DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 30: Betrayal

☆

12/4/2025

Comments

 

​Grimrose Academy

PAGKATAPOS sabihin sa akin ni Kuya Dante na may nagnakaw ng Feather of the First Light, hindi ko na nagawang magtanong pa. Pinatawag kasi siya at ang iba pang mga Angeals dahil inaatake ng mga Evos ang Angeals HQ. Ibinilin niya na lang ako kay Senpai Nelo.

Gusto ko sanang itanong kung alam na ba nila kung sino ang gumawa. Anong mangyayari kung wala ang Feather of the First Light dito sa academy? If what I’m thinking was right, does it mean that we are no longer protected? And wait! The HQ is under attack at the same time? Why do I have a feeling that this was orchestrated?

“Don’t worry, guys. The academy still has secrets to protect its students kahit wala ang Feather of the First Light,” sabi ni Senpai Nelo. Lumapit siya sa isa sa mga wall lamp at hinatak ito na parang isang lever.

And then… we heard some sort of mechanism, gears turning. And in a few seconds, all doors, and windows were replaced by plain walls. Hindi na rin namin naririnig ang red alert—it was too quiet.

So this is what Ate Kat meant back then that the academy has secrets. Ano pa kaya ang meron?

“Now we’re safe. No one can hear us outside, and no one can see this room anymore,” dagdag pa ni Senpai Nelo.

“Thank you, Senpai,” sabi ko. Biglang tumunog ang phone ko—tumawag si Zed kaya sinagot ko agad. “Hello?”

“Hello, Shana? We have a code red. The Feather was stolen. Nasaan ka? Are you safe?” tanong niya mula sa kabilang linya. He sounded so worried. I couldn’t help but smile even in this situation.

“Hi Zed! Nasabi nga sa ‘kin ni Kuya Dante. Dito kami sa old mess hall. Safe naman ako. I’m with Tam and Senpai Nelo. May inactivate siyang secret lever kaya walang makakapasok dito.”

“I’m glad to hear that. Buti nandyan kayo. It’s one of the four rooms that has that secret protection. Stay there with them.”

“I will. Pupunta ka ba dito?”

“I can’t yet. I’m sorry. Dineploy kaming magkakapatid para hanapin si Councilwoman Hilda. We got an intel that she was the one who stole the Feather.”

Para bang biglang umakyat ang dugo ko. That old lady. Ang hirap niya irespeto. Now she’s the one behind this commotion? Baka mamaya niyan siya rin ang reason kung bakit sinusugod ngayon ang HQ? I didn’t expect she would go this far. 

Bigla kong naalala na malapit sa HQ ang tinitirhan nila Mama at Erin kaya’t nagpaalam na ako kay Zed at si Mama naman ang tinawagan ko.

“Hello? Ma? Nasaan kayo?”

“Hello, anak. Papunta kami ngayon sa Lolo Tito mo. May sakit daw kasi. Sinamahan namin ni Erin ang Tita Mary mo.”

“O-Okay, Ma. Malayo na ba kayo sa city hall? Nag commute kayo?”

“Medyo kaka-alis lang namin pero tingin ko malayo na kami, anak. Bakit? Pauwi ka ba? Pinag-drive kasi kami ng mga kasamahang pulis ni Dante.”

Nakahinga ako nang maluwag. “H-Hindi po, Ma. Pasabi po kay Tita Mary doon na lang po muna kayo matulog kila Lolo Tito. Gabi na rin po kasi. Ingat po kayo, ah.”

Mas okay for now na doon sila sa Lolo ni Kuya Dante na nasa labas ng city. Mas safe sila doon. At kasama pa nila mga kasamahan ni Kuya. I’m pretty sure they are the Angeals tasked to protect them and they moved quickly to get them far from danger. I think they’re safe. Buti na lang.

Napaalam na kami ni Mama sa isa’t isa. Tapos ay bumaling ako sa mga kasama ko. Senpai Nelo just got off his phone as well.

“Kausap ko kanina si Dean Clea. We really have to stay here for now. Mukhang halos lahat ng Angeal pinadala sa HQ. Iyong mga Grimborns na students pinauwi muna sa mga clans nila. Ang natira lang dito ay ang mga Aether-blessed students, faculty members at kaunting Angeals,” sabi ni Senpai Nelo. “What about you, Shana? May nakuha kang update?”

I nodded. “Dineploy din ang mga Franco para hanapin at hulihin si Councilwoman Hilda. Apparently… siya ang kumuha ng Feather of the First Light.”

“A-Ano? S-Si Councilwoman Hilda?” pag-ulit ni Senpai Nelo. Nanlaki pa ang mata niya. “S-Sigurado ka ba?”

Tumango lang ako. Natulala si Senpai ng ilang segundo. Tapos bigla na lang siyang lumuhod na para bang lumambot ang kanyang mga binti. Nanginginig pa ang mga labi niya.

“Senpai!” Lumuhod din ako para alalayan siya. “Are you okay?”
Then it came back to me—it was Councilwoman Hilda who helped him bring Miya and her friends here.

“H-Hindi… It can’t be. This… This is my fault,” nanginginig na sabi ni Senpai Nelo. Tulala siya at lumuluha.

Napakunot-noo ako. “What do you mean, Senpai?”

“Inutusan niya akong tawagin ang mga guards… sa initiation room kanina. G-Ginawa ko naman. Ang akala ko… uutusan niya lang ang Feather na hayaan ang mga black witch na makapasok. Pero… ninakaw niya pala ito. At ako… Ako ang tumulong sa kanya. Kasalanan ko ang lahat ng ‘to,” umiiyak na sagot ni Senpai Nelo.

Nilapitan siya ni Miya at hinimas sa likod.

I thought she was gonna say something. Pero baka hindi niya forte ang magbigay ng words of encouragement kaya ako na lang—susubukan ko.

“Senpai, it’s not your fault. From what I heard— she tricked you. I think she’s been planning it all along. Narinig ko sila ni Councilman Killian. At inamin niya rin sa ‘kin kanina na isa siyang Lytharos. She was an enemy all along and you were just one of her victims,” sabi ko. I hoped it was enough—hindi ko din forte. I turned to Tam for follow up. “Tam you agree, right?”

Nakatulala lang si Tam kaya’t tinawag ko ulit siya.

“Tam? Tam? Tam!”

Parang bigla siyang natauhan.

“Y-Yes! Tama, tama.” nataranta niyang sagot. Anong nangyari sa best friend ko?

Bumaling ako ulit kay Senpai Nelo. Wala siyang imik at parang sising-sisi sa nangyari.

“Tama ba ang narinig ko kanina? Nagpunta na ang mga Angeals sa HQ at ang mga Franco naman hinahanap si Councilwoman Hilda?” tanong ni Miya.

Nagtaka ako sa tanong niya. Pero naisip ko na lang na baka natatakot din siya at gusto niyang makasigurado na safe kami.

“Oo, tama. Pero, don't worry. We’re safe here,” sagot ko. “Di ba, Senpai? Safe si Miya sa piling mo?”

Para bang nanumbalik sa katinuan si Senpai. Hinawakan niya pa sa kamay si Miya. “O-Oo. Wag ka mag-alala. Po-protektahan kita.”
“Ang sweet mo naman,” nakangiting sabi ni Miya. Hinawakan niya sa pisngi si Senpai Nelo kaya’t napangiti ito at para bang unti-unti ng kumalma.

Nainggit naman ako bigla. Hays! Zed where are you?

“Kaso…” Nag-iba ang tono ng boses ni Miya. “Naririndi na ako sa mga drama mo.”

Biglang dinakma ni Miya ang mukha ni Senpai Nelo. In an instant, water surged from her arms to her hands, raging before forcing its way into Nelo’s mouth, ears, and nose. Everything happened so fast; within seconds, he looked as if he were drowning without ever being submerged. At nang bitawan siya ni Miya… bagsak siya sa sahig, bumubula ang bibig, at tila ba… wala nang buhay.

I was… stunned—terrified. Para bang ayaw gumalaw ng buo kong katawan. Natulala lang ako kay Senpai Nelo.

Anong nangyari? Panaginip ba ‘to? Bakit biglang ganon?

Ilang saglit pa, para bang bumaliktad ang sikmura ko. Nasuka ako. Pero pagkatapos no’n para bang kahit papaano ay nagawa kong bawiin ang sarili ko.

“S-Senpa? Senpai! Senpai!!” pagtawag ko pero walang kibo o kahit anong galaw si Senpai Nelo. 

“Huwag ka nang mag-aksaya ng lakas diyan…” Boses ng lalaki ang nagsalita. Tumingala ako, galing iyon kay Miya na nakatayo na. “Patay na ‘yan.”

Napasinghap ako. Tumindig ang balahibo ko.  At mas lalo pa akong natakot nang biglang parang may bumuhos na tubig mula sa katawan ni Miya. Sa isang iglap, nagbago ang itsura niya. Siya ay naging isang lalaking walang buhok sa ulo at wala rin kilay. May mga kulay itim siyang ugat sa ulo, mukha, at katawan. May malaking ngiti, at bilugang mga mata na dilat na dilat. Payat siya—halos buto’t balat, at ang kulay ng balat ay maputla. Suot niya ay kulay deep indigo na robe. 

“Greetings, Ms. Brea! I am pleased to finally meet you… I am… Jack the Ripper.”

It was a fight or flight situation and I chose to fight. As soon as I heard his name, I tried to stand up and attack him. Pero bigla na lang nakagapos ang braso at buo kong katawan ng mga… makakapal na vines ng puno.

Wala akong nakitang galaw mula kay Jack kaya’t luminga ako sa paligid para hanapin kung sino ang umatake sa ‘kin habang sinusubukang kumawala. Doon ko nakita kung sino…

“F-Friend? Bakit mo—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil para bang nanghina ako sa nakita ko. Nakayuko si Tam pero nakatutok ang kamay niya sa akin at galing sa kanya ang mga vines. Lumipat siya ng pwesto mula sa tabi ko papunta kay Jack.

“Friend? Anong ibig… sabihin nito?” hirap kong tanong.

“I’m sorry. Hindi—Hindi mo talaga ako friend,” sagot ni Tam pero para bang di siya makatingin sa akin.

“Ang ibig sabihin nito, Ms. Brea… nahulog ka sa mga patibong ko,” nakangiting sabi ni Jack. Humalakhak pa siya.

Binaling ko ang atensyon ko kay Jack. “You! Kinokontrol mo si Tam, no?! Pakawalan mo siya!”

“Kontrol? Wala naman akong ganon na abilidad,” kibit-balikat na sagot ni Jack. “Kusang ginagawa ito ni Ms. Asano. Sige, sabihin mo sa kanya ang katotohanan.”

“P-Para sa parents ko,” Tam softly whispered.

“Ang tipid naman. Paano maiintindihan ni Ms. Brea?” sabi ni Jack “Di bale, ako ang magpapaliwanag.”

“Master, we’re ready,” sumingit ang isa sa mga kasama ni Jack na babae. Naka-deep indigo robe na may hood na sila—ang usual na suot ng mga Evos.

“Simulan niyo na. Patayin niyo ang lahat ng natira dito sa academy,” utos ni Jack.

“MORS FIERE!”

Nabalot ang apat na kasamahan ni Jack ng makapal at itim na usok. Sa isang iglap, bigla silang naging mga wraiths—shadowy, ghostlike figures floating in the air, wearing deep indigo robes that seemed to be made of smoke. They got hands with long and sharp claws like knives.

“UMBRA CRESERE!” They chanted, and summoned eight more wraiths out of thin air like each of them just made two copies of their own selves.

“Spread out!” utos uli ni Jack. 

Pakalat na umalis sa old mess hall ang mga wraiths, tumagos sila sa pader na parang mga ghost.

Bumaling sa ‘kin si Jack. “Pasensya na sa istorbo, Ms. Brea. Nasaan na nga uli tayo? Aha! Ang katotohanan tungkol kay Ms. Asano. Kung di mo pa rin makita, tutulungan kita. Pero habang kausap kita, hayaan mong gawin ko rin ang pakay ko dito at sa ‘yo.”
Naglabas si Jack ng isang leather pouch. Ibinuhos niya ang laman nito na kulay itim na buhangin sa palibot namin. Bumuo siya ng circle na may mga linya sa loob at simbolo na parang pang ritual.

“Si Ms. Asano ay aking kakampi mula pa noong pumasok siya dito sa Grimrose Academy. Siya at si William ang espiya ko dito sa loob. Nahuli lang si William pero buti itong si Ms. Asano nagtagumpay. Kaya heto ka ngayon, Ms. Brea, walang kakampi at walang kalaban-laban. At sa pamamagitan mo maisu-summon ko na ang panginoong Chronika. Tutuparin niya ang kahilingan ni Ms. Asano—ang buhayin ang kanyang mga magulang. At siya ang magiging panginoon ng buong mundo.”

Habang nagsasalita si Jack, nakatingin lang ako kay Tam. Hindi siya makatingin sa ‘kin. Masakit sa akin na bumaliktad siya pero naniniwala pa rin ako na napipilitan lang siyang gawin ito.

“Tam niloloko ka lang ni Jack. Huwag kang maniwala sa kanya. He’s an Evo. At gusto niyang mag summon ng isang Dreadlord. They can’t be trusted. Whatever he told you is not true. Hindi pa huli ang lahat. Pakawalan mo ko at magkasama natin siyang tatalunin.”

Biglang nagawa ni Tam na tumingin sa akin ng diretso. “No! Ikaw ang hindi dapat maniwala sa ‘kin. I used a flower to make you my friend. Hindi totoo ang nararamdaman mo sa ‘kin. H-Hindi mo ko totoong kaibigan.”

Para bang may kung anong pumiga sa puso ko. Naalala ko ‘yong una naming bonding time sa dorm room. It was our first time together here in the academy. She showed me a chamomile flower planted on her hands back then. Sobrang saya ko no’n. Iyon ba ang ginamit niya? Ibig sabihin hindi totoo ang naramdaman ko noon? Iyong gaan ng pakiramdam ko sa kanya? Iyong lahat ng masasayang araw namin—hindi totoo?

Hindi ko na nagawang magsalita pa. Pakiramdam ko parang may bumagsak sa buo kong katawan—mabigat at parang nakapanghihina. Lahat ng mga moments namin ni Tam sa isipan ko parang mga litratong bumalik. Bawa ngiti, at tawa ay nakita kong muli. Pero parang lahat biglang nabasag.

Tam… bakit? Talaga bang hindi totoo ang lahat? 
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly