DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 3: The Awakening

☆

5/31/2025

0 Comments

 

Grimrose Academy

NAGMADALI akong umatras habang nakaupo hanggang sa mapunta ako sa isa sa mga sulok. Nanginginig na ang mga labi ko. Hindi ako makakurap dahil sa mga nakikita ko ngayon.

Tusok ng ice spear pero buhay pa rin. Hinugot ng Demon ang nakatarak sa dibdib nito. Susubukan din sana nitong gamitin ang sandata ngunit bigla itong natunaw na parang tubig.

What on earth am I seeing now?

"You think you can defeat me with your tricks?" sabi ng Demon. Dalawa ang boses nito.

Tutok na tutok at takot na takot lang ako sa mga nasaksihan ko. Gusto kong isipin na panaginip lang ito. And I wanna wake up from this dream now.

Ngumisi si Ms. Kat na tila 'di man lang natatakot. "Of course not! Kaya nga nag sama ako eh. Ash! Now!"

Biglang lumuhod si Ms. Kat at pumasok sa silid mula sa nasirang pinto si Ash. May hawak siyang mga baraha sa magkabila niyang mga kamay. Binalasa niya ito sa ere na para bang lumulutang ang mga baraha. Pagkatapos ay ibinato niya ang mga ito sa Demon na parang ang mga baraha ay matutulis na bagay.

Tinamaan ang Demon sa iba't ibang parte ng katawan nito at muli itong napasigaw sa sakit. "Damn you, Grimborns!!"

Nanlilisik ang mga mata ni Ms. Kat habang nakatingin sa demonyo. She stood up, waved her right hand, gracefully flicked her fingers— then a sword made of ice appeared. She grabbed the sword and ran towards the demon. She stabbed it right through the chest again.

The demon made a screeching sound. Para itong namimilipit sa sakit hanggang sa tila nawalan na ito ng lakas at di na gumawa ng kahit anong ingay.

Binunot ni Ms. Kat ang sandata niya mula sa dibdib ng demonyo at umatras palayo. At the same time, natunaw at parang tumapon na tubig ang kaninang ice sword niya. Ang demon naman ay humandusay na sa sahig. 

Nilapitan ako ni Ms. Kat, lumuhod siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “Shana, are you okay? May sugat ka ba?”

"H-How do you know my name? W-what was that? A-and... W-what are you?" Nanginginig kong tanong sa kanilang dalawa. "A-Ano'ng nangyari kay Trish? B-Bakit?"

I am so confused and scared right now.

"Hi Shana!" pag bati ni Ash na parang walang nangyari at nakangiti pa siya.

Habang salitan ko silang tinitignan naaninag ko ang Demon na nakatayong muli sa likod ni Ms. Kat at parang aatakihin siya nito.

Hindi ko alam kung paano, pero ang unang pumasok sa isip ko ay ang itulak si Ms. Kat palayo at iharang ang kamay ko.

Akala ko katapusan ko na. Bigla nalang na may kung anong puting liwanag ang nagmula sa palad ko. Nasilaw silang lahat. Pero ako nakita ko ang nangyari sa likod ng liwanag. Tila sinunog nito ang balat ng Demon. Nang mawala ang liwanag, tumambad si Trish na anyong tao na. Agad naman siyang bumagsak sa sahig.

"Oh my god! Trish?!" sigaw ko. Napahawak ako sa aking bibig. Is she dead? Did I kill her?

Biglang humarang sa harap ko si Ms. Kat. “Hi Shana! My name is Kat Franco. Nice to meet you. I know marami kang tanong at sasagutin namin lahat ng ‘yon. For now we’re going to make you fall asleep.”

Nakatulala lang ako at pilit pinaprocess ang mga nangyari. Ni-hindi ko na nagawang sumagot kay Ms. Kat.

Biglang sumingit sa harap namin ni Ms. Kat si Ash. He waved his hand in front of my face.

“Shana… look me into my eyes.”

His eyes went from normal to blood red. Pero di tulad ng sa demon kanina na kulay itim ang gilid. Kulay puti pa rin ang sa kanya. But looking at his eyes was like a trap. Nang gawin ko ‘yon parang di na ko makaiwas. Natulala na lang ako.

"Sleep Shana... Sleep... Shana... Sleep... Deep..." Marahang sabi pa ni Ash.

A couple of seconds later, my body refused to move. I tried to fight it but it feels like I'm being dragged down. My eyes were becoming heavier. 

“Nix, come here! We have an Aether-blessed in custody. Bring her to the academy.”

Iyon nalang ang huli kong narinig mula kay Ms. Kat. Tila tinawagan niya si Nix para pumunta dito. Then in a snap— I was out.





PAGMULAT ko ng mga mata ko, nakita ko si Nix na nakatingin sa akin at parang binabantayan niya ako. Nagulat ako kaya’t bumangon ako at agad 'kong tinakpan ng kumot ang katawan ko. 

"Nix?! Nasaan ako?!"

Naging itim na usok si Nix at bigla siyang nawala. That’s the second time I saw him vanishing, it didn't scare me now. At least not much. Pero may konti paring gulat.

Tumayo ako at tumingin sa paligid. Nasa isa akong malawak na silid. Maraming kama at tila isa itong clinic or hospital. May malalaking bintana kung saan tumatagos ang liwanag ng buwan ngunit may dim light naman mula sa chandeliers.

Ginabi na naman ako. Patay!

"Hello?" sabi ko at nag echo ang boses ko sa buong silid. "Is anyone here? Nix?"

Narinig ko ang tunog ng biglang pag ihip ng hangin at pagtingin ko sa taas... Nakasabit si Nix sa isang malaking chandelier. He was looking at me with his steady, fearless eyes.

One second and he was gone again. Then he appeared beside the door.

Namangha ako sa pinakita niya. 

"What are you?" I asked.

"I am someone you don't wanna messed with," sagot niya at bigla ulit siyang nawala.

Tapos ay bigla siyang lumitaw sa harap ko. "Boo!"

Napaatras ako sa gulat. Akala ko matutumba ako pero nakakuha ako ng lakas para manatiling nakatayo. Muli siyang nawala. Hinanap ko siya sa paligid pero hindi ko na siya makita. Napaatras ako nang napaatras hanggang sa napasandal ako sa kung ano.

"Huwag kang haharap," dinig 'kong sabi ni Nix. Siya pala ang nasandalan ko. "Turn around and you're dead."

Napalagok ako sa sinabi niya dahil tila seryoso siya. "N-nasaan ako?"

"You’re at the academy’s infirmary," sagot niya.

"A-Academy? You mean nasa school lang tayo?”

He didn’t answer. I waited.

“B-Bakit ayaw mo akong humarap sayo?"  tanong ko ulit.

Hindi siya ulit sumagot. Huminga ako ng malalim at lakas loob na humarap sa kanya.

Nagkatitigan kami pagharap ko. However, I quickly noticed his eyes— the iris was blood red and the white of the eye was pitch black. Umatras ako palayo sa kanya dahil naalala ko bigla ‘yong demon.

"Wha— ​what are you?"

Umatras siya at bigla ulit nag teleport sa chandelier. Nakasabit siya doon. 

"Don’t ask."

I clenched my fist and bit my lips. Parang pinaglalaruan niya kasi ako at tinatakot. Kaya dapat di ko ipakita na nagtatagumpay siya.

"I'm not afraid of you," sabi ko.

Nawala siya ulit kasabay ng paglitaw ng itim na usok. Pagkatapos ay naramdaman kong lumitaw siya ulit sa likod ko.

"You should be," he whispered.

Pag harap ko ay agad siyang nawala. Luminga ako sa paligid pero hindi ko na ulit siya makita. 

"Nix?"

Bigla ulit siyang sumulpot sa harap ko at hinawakan niya ako sa balikat. Pagkatapos ay biglang...

"Oh my god!! Nix!!" sigaw ko sa takot.

Para bang bigla nalang kasing nawala ang tinatapakan ko. And when I looked around, I quickly noticed. Nasa labas na kami at nahuhulog sa himpapawid.

Napayakap ako sa kanya habang kami ay bumubulusok pababa.

"Oh no! Oh no! Oh no!" Napasigaw ako ng napasigaw sa lula, sa takot, at kung ano ano pa.

Mabilis ang pagbulusok namin pababa. Abot tanaw ko na ang baba at ilang saglit nalang ay tatama na kami sa lupa.

"Nix!!" nataranta kong sigaw. Pumikit na lang ako.

"Hey! Look at me," bigla niyang sabi.

Tumingin ako sa mukha niya. Nakangiti siya. Hindi ko alam kung kailan kami babagsak. Then it felt like I was moved or pushed. In a second, my feet landed and we were back in the infirmary. Napaupo ako at napahawak sa aking ulo.

Natawa naman si Nix sa akin habang umaatras palayo sa akin.

 "Let's do that again next time, shall we?"

"You're crazy..." sagot ko na medyo nahihilo pa.

Sumulpot ulit siya sa harap ko at nag lapit ang mga mukha namin. Tumitig siya sa akin ng seryoso pero this time hindi na pula’t itim ang mga mata niya, normal na ito. 

"Now are you afraid?"

"Nix!"  Dumating si Ms. Kat. Kasama niya si Ash.

“What the hell are you doing?” Ms. Kat asked. Medyo bossy ang tono niya.

"Nothing. I was just entertaining our guest," nakangiting sagot ni Nix.

"You're scaring her. Lakas talaga ng trip mo. Lumayo ka nga sa kanya!" Utos ni Ms. Kat.

Inalalayan akong tumayo ni Ms. Kat. “Hello again, Shana. Pasensya ka na sa pangit kong kapatid. Would you like to rest a bit more?”

Umiling ako. “No… But please… Baka pwedeng may mag explain sakin kung anong nangyayari? I want to know everything.”

“Of course. Our dean will answer everything you have in mind. But first…” Nakangiting sabi ni Ms. Kat. Marahan niya akong hinatak palabas ng silid.

“Welcome to Grimrose Academy.”

Tumambad sa ‘kin ang grand entrance hall ng lugar na ito— nasa gilid lang kasi bandang kanan ang silid ng infirmary. Hindi ko napigilang hindi mamangha sa nakita ko. Para bang saglit na nag pigil ang paghinga ko. The hall looked like a mix of a Victorian palace and a high-end mansion. Ang ceiling— high and vaulted, tapos may mga crystal chandeliers. Those pretty lights casted a warm, golden glow that illuminated the polished marble floors. 

Sa gitna ng hall, may isang grand staircase with ornate railings na pa-spiral pataas, ang mga steps nito ay covered in rich, red carpet. The whole place was painted in a combination of white and black.

This is definitely not Rose University.

Sa ngayon wala akong ibang nakita kundi ang tatlong magkakapatid. The place seems to be empty pero baka dito lang sa hall or baka dahil gabi na kaya wala ng estudyante. She did say Academy.

“What is this place?” tanong ko.

“You’ll find out soon,” nakangiting sagot ni Ms. Kat. “Tara! Time to meet our Dean.”

We walked past an array of display cases showcasing ancient relics, statues, paintings, and artifacts. They were weird and scary. May mga arts about big wolves, big bats, angels, demons, monsters, at kung ano-ano pa na di ko maintindihan. May mga nakita din akong swords, spears, bows, guns, at kung ano-ano pang weapons na naka-display sa wall.

May mga nakasalubong din kaming mga nakasuot na full tactical gear pero full white ang color ng suot nila. They have handguns and daggers that seem to be made of silver. Pero sumasaludo sila kapag nakasalubong namin. Siguro high rank ang mga Franco sa lugar na ito.

Pagdating namin sa third floor, huminto kami sa harap ng isang malaking red wooden double door. Ang pinto ay tila inukitan ng mga bulaklak at vines na hindi ko alam ang tawag.

“We’re here, Shana. Pasok ka na. Hintayin ka namin dito sa labas,” sabi ni Ms. Kat.

Huminga ako nang malalim at humawak sa door handle. Pumasok ako sa loob. The room was filled with books, paintings, and weapons on the wall. May desk sa gitna na may mga nakakalat na papel, libro, pens, at kung ano-ano pa. At may executive brown leather chair na nakatalikod sa akin.

“Uhm, excuse me po. I’m here to meet the Dean?”

“And you shall meet him.”

Umikot ang upuan at tumambad sa akin si…

“Nix?! I-Ikaw ang Dean?!” Nanlaki ang mga mata ko.

He shrugged his shoulders and smirked. Ang yabang talaga nito. Siya ba talaga ang Dean?

Biglang bumukas ang pinto sa likod ko at pumasok ang isang babae. She stood and crossed her arms looking at Nix.

“Awe! How cute? Nagpapa-pansin sa babae ang bunso ko,” nakangiting pang-aasar ng babae kay Nix.

“No, I’m not!” mabilis na sagot ni Nix at bigla siyang nawala.

“Sorry about that. Makulit talaga yung anak ko na ‘yon.” Bumaling sa akin ang babae ng nakangiti. “I’m Clea Franco--the real Dean of Grimrose Academy. Nice to finally meet you, Shana.”

Nakipagkamay siya sa ‘kin at tinanggap ko naman.

“N-Nice to meet you po,” nahiya kong sagot. 

She’s a Franco at anak niya si Nix? Meaning isa siya sa mga asawa ng tatay nila? If that bit was true. 

She looks pretty like Ms. Kat. Parang di halata na may malalaki na siyang mga anak. She look young. Hawig nga niya si Song Hye-kyo na paborito kong Korean Actress. She has this happy aura na kahit sa konting conversation lang namin ay parang magaan na ang pakiramdam ko sa kanya.

“I know you have a lot of questions. Please have a seat. Let me explain to you everything.”


NEXT CHAPTER
​

​BACK TO CHAPTERS
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly