DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 7: A Taste OF Light

☆

6/10/2025

0 Comments

 

Grimrose Academy

I HAVE to pick myself up. They’re all down and I’m the only one left. Iyon ang sinabi ko sa isip ko hanggang sa makuha kong makatayo. I am so terrified, anxious, and panicking. I wanted to cry so bad. Pero nakakuha pa rin ako ng konting lakas ng loob— I’m not sure how. Siguro dahil alam ko sa sarili ko na dapat kong puntahan ang mga Franco.

I checked them— Nix, Zed, and Ash. Si Zed anyong tao na ulit.

They’re still breathing. Thank God. 

Pero hindi sila gumigising kahit anong alog at tawag ko sa kanila. 

They are all badly injured and wounded. Some parts of their clothes were torn. Kita ko ang burns at dugo sa mga sugat nila. 

“Guys? Guys, please! Can someone tell me how I can help you all?”

Nakakainis! They said I have this power, and there’s something special about me. Pero bakit hindi ko magamit? Bakit wala akong kwenta sa oras na ‘to?

I dropped to my knees beside them. Napatingin ako sa mga kamay ko. 

“Please,” I whispered. “I don’t know what to do.”

I clenched my fists. My throat tightened. I hated this.

I hate feeling useless.

I hate that I can’t protect anyone.

I hate that they’re the ones bleeding for me.

Kung totoo ngang may Aether ako… nasaan?

“Come on,” I begged. “If you’re in there, whatever you are—help me.”

I closed my eyes. I figured that if danger and frustration can’t help me, I have to concentrate. 

But what if my powers aren't for healing or to help them? Bahala na. I have to try.

Inisip ko si Nix, Zed, at Ash. They did not hesitate to help me, to put their lives on the line just to protect me. Kaya kailangan ako rin. I have to give my all for them.

I stood up.

“Give it to me,” I whispered through clenched teeth. “I don’t care what it takes anymore. Just… give me something. Anything.”

My heartbeat was too loud. My chest was tight. But then--

Something shifted.

The air was still. Parang tumigil ang mundo.

And then…

A pulse of white light came from me.

Parang may sumabog sa loob ko—hindi masakit, pero bahagyang mainit. 

Light flickered from my skin, then expanded outward in a soft wave. It wasn't big. But it was enough to touch all three of them. It was also calming. It was gentle and seemed alive.

Zed twitched. Ash’s chest rose sharply. Nix made a faint sound—too small, but I heard it. Iyong mga sugat nila… unti-unting nawawala na parang walang nangyari. This white light is healing them.

However, as soon as their wounds healed, the light faded.

Bigla nalang na para bang lumambot ang mga tuhod ko. Muli akong napa-upo sa sahig. Maging ang paghinga ko tila nag pahabol sakin. 

Yes! Finally! May powers nga talaga ako. I just hope na enough ‘yon para matulungan sila.

Hindi pa rin sila gumigising.

But after a minute, Ash stirred first. He blinked, groaned.

“Ugh! Grabe ang sakit… ng katawan ko,” sabi ni Ash. Bigla siyang bumangon. Parang bangkay na bumangon sa kabaong.

“Ash? Are you okay?” tanong ko.

He turned to me with a smile. “Yey! Buti na lang buhay ka pa. Kundi yari ako kay Kat.”

Tuluyan na rin nakatayo si Ash. Tapos ay lumapit siya sakin at inalok niyang hawakan ko ang kamay niya. Tinanggap ko naman ‘yon at nakatayo ako sa tulong niya.

“Did you heal us?” tanong ni Ash.

“I did. Kaso hindi ko alam kung paano. Bigla na lang.”

“I see…” He scratched his chin as if thinking of something. “May mga halaman bang lumabas sa paligid mo? Or sa braso mo while you were healing us?”

“Halaman? Wala naman. Bakit?”

“Ganon ba? I thought you were a white witch. Hindi pala. Anyway, I have to tell my sister. Kailangan niya muna kaming palitan sa pagprotekta sayo. If the enemy comes back, I can’t protect you in this state. Plus, my brothers are still down. We have to hunt and eat to recover.”

Tinignan ko ulit ang kamay ko.

“So… what am I?” tanong ko.

Kibit balikat lang si Ash. He took his phone out and tapped the screen—probably sending a message to Ms. Kat.

Kung ano-anong mga tanong ang nasa isip ko. 

Ano ba talaga ako? Anong klaseng kapangyarihan meron ako? May nilalang kayang makakapag-explain sakin nito? Paano ko gagamitin ito?

Nalingat lang ako may kung ano ng ginagawa si Ash. He was busy dragging his brothers to the side of the road. Pinagtabi niya ‘yong dalawa.

Akala ko iresponsable siyang kuya. May caring side din pala siya.

Biglang tumawa si Ash. Tapos ay ginamit niya ang phone niya para picturan ang dalawa niyang kapatid.

Napakunot-noo ako at lumapit.

Pambihira! Pinagyakap niya ‘yong magkapatid.

“Hashtag under the moonlight. Heart emojis… lima. And… posted!” sabi ni Ash habang gamit ang phone niya.

I can’t believe this guy. Nakuha niya pa talagang pag trip-an mga kapatid niya sa ganitong sitwasyon? 

Pero nakakatawa pala talaga. Parang lagi pa naman nag-aaway itong si Nix at Zed. Ngayon magkayakap sila.

Nag-unat ng mga braso si Ash. Tapos ay hinimas niya ang mga labi niya. “Damn! I’m so hungry.”

Bigla siyang tumingin sakin. His eyes were once again blood red. It immediately sent shivers down my spine. Napaatras ako at napalunok. 

Anong ibig niyang sabihin? Bakit siya nakatingin sakin?

Itinapat ko sa mukha niya ang palad ko. “Sige! Subukan mo lang! May powers ako!”

He smiled. “Don’t worry. Di ako kumakain ng kiddie meal.”

I crossed my arms. Tinignan ko siya ng masama. 

Kaasar! Pati ba naman ‘tong si Ash bata ang tingin sakin. Anyway, okay na siguro ‘yon kaysa kainin niya ko or sipsipin niya ang dugo ko. Speaking of--

“What do you guys eat then?” I asked.

He shrugged. “Human food? We’re half humans, remember? But at this stage I need to drink some blood. Nix has to eat a soul, and a lot of meat for Zed.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. “You mean— papatay kayo ng tao para do’n?”

Natawa siya. “Siyempre, hindi! We’re not murderers. We get what we need from animals. Usually livestocks.”

Nakahinga ako nang maluwag. Buti naman hindi sila mga mamamatay tao. Pero di pa rin maalis sa isip ko na ‘I make them thirsty’ or whatever that means. Kung si Zed nga di nakontrol ang sarili niya. I have to be wary of this guy. Sana lang magising na si Nix at Zed. Or dumating na si Ms. Kat.




SA LOOB ng kotse ni Zed ako pinaupo ni Ash matapos niyang iparada ito sa gilid ng kalsada kanina. Sampung minuto na rin ang lumipas. Tulog pa rin si Nix at Zed sa gilid ng kalsada. As usual pinaglalaruan pa rin sila ng kuya nila. Ngayon naman may drawing na ang mga mukha nila.

Ilang saglit pa, isang 4x4 Pick-up Truck ang dumating. Pumarada ito sa likod ng kotse ni Zed. Lumabas ako ng kotse. Siguro si Ms. Kat ‘to.

Dalawang pinto ang bumukas— sa driver seat at passenger seat. Si Ms. Kat galing sa passenger seat. Pero nang makita ko kung sino ang lumabas mula sa driver seat, nanlaki ang mga mata ko.

Bakit siya nandito? Bakit sila magkasama ni Ms. Kat?

“Kuya Dante?!”

“Hi Shana!” Nakangiting bati sakin ni Kuya Dante.

Sasalubungin ko dapat siya pero bigla na lang sumisingit si Ms. Kat. Niyakap niya ako.

“Shana! Thank Aelythia, you're okay. Wait—” Bumitaw siya at para bang sinuri ako mula ulo hanggang paa. “Are you really okay? May sugat ka ba?”

“Okay lang ako, Ms. Kat. Pero si Nix at Zed wala pa rin malay.”

“Hayaan mo ‘yong dalawang pangit na ‘yon. As long as they’re alive. They’ll recover. Ang importante ikaw.”

Ang weird talaga ng magkakapatid na ‘to.

“Okay naman po ako. B-Bakit po kayo magkasama ni kuya Dante?”

“Uhm… actually…” Parang nahiya si Ms. Kat. Hinawi niya ang buhok niya papunta sa likod ng tenga niya. Di siya makatingin sakin at medyo namumula rin ang mga pisngi niya.

Tumabi si Kuya Dante kay Ms. Kat. Inakbayan niya pa. “Shana… Kat is my girlfriend.”

Halos tila malaglag ang panga ko. That wasn’t the answer I was expecting. Also, gwapo naman si Kuya Dante, pero ibang level kasi ‘yong beauty ni Ms. Kat. Kaya paanong naging girlfriend niya si Ms. Kat?

Tumabi sakin si Ms. Kat. Tapos ay niyakap niya ang braso ko. Pinatong pa niya ang ulo niya sa ulo ko. “Now that it’s out. From now on ang tawag mo na sakin ay Ate Kat. Okay ba ‘yon?”

Mas lalong gumaan ang loob ko sa mga Franco dahil sa sinabi ni ate Kat. Also…

Hinawakan ko ang kamay ni Ate Kat habang nakakapit iyon sa braso ko. “Okay na okay, ate Kat.”

…Nagkaroon ako ng ate. Excited ako para do’n! At dahil kasama niya si kuya Dante, mas lalo akong nagtiwala sa kanila. Speaking of kuya Dante— Mukhang may hula na ko kung bakit siya nandito. But I have to hear it from him.

“Kuya Dante, bukod sa girlfriend mo si ate Kat, any other reason why you’re here? Care to explain?”

Napakamot sa likod ng ulo niya si kuya Dante. “Mukhang alam mo na kung bakit. I’m an Angeal too, Shana. Sorry kung di ko sinabi sayo kaagad. It was for your own good. Hindi ko rin naman alam na magkakaroon ka ng aether.”

I knew it! 

“Okay. Apology accepted. But you need to tell me more about it, pag-uwi sa bahay.”

“Sure! But for now we have to go,” sagot ni Kuya Dante. Tapos ay bumaling siya kay Ate Kat. “Kat, how are your brothers?”

I turned around. Gising na si Nix at Zed. Nakatayo na rin sila. Pero parang di sila makatingin sakin.

“Nix? Zed? Are you guys, okay?” tanong ko. Hindi sila sumagot. May nasabi ba ko or nagawang mali? 

They still couldn’t look at me. Was it guilt? Shame? Or something else?

“Shana, alis muna kami. Sila Kat muna ang bahala sayo,” sabi ni Ash.

Hinawakan ni Nix si Ash at Zed sa balikat. Sa isang iglap nawala sila.

“Don’t worry about them, Shana. Nahihiya lang ‘yong dalawa sa ‘yo kasi natalo sila. I’m sure they’ll be alright kapag nakakain na sila,” sabi ni Ate Kat.

Nalungkot din ako para sa kanila. Kapag may pagkakataon kailangan kong masabi sa kanila kung gaano ako ka-thankful. Kundi dahil sa kanila, baka kung ano ng ginawa sakin ng Midnight na ‘yon. They risked my life for me. That’s what matters to me more than winning the fight.




HINATID ako ni kuya Dante at ate Kat sa bahay namin. Susunod daw sila sa loob pagkatapos nilang ma-secure ang area. Pagpasok ko sa loob…

Naiwang bukas ang TV pero wala si Mama at si Erin.

“Mama? Erin? Nandito na ako!” pagtawag ko sa kanila.

Walang sumasagot. Nilibot ko ang simple, maliit pero up and down na may dalawang kwarto naming bahay. Hindi ko sila makita.

“Erin? Mama?” pagtawag kong muli sa kanila. Nasaan sila?

Pinatay ko ang TV. Nabalot ng katahimikan ang buong bahay. Nagsimulang tumibok nang malakas at mabilis ang puso ko. 

“Erin!! Mama!!” Nilakasan ko na ang pagtawag. Wala pa rin.

Lumabas kaya sila? Pero kilala ko si Mama, di niya iiwanang bukas ang TV.

Hindi kaya…

Hindi maaari…

Paano kung--

Si Midnight.

Ang mga Demons o kung anong mga nilalang ang huma-hunting sakin.
​
Huwag please… Huwag si Mama at si Erin. Please…


NEXT CHAPTER

BACK TO CHAPTERS
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly