DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 1

☆

6/28/2025

Comments

 

Grims do fall in love: till death do us part

VAN

ISANG oras na akong naghihintay dito sa mall pero wala pa rin siya. Nakakainis! Ako pa talaga ang pinaghintay niya, ah. Makikita niya pagdating niya. Bibigyan ko pa sana siya ng isang buwan kaso sa ginawa niya ngayon, ayoko na talaga. Ang isang Van Kyle Chua ay hindi pinaghihintay. 

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa rin. Inis na talaga ako. Tatawagan ko na lang siya at tatapusin ko na ito. 

Kukunin ko na sana ang phone ko nang biglang may tumawag sa akin. 

“Van!” 

Paglingon ko, si Bea pala. Ang soon-to-be ex-girlfriend ko. 

I raised my left brow at her. “Dumating ka pa?” 

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso, saka nagmakaawa na parang pusa. 

“Sorry na, babe. May tinapos pa kasi akong artwork, eh. I’ll make it up to you.” 

Inalis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at tiningnan ang hitsura niya. Jeez! Kung dati nagagandahan pa ko sa kanya, ngayon talaga ayoko na—sawa na ko!

“`Wag ka nang magalit, oh. Saan tayo pupunta ngayon? Gusto mo kain tayo?”
Muli siyang humawak sa braso ko at pilit na yumayakap kahit nagpupumiglas ako. 

“Ano ba?! Bumitaw ka nga! Para kang anaconda.” Nagawa kong alisin ang braso ko sa pag pulupot niya. Ipinakita kong inis ako. “Don’t bother, Bea. Wala tayong pupuntahan. We’ll end this today.” 

“W-what? What do you mean? Babe, alam kong galit ka lang. Let me make it up to you, please?”  

She looked at me like a puppy. Parang maiiyak na siya. I almost fell for it. Buti na lang naalala ko na laging ganito ang sitwasyon namin—lagi siyang late.

“It’s not me, Bea. It’s definitely you. Ayoko na,” mariin kong sabi. Tinalikuran ko siya at agad na umalis. 

Wala na akong pake kung nasaktan man siya o kung hindi niya matatangap na ayoko na. I had enough. Right now, what matters most is—single na ako uli and it’s time to have fun. 

I texted my buddy Kobe to meet me at our favorite nightclub tonight. Pagkatapos, itinago ko ang phone ko sa bulsa pero bigla iyong nag-ring. Tumatawag siguro si Bea para magpumilit. I’m not gonna fall for her excuses again. If it wasn’t clear to her, I’d tell her again one more time.

 Kinuha ko ang phone ko at agad na sinagot ang tawag. 

“It’s over, Bea. Accept it and move on.” 

“Kuya Van! Si Kylie `to. Don’t tell me nakipag-break ka na naman sa girlfriend mo?” 

“Kylie! Ikaw pala,” I said and chuckled. “Sorry katatapos lang makawala ni Kuya. Where are you now? Kumusta ka diyan sa Amerika?”

Hearing my lil sister’s voice made me feel excited. Matagal na rin mula nang makausap ko siya. 

“I’m at home, Kuya. Just taking a rest. Tomorrow is my big day to run Mom and Dad’s company. Wish you were here. Walang nakakatawa dito, eh,” sagot ni Kylie sa kabilang linya ng phone. 

Natawa ako nang bahagya habang naglalakad. “Ikaw, eh. You don’t have to help that old man. Mas masaya dito sa `Pinas kaya umuwi ka na lang.”

“Someday, Kuya. I miss you,” paglalambing ni Kylie. Sasagot sana ako pero bigla kong narinig ang masungit na boses ni Dad sa kabilang linya. 

“Ang kuya mo ba `yang kausap mo, ha, Kylie?” 

Nawala ang saya ko. Alam ko kasing aagawin niya kay Kylie ang phone at sesermunan ako. 

“O, ano, Van Kyle?! Ganyan ka na lang? Hindi magtatapos ng kolehiyo at magbubulakbol na lang? Hindi ka man lang ba tutulong sa amin ni Kylie na patakbuhin ang negosyo ng Mom mo? You are such a disgrace! Kung buhay pa ang Mom mo, malamang ganito rin ang tingin niya sa `yo!” 

Sabi ko na. Well, I miss you too, Dad. But I don’t want to hear from you today. 

I hung up the phone without talking back. 

I was sick and tired of him. Ano ba’ng pakialam niya kung ayaw ko nang mag-aral? Bakit ko pa ba kailangang mag-aral kung mas mayaman pa ako sa mga nagtatrabaho? I had enough money for the rest of my life. Palibhasa, gusto lang ng matandang iyon ang minana kong pera kay Mom. Well... he may have convinced my sister, but not me. My life was great already. If only mom were still alive... she’d get me. Siya at si Kylie lang ang nakakaintindi sa akin. 





PAGDATING ko sa paborito kong nightclub, sinalubong agad ako ni Kobe. 

“Yo! What’s up, my man, Van?” 

He gave me a high five and grabbed my hand to pull me closer to him. Then he patted me on my back. “Ano, nakawala ka na?” 

I grinned. “Ako pa ba? Give me some shots, bro. It’s time to celebrate.” 

“That’s my man!” 

Inakbayan ako ni Kobe at pumasok kami sa pinakaloob ng nightclub. Marami nang tao sa loob; malakas na ang tugtugin sa paligid, at nagsasayaw na rin ang iba’t ibang kulay ng ilaw.

Dumaan kami sa mga taong nagsasayaw sa gitna. Ang mga babaeng nakakakita sa akin ay sinusubukan na agad akong akitin. 

Umupo kami sa isang lounge at agad na um-order si Kobe ng martini. 

“So how did it end with Bea?” tanong ni Kobe. 

Sumandal ako at nagde-kuwatro. “Well, you know me. I broke up with her and skedaddled like what I always do.” 

Pumalakpak si Kobe habang umiiling. “Iba ka talaga, Van! Ikaw lang ang kilala kong pabago-bago ng girlfriend. Hanep!”

I smirked.

“Artist si Bea, `di ba? Tapos `yong bago si Bea, belly dancer naman, si Marsha. Then `yong before that, `yong artista si Paula. Hindi ko na maalala `yong iba sa dami. Lahat na yata ng klase ng babae naging girlfriend mo na eh,” dagdag pa niya.

Kibit-balikat akong sumagot. “Wala, eh. Ewan ko pero kahit anong ganda nila sa unang kita, pagkatapos ng ilang buwan, nakakasawa na.” 

That was half true. Pero ang totoo, okay naman si Bea—at ang iba pa. May mga bagay lang silang ginagawa na ‘di ko gusto. Katulad na lang ng pagiging late palagi.

“Sabi sa `yo, gayahin mo na lang ang style ko. No commitments at purong isang gabing saya lang.” 

“Sus! Mga panget naman ang nakaka-one-night stand mo all the time.” 

Natawa lang siya sa sinabi ko. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit bestfriend ko si Kobe, hindi kasi napipikon at tanggap niya ang mga panlalait ko sa kanya. 

“Well, anong magagawa ko. Eh, hindi ako kasing guwapo ng isang Van Kyle Chua. Chinito, maputi, at kissable lips. Minsan nga pa-kiss,” nakangisi niyang sabi. Nilapit pa niya ‘yong mukha niya at ngumuso—kunwari hahalikan niya ko.

Tinulak ko ‘yong mukha niya palayo. “Tarantado.”

Tumawa siya nang malakas. 

Ilang saglit pa, dumating ang martini na in-order ni Kobe na dala ng waiter—nakalagay sa isang old-fashioned glass. 

“Cheers, my man! Para sa next na magiging girlfriend ng legendary Van Kyle!” 

We clink our glasses, but the way he said my name—just like Dad used to—brought it all rushing back. Suddenly, I could hear my old man’s harsh voice and the bitter words he used to throw at me.

Na-bad trip ako kaya ininom ko nang straight ang martini. Naramdaman ko ang mahapding pagguhit nito sa lalamunan ko. 

“Whoa, are you okay, dude? Inubos mo agad, ah,” gulat na tanong ni Kobe. 

“I want more. Give me yours.” 

Ibinigay ni Kobe ang isang basong martini na hindi pa niya naiinuman. Agad ko naman itong ininom hanggang sa mangalahati. 

“Kilala kita, Van. What’s your problem, bro?” 

“You know who. Ang peste kong ama,” sagot ko habang nakatingin sa basong hawak ko. 

Bigla namang may dalawang babae na pumunta sa lounge namin at nagpapansin.  

“Hi, boys!” 

“Want some company?” 

“Sure!” sagot ni Kobe.  

“We don’t want to. Get lost,” sabi ko naman. 

Pinaalis ko sila bago pa man sila makaupo. Naka-fitted dress sila na four inches above the knee ang ikli—they were really hot and attractive.

Ito ang nakakainis, eh. Kapag talaga may sinasabi sa akin ang matandang `yon, nawawala ako sa mood. 

Umalis ang dalawang babae. Habang si Kobe ay sinusubukan pa rin silang amuhin. 

“Sorry, girls. I’ll see you around later. Mamaya, okay na `tong kasama ko.” 

Tulala lang ako at paulit-ulit na naririnig sa isip ang mga sermon ni Dad sa akin. 

“Masyado ka talagang affected sa mga sinasabi ng dad mo sa `yo. Chill ka lang, bro! I mean... `Wag mo siyang pansinin. Magsaya ka lang.”

Ilang segundo ang lumipas bago nag-sink in sa akin ang sinabi ni Kobe. Well, tama siya. Bakit nga ba ako nag paapekto sa sinabi ng matandang ‘yon? I was here to celebrate single life again, then maghahanap ako uli ng puwedeng maging girlfriend kapag sawa na akong maging single uli. 

Tumingin ako kay Kobe at ngumiti. “You know what, dude? You’re right. Call those girls back. I want body shots.” 

“That’s more like it!” 

So the party began. Like what I always did... sumayaw ako, nag-party at uminom na parang wala nang bukas kasama si Kobe at ang mga tao sa paligid. Like a crazy guy, I sexy danced with women who showed interest in me. I even kissed some of them. Then both Kobe and I decided to stop at twelve midnight. Lasing na lasing siya kaya pinabayaan ko siya sa mesa. Ako naman, kahit lasing na, kaya ko pang tumayo at maglakad. I thought I could still drive. So I decided to go home. 




PUMUNTA ako sa car park na nasa basement ng nightclub para puntahan ang kotse ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang biglang may humawak sa braso ko. 

My heart skipped a beat. Agad kong binawi ang braso ko at nag-angat ng tingin... isang matandang babae ang bumungad sa akin. Agad akong napaatras. 

Nakakatakot siya. Kulay-abo ang kulot at buhaghag niyang buhok. Wala siyang ngipin at kulubot ang mukha. Ang kanan niyang mata ay parang bulag na dahil mukha ng puting holen. Nakakadiri din dahil ang baho niya at ang mga kuko niya ay marurumi at matutulis. Sira-sira pa ang itim na daster niya. 

“Pogi, palimos naman kahit pangkain lang.” 

Nairita agad ako sa hitsura niya. “Umalis ka nga dito! Ang baho mo!” sabi ko na sinabayan ko pa ng pagsenyas. 

Akmang susubukan uli niya akong hawakan pero umatras ako. “Sige na, kaunting barya lang. Pambili ko lang ng gamot.” 

“Wala akong pakialam sa `yo! Lumayo ka sa akin at sa kotse ko,” sigaw ko. 

Gusto ko na sanang sumakay sa kotse kaso nakaharang siya sa pinto. Ayaw ko siyang hawakan kaya humingi na ako ng tulong. “Guard! Guard!” 

Tumawa nang malakas ang matandang babae. Parang sa mangkukulam pa ang tono. Baliw pa yata ang matandang `to. Naisip kong dumukot ng pera sa bulsa para umalis na siya at makasakay na ako. 

“O, heto na! Get away from me and my car.” Itinapon ko sa harap niya ang isang buong isanlibo. 

Hindi niya pinulot ang pera, sa halip nanatili siyang nakatingin sa akin habang nakangiti. Tumayo ang mga balahibo ko at bahagyang nanginig ang katawan ko sa hindi ko malamang dahilan. 

“Maghanda ka... dahil nakatakda kang dalawin... ni Kamatayan.” Iyon ang mga salitang binitawan niya bago siya tumalikod at naglakad palayo habang tumatawa nang matinis. 

Jeez! What the hell is wrong with that crazy old hag? Lagot talaga sa akin ang may-ari ng nightclub na `to bukas. He shouldn’t let beggars and crazy people get inside this facility. 

Sumakay ako sa kulay-pula kong sports car at nagmaneho pauwi. Aaminin ko, parang nawala ang tama ng alak sa akin dahil sa baliw na matandang iyon. But I was able to safely get home to my condo unit and rushed myself to bed. 





NAPANAGINIPAN ko na naman ang araw na naaksidente ako sa pagmamaneho ng bago kong kotse when I was seventeen years old. Since then, hindi na naging maayos ang pakikitungo sa akin ni Dad. He didn’t even care kung ayos lang ba ako noon. That nightmare... I had been seeing it again lately. But why? 

I woke up feeling nauseous with a headache. Kahit matagal na akong umiinom ng alak, mahirap pa ring masanay sa hangover. Nakatingin lang ako sa kisame at iniisip ang mga gagawin ko ngayong araw. But first, I gotta get up and look for some hot soup. 

Pagbangon ko sa kama, nagulat ako nang may isang babae ang nakaupo sa single sofa chair ko na nasa tapat ng paanan ng kama ko. 

“W-who the hell are you? Ano’ng ginagawa mo dito sa condo ko?” Kutis-porselana siya. Tuwid ang makapal at mahaba ang buhok niya. Kasing-itim iyon ng kadiliman. Gothic-look ang makeup niya at makapal ang lipstick na kulay itim din. Pati ang suot niyang long-sleeve dress—black din. Mukha siyang galing sa lamay o metal rock concert.

Hindi siya sumagot sa tanong ko. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin lang sa akin. 

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nang ilahad niya sa akin ang palad niya... bigla siyang nagkaroon ng isang… mahabang karit. Iyong armas ni Kamatayan sa mga halloween costumes o decors. Pero kakaiba ang dala niya. Kulay itim ito pati ang mismong pakurba na mahabang patalim. Meron din itong kulay dugo na diamond sa pagitan ng talim at mahabang hawakan. Ang disenyo ng ulo ng karit ay may matutulis na detalye, na parang mga sungay o matatalas na palaso.

What… the… hell?

Sa isip ko, gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa. Para bang nanigas ang buo kong katawan. 

Hinawakan niya ang karit at akmang ihahataw sa akin. 

“Van Kyle Chua, your time in this world is over.”

As soon as she said that—I remembered what that old hag said. Hindi kaya ito ‘yon? S-Si… Kamatayan?
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly