DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 33: Familia Franco

☆

1/26/2026

Comments

 

Grimrose Academy

NARAMDAMAN ko ang pagtayo ng mga balahibo ko kahit pa nakagapos ang buong katawan ko ng mga vines ni Tam.

Secret brother? May kapatid pa ang mga Franco at hindi nila alam? Sino?

Biglang may dumating na dalawang drones—katulad nung mga nakalaban namin sa class battle. Pumunta sila sa magkabilang gilid ng silid. Iyong isa nagpalabas ng mga iba’t ibang kulay ng ilaw na tila sumasayaw. Agad tuloy naging parang nightclub ang buong old mess hall. Iyong isang drone naglabas ng tunog, intro pa lang alam ko na kung anong song.

Now Playing: Crimzone by SB19

Bigla nalang may sumulpot sa harap ng mga Franco siblings. It was like how Nix teleports. One moment there was nothing. Then thin black smoke appeared and pulled itself together into a man. He wore a purple jacket, a hip-hop cap, and a mask with neon lights that kept changing expressions in a cool, funny way.

Mabilis ang mga galaw ni guy in purple jacket, bigla siyang naglabas ng mga baraha na itinapon niya ng sabay-sabay na parang ang mga ito ay matutulis na bagay. Ang target niya ay si Jack.

Ate Kat responded by waving her hand and creating an Ice Wall that blocked the cards. 

Ash levitated and attacked with sharp cards too. But the guy in the purple jacket summoned a wall of ice and blocked the attack.

Biglang nawala si Nix. Sumulpot siya sa likod ng katunggali nila at mabilis na umatake gamit ang dagger niya.

“Oops!”

Nakailag naman si guy in the purple jacket pero nadaplisan siya sa braso. Bigla siyang nawala na parang bula. It wasn’t teleportation but something else. I saw Ash did the same thing back when he was fighting Midnight.

Ilang saglit pa, lumitaw si guy in purple jacket sa tabi ni Dean Clea. Iyong sugat niya sa braso mabilis nag-heal na parang katulad kay Zed at Luc.

Who on earth is he? He can teleport like Nix, use cards and vanish like Ash, create ice like Ate Kat, and heal like Zed. He’s like the Franco siblings in one.

“Sheesh! Lakas talaga ng mga kapatid ko. It’s nice to finally meet you all,” said the guy in a purple jacket. 

Purple jacket, nightclub lights, entrance music? Bakit parang kilala ko kung sino ‘to? Pero hindi e. Masyado pa siyang bata. Isa pa, Aether user siya at itong nasa harap namin maraming abilities. He’s more likely a Half Demon like the Francos.

Marahan niyang tinanggal ang hip-hop cap niya. Kulay dark blue ang buhok niya.

Napalunok ako…

Sunod ay tinanggal niya na rin ang neon lights mask.

Heto na…

Sino kaya siya?

“Yo brothers and my beautiful sister! I am Ezra Zoel Franco. Ya’ll can call me Ezo.”

“S-Sensei? Sensei Ezo?!” Halos malaglag ang panga ko. May pakiramdam na ako na siya ‘yon, pero paano?

Kumaway siya sa ‘kin. “Hi, Ms. Brea! Gulat ka ‘no? Like my drip?”

I was stunned for a moment. Agad akong umiling-iling. Now is not the time to admire him. May ginagawa si Jack at kailangan namin siyang pigilan ASAP.

“Guys! Jack is summoning Dreadlord Chronika. We have to stop him!”

“Tama si Shana. Di tayo dapat mag-aksaya ng panahon,” sabi ni Dean Clea.

“G! What’s the plan, mom?” tanong ni Ezo.

“Winona, can you tell us more about their abilities? Ang alam ko lang ay ang mga primary techniques nila. They kept their new ones a secret even to me as soon as they became teens,” Dean Clea asked and explained.

“Roger that, Dean Clea. Si Ms. Kat bukod sa ice abilities at ghost phasing—na-master niya na ang lahat ng klase ng weapons sa mundo. Magiging unpredictable ang mga atake niya. Si Ash naman, bukod sa invisibility at sharp cards—kaya niya ng ibahin ang composition ng matter through magic. He can turn solid to liquid or to gas and vice versa.”

I’ve seen how Ate Kat does well with a wooden sword and a shield, paano pa kaya sa ibang mga weapons kung sa isang iglap lang kaya niyang gumawa nun gamit ang ice niya? And she mastered them all? Tapos si Ash nagiging invisible pala at kaya niyang baguhin ang mga bagay-bagay. Silang dalawa pa lang parang imposible na kaming manalo.

“Si Nix naman bukod sa teleportation at dagger proficiency, we have to watch out for his Hellfire—it can burn anything. As per Zed…” Yumuko si Winona nang nakasimangot. “He’s been training so hard to control himself. Ngayon tuluyan na siyang naging Lycan, and a Demon. He is in his wildest and strongest form.”

Iyong Hellfire ni Nix nakakatakot. It can even burn Arma Lux. Paano namin kokontrahin ‘yon? At si Zed…

Parang may pumiga sa dibdib ko. Tears came running down my face.

Hindi siya nagpapalakas o umiisip ng bagong kapangyarihan. Instead, he was training to control himself for a long time. Ayaw niyang may mapahamak dahil sa kanya—dahil alam niyang wild ang abilities niya. Pero heto… his Demon soul won over him and he couldn’t do anything about it.

Jack… you’re gonna pay for this.

“Ezra, anak. What do you think?” tanong ni Dean Clea.

“I can only copy Ate Kat’s ice creation, and ghost phasing. Hindi ko kayang gayahin ang galing niya sa pag-gamit ng mga weapons. I can copy all of Kuya Ash’s abilities, some of Kuya Zed’s Morcan abilities, and Kuya Nix’s teleportation. I can’t copy Hellfire. I think kaya kong sabayan ang mga Kuya. Pero kay Ate, mahihirapan ako. She’s too OP. And I admire her so much. I can’t hurt her.”

Copying abilities pala ang powers ni Ezo. At hindi lang sa mga kapatid niya ang kaya niyang gayahin. I think kaya niya rin gumamit ng Aether dahil siya ang teacher namin sa Lux Gun. That’s so cool. Sana enough na ‘yon para pigilan ang mga Kuya niya.

“Okay, huddle up, here's the plan…” sabi ni Dean Clea.

Nagbulungan sila Dean Clea, Ezo, Luc, Eli, at Winona. Dahil medyo may kalayuan sila kung nasaan ako, hindi ko sila narinig. 

I guess I have to trust them. Pero dapat din akong gumawa ng paraan para makaalis dito at makatulong sa kanila.

“Tam… Everyone is here. At lahat naniniwala na mali ang ginagawa ni Jack. Alam ko rin sa puso ko na di ka masamang tao. Kaya please… pakawalan mo ko. Help us beat him,” pakiusap ko. “It’s not too late.”

I saw a tear run down from Tam’s eye. Pinunasan niya agad ‘yon.

“No… No… Please… I want to see my parents,” Tam whispered in a cracked voice.

“G guys! Let’s go!” Biglang sigaw ni Ezo. He vanished again.

Luc ran on all fours with her spirit wolves towards Ate Kat. Winona phased down the floor and vanished. While Eli and her shadow clone ran upside down the ceiling like it was just a floor.

Si Dean Clea naman nanatili sa posisyon niya. Naglabas siya ng phone habang hawak sa kanang kamay ang Lux Gun niya. After a few taps on her phone, the drones shut off the lights and music, then moved to her side. 

Naunang umatake ang mga spirit wolves. Sinubukan kalmutin si Ate Kat pero naglabas siya ng sword and shield made of ice kaya na-deflect lang ang atake ng mga ito.

Eli’s shadow clone attacked from above, its target was Jack. However, Ate Kat changed her weapon into an ice spear which she quickly threw to the shadow clone. Hindi ko alam kung anong nangyari pero sigurado ako—nawala ‘yong shadow clone bago pa ito tamaan. Hindi ko na rin makita si Eli kahit saan.

“Huli ka!” biglang sabi ni Luc.

Gumana ang sunod-sunod at mabilis nilang atake. Nagawa ni Luc na yakapin si Ate Kat. Tapos lumitaw naman si Eli sa likod mula sa anino na nasa floor. Hinawakan niya si Ate Kat sa balikat. Then they all sank inside Eli’s shadow in just a few seconds.

Samantala, sa kabilang side, solo lang na hinaharap ni Ezo ang dalawa niyang kuya. Grabe total chaos. Sina Ezo at Nix ay bigla na lang sumusulpot kung saan-saan, nagte-teleport, nagha-habulan ng atake na parang fireworks pero itim na usok.

Sa bawat paglitaw ni Ezo, pinapaputukan niya ng Lux gun si Jack. Pero lagi itong nasasalo ni Zed—literal na ginagawa ang sarili bilang shield.

Mula sa gilid, walang tigil namang ibinabato ni Ash ang kanyang mga barahang matutulis at nakamamatay. Si Nix naman ay teleport at dagger attacks— bigla na lang sumusulpot sa likuran o tagiliran ni Ezo para umatake.

“Sheesh! Ang hirap… niyong kalaban, mga Kuya,” hirap pero nakangiti pa rin na sabi ni Ezo.

Hindi nagpapahuli si Ezo. Nagagawa niyang umiwas gamit ang kinopya niyang teleportation— naglalaho siya bago pa man tuluyang tumama ang mga atake sa kanya. Paminsan bumabawi siya ng atake kay Nix sa pamamagitan ng mga kamay na may matutulis na wolf claws bago mag teleport ulit.

“Teleport!”

“Lux Gun! Bang bang!”

“Teleport! Oopsie daisy!”

“Wolf slash!”

“Teleport!”

If I could, I would bury my face in my palm. Ang galing ni Ezo pero ang ingay makipaglaban. Bawat kilos sinasabi niya, pati pag-ilag. 

“Ezo, now!” Dinig kong hudyat ni Luc. Paglinga ko, nakita ko sila nila Eli, Winona, at Ate Kat sa dulo ng mess hall at malayo na sa amin. 

In a flash, Ezo teleported near them. Then he placed his palm on the floor. Pero nasundan siya ni Nix—lumitaw ito sa likod niya, nakaabang na manaksak. Mabuti na lang at bumaril si Dean Clea. Nix stepped back instead.

“Ice wall!” sigaw ni Ezo.

Nagkaroon ng makakapal na tipak ng yelo sa harap ni Ezo—may haba itong hanggang pader at taas na hanggang kisame. Hinarangan at kinulong nito sina Eli, Luc, Winona, at Ate Kat.

Mukhang ang plano ay i-isolate si Ate Kat. Nagawa nila ‘yon. But I’m worried about them. Hindi ko na sila makita sa loob dahil sa sobrang kapal ng ice wall.

Luc… Eli… Winona… Please be careful.

Nagpatuloy ang laban sa pagitan ni Ezo, Nix at Ash. Sumali si Dean Clea at ang isa sa mga drones niya bilang back-up. Si Zed nanatili sa harap ni Jack. Nakabantay ngunit galit at naglalaway pa. 

I can’t help but feel this aching pain in my heart for him. Alam ko ayaw niya itong nangyayari pero wala siyang magawa—katulad ko…

Biglang sumulpot sa harap ni Zed si Ezo. His fists were covered in thick ice. He hammered Zed’s wolf head with a rapid combination of punches

“Ice fist barrage!”

Humakbang palayo si Ezo at nang-asar pa. “Bleh! Come and get me, Kuya Zed!” Bigla siyang naglaho para ilagan ang mga baraha ni Ash.

May naaninag akong gumalaw sa likod ng isa sa mga haligi ng silid—si Dean Clea. Pero may Dean Clea din sa kabilang gilid na bumabaril kay Nix kasama ‘yong isang drone. What on earth?

Sumilip saglit at sumenyas si Dean Clea na nasa likod ng haligi—hintuturo sa bibig. Be quiet. Copy!

Alam ko na! Drone illusion lang ‘yong back up ni Ezo na Dean Clea. Itong Dean Clea na nagtatago sa haligi ang tunay. Humahanap siya ng pagkakataon para barilin si Jack. Iyon ang plano nila. Tama! Kapag natalo si Jack, matatapos ang lahat ng ‘to. Ang problema, ayaw umalis ni Zed sa harap niya.

Kailangan kong tumulong. We have a good plan but lack manpower. Me and Tam could fill the missing piece. Yes! Naniniwala pa rin ako kay Tam. Kailangan ko lang ipaalala sa kanya na kami ang tunay na maaasahan niya.

“Tam… Naaalala mo pa ba ‘yong una tayong nagkita? Alam mo. Akala ko no’n si Sadako ka. Grabe takot na takot ako no’n, friend.”

“Please… Stop… I’m—I’m not your friend.”

Ngumiti ako. Time to get my best friend back. “Of course you are! And you’re not just a friend to me—you’re like a sister to me.”

Naramdaman kong humigpit ang yakap sa ‘kin ng mga vines ni Tam pero lumuluwag din naman nang konti tapos humihigpit ulit, luluwag. Tam is still my friend. I can feel it with these vines. Hindi niya magawang saktan ako nang sobra.

“Niligtas mo ko noon sa mga mean girls. At kung wala ka noong first day natin dito sa academy, baka umiyak ako sa sobrang kaba at takot. Imagine may mga vampires, werewolves, monsters, ghosts, di ba? But you were there! Thank the heavens you were there! And you were always there for me ever since…”

Napansin ko na kinakagat ni Tam ang mga labi niya. Tila ba pinipigilan niyang umiyak.

“That’s not true! H-Hindi tayo friends…” Tuluyang umiyak si Tam. “Ginamitan lang kita ng flores amor apiana.”

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy pa.

“Kapag di ako makatulog nakikipagkwentuhan ka sa ‘kin. Kahit napakadaldal ko—nakikinig ka lang. Tumatawa kapag nakakatawa, nalulungkot ka rin para damayan ako kapag miss ko si Papa. I remember when you always try to give me this sleeping flower to help me sleep but it never—”

May biglang pumasok sa isip ko—a realization that will prove that everything between me and Tam was real.

“Tam! Your flowers!”

Tama! It’s because of the Aether inside me. I can feel that it was the one protecting me.


“It doesn’t work on me! Di ba? Every time you tried?  Yung flores whatever na sinasabi mong ginamit mo sa ‘kin—it did not work! And you know what that means?”

Hindi sumagot si Tam. Tuloy lang ang luha sa mga mata niya.

“Tam… look at me. Please.”

Marahan siyang tumingin sa akin at ganon din ako sa kanya. Tumulo na rin ang luha ko nang makita ko siya. 

“Totoo ang lahat. Tunay ang feelings ko sa ‘yo. I have been your best friend ever since we met!”

Nanlaki ang mga mata ni Tam habang patuloy ang pagluha.. Sinapo niya rin ng dalawang kamay ang bibig niya. Unti-unti na rin lumuluwag ang mga vines niya.

“Tam… Alam ko gusto mo lang makasama ang parents mo. I know the feeling. Gusto ko rin bumalik sa time na kasama pa namin si Papa. Pero alam ko rin na di niya gugustuhin na isuko ko ang lahat pati na ang mga kaibigan ko para matupad ‘yon. And I don’t think your parents would love for you to do that too.”

Lumalakas ang pag-iyak ni Tam. May mga paghikbi na at nanginginig pa ang mga kamay niya.

“You’re not abandoning them if you stop now. You’re honoring their legacy… which is you! Ikaw ang iniwan nila sa mundo. At sigurado ako na mas gusto nilang mapabuti ka kaysa makitang gumawa ka ng masama para sa kanila.”

Ikinubli ni Tam ang mukha niya sa likod ng mga kamay niya. Umiyak siya nang sobrang lakas. Humihikbi na parang naghahabol ng hininga.

“Tam…”

Ilang segundo pa… Marahang lumuwag ang mga vines hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa sahig. Wala ng nakagapos sa akin kaya agad kong niyakap ang best friend ko.

“Friend…” bulong ko habang hinihimas ang likod niya.

“I’m— I’m sorry. I’m so sorry, friend. I’m sorry. I’m sorry,” sabi ni Tam habang umiiyak.

“It’s okay. I understand. And I’m here for you no matter what.”

“I’m sorry. I’m sorry.”

“Sshhh it’s okay, friend. It’s not your fault. Biktima ka lang ng isang napakasamang nilalang.”

Napansin ko na wala na si Jack sa pwesto niya kaya’t luminga-linga ako. Bumitaw muna ako sa yakap kay Tam at tumingin sa likod ko. Wala rin siya.

Then I heard his voice behind Tam.

“Wala ka na talagang maaasahan sa mundong ito kundi ang sarili mo.” 

May hawak na patalim si Jack, naka-abang na saksakin si Tam.

“No!!”

Agad kong niyakap si Tam. Naisip kong ilipat siya sa pwesto ko at iharang ang sarili ko. But someone tackled us out of the way before I could do that.

Ang bilis ng pangyayari, natagpuan ko nalang ang sarili ko at si Tam sa sahig. We were both okay but the one who saved us…

“D-Dean Clea?”

Duguan si Dean Clea may patalim na nakatarak sa likod niya habang nakahandusay sa sahig. Hindi rin siya gumagalaw.

“No! Dean Clea!” Para bang saglit na huminto ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa aking bibig at parang nanigas ang katawan ko.

“Mom?”

Nakita ko si Ezo, nakatulala kay Dean Clea. Si Nix, Zed, at Ash bigla rin huminto. Kahit kalmado ang ekspresyon ng mga mukha nila, para bang nanginginig ang mga katawan nila. It seemed that even though their Demon souls were in control, their real selves inside still reacted.

“Mom!!” Galit na sigaw ni Ezo. Pumorma siya na aatake pero biglang nawasak ang ice wall na ginawa niyang harang para kina Luc kanina kaya napahinto siya’t lumingon.

Tumambad sa amin si Ate Kat na nakatayo habang ang mga kaibigan ko ay walang malay na nakahandusay sa sahig. 

“Luc!! Eli!!”  Sigaw ko. 

Si Winona nawawala. Sana okay lang siya.

We didn’t have time to react further. Suddenly, a loud explosion tore a hole in the wall. Debris and dust flew everywhere. And when it settled… a tall man emerged, his face covered by a ballistic mask, dressed all in black—a long coat with a hood and combat boots.

His presence sent shivers down my spine.

Bakit siya nandito? Bakit ngayon pa kung kailan karamihan sa amin bagsak na?

What are you doing here?

Midnight.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly