DASH STORIES
  • HOME
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • HOME
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT

GA - CHAPTER 36: Aelythia Descends

☆

2/21/2026

Comments

 

Grimrose Academy

MALINAW naman ang pagkakasabi ni Sir Azrael sa ‘kin kung paano ko magagamit ang Aelythian Aether powers ko. Pero di ko alam kung kaya ko. He told me to reach my soul. Then I’ll be able to release the Franco siblings from their Demon Souls, and defeat Jack. He said I need to remember how I used it before.

Gusto ko pa sanang magtanong kay Sir Azrael kung may secret technique or kung paano ko aabutin ang soul ko. But our conversation was short. He said the trap was made from the Feather of the First Light. It was too strong to break quickly, and he’d need time to free himself.

Bahala na. Kailangan kong subukan.

Pagmulat ko, nakikipaglaban na sila Nix, Ezo, at Midnight kila Jack. Guns blazing, sharp cards flying, ice breaking, water bursting, blades clashing, blood shedding—it was chaotic. Walang gustong sumuko kahit nahihirapan na.

Inihagis ni Nix ang dagger niya malapit sa akin tapos ay nag-teleport siya doon.

“Anong sabi ni Dad? Papunta na ba siya?”

Napansin kong may dugong tumutulo mula sa ulo ni Nix pababa sa sentido at pisngi niya. Nag-alala ako kaya agad ko siyang chineck.

“Nix your head…”

“I’m okay. Malayo sa bituka. About Dad?”

Umiling ako. “He can’t come yet. But he told me what to do. I just… I need more time.”

He smirked. “Take all the time you need. I will protect you.”

Parang may kumurot sa puso ko. Alam ko nahihirapan na siya kahit pa ngumingiti siya.

That’s it. Hindi na talaga ako dapat mag-aksaya ng oras. 

Huminga ako nang malalim. Pumikit ako ulit.

I have to reach my soul no matter what. Ano nga ba ang meron sa mga moment na ‘yon? When I saved Ate Kat from Trish… Hindi ko sure pero parang… instinct? O kusang gumalaw ang katawan ko? And when I healed the Franco brothers from Midnight’s attack it was… desperation so I begged. Iyong sa arrow shower naman—I’m not sure pero parang may narinig akong boses.

Pinagpatong ko ang mga kamay ko at itinapat sa puso ko. May na-realize ako nang alalahanin ko ang mga moments na nagamit ko ang Aelythian Aether powers ko. 

It protected me when I was in danger… It helped me when I begged… It guided me through a voice…

This hidden power of mine…

It’s…

It’s alive and I can feel it.

Like the Demon souls inside the Franco siblings. Siguro meron din naka-bind sa soul ko. At siya ang tumutulong sa akin mula noon.

Aether… Alam ko nandiyan ka sa loob ko.

Let me talk to you. Allow me to see you.

Ilang saglit pa… Biglang nagkaroon ng nakakabinging katahimikan. Kahit hangin sa paligid wala akong naramdaman. And when I opened my eyes… everything was… empty. It’s like I was transported somewhere else. A space of nothing but darkness.

Where am I?

I can only talk through my thoughts.

Nakikita ko pa rin ang sarili ko pero wala talagang kahit ano sa paligid. Humakbang ako. Iyong floor para bang gawa sa tubig pero di ako lumulubog. 

Where are you? 

Let me talk to you…

Show yourself…

I need you…

Nagkaroon ng spark na kulay ginto at puti na liwanag sa harap ko. Unti-unti itong lumalaki. It slowly shaped itself into…

Me?

The light was the same figure I saw when I was in the void with Sir Azrael—a version of me wearing knight armor holding a sword and shield, and has four angel wings. But this time it was so detailed. I can’t help but to be amazed by it.

The headgear glowed in bright gold, shaped to guard the face while still showing it. There are thin silver lines traced along the edges, clean and sharp. Sa magkabilang side malapit sa tenga, may tig-apat na puting feathers—it gave a soft and proud accent.

Iyong sa dibdib at balikat, balot ng smooth gold plates. Matibay at steady ang itsura. May silver designs sa bawat curve. Gold wrapped around the waist, flowing down into white layered cloth skirt trimmed in gold accent.

The gauntlets were solid gold with silver patterns along the wrists, like it was made for both defense and control. Yung boots, gold from shin to toe may silver accents na bumabagay sa buong armor.

The sword was a silver blade with a golden hilt, detailed but not heavy. Iyong shield, I think buckler ang mas appropriate na tawag—maliit kasi siya compare sa mga viking shield na tago ang buong katawan. Ito kasi for faster guard at parry. It is also made of shiny silver with golden accents shaped into angel wings and intricate vines.

Then the four angel wings on its back… They were made of fiery feathers radiating in gold like it was telling me that it was so divine.

It looked powerful and ready

And somehow… It felt like it belonged to me.

Hi! W-Who are you? W-What are you?

It did not respond. It was just standing, glowing, and radiating. Or maybe… I’m asking the wrong questions.

You… You were always there for me. You protected me, guided me, and made me strong. For that… Thank you.

Wala pa rin kahit anong sign or movement mula sa kanya. Nagpatuloy nalang ako…

Maybe this is not the time to get to know you. But please… Help me. I’m not asking for your power to be mine. Just… Just work through me. Help me save my friends. 

Wala pa rin. 

Ano nang gagawin ko? Umaasa sila sa akin. I don’t want to fail them. Ayoko rin na magwagi ang kasamaan dahil for sure madadamay si Erin at si Mama. Hindi pwedeng mangyari ‘yon.

Tumulo na ang luha sa mga mata ko. If I could give my life to save everyone and end this fight I would.

Please… Help me stop evil.

Biglang lumakas ang liwanag. Ang kaninang blankong paligid ay napuno ng puti at ginintuang sinag hanggang sa maging ako ay nasilaw nito.

Kinailangan kong ipikit ang mga mata ko. Pero kahit ginawa ko ‘yon ay sumisingit pa rin ang liwanag kaya ipinangharang ko na rin ang braso ko.

Then I heard a voice. Words spoken were in a different language—it sounded ancient. But somehow, I could understand what it was. Ang sabi nito, hindi pa ito ang oras ng pag gising, pero ipapahiram ang kapangyarihan hanggang limang minuto lang.

Ilang saglit pa, para bang bumalik ang lahat ng pandamdam ko. Dinig ko na ulit ang ingay ng labanan, ang hangin at lamig ng silid ramdam ko na rin. Marahan kong minulat ang mga mata ko.

“Shana… Are you awake?” Hirap na sabi ni Nix. Nakita ko siyang nakatukod na sa sahig sa harap ko habang kaharap sa di kalayuan ang mga kalaban. Sugatan siya, nanghihina, pero pilit pa ring nakatayo.

“Nix?” Luminga ako sa paligid. Jack’s team was still standing while our side was almost wiped out. Ezo is down, and Midnight seems to be missing. “Anong nangyari?”

“You’ve been… glowing for ten… minutes. They… went all out… to try and stop… you.”.

Ten minutes?! Ganon katagal? Paano nangyari ‘yon? I thought I was only out for a minute or two. Wait… Kakaiba ang pakiramdam ko.

Tinignan ko ang sarili ko. I’m now wearing the same golden armor I saw earlier. I glanced back. I didn’t have the wings though. But I feel… powerful. Like I think I could do anything.

“Natalo nila si Ezo. He’s still… alive. Si Midnight… biglang nawala. As soon as he saw you glow… he bolted,” dagdag pa ni Nix. Nilingon niya ako nang may ngiti. “Nice armor. Sorry… I’m out of—”

“Nix!”

Biglang natumba si Nix. Agad akong kumilos para puntahan siya. Lumuhod ako at sinuri siya. Buhay pa naman siya pero wala ng malay.

“Thanks for giving me time. I’ll take it from here,” I softly said as I touched his cheek. Nilingon ko si Tam. “Tam! Please take Ezo and Nix.”

Tam reached out her hand. From her palm, fast moving thick vines sprouted and grabbed Nix and Ezo to her side.

“I got them!”

Napansin ko ang buhok ni Tam, ang iba ay namumuti na. Iyong balat niya parang nagiging dry na rin at nagkakaroon ng wrinkles. Her white magic was taking too much from her.

“Friend… Are you okay?” Tanong ko.

Tumango siya. Diretso ang tingin sa ‘kin. “Ako ng bahala, friend. Go kick Jack’s arse!”

Nag-aalala ako sa kanya pero dapat din akong magtiwala. Tumayo ako at nginitian ko siya. 

“With pleasure.”

I have to finish this quickly. Para matulungan ko si Tam. First… Time to take my friends back. 

Humarap ako kila Jack at tinutok ko ang kanang palad ko sa kanila.

Aether… Show me your power. Save them from their Demon souls.

I heard the voice again talking in a different language. It told me what to do.

Sumuntok ako sa sahig. Nagkaroon ng mga gold and white light lines na mabilis na gumapang papunta kina Jack. Chains were formed out of it. I grabbed the end and raised it as I stood. At the same time, chains quickly bound them.

“I call upon the human souls residing inside the Francos. Come forth Kana Talia, Alvin Shawn, Zack Edward! Ritual negate! Soul bind release!”

Nagliwanag sina Ate Kat, Ash, at Zed. Kulay ginto at puting sinag na nakaka-silaw sa iba maliban sa akin. In a matter of seconds, the three of them went back to their human form.

“Nooooo!!!” Sigaw ni Jack. Nagawa niyang makawala sa chains kaya agad kong hinatak ang mga Franco papunta sa akin.

Pinawala ko ang mga kadena. Okay na ang mga Franco. Di ko na maramdaman ang presensya ng Demon souls sa loob nila pero nawalan sila ng malay.

Agad namang kumilos si Tam. Gamit ang mga makakapal niyang vines, dinala niya sa tabi niya sina Ate Kat, Zed, at Ash.

“Leave them to me, friend. Nailigtas ko na si Dean Clea. Susubukan ko rin silang i-heal.”

Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman at ligtas na si Dean Clea.

Tinanguan ko si Tam. “Thanks, friend. Ako naman ang bahala sa Demon na ‘to.”

“Bastardo! Sinira niyo ang mga plano ko! Magbabayad kayo!” Sigaw ni Jack. Finally, wala na ang creepy smile niya. Mukhang galit na galit na siya.

“Well, dude. You mess with the wrong people,” I replied with open arms.

“Pero hindi pa huli ang lahat. Gagamitin ko ang natitirang kapangyarihan ng Feather of the First Light. Kakainin ko ang soul mo upang ako ay maging isang Dreadlord. Pagkatapos no’n ay ibibigay ko ang sarili ko sa panginoong Chronika. Mas gusto niya sana kung siya mismo ang kakain sa soul mo pero sa ngayon… wala akong pagpipilian.”

Water burst out all over Jack’s body. Then he morphed into something else—he became scarier and much more terrifying. He’s now like a deep sea creature but born from hell. His body was still thin, but now covered in fish scales. He grew to about seven feet tall. He wore armor on his body, shoulders, arms, and legs—made of spiky corals and barnacles in a deep, dead-blue sea color.

Iyong ulo niya—naging clam shell. Wala na siyang mukha. May mga tentacles ng octopus sa ibaba kung nasaan dapat ang bunganga niya. May sungay siyang napakahaba sa magkabilang gilid ng ulo niya, tila gawa sa mga palikpik.

Both of his arms have two crescent glowing dark blue blades like it was part of him—extension of his bones. He also has spiky tentacles that act like a waist cape that moves on its own.

He looked deadlier than before. Pero… Nararamdaman ko ang Aelythian Aether sa buong katawan ko. I can also feel that I’m not alone in this fight. 

Kaya hindi ako natatakot.

Kahit maging higante o anong halimaw pa siya.

Itinaas ko sa ibabaw ng ulo ko ang mga kamay ko. Sunod ay mabilis at sabay ko itong ibinaba sa magkabilang gilid ko. Kasabay no’n ay ang paglabas ng sandata ko—the Aelythian sword and buckler.

Oras na para simulan ang laban. I only have about three minutes left to defeat him. Kapag di ko nagawa, mawawala ang pinahiram sa ‘kin na powers.

“You talk too much. Time to fight,” sabi ko.

Sinugod namin ang isa’t isa. Nagtagpo ang aking sword at ang kanyang mga blades. Sinasangga ko ng shield at iniilagan ko ang ibang atake niya. Bumabawi ako pero nasasangga din niya. 

Halos pantay ang tagisan namin ng galing sa sandata na para bang matagal ko ng alam ang mga galaw ko ngayon. Nakasabay ako sa kanya kahit pa wala akong practice sa pag-gamit ng sword. Tingin ko ginagaya ng Aether ko ang mga galaw ni Ate Kat dahil idol ko siya.

This power… It doesn’t come from me but it feels like it belongs to me.


I parried his next attack with my shield. It created an opening. I grabbed the chance and slashed him right into his chest. My attack wounded him and pushed him backward.

Got ya!

Susundan ko pa sana ang atake ko pero bigla siyang nag-summon ng mga higanteng eels na gawa sa tubig.

I jumped back, and then back flipped thrice to dodge them. Nawawala ang mga water eels sa tuwing tumatama ang mga ito sa sahig. May isang nakalusot pero hiniwa ko ito ng sword ko.

However, it was only a feint. The burst of water concealed his moves, and when he stepped out of it, he was already in front of me. I didn’t have time to react before his blade struck my chest.

The impact knocked the breath from my lungs and sent me stumbling back. For a second, I thought I was dead—but my armor held. It felt more like a brutal kick than a stab.

Shoot! Buti na lang matibay ang armor ko. Hindi ko dapat kalimutan na tuso itong si Jack.

“Papatayin kita! At kakainin ko ang kaluluwa mo!” sigaw ni Jack habang mabilis na sumusugod.

Mabilis akong tumayo at ipinangharang ang buckler ko. Para bang nabasa nito ang intensyon ko na pigilan si Jack— nagkaroon ito ng tila kopya sa harap na gawa sa ginintuang ilaw na mas malaki pa sa akin.

Binangga ni Jack ang ginawa ng buckler ko at bigo siyang wasakin ito. Sa halip, para siyang bumangga sa tanke. Sa lakas ng impact, tumalsik siya hanggang sa pader na ikinasira pa nito. 

Narinig ko ulit ang boses sa loob ko. Ibang lenggwahe pero naintindihan ko. Sinabi nito ang sunod kong gagawin.

“Swords of the fallen Aelythian warriors—gather!” Sabi ko. 

I raised my sword and pointed it forward. 

“Lend me your might…”

About thirty floating swords made of gold and white light appeared before me.

“Go forth!”

The swords flew straight to Jack’s direction like they were deadly projectiles.

Pero di nagpatalo si Jack. Nag-summon siya ng mga water bubbles at sinalo nito ang mga incoming flying swords. 

I thought about attacking him again toe to toe. Some of the floating swords went to my back and formed themselves into wings.

Whoa! Now I definitely look like an Aelythian.


The sword wings boosted my speed. Agad akong nakalapit kay Jack. Inatake ko siya gamit ang sword ko. Nasangga niya pero patuloy lang ako sa pag atake. Gumaganti siya pero sinasangga ko ng buckler. Patuloy lang ang clash ng mga sandata namin.

Kailangan ko ng opening. Kailangan ko na siyang matalo kaagad. Mauubos na ang oras ng borrowed powers ko.

“Mukhang nagmamadali kang talunin ako, Ms. Brea. Limitado ba ang oras mo? O di kaya… ang kapangyarihan mo?” 

He doesn’t have a face anymore but I could still see his Cheshire smile like it was etched in my mind.

Shoot! My moves gave it away. I really have to end this now.

Nakalusot ang isa sa mga atake ko. I stabbed him right in the chest. Pero bigla siyang naging tubig na bumuhos sa sahig at nawala.

Lumitaw siya ulit mula sa isang water sprout sa kabilang dulo ng old mess hall—may kalayuan na mula sa kinatatayuan ko.

“Kung naghahabol ka ng oras. Mas lalo kong patatagalin ang laban,” sabi niya.

His back arched like his upper body was pulled backwards. Mula sa sikmura niya ay lumabas ang mga malalaking tentacles ng octopus na balot ng hard shells. Nagpatuloy ito hanggang sa tuluyan siyang nabalutan. Pumorma ang mga ito na parang isang higanteng conch at nasa loob si Jack.

“Subukan mong wasakin ang shell ko, Ms. Brea. Bago ka maubusan ng oras. Tandaan mo lang. Kapag nabigo ka… Kakainin ko ang kaluluwa mo,” dagdag pa ni Jack saka humalakhak.

I gritted my teeth. I wasn’t sure if an Aether blast would be enough to destroy that shell. And I only have thirty seconds left. If I was going to end this, I had to destroy the shell and him at the same time.

I heard the voice inside me again. It reminded me of the time I have left and what I can do with it.

Pinawala ko muna ang buckler ko. Sunod ay hinawakan ko ang sword ko ng dalawang kamay saka iniangat ito sa abot ng makakaya ko.

“Darkness stands before me. Light stands with me…”

Nagliwanag ng kulay ginto at puti ang buong sword. Nagkaroon din ito ng humming sound na parang sinasabi na nag iipon ito ng lakas.

“May the power of the Aelythians descend to this sword…”

The radiating light grew bigger and bigger—until it reached the ceiling. 

“Vanquish evil… Sword of Aelythia!!”

I swung the sword downward towards Jack. Kahit medyo malayo siya, naabot siya ng liwanag nito. Nabalot ang paligid ng nakakasilaw na sinag sa pagtama ng atake ko. Sa sobrang lakas ng impact, yumanig ang paligid. Dust and debris from stones and shells were everywhere. A loud and long radiating hum filled the room.

Biglang bumigat ang katawan ko kaya’t napaluhod ako sa sahig. Nagpahabol din ang paghinga ko. Nawala ang sword at ang armor ko. Hindi ko na rin maramdaman ang pinahiram na powers sa ‘kin.

It’s over. I just hope… It was enough.

Unti-unting nawala ang nakakasilaw na liwanag. Alikabok na lang ang nagkukubli para makita ko ang kalagayan ni Jack.

Please… Sana naman tapos ka na.

After a while, the dust settled…

And Jack…

“Hindi pa… tayo tapos… Ms. Brea.”

He was still standing, smiling like a maniac. He lost his right arm and his deep sea demon armor was destroyed. Nakikita ko na ulit ang mukha niya na para bang bumalik siya sa pinaka-una niyang anyo. Bahagya rin nabawasan ang tangkad niya at mas lalo siyang naging buto’t balat.

Sinubukan kong tumayo pero parang ayaw gumalaw ng mga binti ko. Pakiramdam ko wala na akong natitirang lakas. Bumibigat na rin ang paningin ko.

“Kaya ko pa…” Naglabas si Jack ng patalim at dinilaan niya ito. “Kaya ko pang kainin ang kaluluwa mo!”

Hindi… Hindi pwede ‘to. Hindi siya pwedeng manalo. Kailangan… Kailangan kong lumaban kahit ikamatay ko.
TO BE CONTINUE...
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly