DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 2: Just A Cat

☆

5/29/2025

0 Comments

 

Grimrose Academy

PARA bang sumakit ang ulo ko sa nangyari. I’m trying to get an explanation in my head on how it happened. I mean, imposible! Paano nangyari ‘yon? I was teleported? Magic?

My head was spinning. Pero nagawa kong umiling-iling.

I gotta shake it off. I need to know what really happened.

Umiral na naman ang pagiging sobrang curious ko sa mga bagay, kaya't nagmadali akong pumunta sa gate ng school. Isinumbong ko sa guard ang nakita ko.

 "Manong Guard! May nakita po akong pinatay sa loob ng classroom! Tumawag po kayo agad ng pulis!"

Naka-kunot noo ang guard.

"Huh? Ineng gabing gabi na ah. Ano ba'ng pinagsasabi mo? Nandiyan ka sa labas, kaya anong sinasabi mong may patay sa loob? Mga bata talaga ngayon. Ibigay mo sa akin ang number ng Nanay mo at tatawagan ko siya."

Nakakainis! Ang tamad ng guard na 'to.

"Maniwala po kayo sa akin. I saw it with my own eyes. I was inside and then suddenly I was… I was teleported here!" Bigla kong tinakpan ang aking bibig. Darn it! I shouldn't have said that I was teleported.

"Okay..." sabi ni Manong Guard at halata sa kanyang mukha na hindi siya naniniwala. "Ibigay mo na ang phone number ng Nanay mo para mai-teleport ka niya papunta sa kwarto mo, at mapalo ka na ng sinturon. Batang 'to!"

Tumakbo ako palayo sa guard at bumalik sa may parking area kung saan naka park ang bike ko.

"Hoy umuwi ka na!" Dinig ko'ng sigaw ni Manong Guard.

Nakakainis talaga, lagi na lang nasasabihang bata. Hindi naman ako gano'n kaliit eh. Tsaka sadyang mukhang baby face lang talaga. Should I dress up like Ms. Kat? Or wear make-up? Teka hindi yan ang importante sa ngayon.

Paano nga ba ako makakapasok ulit sa loob?

Tahimik akong nag iisip nang may biglang tumawag sa phone ko.

Oh crap! Si Mama! At ang dami na pala niyang missed call sa akin. Patay ako!

"Hello, Ma?"

"Oh my God! Shana anak! Kanina pa ako tumatawag sayo. Nasaan ka? Ayos ka lang ba? We've been looking for you. Ni-report na nga kita sa mga pulis," nag aalalang sagot ni Mama sa kabilang linya ng phone.

"I'm fine Ma. I was... I uh..." Mama won't believe if I'll say I was hypnotized, saw a dead man, and was teleported. For sure grounded ako kapag sinabi ko ‘yon. "Sorry Ma, nag hanap kasi ako ng part time job. Tapos naiwan ko pala sa school yung phone ko. Nandito po ako ngayon sa school."

Shoot! Ayokong nagsisinungaling kay Mama pero just this time kailangan talaga.

"Okay sige. Ang mahalaga okay ka. Diyan ka lang ah. Ang alam ko malapit lang diyan ang pinsan mo. Ipapasundo kita."

"Si kuya Dante po?" Tanong ko at nakaramdam ako ng excitement.

Matagal ko nang hindi nakikita si Kuya Dante. Ang sabi ng tita, Pulis na rin daw siya katulad ni Papa noon. Hindi ko alam na dito pala siya nakadistino.

"Oo, anak. Kanina ka pa nga niya hinahanap. Basta diyan ka lang ah," sagot ni Mama.

"Okay po Ma. I'll see you later," at doon natapos ang pag uusap namin ni Mama sa phone.

Ayos 'to! For sure si kuya Dante maniniwala sa akin na may patay sa loob ng school at makakapasok kami sa loob.

Matapos ang ilang minutong paghihintay, may dumating at humintong Police Car sa harap ko. Bumukas ang pinto at lumabas si Kuya Dante na muntik ko nang hindi makilala. 

Ang tangkad na niya, matipuno ang pangangatawan, gwapo syempre— Brea 'yan eh, at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang police uniform. Iyong buhok niya pang army-cut pero bagay pa rin dahil mukha siyang asian with caucasian features. He still has this courageous but serious-look. 

"Kuya!" Sinalubong ko si Kuya Dante ng isang mabilis na yakap.

"Shana!" 

Niyakap niya rin ako. 

"Kanina pa kita hinahanap ah. Alalang alala na ang Mama mo sayo. Kamusta ka na nga pala?"

"Okay lang kuya." Sagot ko nang nakangiti. Bumitaw na kami sa pagyakap. "Nakapag usap na kami ni Mama. Galing mo ah! Grabe parang kailan lang... Tapos ngayon officer Danter Brea ka na! Muntik pa kitang di makilala. As in! Mukha ka na kasing model."

"Siyempre nasa lahi na natin 'yan eh," sagot ni kuya Dante at tinignan niya ko mula ulo hangang paa. "You look like... Hmm you didn't change. You still look the same. Siguro tumangkad ka ng konte?"

I pouted my lips and answer, "Ewan ko ba kuya forever na yata akong mukhang bata."

"Ayaw mo no’n imortal ka?" sabi niya sabay tawa. Pabiro pa niyang ginulo ang buhok ko. "Halika na ihahatid na kita sa inyo."

"Teka kuya saglit! May kailangan kang malaman," pagpigil ko sa kanya. "May nakita akong patay na tao sa loob. You have to check it!"

"Patay?" pag kumpirma ni kuya Dante, "Are you sure?"

"Yes kuya!"

Tumingin siya sa akin nang diretso at ganon din ako. Dapat makita niya na hindi ako nagsisinungaling. Kuya Dante please believe me.

"Okay let's check it out."

Ayos! Sabi ko na maaasahan ko si Kuya Dante.

Kinausap ni Kuya Dante ang guard at pinapasok naman kami sa school. Nasa likod niya lang ako habang kami ay nag lalakad. Nakakapangilabot ang buong paligid. Madilim at tahimik. Tanging ang mga yapak lang namin ang maririnig na tunog. Tanging ang ilaw ng flashlight ang nag sisilbing gabay namin dahil hindi na pinabuksan ni kuya Dante ang ilaw. Nag reklamo kasi ‘yong guard na mahirap daw. 

Tahimik namin na hinahanap ang silid kung saan ko nakita ang mga Franco nang biglang...

"Mama!"

May naramdaman akong kung ano na dumaan sa aking hita kaya't napasigaw ako. 

Mabilis namang napabunot ng baril si kuya Dante, ngunit pag tama ng flashlight sa ibaba... Pusa lang pala. Isang mabalahibo at kulay gray na pusa. Nginitian ko si Kuya Dante at nag peace sign.

Pinagpatuloy namin ang paghahanap sa silid. Ilang saglit pa ay natagpuan namin ito pero wala na ang nga Franco at ang bangkay.

"Shana, there's no one here. Sigurado ka ba na dito ‘yon?"

"Oo kuya!" Hinanap ko sa paligid pero wala talaga. "Hmm... Baka nailigpit na nila yung bangkay? I swear they were here."

"They?" Lumapit sa akin si kuya Dante at hinawakan ako sa balikat. "Shana, sino ang mga nakita mo?"

Once again tinignan ko siya ng diretso.

"Ang mga Franco, kuya.”

Napataas ng dalawang kilay si kuya Dante.

“Kilala mo ba sila?" Tanong ko pa.

"Hmm... Ang mga Franco, huh? Oo kilala ko sila. Then what else did you see?"

Tingin ko maniniwala sa akin si Kuya Dante kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. Huminga ako ng malalim. Here goes nothing.

"Tapos bigla nalang ako tineleport ni Nix palabas ng school. I know it sounds crazy but that's what really happened," sabi ko. “Nandito ako kanina tapos bigla nalang ako nasa labas. Tapos bigla pang nawala si Nix.”

Nakatingin lang sakin si kuya Dante. Ilang segundo siyang tahimik na parang pina-process niya sa isip niya ang mga sinabi ko.

Ilang saglit pa, biglang tumawa nang malakas si Kuya Dante na nag echo sa buong silid. "You're still watching those horror or fantasy movies, huh Shana? Or still gaming for hours and hours?"

"No! I'm telling you the truth!"

"Ikaw talaga. Mabuti pa ihahatid na kita pauwi at nag aalala na sayo ang Mama mo," sabi ni kuya Dante at ginulo niya ang buhok ko.

Fail! Akala ko pa naman maniniwala siya. Pero sino nga ba naman ang maniniwala sa teleportation? Kaasar! I guess I'm on my own to find out what happened and who they really are.

Hinatid ako ni Kuya Dante sa bahay. Siyempre may konting sermon si Mama. Pero naiintindihan ko naman, dahil nag aalala lang siya sa akin.





KINABUKASAN pasok ulit sa school. Pero this time ganado ako kahit di ako masyadong nakatulog kagabi kaka-isip sa nangyari. I don't know why but I think I can find the thrill and action that I'm looking for in my boring life in this school. Lalo na nang dahil sa nangyari kagabi.

Pagdating ko sa Rose University, nakaparada na ang motorbike ni Nix sa parking space niya. Katabi ay ang tatlong mukhang mamahaling kotse. For sure sa magkakapatid na Franco ang mga ‘yon. Grabe tig iisa pa sila ng sasakyan.

Pumasok ako ng school at nakita ko si Trish sa hallway kaya agad ko siyang binati. "Hi Trish!"

"Shana?! Oh hello!" sabi ni Trish na parang nagulat pa nang makita ako.

"Parang nagulat ka yata?" tanong ko.

"H-hindi naman. N-nagulat lang ako dahil maaga ka," nautal niyang sagot.

"Ah... Okay. Nakita mo ba ang mga Franco?" Tanong ko ulit.

"Nasa paligid lang sila. Kapag may nakita kang kumpol na tao. Nandoon sila," nakangiting sagot ni Trish pero parang nagmamadali siya.

"Ah sige. Mamaya na lang."

Tumango at ngumiti lang siya.

Hindi ko alam pero parang ayaw niya akong kausap ngayon. Bakit kaya? 

Paalis na sana ako nang bigla akong tawagin ni Trish. "Shana! Wait! May gagawin ka ba mamaya? Pagkatapos ng mga klase mo?"

"W-wala naman, bakit?"

"Samahan mo naman ako after school. May pinapagawa kasi sa akin ang Dean. And I could use some extra hands," sagot ni Trish sa tanong ko. “Puntahan kita sa labas ng room after ng last subject mo.”

Haays mabuti na lang niyaya niya ako. Akala ko mawawalan ako agad ng first friend dito sa school.

"Sure. I'll see you later," nakangiti kong sagot.

Hahanapin ko pa sana ang mga Franco nang mapansin ko na five minutes na lang mag sisimula na ang unang klase ko.

Pagpasok ko sa loob ng classroom... Wala pang tao at mukhang ako ang pinaka maaga. 

Tahimik ang lugar nang bigla akong makarinig ng meow ng pusa. Hinanap ko ito at natagpuan ko siya sa loob ng isang cabinet. Ang cute cute niya kaya kinarga ko siya at hinimas himas sa ulo.

"Ang cute mo naman." Napansin kong may collar siya at may pangalan. "Vv. Iyon ba ang name mo? Ang cute, kasing cute mo."

Kulay gray at white si Vv at mabalahibo. Mabango siya at mukhang alagang alaga. I think siya ay isang persian cat.

Biglang bumukas ang pinto ng classroom.

“Vv!”

Nagulat ako at biglang kinabahan.. Si…. Si… Si Zed! Nandito siya.

Lumapit siya sa ‘kin.  Parang tinatambol ang puso ko. Shoot baka marinig niya.

"May I please have my cat back?"

"S-sure. H-here." 

Nataranta ako. Mas gwapo siya sa malapitan.

Ibinigay ko sa kanya si Vv at kinarga niya ito. Umalis siya agad nang hindi man lang nagsalita. I was left like a statue looking at him as he went away.

Wala man lang thank you. Like, thank you Shana ang bait mo at ang cute mo. Sana may gano'n.

Pero... Sapat na ang makita at makausap ko siya. Ang gwapo niya talaga.

"May I please have my cat back?"
"May I please have my cat back?"
"May I please... have my cat back?"

Paulit ulit kong sinabi. Gosh! Those are the first words he said to me. Kinikilig ako!

Napabuntong hininga ako nang nakangiti. "Kumpleto na ang araw ko."

Teka lang... 

Agad nawala ang ngiti sa mga labi ko nang bigla kong mapagtanto.

That Vv cat was the gray cat I saw last night. Ibig sabihin nandito nga sila kagabi...

Shoot! Nadala ako ng kagwapuhan niya. Nakalimutan ko ang mga nangyari kagabi na dapat kong itanong sa kanya.

Nagmadali akong tumayo at lumabas ng classroom para habulin si Zed. Ngunit pag labas ko... Wala na siya sa paligid.

Ilang saglit pa ay nagdatingan ang mga kaklase ko at ang professor namin. Nagsimula ang klase. Kahit may ibang iniisip, nag focus muna ako dito.






INABOT ng hapon bago matapos lahat ng klase ko. Kahit isang subject hindi ko naging classmate si Zed. Ano kaya ang course niya?

Paglabas ko ng classroom ay agad akong sinalubong ni Trish. "Hi Shana! Ready ka na?"

"Hey Trish. Ready saan?" Tanong ko.

"I'll show you. Come with me," sagot ni Trish nang nakangisi.

Dinala ako ni Trish sa basement ng school. Ako ang naunang pumasok at tumingin-tingin sa paligid.

"Ano'ng gagawin natin dito, Trish?"

Tahimik ang silid at medyo may pagka-creepy. O baka naman nasa isip ko lang dahil sa kakapanood ko ng horror movies.

"We're going to have fun here... Shana," sagot ni Trish.

Nagulat ako sa malakas na tunog ng biglaang pagsara ng pinto at biglang pagbagsak ng mga gamit panglinis na kanina ay nakasabit sa dingding. Ano ‘yon? Lumindol ba?

Paglingon ko kay Trish, wala siya doon.

“Trish?”

“I’m here.”

I turned again— there she was. Pero bakit ganon? Siya ay…

Lumulutang na siya sa ere at nanlilisik ang tingin niya sakin. Hindi lang ‘yon, ang mga mata niya ay pula sa gitna at itim sa gilid. It was blood red and pitch black.

"What the?! Trish?" 

Akala ko namalik mata lang ako ngunit laking gulat ko sa nakita ko. Lumutang din ang mga gamit panglinis, at tila may malakas na hangin sa loob ng buong silid.

"I need your soul!" sabi ni Trish ngunit tila dalawang tao ang nag salita nang sabay.

Napaatras ako sa takot. Hanggang sa mapunta ako sa pader. Ang mga gamit panglinis na lumulutang ay isa isang lumipad papunta sa akin na parang ibinato. Ipinangharang ko ang aking mga braso sa mukha at yumuko upang salagin ang mga bumubulusok sa akin.

Sa muli kong pagtingin kay Trish, napasigaw na ako sa takot ng unti unting nagbago ang kanyang anyo. Two horns sprouted from her head and her skin turned red with some sort of reptilian scales. She looks like.. She looks like a Demon! Like from the movies. A monster with horns. She... No it... It was laughing at me with its demonic voice.

"Your soul is mine!" sabi ng Demon habang tumatawa.

Papalapit na ito sa akin. Pero bigla itong tumigil habang ang buong katawan ko ay tila nilamig— nag tayuan ang mga buhok ko sa braso.

The Demon turned its back on me. It was looking for something as it looked around.

"Show yourself!!" sigaw ng Demon.

Tila nagyelo ang pinto at bigla itong nabasag.

"Witch!" sigaw ng Demon.

Pumasok ang isang babae mula sa pinto. It was Ms. Kat Franco, fiercely looking at the demon. She raised her hand and frost started curling around her arm like magic. Then an ice spear formed out of thin air. It looked insanely cool… beautiful, but also deadly.

She grabbed the spear made of ice and threw it straight at the Demon’s chest. It pushed the Demon against the wall.

"Damn you!!" sigaw ng Demon. It was screeching as if burning inside.

Ngumisi lang si Ms. Kat. Tinaasan niya ito ng kilay sabay sabing, "It's not a witch. It's Kat Franco, you b*tch!"
NEXT CHAPTER

BACK TO CHAPTERS
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly