DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 34: Midnight returns

☆

2/4/2026

Comments

 

Grimrose academy

SA DAMI ng mga nangyari, hindi ko alam kung ano ang uunahin. Gagantihan ko ba si Jack? Paghahandaan ang atake ni Midnight? Bakit ba kasi siya nandito? Kung kailan nagkakagulo dumagdag pa siya.

Tumayo si Tam. Itinaas niya ang mga brasong may nakapulupot na mga baging sa harap niya.

“Midnight!!” Galit niyang sigaw.

Nabaling ang atensyon ko kay Dean Clea na wala pa rin malay at di na gumagalaw. The urgency kicked in. Pinuntahan ko agad siya at sinuri. May pulse pa siya pero mahina na. She needs to get healed ASAP.

“Tam! Kailangan ni Dean Clea ng tulong. Please, heal her!”

Hindi nakinig si Tam. Nanlilisik ang tingin niya kay Midnight—ang taong pumatay sa mga magulang niya.

“Tam, please! We have to do something now!” Pakiusap ko ulit.

Biglang nagkaroon ng bulaklak sa tenga ni Tam—kulay abo na parang rosas pero may matatalas na pangil sa gitna. Saglit itong umilaw na kulay berde saka nawala.

This was the second time I saw that mystery flower. What could that be?

Tam switched from angry mode to a much calmer version immediately. Agad siyang pumunta sa amin ni Dean Clea at lumuhod. Tinanggal niya ang patalim sa likod ni Dean Clea. Tapos ay inilapat niya ang mga kamay niya sa sugat.

“I don’t know if I can save her. B-But I will do everything,” sabi ni Tam. Her hands emitted a dim green light. Pero pinagpapawisan na siya agad kahit kaka-simula pa lang ng ginagawa niya.

“Syempre hindi ‘yan pwede.” Umeksena na naman si Jack, sinugod niya kami, may hawak ulit siyang patalim.

Haharang sana ako. I was like bahala-na-help-me-aether mode. Pero bago pa ko makakilos… Biglang sumulpot si Ezo sa tabi namin ni Tam. Mabilis niya kaming hinawakan sa baso. He teleported us. Sa isang iglap, nasa tabi na kami nila Eli at Luc— sa dulo ng silid, may kalayuan kina Jack at sa mga Demon Francos.

“Thanks, Ezo,” sabi ko.

“Please… Heal, mom…” Hingal na sagot ni Ezo. Tumalikod siya sa amin at humarap sa mga kalaban.

Mukhang malaki ang kinuhang energy sa kanya ng pag-teleport na kasama kami. Pero mabuti na lang mabilis niyang naisip na ilayo kami at itabi sa mga kasama namin.

“I will. Leave them to me,” sabi ni Tam. Nagkakaroon ng mga iba’t ibang halaman at bulaklak sa paligid niya at sa ibang parte ng katawan niya—nagmistulang maliit na hardin.

She’s giving it all. Sana lang maging sapat.

“We’ll cover you,” sabi ko naman. Tumayo ako at sinamahan si Ezo. Huminga ako nang malalim. Same routine kung paano ko napalabas, mas madali na ngayon. “Arma Lux: Lucent Bow.”

“Sheesh! Nice bow, Ms. Brea. Wish I can copy that,” sabi ni Ezo,

Tumingin ako sa kanya. “Di mo kayang kopyahin ang Arma Lux?”

Umiling siya. “Nope! Just a bit of Aether to use Lux Gun and Aether Blade. I’m a half demon ya know?”

I furrowed my brows. I don’t quite get it. Sayang lang di niya kayang gayahin ang Arma Lux ko. 

“Anong plano natin?” tanong niya.

“Ha?” 

I looked around. Walang malay si Luc, Eli, at Dean Clea. Si Tam busy para i-heal sila. Si Ate Kat na strategist namin, kalaban ngayon. Ezo knew that I’m older than him kaya ako ang tinatanong niya. I guess… It’s really now up to me.

Mabilis kong tinignan ang mga kalaban namin. Ang mga Demon Franco nasa paligid lang ni Jack— mukhang bodyguards lang talaga ang role nila. 

Biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril. Midnight fired his double Lux Guns at Jack. Sinangga ni Ate Kat ang mga bala sa pamamagitan ng Ice Wall. Then Ash threw his deadly cards at him.

Nailagan ni Midnight ang mga cards habang patuloy na umaatake. He was agile, and fast—He sidestepped, flipped, and turned while firing his guns.

Anong nangyayari? Bakit inaatake niya si Jack? Is he on our side? Akala ko ako ang target niya?


“Ms. Brea?” Tawag ni Ezo.

Umiling ako. Hindi ngayon ang oras para sagutin ang mga tanong ko. If Midnight is fighting them, then maybe we can team up with him, or use this chance.

I glanced back at my comrades. Eli and Luc were still breathing. Buti na lang. But right now, we’re outnumbered and outpowered. Isa lang ang naiisip kong paraan…

“Call me, Shana. Let’s retreat. Kaya mo ba kaming i-teleport lahat sa mas malayo? Like a hospital? Luc will heal on her own—I just don’t know when. Pero si Eli kailangan ng dugo. Si Dean Clea kailangan pa rin matignan ng Doctor. Tam can only heal her up to the point where she is no longer dying. Baka ikamatay ni Tam kapag ginamit niya ang lahat ng white magic niya.”

Napakamot si Ezo sa likod ng ulo. “Sorry, Shana. I’ve used too much of my energy fighting my siblings. Long distance teleport is a no go.” Pinorma niya pang ekis ang mga braso niya.

“What if makapagpahinga ka? Kaya ba?”

He shrugged. “Maybe.”

“It’s worth a try. It’s the only plan we got. Kailangan kasi natin ng oras. Kapag nakatakas tayo, mahihirapan si Jack na hanapin tayo kahit pa utusan niya si Nix. At sigurado ako, sa oras na matunton niya tayo, nawasak na ni Sir Azrael ang trap na ginawa ni Jack or whatever that was that's keeping him to help us. Si Sir Azrael lang ang kayang tumalo kay Jack at ibalik sa dati ang mga kapatid mo.”

“Slay! Love that plan, Shana.” nakangiting sagot ni Ezo.

Ngumisi ako. “Thanks. So try to gather energy. Habang ginagawa mo ‘yan, tutulungan ko si Midnight.”

“Sige. I will do my best. I’ll let you know when I’m done. Maybe 10 minutes.” Umupo si Ezo sa sahig, pumikit na parang nagme-meditate.

Ten minutes… We just have to hold on until then. Kaya ‘to!

Muli akong bumaling kay Midnight habang nakahanda sa paggamit ng Lucent Bow. He was fighting Nix and Ate Kat with some sort of a weapon made of gold and white light. I can’t tell what it was. Pinapalabas niya kasi ito para sanggain ang mga atake tapos biglang nawawala. Then he’d retaliate with Lux Gun. 

He’s definitely an Aether user and that was an Arma Lux but… what kind? Bakit parang tinatago niya?

I shook my head. I took a deep breath. Focus, Shana. 

Binatak ko ang bowstring ng Lucent Bow at nagkaroon ito ng arrow na gawa sa gold and white light. Then I chose Jack as my target. Siya ang dahilan ng lahat ng ito. If I could take him down, that’s another way to end this fight. 

Tamang tama. Abala siya sa pag-atake kay Midnight ng water blasts galing sa palad niya.

Tatlong arrows na magkakasunod agad ang pinakawalan ko. Naharang ni Zed ang dalawa sa mga iyon with just one slash from his Lycan claws. But my aether intention was strong… The third arrow’s trajectory bent and slipped through him. It went straight to Jack’s right shoulder.

“Bazinga!” 

Oh yea! I still got it. Highschool archery class paid off.

Jack bit back a shout. Napahawak siya sa balikat niya at huminto. Tumingin siya sa akin nang masama.

I grinned. “Oh ano? Masakit ba? That’s pure Aether, you arsehole!”

Biglang ngumiti na abot tenga si Jack. “Mahusay, Ms. Brea. Ngunit… mali ka ng inatake.”

Agad nawala ang ngiti ko. Ang mga Demon Francos kasi parang sila ang nasaktan. They hissed as if there was something burning inside them.

“Dahil tinamaan ako, bigo sila na depensahan ako. Matitikman nila ngayon ang sakit ng binding ritual. At dahil do’n…”

Then the Demon Francos snarled at me. 

“Ikaw na ngayon ang target nila,” sabi ni Jack saka humalakhak.

Napalunok ako. Parang anytime susugurin nila ako.

Biglang napaluhod si Nix. Nagliyab ang buo niyang katawan ng kulay crimson na apoy. Nahihirapan siya, parang nakikipaglaban siya sa sarili niya.

“Sige sugurin niyo siya! Ayos lang kung mawalan siya ng binti at braso. Basta dalhin niyo siya sa ‘kin ng buhay,” dagdag pa ni Jack.

Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari kay Nix, kumilos na kasi si Ate Kat, Zed, at Ash. Lahat sila mukhang galit na sumugod sa ‘kin.

I was about to fire arrows to stop them when a grenade-like metal cylinder rolled beneath them. It gave a tiny explosion and quickly engulfed the area in a blinding gold-and-white light.

Nasilaw ng liwanag sina Zed, Ash, at Ate Kat. It didn’t work on me so it must be Aether. 

Pagkatapos nu’n, may mga bagay na binato si Midnight sa kanila—bilog, gawa sa bakal, kasing laki ng kamao, may flashing red light. Dumikit ang mga ito sa katawan nina Zed, at Ash, pero kay Ate Kat tumagos lang.

Shoot! That ghost phasing was really troublesome.

Midnight rolled his right sleeve up to press a button on his watch. But before he could, Ate Kat lunged at him with a sword made of ice. He was able to dodge it but there were more attacks—sword slash from every direction.

Mabilis akong tumulong. Alam ko na di kayang tumagos ng mga ghost sa Aether. Dalawang arrow ang pinalipad ko kay Ate Kat. Umatras siya para ilagan ang mga iyon. Pero kahit di siya tinamaan, nabigyan ko naman ng pagkakataon si Midnight.

Napindot niya ang detonator button sa wrist watch niya. Magkakasunod na pagsabog ang umalingawngaw—anim ang bilang ko. I couldn't see how big the explosion was. I just saw gold and white light, flash fire blow up. Napapikit ako, napaatras, at napatukod. Mabuti na lang may sampung metro o higit pa ang layo ko kundi damay ako.

When the dust settled, I saw Ash on his knees, his right palm flat on the floor.

Ayos! Mukhang tinablan siya ng atake ni Midnight.

On the other side of the battlefield, Midnight continued to trade attacks with Ate Kat. 

Kaya niya din makipagsabayan kay Ate Kat. Sino ka ba talaga… Midnight?

Si Zed naman… Wala siya sa paligid.

“Friend! Look out!” 

Tam’s call out allowed me to dodge on time. Zed came from behind. He was so fast. I was lucky enough to be alive. Pero sugatan ang braso. Napakahapdi nito parang dumikit sa mainit na bakal.

“Agh! Shoot!”

Aatake pa sana ulit ni Zed nang bigla siyang mapuluputan ng mga makakapal na baging ng halaman. 
It was Tam. She saved me while trying to save Dean Clea. May biglang pumasok sa isip ko. Kung si Tam nagawa kong ibalik sa side ko, baka magawa ko rin kay Zed.

“Friend, please hold him for a few seconds,” sabi ko.

“Be quick. He’s… Too… Strong…” Hirap na sagot ni Tam dahil sinusubukang kumawala ni Zed.

Huminga ako nang malalim. Tumingin ako nang diretso sa mga mata ni Zed. Kahit iba na ang itsura niya… Alam kong deep inside nandoon pa rin siya. I just have to reach him.

“Zed… It’s me… Shana. Your… Your girlfriend.” Kahit ganito ‘yong sitwasyon di ko naiwasan na mag-init ang pisngi.

“Please…” Nilapitan ko siya. Marahan ko rin ipinatong ang palad ko sa dibdib niya. “Come back to us. Come back to me.”

Tears came running down my face. It hurts to see him like this.

“Alam ko nandiyan ka. Alam ko rin kaya mong labanan ‘yan,” dagdag ko pa. “Please… Try to remember us… Our first dinner date, ‘yong gabi na naging tayo, ‘yong sinubukan natin lahat ng pagkain sa school festival.”

“Friend… I can’t hold him… much… longer…” Dinig kong sabi ni Tam.

Nakita ko na masisira na ‘yong mga vines pero imbes na umatras… Pinili kong magtiwala kay Zed.

“Zed, please!” I begged.

“Friend, please move away!”

Hindi ko pinakinggan ang babala ni Tam. Zed broke free from her vines. His strength pushed me back a few steps. Napapikit na lang ako. Natagpuan ko ang sarili kong naka-upo sa sahig.

Tatayo sana ako pero mabilis si Zed. He snarled like a hungry wolf and lunged at me. Wala akong nagawa kundi ang ipangsangga ang mga braso ko.

“Zed, please stop!”

The sound of flesh tearing echoed in my head.

Akala ko katapusan ko na. Pero wala akong naramdaman. At nang imulat ko ang mga mata ko…

Nasa harap ko na si Nix. He drove his dagger into Zed’s hands to stop him.

“N-Nix?”

“Yo, Chibi…” Lumingon siya sa akin habang nakangisi. “Your real protector is back.”
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly