akong nagising no’n dahil the night before that day ay nakipag-date ako sa ex-girlfriend kong si Bea. By the afternoon, nagkita uli kami ni Bea sa mall pero nakipag-break na ako sa kanya. Pagkatapos n’on, dumeretso ako sa nightclub at nag-party kasama ang kaibigan kong si Kobe. Nang malasing ako, deretso ako uwi sa bahay at natulog.” 

Isinulat ni Detective Ignacio ang mga sinabi ko sa notebook. “And three days ago, Mr. Chua?”

“Bandang umaga, nasa bahay lang ako at may hangover. `Tapos, nag-almusal ako sa isang ramen house. Then I went to the nightclub where my friend Kobe was. Naiwan kasi siya doon sa sobrang kalasingan. Pagdating ko doon, may pinag-usapan kaming babae. Then—” 

“Teka...” singit niya. “Puwede ko bang malaman kung sinong babae ang pinag-uusapan ninyo?” 

“Uhm...” Dahil si Saydie ang tinutukoy ko, bigla kong naalala na hindi nga pala ako puwedeng umalis ng condo unit ko. Patay. Yari ako nito. “She’s just a new girl na pinopormahan ko. Detective, are those all your  questions? I need to go back.” 

“Please wait, Mr. Chua. May ilan pa akong tanong. Bakit nagmamadali ka yata?” 

Detective, kung alam mo lang kung ano ang sasapitin ko kapag naabutan ako ng Grim Reaper na wala sa  bahay ko, tiyak ko, pati ikaw magmamadali na pabalikin ako. 

“I, uh... I just need to be there before my new girl comes home,” katwiran ko. 

“Siguro naman maiintindihan niya kapag sinabi mo na kausap mo ang isang detective para sa isang kaso. Why  don’t you send her a quick message?” 

“Ah, hindi na. Sige, I’ll stay for your questions.” 

Siguro naman hindi magpapakita si Saydie ng powers niya kapag naabutan niya akong may kasama. Mukhang kaya pa naman niya akong sundan kahit saan. Gaya noong  bigla na lang siyang nasa labas ng bahay ni Aling Hora. Pero dapat ko pa ring bilisan. I guessed I had to tell this  detective everything I knew. 

“Thank you, Mr. Chua. Puwede mo bang ituloy ang statement mo kanina?” 

“Yeah, sure. Bale after naming mag-usap ni Kobe, nagpunta ako sa sauna, `tapos balik sa condo at natulog.  Kinagabihan, nagkita kami ni Kobe at n’ong girlfriend niya sa bowling center. `Tapos, uhm... uh... nahimatay ako  kasama `yong new girl ko. Siya ang nag-uwi sa akin kasi nagising na lang ako kinaumagahan sa condo unit ko.” 

“Okay... salamat, Mr. Chua. Ang rason kung bakit kita natanong ay dahil litrato mo ang nakita sa phone ni Paula bago siya mamatay. Mukhang bago siya nagpakamatay, tiningnan niya ang litrato mo. O kaya naman ay kung pinatay siya, marahil ay ipinakita muna sa kanya ang litrato mo gamit ang mobile phone niya.” 

“L-litrato ko? Bakit?” 

“Iyan ang hindi ko sigurado,” kibit-balikat na sagot ni Detective Ignacio. “Pero nang sabihin mong ex-girlfriend  mo siya, baka hindi pa siya nakaka-move on sa `yo o kaya baka may galit sa `yo ang kung sinumang ang pumatay sa kanila.” 

Bigla kong naalala ang death threat kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. “Actually, baka may kaugnayan ito sa  kaso.” 

Iniabot ko sa kanya ang papel. Agad naman niyang kinuha ito at binuklat. “Natanggap ko `yan kanina.  Dinala ng mailman ng condo, galing daw sa mailbox.” 

Tiningnan niyang mabuti ang papel at inamoy pa. “Nalaman mo ba kung sino ang nagpadala nito?” 

Umiling ako. “Walang information ng sender, eh. `Tapos, kanina may tumawag sa akin at nagbantang  papatayin niya ako.” 

Nanlalaki ang mga mata ni Detective Ignacio na napatingin sa akin. “T-talaga? Nabosesan mo ba? Lalaki ba o  babae?” 

Bahagya akong yumuko at napaisip. “Hmm... Garalgal `yong boses na malalim, eh. Parang demonyo o  halimaw.” 

“You mean tunog galit na lalaki, tama ba?” 

Tumango na lang ako kahit hindi ko sigurado kung tama ba. 

“Sige iimbestigahan ko rin `yan. Pero dahil sa letter na ito at tawag sa telepono mo, malaki ang posibilidad na baka may kaugnayan din ito sa pagkamatay nina Marsha at Paula.” Iniligpit niya ang mga gamit at tumayo na.  

“Mr. Chua, iyon lang ang mga katanungan ko. Iimbestigahan ko rin kung sinong nagpadala sa `yo ng death threat  at tumawag sa telepono mo. Kung makatanggap ka uli ng death threat, tawagan mo lang ako,” sabi niya at may kinuhang maliit na card mula sa bulsa at iniabot ito sa akin. “Heto ang calling card ko. Mag-iimbestiga pa ako at  babalikan kita dito kapag may nadiskubre pa ako.” 

Tumayo na rin ako at kinuha ang calling card. 

“Sa ngayon, mag doble ingat ka, Mr. Chua. Kung ako sa `yo, kumuha ka ng bodyguard. O kaya kung naniniwala  ka naman sa mga pamahiin o anting-anting...” Tinanggal niya ang kanyang kuwintas na gawa sa manipis at itim na lubid at iniabot sa akin. 

Ang pendant niyon ay isang maliit na hourglass na nasa gitna ng bilog na bakal. Para itong isang mekanismo.  Kusang bumabaliktad kasi ang hourglass kapag napupunta na sa ilalim ang laman na buhangin. 

“Ano `to?” 

“Anting-anting ng pamilya ko, Mr. Chua. Ipinapahiram ko talaga ito sa mga taong kagaya mo na may nagtatangka sa buhay. Ang sabi ng lola ko, oras ang kahinaan ni Kamatayan. Kaya hanggang tumatakbo ang oras sa anting-anting na ito, hindi ka malalapitan ni Kamatayan. Hanggang may oras ka, may buhay ka. So far, lahat  naman ng naniwala sa family heirloom naming ito ay nakaligtas sa kamatayan. Kung gusto mo, ipapahiram ko sa  `yo `to hanggang sa mahuli ko ang gustong pumatay sa `yo.” 

“`Sus, kalokohan lang `yan,” sabi ko. Naisip ko kasi na hindi ko na kailangan ng bodyguard o kung ano pa dahil kasama ko si Saydie. “Balitaan mo na lang ako kapag nalaman mo na kung sinong hayop ang gustong  pumatay sa akin.” 

“Sige, Mr. Chua. Maraming salamat sa oras mo,” sagot niya, saka muling isinuot ang kuwintas. Ako nama’y nagmadaling lumabas ng showroom at tumakbo papunta sa elevator. 

That crazy gothic girl would surely do something terrible to me if she found out I wasn’t at my unit. 

`Buti na lang at nasa ground floor ang elevator kaya agad akong nakasakay. Solo ko pa kaya tiyak na tuloy tuloy lang ito sa 20th floor kung nasaan ang unit ko. 

“Van Kyle Chua!” 

“Oh sh*t!” Parang tumalon ang puso ko sa gulat nang marinig ang pamilyar at malamig na boses mula  sa likuran ko. Paglingon ko... 

“Saydie!” 

Siya nga at wala nang iba. 

“Saan ka galing? Bakit hindi mo sinunod ang utos ko sa `yo? I’ve been looking for you everywhere. Gusto mo bang parusahan kita ngayon?” 

Sasakalin niya dapat ako pero umatras ako at iniharang ang mga palad ko. “Wait! Wait lang! Let me explain! Hindi ko gustong umalis ng unit ko. Ipinatawag lang kasi ako sa baba para 
kausapin ng isang detective. Kapag hindi ko siya kinausap baka ikulong ako n’on. Alam mo ba `yon?” nakapikit kong sabi. 

“You should’ve waited for me. Bumalik naman ako agad,” sabi ni Saydie. Napansin kong parang may emosyon na ang tono ng pananalita niya. Mataas iyon at parang naiinis. Hindi na kagaya ng dati na akala mo isa siyang cold blooded killer. At teka... kung bumalik siya agad, bakit hindi siya sumulpot kanina noong kasama ko  `yong detective? 

“S-sorry.” Dumilat ako at tumayo nang tuwid. “Bakit hindi mo `ko pinuntahan? You can teleport or whatever to where I am, right?” 

Hinintay ko siyang sumagot pero hindi niya pinansin ang tanong ko. Hanggang sa tumunog ang elevator at  bumukas ang pinto. 

Bakit nga kaya hindi siya nag-teleport kanina? And if I heard it right, she said she was looking for me  everywhere. Which meant she really didn’t know where I was. 

Suddenly, I remember the detective and his necklace of a talisman.

Hindi kaya dahil doon sa anting-anting ni Detective kanina? Tama! Hindi ito ang oras para sabihin kong kalokohan ang mga mahiwagang bagay. I already saw magic and impossible stuff. There’s only one way to find out... dapat ko ngang hiramin ang anting-anting na iyon. At baka susi din `yon para  matakasan ko ang kamatayan.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly