DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 31: Turning Tides

☆

12/8/2025

Comments

 

Grimrose Academy

TUMULO na lang ang luha sa mga mata ko habang nakatingin kay Tam. Ang sakit! Pero ang mas masakit, kahit pa sinabi niyang hindi totoo ang lahat—umaasa pa rin ako. I can’t accept that she was conniving with the enemy.  She was like a real sister to me. 

Samantala, tapos na si Jack sa ritual circle na ginagawa niya kanina. It was big enough for the three of us with some space left. Lumuhod siya sa gitna nun at nilapag ang kamay sa sahig. Tapos, nagkaroon ng tubig sa paligid ng circle na paitaas ang andar at parang hindi nauubos. I didn't know what it was but it seemed to have become something that caged us.

“Okay na ang shield. Wala nang makaka-istorbo sa mga susunod kong gagawin,” sabi ni Jack. Sunod ay tinawag niya si Tam. “Ms. Asano, iabot mo nga sa ‘kin ang phone ni Ms. Brea.”

Isa sa mga vines ni Tam ang kumuha ng phone ko mula sa bulsa at iniabot ito kay Jack.

Bakit kailangan niyang kunin ang phone ko? I can’t even reach it to call for help because of these vines.

“You think you’re gonna succeed? Kahit wala dito ang mga Franco, at ang mga Angeals, sa oras na subukan mong i-summon si Chronika—pipigilan kayo ni sir Azrael,” sabi ko.

Tumayo si Jack nang nakasimangot kaya’t ngumisi ako. I bet he didn’t think about sir Azrael.

“Itong bubble shield mo na ‘to? Wala ‘to sa powers ni sir Azrael,” dagdag ko pa. 

Hinawakan ni Jack ng dalawang kamay ang ulo niya na para bang sumakit ito nang sobra. “Oh hindi! Anong gagawin ko? Ang warden ng hell na si Azrael pipigilan ako.” Pero bigla na lang siyang humalkhak. “Magaling ba ang acting ko, Ms. Brea?”

What the hell?!

Nawala ang ngisi ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Kitang kita ko ang dilat-dilat niyang mga mata at ngipin na kulay dilaw.

“Marami ka pa talagang hindi alam sa labas ng Grimrose Academy, Ms. Brea. Pero sige sasabihin ko sa ‘yo. Ang alam ko masyado kang curious na tao... Una, hindi pwedeng lumabas ng mansion niya si Azrael. Kasunduan ito sa pagitan niya, ng mga Angeals, Grimborns, at Lytharos. Bakit? Isipin mo na lang na si Azrael ay tulad ng isang nuclear weapon. At dahil umanib siya sa mga Angeals, siya ay malaking panganib sa ibang mga pangkat. Maaari siyang pagsimulan ng digmaan dahil sobra na ang kapangyarihan ng mga Angeals. Isa pa, isa siyang Demon kaya di siya pwede na payagang gumala-gala sa mundo. Sa madaling salita, isa siyang boluntaryong preso.”

Kaya pala dinala ako ni Nix sa mansion nila noon para ma-meet si sir Azrael—hindi pala siya pwedeng lumabas. Pero siguro naman lalabagin niya ang kasunduan na ‘yon kung katulad na ni Chronika ang dapat pigilan?

Humakbang paatras si Jack. Buti na lang. Di ko na ma-take yung hininga niya. Parang one year ng walang toothbrush.

“At kung iniisip mo na kaya naman labagin ni Azrael ang kasunduan, tama ka. Maaari niya ngang gawin ‘yon. Kaya naman…” Naglabas si Jack ng isang kahon na kulay itim. It was an old-looking box etched with depiction of death and despair. Binuksan niya ito at tumambad sa amin ang… Feather of the First light.

“B-Bakit nasayo ‘yan? A-Akala ko—”

“Akala mo kinuha ni Councilwoman Hilda?” sabad ni Jack nang nakangisi. Humalakhak pa siya. “Tama naman. Pero binigay niya sa ‘kin. Naloko ko kasi siya. Akala niya ako talaga ang totoong pinuno ng mga Lytharos. Ngayon patay na siya.”


Councilwoman Hilda… You were just another victim of this guy? This person… he tricks people, and he kills without remorse. He is pure evil. I have to save Tam, and everyone from him. I have to do something.

Nilapit uli ni Jack ang mukha niya sa ‘kin. “Ang galing ko ‘di ba? Iyan dahil hindi lang ako basta isang Evocator—ako ay isang…” His eyes suddenly became crimson red while the whites turned pitch black. Then two black crystal horns sprouted from his head. “...Demon.”

Jack’s words and sudden transformation sent shivers down my spine. Nanginig ang mga labi ko at kahit pa nakagapos ako ng mga vines, alam kong pati ang katawan ko nanlambot. Maging ang paghinga ko parang nagpahabol sa akin.

Tinawanan ni Jack ang naging reaksyon ko. Bahagya siyang umatras at pumunta uli sa gitna ng ritual circle.

“Ngayon naman para sa susunod na hakbang…” sabi ni Jack. Kinuha niya mula sa kahon ang Feather of the First Light. Tinitigan niya ito nang ilang segundo habang nakangiti. Tapos ay… bigla niya itong kinain.

Jack’s whole body tensed as he tilted his head back and threw his arms wide as if welcoming the violent surge of power inside him. Then his skin turned midnight blue and became rough like reptile scales.

“Sa pamamagitan ng kapangyarihan na ito, gagawin kong aktibo ang trap sa Franco mansion upang ikulong si Azrael. Cavea obscura, activa!”

Biglang nagliyab si Jack ngunit di siya nasusunog o nasasaktan. Sunod ay pinipilit niyang pagdikitin ang mga palad niya na para bang may kung anong pumipigil dito. Habang ginagawa niya ‘yon, may mga binubulong siyang salita na iba ang lengwahe. 

Ilang segundo pa… nawala ang apoy sa katawan ni Jack nang magawa niyang pagdikitin ang mga palad niya.

He turned to me—still with his creepy smile and wide open eyes. “Tapos na. Nakulong na talaga si Azrael sa mansion niya. Kung makawala man siya, sa oras na ‘yon, sigurado nai-summon ko na ang panginoong Chronika.”

Shoot! Naloko na. Planado lahat ng Jack na ‘to ang mga mangyayari at lahat kami nahulog lang sa patibong niya. Paano na ‘to? Wala ang mga Angeals, ang mga Franco, at ngayon naman si sir Azrael nakulong din niya. And even if I yell for help, no one would hear us in this secret room. Anong gagawin ko?

Biglang itinapat ni Jack ang phone ko sa mukha ko kaya nabuksan niya ang lock nito.

“Hoy! Anong gagawin mo sa phone ko? Ibalik mo ‘yan sa ‘kin.” 

“Makiki-message lang, ito naman. Bakit may scandal ka ba dito?”

“Huh? Wala ah!”

Scandal agad? Di ba pwedeng ayoko ipagamit sa kanya dahil sa ‘kin ‘yon?

Kumpirmado ko na. Hindi lang siya masama, may sira pa sa isip itong Jack na ‘to. He’s unpredictable and dangerous. I have to stop him soon. 

Humalakhak si Jack habang pumipindot sa phone ko. “Huwag kang mag-alala may papupuntahin lang ako dito para masimulan ko na ang pag-summon sa panginoong Chronika.”

Papupuntahin? Sino?

Suddenly, a loud slam filled the old mess hall, and before I could even react, debris of the wall flew everywhere, dust covered everything. Someone tore the wall. Nang humupa ang alikabok… nabuhayan ako ng loob.

“Luc! Eli! Yes!”

“Shana! Kanina ka pa namin hinahanap!” sabi ni Luc. She was in her incomplete but enhanced Lycan form.

Siguro gamit ang matalas na pandinig at amoy ng isang Lycan kaya nila kami nahanap dito.  Thank Aelythia they’re here! 

“Luc, si Tam,” sabi ni Eli.

“Tam? Bakit nakagapos si Shana ng mga vines mo?” Luc asked in disbelief. “Anong ibig sabihin nito?”

“Ah mga bisita! Hayaan niyo kong magpakilala sa inyo,” nakangiting sabad ni Jack. Pero pinutol ni Luc ang sasabihin niya.

“Manahimik ka, kalbo! Hindi ikaw ang kausap ko. Tam sumagot ka! Anong ginagawa mo sa kaibigan natin?”

Hindi sumagot si Tam. Hindi rin siya makatingin kina Luc at Eli.

“Friend… please. Nandito na ang mga kaibigan natin. Hindi pa huli ang lahat. Help me out,” I softly said to Tam.

Umiling-iling si Tam habang nakayuko. “Hindi! Hindi niyo naiintindihan. Hindi niyo ko totoong kaibigan! My parents… I want to see them. I want to be with them.”

Ah! Ang sakit! Humigpit lalo ang gapos ng mga vines ni Tam sa ‘kin.

“Mamaya natin pag-usapan. Eli, let’s go. Let’s kick this Demon’s ass,” sabi ni Luc.

Tumango naman si Eli.

Sinugod ni Eli at Luc si Jack, pero bago pa man sila makalapit—biglang naging rumaragasa ang tila tahimik na water shield na nakapalibot sa amin. Itinulak sila nito palayo.

“Good luck sa inyo. Aabutin kayo ng isang araw bago niyo pa masira ang shield ko,” sabi ni Jack. Then he put his hands together, closed his eyes, and chanted something fast in a language that seems so ancient.

Para bang pamilyar sa akin ang mga sinasabi niya. Katunog ito nung chant ng mga Evos na pinakita sa akin ni sir Azrael sa void. This is not good. He is summoning a demon.

Hindi tumigil si Luc at Eli na atakihin ang shield ni Jack kahit pa paulit-ulit lang silang tinutulak ng high pressure water na galing dito.

“Hold on, Shana! Ililigtas ka namin!” sabi ni Luc.

Hindi pwede ‘to. Dapat may gawin ako.

Pumikit ako. Sinubukan kong mag focus kahit pa ang higpit ng pagkakagapos sa ‘kin.
 
Aether… please… show me something. I want to get out of here and help my friends. 

Ilang segundo pa… I could feel the warmth in my hands—it was my aether. Kailangan ko nalang i-focus nang maigi kung ano ang gusto kong gawin nito.

Kaya lang bago pa ko makagawa ng kahit ano, buong katawan ko na ang pinuluputan ng mga vines ni Tam. Ang natira na lang ay ang ulo ko. I couldn’t feel anything anymore.

“Tam… nasasaktan ako…” Hirap kong sabi. Wala siyang imik. Nakayuko lang siya kaya’t di ko makita ang mukha niya.

Samantala, palakas ng palakas at pabilis ng pabilis ang mga litanya ni Jack na parang malapit na siyang matapos sa ginagawa niya. Nagkaroon din ng hangin sa paligid namin, sa loob ng ritual circle, na para bang nasa gitna kami ng maliit na buhawi.

Shoot! Hindi pwedeng mai-summon ni Jack si Chronika. Kailangan gumawa ng paraan. Pero paano?

Wala akong maisip. Hindi rin ako makagalaw. Wala rin epekto sa shield ang mga atake ni Eli at Luc. 

Everything was failing. 

The enemy was winning. 

Until all of a sudden…

“What’s up everyone? Your savior is here,” Nix said, appearing out of thin air. 

Natuwa ako dahil may mayabang na dumating. At kasama niya pa silang lahat…

Ang Franco siblings!

“Nix! Zed! Ate Kat! Ash!” Pagtawag ko.

“Sorry we’re late. Hold on, Shana. Ililigtas kita,” sabi ni Zed. He immediately transformed into his Morcan form. Sinubukan nila ni Nix na atakin ang raging water shield pero maging sila ay tinulak lang nito palayo.

“That’s no use, stupid bros. It’s a dark magic spell,” sabi ni Ate Kat kila Nix at Zed. 

“Tss! Kung di ko lang kayo sinama papunta dito, di sana cool down ang teleport ko—makakapasok ako sa loob,” sabi ni Nix.

“Hindi pa rin,” sagot ni Ate Kat. “But good thing we have a spellcaster Morpyre here. Ano, Ash? Kaya mo?”

Humikab si Ash. “May choice ba ko? Leave it to me. Give me time.”

Ash suddenly floated into the air. He spread his arms, cards tucked between his fingers. Tapos binitawan niya ang mga baraha—dumami ito. Nagpalipat-lipat ang mga ito sa mga kamay niya na parang binabalasa sa ere. He was as if channeling a spell but with cards. Angas!

Samantala, bahagyang lumapit si Ate Kat sa ‘min. “Shana, anong nangyayari kay Tam? Is she being controlled?”

Hindi ko nasagot ang tanong ni Ate Kat. Sumimangot lang ako, napatingin kay Tam, at di naiwasang maluha dahil nakayuko pa rin siya.

“I see… Don’t worry we’ll get you out of there. Then we’ll fix everything,” sabi ni Ate Kat.

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Tama siya. Kailangan mag-focus muna kami na talunin itong si Jack. Saka na namin aayusin ang problema ni Tam.

“Get ready, people. As soon as Ash break that shield, we will attack,” sabi uli ni Ate Kat at naglabas siya ng sword and shield na gawa sa ice.

Samantala, patuloy pa rin sa litanya o ritual si Jack kaya naisipan ko siyang guluhin.

“Hey! Squidward! Nandito na ang mga Franco. Lagot ka na.”

Huminto si Jack pero bigla siyang ngumiti.

“Nandito talaga sila. Ginamit ko ang phone mo para papuntahin sila dito.”

Napakunot-noo ako. What does he mean by that? He wanted the Francos here? Bakit?

Meanwhile, Ash’s cards flew around the water shield. Unti-unti ring humihina ang rumaragasang tubig na gawa nito.

“Alam mo ba kung bakit uhaw sa ‘yo ang mga Franco?” tanong ni Jack.

I remember asking the same question to sir Azrael. It was something he didn’t want to disclose to me. Anong kinalaman no’n?

“Dahil silang lahat ay…”

Wala na ang rumaragasang tubig sa paligid namin. Nagkakaroon na rin ng mga putol ang tubig na kanina ay parang walang katapusan.

“...mga Demons.”

Napasinghap ako. Iyong mga buhok ko sa braso sa batok tumindig. Anong ibig sabihin kung silang lahat ay mga Demons? Bakit pakiramdam ko may binabalak siyang masama?

Tuluyan ng nawala ang water shield na ginawa ni Jack. Pero parang hindi siya nagaalala. Instead, he spread his arms wide open. Then a burst of water rolls out from the circle, sweeping everyone aside—except us within it.

Sumigaw si Jack at para bang naging dalawa ang boses niya. “I call upon the demon souls residing inside the Francos! Comeforth! Demon General Xanargos, Lycanthrope Demon Ed’wrathos, Vampire Demon Svranos, and Ghost Demon Tal’ithra! Heed my call!”
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly