DASH STORIES
  • HOME
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • HOME
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT

GA - Chapter 35: No Retreat

☆

2/9/2026

Comments

 

Grimrose academy

NAGAWA talaga ni Nix na makawala sa pagiging full Demon. Bukod sa pang-aasar niya sa akin, wala na rin ang sungay niya, pati ‘yong armor niya, at kahit anong bakas sa balat ng pagiging Demon—he’s back to just the cocky guy in a red leather jacket that I knew.

“Agh! Ang sakit!”

Bigla kong naramdaman ang kalmot sa braso ko kaya’t hinawakan ko ito. Ang hapdi parang napaso. 

Nix pulled his dagger from Zed’s palm. Then he spinned and kicked him in the head, followed by a somersault. Tumama ang lahat ng atake niya kaya’t napaatras si Zed.

“Ezo, tag!” Hudyat ni Nix.

Ezo lunges at Zed following up the attack with his fists covered in thick ice.

“Ice punch barrage!” Sigaw ni Ezo habang pinapaulanan ng suntok si Zed.

Samantala, lumuhod si Nix para pantayan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila.

“Let me see your wounds.”

Habang sinusuri niya ang sugat ko, di ko napigilan na tumitig sa kanya. I don't know why I did. Maybe I was just relieved that he’s with us again.

Biglang nag-init ang pisngi ko kaya inatras ko ang braso ko. “I’m fine!”

Pero muli niya itong hinila papunta sa kanya. “No you’re not! Let me take care of it.”

Mabilis niyang hinubad ang red leather jacket niya pati na rin ang white t-shirt niya. 

“Hoy anong ginagawa—”

“Calm down. Kailangan natin takpan ang sugat mo.”

Pinunit-punit ni Nix ‘yong white t-shirt niya. Ginagawa niya itong mahahabang tela na pang benda.

Calm down? Bakit? Kalmado naman ako ah? Akala ba niya hindi ako makakalma dahil nakita ko nanaman ‘yong well toned muscles at six pack abs niya na may mga butil ng pawis? Hindi ah!

Kumabogkabog ‘yong dibdib ko—-dinig na dinig pa. So I shook my head. Focus, Shana. Focus!

“P-Paano ka nakabalik sa dati?” tanong ko na lang. 

“Syempre malakas ako, e. I’m the strongest, you know.”

Ang hangin talaga ng lalaking ‘to kahit kailan.

“Ang yabang mo talaga. Paano nga?”

“Ang dami talagang tanong ng mga bata. Requirements ba ‘yan para tumangkad?”

Sinimulan niya ng bendahan ang sugat ko.

“Mahirap bang mag seryoso? Hello? Nasa battlefield tayo, Niel Xander Franco.”

He chuckled. “Don’t call me by my full name… You might take the last.” 

I furrowed my brows.

Anong pinagsasabi nito? Kukunin ko daw ‘yong last name niya? Ha? Di ko gets!

“I need to know how you did it so we can help your siblings,” sabi ko.

Natapos niyang bendahan ang sugat ko.

“I’m not entirely sure how. Ang alam ko lang, nagawa kong labanan si Xanargos—’yong Demon na naka-bind sa soul ko. We fought and I lost a hundred times inside our minds. Eventually he tapped out cause I wasn’t giving up at all. I’m Nix Franco for crying out loud.”

Di ko napigilang mapangiti. Kahit ang yabang ng pagkaka-kwento niya, masaya talaga ako na kakampi na namin ulit siya.

“Tas sinabihan niya ko na gamitin ko ang Hellfire ko para makawala sa ritual bind ni Jack,” dagdag pa niya.

Kaya pala nagliyab siya kanina noong parang gusto nila akong atakihin.

“Kaya mo bang gawin din ‘yon sa mga kapatid mo? We need them. You can easily bring them back now.”

Tumingin siya sa ibaba saka umiling. “It wasn’t easy. It took everything I got. I had to pour out the strongest emotion I have, and my will…”

“Will? Your will to fight?” I asked.

Tumingin siya sa akin nang diretso.

“My will to protect you no matter what.”

Pabulong akong napasinghap. Parang isang segundong tumigil sa pagtibok ang puso ko. Bigla din nag-init ang mga pisngi ko. Tapos parang may lumilipad na kung ano sa loob ng tiyan ko. 

Tumayo siya at inalok niyang hawakan ko ang kamay niya.

Di ako nakagalaw nang tumingala ako sa kanya. My gaze got stuck in his face. Pakiramdam ko nawala ‘yong takot ko at kaba ko ngayong nandito na siya. Hanggang sa…

May isang butil ng pawis ang tumulo— pagapang sa abs niya. Napunta doon ang pansin ko. Marahan pa itong bumaba nang bumaba… 

At bumaba pa…

“Bastos!”

Bigla kong tinakpan ang mukha ko. Grabe kasi parang sasabog sa init. Kinuha ko sa floor ‘yong jacket niya at binato ko sa kanya nang hindi tumitingin.

“Magbihis ka nga!”

I heard him chuckle softly. I peeked between my fingers and saw he was wearing his jacket.

Samantala, nagawa ko naman tumayo mag-isa. Thanks to his DIY Bondage. Hindi na masyadong masakit ang sugat ko.

“Hey guys!” Ezo retreated back to our side. “They regrouped. It’s sus. May masama yata silang balak.”

Jack withdrew the Demon Francos back to him. They got this battle formation formed. Nasa harap si Zed habang nasa likod niya si Jack at sa magkabilang gilid naman si Ash at Ate Kat.

Pumunta rin sa tabi namin si Midnight. Hindi ko talaga alam kung bakit kakampi namin siya ngayon. Pero kailangan namin siya. At least it’s now four versus four.

“Oy! Why are you teaming up with us?” Maangas na tanong ni Nix kay Midnight.
Nilingon siya ni Midnight pero hindi ito sumagot at tumingin lang ulit kila Jack.

“Nix stop. We need him,” sabi ko.

“Tss! Wag lang siya magkakamali na saktan ka. I will kill him on the spot,” sagot ni Nix.

Gustong ngumiti ng mga labi ko pero ayoko kaya kinagat ko. Kaso parang kusang gumalaw ‘yong kamay ko. Pinalo ko si Nix sa braso.

“Hey, Chibi. Ba’t namamalo ka?” 

“W-Wala lang. S-Sorry,” nataranta kong sabi. I cleared my throat. Tama na. Dapat seryoso na.

“Okay, guys. Let’s do this. Ezo, Nix, let’s retreat for now. Mas kailangan natin iligtas ang mga kasama natin.”

Nix tightened his lips and shook his head. “Sorry, can't do. I’m out of juice. I can’t use Hellfire or Teleport anymore today. But I got this dagger from Xanargos.”

He showed us this curved dagger with a dark blade, and thin lines glowing like there’s fire inside it. I think mga 16 inches din ang haba nito. May mga strange patterns ito across the metal na parang galing sa ibang mundo. The guard stuck out like claws, and the hilt looked like it was made from dragon scales. Ang angas nito pero nakakatakot din. Parang talagang galing Hell.

“Sheesh! Nice dagger. Plus one hundred aura, Kuya Nix,” sabi ni Ezo.

Nix tapped his lower lip and winked.

“Thanks, lil bro. By the way, nice to finally meet you,” sagot ni Nix at nakipag-fist bump siya kay Ezo.

“What about you, Ezo? Kaya mo na?” tanong ko.

Napakamot sa likod ng ulo niya si Ezo at ngumiti. “Ah eh… Kaya ko na sana. Kaso… kung unavailable na kay Kuya, di ko na makokopya. If I can’t sense it, it’s a no go.”

Shoot! Ibig sabihin, bukod sa kaya lang gumamit ni Ezo ng copied ability one at a time— kapag di na ito kayang gawin ng kinopyahan niya, di niya na rin magagawa. Basically… right now… retreat is not an option.

“Okay. No choice. We have to stand and fight. And hopefully dumating si Sir Azrael,” sabi ko.

“Let’s go! I’ll give everything I got,” sabi ni Ezo. Pinagbangga niya pa ang palad at kamao niya.

Pumorma na rin si Nix—arms up like he was about to box but with a dagger in his right hand. “Just one thing— don’t kill Jack. The binding ritual could kill our siblings. We can only knock him down and restrain him.”

Tama si Nix. If Jack died, it would mean failure for Ate Kat, Ash, and Zed to grant his wish. Masakit na sa kanila kanina noong natamaan ko si Jack. What more kapag napatay namin siya?

I turned to Midnight. I wanted to tell him to do what Nix said. Before I could speak, he gave me a single nod.

“Okay, people, here’s the plan…” sabi ni Nix.

Huminga ako nang malalim. Inihanda ko rin ang Lucent Bow ko. Come on, Nix. Show me what you got in mind.

“Attack!” Nix and Ezo cried out. Sabay silang sumugod.

Pakiramdam ko parang may bumagsak sa ulo ko. Akala ko may maganda siyang plano. Bakit di pa ko nasanay? Ngayon dalawa na silang masakit sa ulo. Pambihira! I guess I just have to shout out my plan.

“Guys, let’s knock or restrain your siblings first! Huli na si Jack!” 

“Copy that!” sagot ni Ezo. He threw his arms forward as he ran. Nagkaroon ng icy pathway mula sa kanya papunta kila Jack. He tapped his feet, and ice shaped itself into blades under his shoes. With a quick push, he skated forward.

“Ice skating!” sabi pa niya. Parang batang naglalaro habang nagpapadulas sa yelo. But it gave him speed.

At the same time, Nix whipped his dagger high above his siblings. Flash fire engulfed him, and he vanished. It flared again beside the blade, and he was suddenly there, holding the dagger in reverse while in the air.

Sinalubong ni Ate Kat si Nix sa ere. May hawak siyang dalawang short sword na gawa sa ice. Their weapons clashed again and again, too quick for the eyes to follow. Sa huling banggaan ng mga sandata nila, naitulak nila ang isa’t isa palayo. Ate Kat landed back to Jack’s side while Nix had to throw his dagger and warped on the floor to avoid hitting the ceiling.

Meanwhile, Ezo came in fast, gliding on the ice. He slammed one foot forward to brake. In an instant, heavy spikes of ice rose from the ground and pierced through Zed’s lycan body.

“Take this! Ice dash!” 

Zed growled—getting angrier and wilder.

Pero biglang natunaw ang yelo nang mabilis—parang tubig na tumapon sa sahig. It was Ash. He just touched it and it changed. Then he knelt down, palms flat on the floor. Tapos naging malambot na putik ang kinatatayuan ni Ezo—parang kumunoy. Mabilis na lumubog ang buong binti niya.

“Come on, bruh. This is unfair!”

Aatakihin dapat ni Zed si Ezo. Mabuti na lang mabilis si Midnight—he fired his dual Lux Guns. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Ezo na gayahin ang ability ni Ash—he solidified his ground, broke free and took a few steps back.

Sa kabilang banda, umatake ulit si Nix. Nagawa niyang basagin ang sandata ni Ate Kat nang salubungin siya nito.

“Sorry about this, sis,” sabi pa ni Nix. He attacked again, taking the chance while Ate Kat looked defenseless. But his blow passed right through her, as if she were nothing but an image.

Ate Kat quickly waved her hand from left to right, a sword made of ice appeared out of thin air. 
Aatakihin niya dapat si Nix pero naisip ko agad na tumulong. 

“Nix!” sigaw ko.

I fired three arrows at her. She had to dodge them all as she stepped back.

Nilingon ako ni Nix. Ngumisi siya at kumindat pa. Ngunit dahil do’n nagawa ni Jack na hawakan si Nix sa balikat. 

Nix wasn’t able to react quickly. Water burst from Jack’s hand forming a foamy bubble around Nix. In just a second, he was trapped inside a water bubble.

Jack chuckled. “Naaalala mo pa ba ‘to?”

“No! Nix!” sigaw ko. I fired an arrow right away. My intent was clear—save Nix.

I hit my mark, the bubble burst, freeing Nix from captivity. Inihagis niya ang dagger niya malapit sa akin at nag-warp. Basang basa siya at para bang hingal na hingal. Pero nandito na siya sa tabi ko, nakaupo sa sahig.

“Nix, are you okay?” tanong ko.

Hindi siya sumagot. Pero nakatitig siya sa akin, nakangiti kahit pa naghahabol ng paghinga.

“Nix?”

Maayos na ang paghinga niya pero nakatitig pa rin siya sa akin at nakangiti.

Anong nangyari sa lalaking ‘to? May dumi ba ko sa mukha? O nag-iisip ng pang-asar sa ‘kin?

“Thanks for the save. You did what you told me before,” sabi niya.

“Huh?” 

Hindi ko maalala kung ano ‘yong sinasabi niyang sinabi ko. But I felt proud of myself at that moment. I winked at him and offered my hand.

“Tara. Di pa tapos ang laban.”

He grinned and grabbed my hand as he stood up.

Samantala, naglabas si Midnight ng isang bilog na bote mula sa kanyang trench coat. May laman itong kulay green na likido, at mga seeds na may kulay gintong liwanag. Agad niya itong ibinato sa paanan nila Zed. Nang mabasag ang bote, umusbong ang mga makakapal na ugat at iginapos ng mga ito sina Zed, Ate Kat, Ash, at Jack. Parang katulad ng powers ni Tam pero iba dahil may bakas ng kaunting aether ang mga vines—kulay gintong malamlam na ilaw.

“Come on, dude? Bakit ngayon mo lang ‘yan ginawa?” tanong ni Nix.

Midnight did not respond. I’m starting to think that he is mute. But he is really good. Marami pa siyang arsenal. Ano pa kayang kaya niyang gawin? Para siyang si Batman.

“Kuya Nix, let’s go!”

“Ikou ze!” 

Sabay na sumugod si Nix at Ezo pero bigla silang huminto nang makita nilang nalanta ang vines kay Jack— nanuyot ang mga ito, parang wala ng tubig . Nakawala siya at pinakawalan niya rin sina Ate Kat.

Napalunok ako. Naisip ko na kaya ni Jack higupin ang tubig kahit pa loob ng mga halaman.

“Guys, regroup!” sigaw ko.

I fired two arrows at Jack. Ate Kat blocked them with an ice shield. Pero okay lang. Ginawa ko lang ‘yon para safe na makabalik sa tabi namin si Nix at Ezo—nagawa naman nila.

“Ms. Brea… nagsisimula ka ng maging sakit sa ulo,” Jack said in gritted teeth.


I showed him my tongue to mock. “Bleh! Sumuko ka na lang. Di kami papatalo sa ‘yo.”

“Tandaan mo to… Papatayin ko ang lahat ng kaibigan mo. Makikita mo silang lahat na mamaalam sa mundong ito, bago kainin ng panginoong Chronika ang kaluluwa mo,” nanlilisik sa galit na sabi ni Jack.

“What? We can’t hear you! There’s too much nonsense,” pang-asar ni Nix.

Tumawa naman si Ezo nang malakas. Bentang benta sa kanya si Nix.

Shana… Can you hear me?

May pamilyar na boses akong narining. 

“Sir Azrael?” Luminga ako sa paligid. Pero wala naman siya.

Pati sila Nix naghanap. “Anong sinasabi mo? Wala naman si Dad dito.”

“I swear I heard him.”

“Baka telepathy. Dad can do that. Go and talk to him. We’ll cover you,” sabi naman ni Ezo.

“Sir Azrael? Sir si Shana ‘to.”

“Sa isip! Sa isip mo kausapin si Dad.” Inis na sabi ni Nix. “Telepathy nga, di ba?” 

Tumawa naman nang malakas si Ezo.

“Malay ko ba?” katwiran ko.

“Tss! Pasalamat ka…” naputol na bigkas ni Nix.

Napakunot-noo ako. “Ha?”

“Wala! Sige na. Kausapin mo na si Dad.”

Umatras ako nang ilang hakbang. Tapos pumikit ako.

Sir Azrael? Are you there? It’s me… Shana.

Shana I’m glad to finally reach you.  

Nabuhayan ako ng loob.

Sir we need you. Please come to the academy. You’re the only one who can bring the Franco siblings back.

I’m afraid I can’t. But you can.

Ako po? Paano naman?

I will tell you what to do. It’s time to put an end to this.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly