DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 8: Home is Where It HiTS

☆

6/12/2025

Comments

 

Grimrose academy

NAISIP kong gamitin ang phone ko para tawagan si Mama. Pero bago ko pa mapindot ang CALL button…

“Surprise! It’s a prank!” Sabay na sabi ni Mama at ni Erin.

Parang tumalon ang puso ko. I couldn’t breathe for a second. Bigla silang lumabas mula sa loob ng lumang cabinet dito sa kwarto ni Mama. 

“Ate Shana!”  Mabilis na yumakap sakin si Erin.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman prank lang. Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyari sa kanilang masama.

Pero…

“Sorry, anak. It was Erin’s idea. Ayaw pa matulog hangga’t di ka pa daw dumarating e, kaya naglaro muna kami. Nang makita ka naming bumaba sa isang kotse, nagtago na kami,” paliwanag ni Mama.

That moment iba ang nasa isip at puso ko. Para bang ngayon lang nag-sink in sa ‘kin lahat ng takot, at panganib na naranasan ko. 

“Anak, are you okay?” tanong ni Mama. Parang nahalata niya na may pinipigilan akong ilabas. 

Hindi ko gustong ilabas ‘to pero dahil nasa bahay na ko—I felt the sense of being safe. Not just safe from those who were hunting me, but also to be myself. 

The next thing…

Humagulgol na ko sa pag-iyak. 

“Oh Shana anak.” Niyakap ako ni Mama.

I haven’t cried like a kid for a long time. The last time was when Papa died. Pero dahil karamihan sa kakaibang karanasan ko kanina ay di nakakatuwa, para bang lumabas na lahat ng kinikimkim ko.

Pumasok sa isip ko ang lahat. From the moment I saw Trish became a Demon to the point where we were ambushed by Midnight. All of those things… there’s no way a normal person could have survived it. Hindi lang physically kundi pati emotionally. Somehow I did… I guess these tears were also for that. I’m still here breathing, and now with the people I love.

“Ate sorry.” Umiyak na rin si Erin habang nakayakap sakin. Dahil doon para bang umiral ang lagi kong pag-una sa pamilya ko bago sa sarili ko.

Umupo ako para pantayan si Erin. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. “No, no, it’s not your fault. Pagod lang si Ate tsaka ano—tsaka may bully kasi sa school, inaway ako.”

“Aba! Sino ‘yang bully na ‘yan?! Anong pangalan? Pupuntahan ko ‘yan bukas,” sabi ni Mama. Usually malambing ang boses ni Mama pero sa ganitong pagkakataon lumalabas ang mala-dragon niyang tapang.

Haays, Mama kung alam mo lang kung sinong bully ang tinutukoy ko. Baka lumipat na tayo ng bahay o baka ng planeta.

“Bad yun bully na yun, ate. Di natin yun love,” sabi naman ni Erin.

Pinunasan ko ang luha ko. Nagawa ko na rin ngumiti. “Hayaan niyo na ‘yon. Ang importante may mga bago akong kaibigan.”

“Wow! Talaga anak? Sila ba ang naghatid sayo? Bakit di mo pala papasukin?” tanong ni Mama. Pero di niya na hinintay ang sagot ko. Nagmamadali na siyang bumaba para makita ang mga sinasabi ko.

“Si Kuya Dante po ang naghatid sakin, Mama. Pero kasama niya po si ate Kat— siya po ‘yong isa sa mga bago kong friends,” sagot ko habang sumusunod kay Mama pababa ng hagdan. 

And so… na-meet ni Mama at ni Erin si ate Kat kasama si kuya Dante. They both revealed that they were dating. Sinabi rin ni ate Kat na kaibigan ko sila Nix, Zed, at Ash na mga kapatid niya. Siya na rin ang nagpaliwanag kung bakit kami ginabi ng uwi. Ang galing niya gumawa ng story. She told my Mama that we have a club about crime solving. Makakatulong daw sakin dahil gusto ko maging police. 

As expected, gandang ganda si Mama kay ate Kat. And apparently, she’s a fan of hers. Napapanood niya daw si ate Kat sa TV ads. Erin even told ate Kat that she looks like a Kpop Idol. Because of her, madaling naniwala si Mama sa reasons namin kung bakit ako ginabi. I hate lying to my Mama but for their safety—we had to do it.

Pagkatapos ng kwentuhan at tea, nagpaalam na si ate Kat at Kuya Dante. Kunwari ay aalis sila pero ang totoo magbabantay lang sila sa paligid. Dahil nakatulog na si Erin, kinailangan samahan ni Mama ang kapatid ko sa kwarto. Ako ang pinagbilinan niyang maghatid kina kuya Dante palabas ng bahay.

“By the way, Shana. May naisip nga pala akong plano. This is to protect you and your family,” sabi ni ate Kat.

Nasa labas na kami ng bahay— sa kalsada, sa tabi ng sasakyan nila.

“Sige, ate Kat. Ano yun?”

“I’ll talk to Mom about how we can apparently make your family move out. Then I’m thinking of moving them to Dante’s place. He still lives with his mom anyway,” ate Kat explained. She rolled her eyes when she said about Kuya Dante’s mom.

“C’mon, babe,” protesta ni kuya Dante.

I smell some relationship issues between them. But that’s not my business.

“Anyway, once your family is at Dante’s place, we will assign Angeals to secretly guard them. And then you can move to the Grimrose Academy dorm. Mas safe ka kasi doon kaysa dito sa city. It’s only until we find the reason why you’re being hunted and after we’ve dealt with them,” Ate Kat continued. “Also, if you ever decide to enroll and become an Angeal, the academy’s dorm will come in handy.”

“Mas safe nga sila doon, Shana. Malapit kami sa city hall nakatira. It is the safest area dito sa Grimrose City bukod sa Academy dahil alam ng mayor ang tungkol satin. She’s actually the leader of the Angeals,” dagdag naman ni Kuya Dante. “Kaya maraming Angeals ang nandoon.”

“Talaga? Ang mayor mismo?  Wow,” I said, amazed.

“Makikilala mo siya someday kapag naging ganap ka ng Angeal. For now, what do you think about the plan?” Tanong ni ate Kat.

“Makakasama rin ni Tita si Mama ko. Kaya di sila mabo-bore ni Erin sa bahay. Sigurado gusto ‘yon ni Mama para may kasama siya,” dagdag pa ni kuya Dante. “Lagi rin naman kasi akong nasa labas bilang pulis at Angeal.”

I thought about it carefully. May point naman si ate Kat at kuya Dante. It’s just that it’ll be my first time to be separated from my family. Sanay akong umuwi ng bahay at nakakasama si Mama at si Erin araw-araw.

But if I’m being hunted by Midnight and other dangerous beings, staying with them would only put them in danger too. Ayoko ng gano'n. Mas gusto ko pang ako ang mapahamak kaysa sila.

Also, I have to learn more about my powers. That’s the only way I can truly protect my family. So for them… kahit mahirap… kahit ano ang harapin ko soon… I’ll do this!

I nodded. Huminga ako ng malalim. 

“Okay, ate Kat. Payag ako.”

“Great! I’ll arrange something with Mom,” nakangiting sabi ni ate Kat.

Bigla nalang parang umihip ang hangin ng isang beses. A familiar sensation for me.

“Alright, people. Worrying is over. The strongest Franco is here!” 

And a familiar voice. Mula sa nag-iisang mayabang na bagong kilala ko.

Paglingon ko, nakita ko si Nix. His arms were wide open. Nag teleport siya papunta dito at kasama niya sina Zed at Ash. Pero bakit…

“What the heck?!” I yelped, slapping my hands over my eyes like they’d just been set on fire.

Silang tatlo kasi ay…

Sila ay…

Walang damit pang itaas!

But just to be sure I saw it correctly, nag-iwan ako ng siwang sa mga daliri ko para makakita ako.

And there they are! It wasn’t just my imagination. I saw it all— especially ‘yong kay Nix. Parang pinagyayabang niya pa kasi. All three of them have lean build bodies. 

Hindi ko masyadong nakita ‘yong frontal body ni Zed dahil bigla siyang tumalikod. But if I recall correctly, may six pack abs siya and his chest region is a little hairy.

Kay Ash naman toned din and with abs. Pero sobrang puti niya talaga na medyo maputla. Kung di ko alam na half Vampire siya, iisipin kong lumalaklak siya ng glutathione. Isa din siyang walang pake kung wala siyang suot pang itaas.

Iyong kay Nix ang kitang-kita ko. He has toned muscles and six-pack abs. At kahit inis na inis ako sa kanya— I can’t deny that he is so damn hot and sexy. Pero ang yabang-yabang talaga niya. Sige na, ikaw na may magandang katawan.

“Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyong tatlo?!” Ate Kat asked with a bossy tone. Humarang siya sa harap ng tatlong magkakapatid ng nakapamewang pa.

In just a few seconds, Ate Kat’s whole body became translucent and blueish white. Para siyang… multo? Kasabay no’n ay tumayo ang mga buhok ko sa katawan— lumamig ang paligid. I even had to hug myself. I swear I even saw my breath. 

Huminga ng malalim si ate Kat. Tapos ay hinipan niya ang mga kapatid niya ng sobrang lamig na hangin. They didn’t have the time to react. Para silang sinabuyan ng fire extinguisher. And just like that they were frozen. 

“It’s… Nix… Ate… Bigla niya kaming… tineleport dito,” paliwanag ni Zed. Nanginginig pa siya.

“What’s your… problem… ugly sister? Pasalamat ka… hindi ko pa… kayang ilabas… ang hellfire ko,” nanginginig din na sabi ni Nix.

Si Ash naman parang natutuwa pa. “Thanks, sis. You know I love the cold. Spa sa hating gabi.”

“Next time don’t just appear anywhere. Lalo na’t wala pa kayong mga suot. Paano kung may makakakita sa inyo? Mamamaya sabihin nila may mga kapatid akong baliw,” sermon ni ate Kat. Nagpatuloy pa ‘yon ng nagpatuloy habang frozen ang mga kapatid niya.

“Alright, Shana. Let me take you inside. Kami ng bahala dito,” sabi ni Kuya Dante. Marahan niya akong hinawakan sa braso at hinatid pabalik sa loob ng bahay.

“Bye, Shana. I’ll see you tomorrow,” paalam naman ni ate Kat sa ‘kin. She smiled and waved. She’s in her human form again. Then she went back on scolding her brothers.

Pagdating namin sa front door ng bahay, huminto si kuya Dante.

“Shana, may kailangan ka palang malaman tungkol kay Tito Alfonse,” sabi pa niya.

“Kay Papa? Ano yun kuya?”

He smiled. “Matutuwa ka sa sasabihin ko. Si Tito kasi… isa rin siyang Aether-blessed katulad natin.”

Bahagyang lumaki ang pagdilat ko. Pati mga buhok ko sa braso biglang tumayo. “Talaga kuya?! Si Papa may powers din? Katulad din ba ng sakin? Angeal din ba siya?”

“Di ko masasabi na parehas kayo ng powers. Ang alam ko lang he can use Aether Weapons like us Angeals. He was a lone Demon Hunter before joining the Angeals. At heto pa… he is the best of us. Sa kanya nagmula ang combat style na matututunan mo sa academy. For us he was a legend.”

My heart immediately filled with amazement. I was imagining Papa wearing the same all white tactical gear I saw from the Angeals in the academy. I saw him fighting bad Grimborns and Demons using a silver gun and dagger.

I just wished that he was able to tell me stories about it. I am feeling amazed and sad at the same time because of it.

I clenched my fist and placed it in my heart. It was pounding so loud. Now I’m really convinced that I have to be an Angeal— just like him. 

“Ganon kagaling si Papa?” I asked. He nodded.

Hinawakan ko sa braso si kuya Dante nang mahigpit. Tapos ay tinignan ko siya ng diretso.
“Kuya desidido na talaga ako. I want to be an Angeal.”

“I have a feeling that you’ll become one. And probably the best one too— katulad ng Papa mo,” nakangiting sabi ni kuya. “There’s more you should know. But for now… you have to rest. Marami kang pinagdaanan.”

I am so fueled with excitement and burning desire to start as soon as possible— to become an Angeal, to become just like Papa. I also wanted to know more about him as an Angeal. Pero tama si kuya Dante. Pagod na pagod na ko ngayong araw. Parang tinatawag na ng kama ang katawan ko.

“Tama ka, Kuya. Pagod na talaga ako ngayong araw. Thank you— Thanks for everything. Pasalamatan mo rin ang mga Franco para sakin. I’ll thank them again tomorrow or when I see them.”

“That’s a copy. Good night,” sagot ni kuya Dante ng nakangiti. “Sleep well. Kami na ang bahala.”

Yes. Tonight is to get some rest. Try to absorb everything. Pero bukas… simula na. I will give my all to become like you… Papa.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly