DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 9: An Unexpected Friend

☆

6/14/2025

Comments

 

Grimrose Academy

UMAGA pa lang, may dumating na dalawang lalaki at isang babae sa bahay namin. Mga taga City Hall daw sila. Sinabi nilang luma at delikado na ang bahay namin, unsafe for occupancy at prone kapag may landslide at lindol. May dala pa silang documents na mukhang authentic. Alam ko na agad—ito ang plano ni Ate Kat. She messaged me earlier about how things would go.

It was well planned and coordinated. As soon as they mentioned relocating us, my Tita Mary arrived—siya ang Mama ni kuya Dante at pinsan ni Papa. Nag-offer siya na sa bahay niya nalang kami tumira. Kung gusto din daw ni Mama mag work, ipapasok daw siya ni Tita sa City Hall. Siya na rin daw ang magbabantay kay Erin. Hindi ko alam kung aware si Tita sa mga Grimborns at Angeals or inutusan lang siya ni kuya Dante. 

As planned, tumulong din ako na ma-convince si Mama. At nang mag-alala siya tungkol sa layo ng bahay ni Tita Mary sa Rose University kung saan ako pumapasok, saktong tumawag si Ate Kat sakin sa social media messenger. It’s like she was secretly listening. Kunwari kinamusta niya ko. Loud speaker pa ang pag-uusap namin para dinig ni Mama. According to the plan, I should mention that we are being relocated. In-offer niya ang dorm sa Rose University na sila daw ang may-ari kaya libre na para sa ‘kin. She even talked to Mama about it. Ang lambot ng puso ni Mama sa kanya kaya ang ending… the plan worked!

After a day, nakalipat na kami sa bahay nila kuya Dante. The next day around the afternoon, about an hour before evening, sinundo ako ni ate Kat at Ash. Pumunta kami sa Rose University—dito daw kasi ang daan papuntang Grimrose Academy. This is the day na lilipat ako ng dorm. Ang alam nila Mama sa Rose University dorm ako pero ang totoo… sa dorm ng Grimrose Academy talaga ako titira pansamantala.

Habang naglalakad kami sa hallway ng school, may biglang tumawag kay Ate Kat.

“Sorry, excuse me for a sec. I have to take this," sabi ni ate Kat. Lumayo siya samin ni Ash.

Huminto muna kami sa paglalakad. Ash took his phone out and got busy with it.

Kinuha ko ang chance para magpasalamat. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. “Ash, nga pala. Thank you noong isang gabi. I owe you guys my life.”

Saglit siyang tumingin sakin at ngumiti. “No problem.”

“Kamusta pala si Zed at Nix?”

“Okay naman sila. Nag te-training sila ngayon kasama si Dad.”

He went back to his phone. Mukhang may ginagawa siya doon na kinakatuwa niya kaya di ko na siya inistorbo.

I looked around. Konti nalang ang mga students sa paligid. Siguro nag-uwian na kanina pa. Habang tumitingin-tingin… something or someone caught my eye. It was… strange and scary.

Parang tumalon ang puso ko. Kinilabutan ako. I saw a human figure from afar wearing a white dress and with long black hair that covers its whole face.

Kinuskos ko ang mga mata ko. Nawala naman ‘yong nakakatakot na figure. Namalik mata lang siguro ako.

Ilang saglit pa, bumalik si ate Kat. “Shana, I’m sorry. I totally forgot na ngayon pala ‘yong shooting ko for a perfume brand. Pwede ba kitang iwanan muna kay Ash?”

Tumingin ako kay Ash. Busy pa rin siya sa phone niya. Hindi ako sigurado sa Ash na ‘to pero nakakahiya naman kay ate Kat.

“Okay lang, ate Kat,” nakangiti kong sagot.

Bumeso sakin si ate Kat. “Thank you, Shana. I’ll see you later at the Academy.”

Tapos ay nagmamadali na siyang umalis. Hindi niya ko nabilin kay Ash. Parang di pa naman nakinig ang lalaking ‘to.

“Okay, let’s go,” sabi ni Ash. Nakatutok pa rin siya sa phone niya kahit naglalakad na kami.

Ilang minuto ang lumipas, napansin kong bumalik lang kami sa main hallway ng school. Oh crap!

“Ash, what are we looking for? Secret room? Magic mirror?” tanong ko. Baka kasi nakalimutan niya dahil sobrang busy niya.

“Ah oo nga pala,” tumawa siya nang konte at napahawak pa sa likod. “Sorry. My bad. Papunta tayo sa storage room.”

Napahawak nalang ako sa mukha ko. This guy is hopeless.

Nagsimula ulit siyang maglakad. Susunod na sana ako pero may bigla akong nakita. Nakita ko mula sa bintana, nasa loob ng isang class room at nakatayo…

Isang babae…

Naka-kulay puting dress…

May makapal at mahabang itim na buhok. Hindi makita ang mukha niya.

Parang siyang si…

Parang si… Sadako! Iyong multo na lumalabas sa TV. 

Napatili ako. Parang saglit na tumigil ang puso ko.

“Oy, anong nangyari sayo?” tanong ni Ash.

Nilingon ko siya. “M-May— m-may— multo.”

“Sus! Multo lang pala, e. Nasa’n ba?”

Ituturo ko sana ‘yong multo pero wala na ito doon.

“Pareng Ash!” Dalawang lalaki ang biglang dumating. 

“Hey, Jake and Jay!” May kakaiba silang way ng handshake greeting. Mukhang mga kaibigan sila ni Ash.

“San kayo?” Tanong ni Ash sa kanila.

“Hinahanap ka namin. May party kila Ryan ngayon. Tara sama ka. Marami raw girls.”

Biglang tumunog ang phone ko. Tumawag si Mama kaya lumayo muna ako sa kanila at agad kong sinagot.

“Hello po, Ma?”

“Ate!!” Si Erin pala ang tumawag gamit ang phone ni Mama. Umiiyak siya. “Ate!! Please uwi ka dito. Uwi ka please!”

Parang may kung ano naman na pumiga sa puso ko. Bago ako umalis kanina at pagkatapos kong sabihin na hindi ako uuwi nang matagal— nagwawala na sa pag-iyak si Erin. Tumahan lang siya nang sabihin ni Mama na pupunta sila ng playground. Kaso heto mukhang naalala na naman niya ako.

“Erin tahan na please. Sorry, kailangan ni ate mag study para maging police, e. Pag college kana din, ganito din gagawin mo. Pero si ate hindi iiyak kasi alam ko uuwi din si Erin. Ganon din si Ate ngayon. Uuwi din ako diyan, promise,” malambing kong sabi.

Hindi siya nagsalita sa kabilang linya. Iyak lang ng iyak.

“Pag-uwi diyan ni ate, promise, maglalaro tayo palage. Babawi si ate sayo,” dagdag ko pa.

Iyak pa rin ng iyak si Erin. Hanggang si Mama na ang kumausap sakin sa phone.

“Sorry anak. Kanina pa kasi nagwawala. Gusto ka niyang tawagan, eh. Kaya pinagbigyan ko. Hayaan mo na, ngayon lang ‘to. Ako na ang bahala kay Erin.”

“Sige po, Mama. Erin, love ka ni ate. See you soon. Wait mo ko, ah.”

Sorry Erin, at Mama. Alam kong mamimiss niyo ko. Pero kailangan ‘to para masigurado kong ligtas kayo. Mas lalo kayong malalagay sa panganib kapag nandiyan ako. I wish I could say that.

Nagpaalam na kami ni Mama sa isa’t isa. Tapos ay tinago ko na ulit ang phone ko.

“Sorry, tumawag kasi si…”

And he’s gone.

Luminga-linga ako sa paligid pero wala na si Ash.

Grabe! Saglit lang akong di nakatingin iniwan na ko. Nakakainis talaga ‘yong Ash na ‘yon! Paano ako ngayon makakapunta sa Grimrose Academy nito? 


“Ash?” Pagtawag ko.

Wala na nga talaga siya. Saan kaya pumunta ‘yong lalaking ‘yon?

Bahala na nga! Hahanapin ko muna ‘yong sinasabi niyang storage room.

Naglalakad ako nang bigla kong maalala ‘yong multo. Dalawang beses ko na siyang nakita kaya hindi ako namamalik mata. 

Paano kung… 

Paano kung isa din pala ‘yon sa mga huma-hunting sakin.

The thought sent shivers down my spine.

Napayakap ako sa sarili ko. Tumindig ang mga buhok ko sa batok at braso. Ikinakalat ko ang paningin sa paligid. Habang tumatagal ay dumidilim na. 

Binilisan ko ang lakad ko habang hila-hila ko ang maleta na naglalaman ng mga gamit ko.

Mas lalong naging tahimik. Wala ng tao sa paligid. Tanging bawat hakbang ko, at gulong ng maleta nalang ang naririnig ko— pati ang tibok ng puso ko.

Nasaan ba ‘yong storage room na ‘yon?

Nakakabingi na ‘yong katahimikan. Kumanta kaya ako? Kapag hindi daw tahimik, hindi lumalabas ang mga multo. 

“Gento gento. Di ‘to basta-bata bingo bingo. Need mo makumpleto parang bento...”

May narinig akong bumagsak sa di kalayuan. Halos mapatalon ako sa gulat.

Please multo… layuan mo ko. Wag ako please.

Kumanta pa ko. Hindi ko na kasi alam ang gagawin. Takot na takot na ko. 

“Doing what we do in the moonlight. La-la-la-la, la-la-la-la, la-la-la-la…”

May kung ano akong naramdaman. Iyong parang pakiramdam mo may nanonood sayo.

Paglingon ko…

Tama ang kutob ko…

Sa di kalayuan naroon siya…

“Mama!”

Tumakbo ako. Bahala na kung di ko makita ‘yong storage room. Bahala na kung saan ako mapunta. Bahala na kung medyo mabigat ang dala ko. Wag lang mahabol ni Sadako.

Seconds? Minutes? Hindi ko alam kung gaano na katagal. Basta tumakbo lang ako. Sakto may nakita akong tatlong babae na magkakasama. Pinuntahan ko sila.

“Girls! Perfect timing—” Hindi ko natuloy ang gusto kong sabihin sa kanila. I had to catch my breath.

“You!” Bigla akong dinuro ng isa sa mga babae. “Ikaw yun! Tama nga. Girls it’s her.”

Kunwari akong ngumiti. I’m clueless. Kilala nila ako?

“A-Ano ‘yon?” tanong ko. Hingal pa rin.

“Ikaw nga! Ikaw ‘yong kasama ni Zed sa kotse niya few nights ago,” dagdag pa nung isang babae.

“Aba! Who do you think you are?” sabi pa ng isa— nakapamewang.

“Girls, I saw her earlier with Ash. I think nandito siya para ipagmayabang sa ‘tin,” At ng isa pa.

Shoot! Mga fangirls pa yata ng mga Franco Boys ang nalapitan ko.

“Sino ka? Are you gonna tell us that you are their girlfriend?” mataray na tanong ng babae.

“Okay. Clearly there’s a misunderstanding. I’m—” sabi ko pero di ako pinatapos ng isa.

“Naiinis ako! Ang yabang nito. Sabunutan ko kaya ‘to?”

Whoa! They are clearly delusional. Makaalis na nga.

Bigla akong pinigilan makaalis ng isa sa kanila.

“San ka pupunta? Hindi ka pwedeng umalis. Girl’s hawakan niyo! Sasampalin ko lang ‘to.”

Are they for real?

Dalawang babae ang humawak sa magkabila kong braso. Mahigpit at parang gigil na gigil. At dahil hingal pa ko, hindi ako naka-palag.

“Ito ang tatandaan mo, a. Sa ‘kin lang si Zed,” sabi ng babae. Naka-abang na siyang sampalin ako.

“Sa ‘kin si Ash,” sabi ng isa na nakahawak sa kanang braso ko.

“Sa ‘kin si Nix.” sabi naman ng isa pa.

I was about to try and explain myself again. Nang biglang…

Huminto ‘yong sasampal sa kin. Para siyang nanigas. Para siyang nakakita ng…

“M-Multo…” she whispered. Nanginginig at marahan niyang tinuturo ang likod ko.

Bigla siyang tumili at tumakbo. Iyong dalawa niyang kasama lumingon saglit. Tumili rin at kumaripas ng takbo.

Ako naman… parang nanigas.

I know what it is they ran from…

Ayokong lumingon.

Ayoko siyang makita.

Pipikit na lang din ako baka sakaling mawala siya. Or baka sakaling lumabas ang powers ko.

“Okay ka lang ba?”

 Boses ng babae. Nagsalita siya?

Tumango ako. Teka multo nga ba ‘to?

“Bakit kayo magkasama ni Ash? Girlfriend ka ba niya?” Tanong niya sakin.

Para bang biglang nawala ang takot ko. Hindi nga multo ‘tong kumakausap sa ‘kin.

Lumingon ako. Pero agad akong napaatras. Siya nga ‘yong mukhang Sadako. Pero mukhang hindi siya ghost dahil di naman siya translucent—gaya ng nakita ko kay ate Kat. Bakit niya kaya tinatanong kung girlfriend ako ni Ash?

Napalunok ako. Huminga ako nang malalim. “H-Hindi ako girlfriend ni Ash. Sasamahan niya lang dapat ako papunta sa storage room.”

Hinawi niya ang buhok niya sa mukha. Ngayon kita ko na ang mukha niya. Tao siya. Blanko ang expression niya pero di siya mukhang nakakatakot. Almond-shaped eyes, small lips, and nose. She’s like a cute asian girl.
“Pupunta ka din ba ng Grimrose Academy?” tanong niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Tumango ako. “Oo. Wait! Doon ka din ba papunta?”

Tumango siya. “Tara sama ka sa ‘kin.”

Parang ang cold niya. Pero dahil niligtas niya ko sa mga kamay ng mga mean girls kanina, I have a feeling na mabait siya deep inside.

May hinihila din siyang maleta. Kagaya ko rin kaya siya na titira sa dorm ng academy?

Sumunod ako sa kanya. Binilisan ko ang lakad ko, huminto ako at humarang sa harap niya.

“Ako nga pala si Shana.” Nginitian ko siya at inalok makipagkamay.

Para bang nahiya siya. Hindi siya makatingin sakin pero nakangiti siya nang konte.

Kinamayan niya ko.

“Ako si Tamika. You can call me Tam.”

“Tam! Nice to meet you.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

“Thank you sa pagligtas mo sa ‘kin kanina sa mga babaeng ‘yon,” sabi ko.

Mukhang mahiyain si Tam. Hindi kasi siya nagsalita at ngumiti lang. Gusto ko siyang maging friend. Feeling ko talaga mabait siya.

“So… bakit mo nga pala tinatanong kung GF ako ni Ash? Crush mo ba siya?” I teasingly asked her.

Nakita kong namula ang mga pisngi niya. Pero agad niyang tinakpan ng kamay niya ang mukha niya. Tapos ay bigla siyang tumakbo.

I knew it! Kinilig siya. Crush niya nga si Ash. 

“Uy Tam wait! Gusto mo pakilala kita kay Ash?”

Ang cute niya. Tumatakbo siya pero parang nakikipaglaro sakin.

Isang pinto ang bumukas. Lumabas mula roon ang isang lalaki kaya’t napahinto kami ni Tam.

“Nice timing! Kanina ko pa kayo hinahanap,” sabi ng lalaki. “Shana and Tam, right?”

Tumango ako. Si Tam nagtago sa likod ko.

“I’m Nelo. Student din sa Grimrose Academy. Binilin kayo sakin ni Kat. Tara punta na tayo sa academy.”

Buti nalang binilin kami ni ate Kat dito kay Nelo. Siguro na-predict niya ng iiwanan ako ng kuya niya? Student din si Nelo. Meaning he’s our senpai.

Sumunod kami ni Tam kay Nelo sa loob ng storage room. Ang buong kwarto ay walang bintana. Puno ito ng mga kung ano-anong lumang gamit. May mga statues din. Iyong iba sira. Pero ang pumukaw ng atensyon ko ay ang statue na pareho sa nakita kong statue na nasa harap ng Grimrose Academy. It was an angel knight holding a lantern.

Itinapat ni Nelo ang kanang kamay niya sa lantern ng statue. Then he offered his right hand for me to hold.

“Please hold my hand. You both need to be connected to me,” sabi niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Nelo. At hinawakan ko rin si Tam sa kamay. 

Nagulat si Tam. Parang hindi siya sanay o parang natatakot siya. Nginitian ko siya. “Don’t worry. I’m with you.”

Ngumiti siya. Di pa rin makatingin nang diretso. Pero mas humigpit ang hawak niya sakin.

Nelo cleared his throat. He took a deep breath then his hand seemed to have lit up the statue’s lantern with a dim white light. 

Then he recites…

In darkest hour, in shadow’s breath,
I rise with light, defying death.
Where evil stirs, I stand and fight,
To serve the Order of the First Light.
I am the light in the darkness.
I am an Angeal.


Those words gave me goosebumps. But before I could even react to it… Napuno ng nakakasilaw na kulay puting liwanag ang paligid. Wala akong makita kaya’t napapikit na lang ako.

Suddenly, the smell and the feel of surroundings changed. Malamig at amoy outdoor. Pagdilat ko ng mga mata ko… nasa tapat na kami ng academy.

“Alright everyone. Welcome to Grimrose Academy!”
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly