DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 29: Gold Sky, Dark Hand

☆

11/25/2025

Comments

 

Grimrose Academy

FINALLY napalabas ko na. Effective ang mga payo sa ‘kin. My Arma Lux is a bow made of gold and white light. It was unlike anything I’ve ever seen. The gold body curves smoothly, may mga simple pero elegante na ukit na parang vines at feathers. The whole bow glows softly, like it was alive. Its bowstring was just pure light, straight and bright, connecting the two glowing ends. I think it was around sixty four inches. At kapag hinatak ko ito, doon lumalabas ang arrow.

Whoa! Does it mean I have unlimited ammo?

“Nice one, Shana!” Bati ni Ate Kat paglingon sa ‘kin. Agad din siyang bumalik sa pakikipaglaban.

“Wow, friend! Ang ganda ng Arma Lux mo,” sabi naman ni Tam. “So cool!”

“Thanks, guys.”

“Shana! We need assistance!” Sigaw ni Luc. Yung ibang lesser demons kasi naka-kapit na sa balikat, braso, at binti niya. Eli assisted her by slashing them off but the enemies kept on coming.

Okay… Now what? I may have unlimited ammo but this isn’t what we need right now. I need to do something that will beat all the enemies at once. What should I do?

Bigla nalang ako napasinghap nang malalim. Sa isang iglap, nawala ang paningin ko pero may mga imahe na pumasok sa isip ko. 

Upward… Arrow… Charge… Bend… Rain…

Agad naman bumalik ang paningin at diwa ko. Pero anong nangyari? Ano ‘yon? Did my aether tell me what to do? I guess… There’s only one way to know.

Itinutok ko ang lucent bow sa itaas at binatak ang string nito nang sagad. I held it, and as I did, the golden arrow of light began to grow. It was even emitting a faint humming sound as if it was charging or growing.

Pagkatapos ng limang segundo… nawala ang tunog. Hindi na rin lumaki pa ang arrowhead—naging kasing laki ito ng kamao. 

I took a deep breath. I imagined what I wanted to happen. And then released the arrow. It went straight to the sky na parang shooting star pero pataas.

Biglang nagliwanag ang himpapawid ng kulay ginto. Ang lahat ay nasilaw maliban sa akin.

Go Aether Arrows… Take the enemies down.

From the light in the sky, hundreds of arrows made of gold and white light rain down. Bawat isa ay parang may sariling buhay dahil hindi ito basta lang bumulusok pababa—hinanap nito ang mga kalaban at iniwasan ang mga kaibigan ko. Just like what I intended to do. Napuno ang paligid ng mga sipol na tila humihiwa sa hangin sa bawat galaw ng mga arrows. They were really amazing. They look like wisps seeking the enemies out.

“Yes! Patay kayo ngayon!” Masayang sigaw ni Luc.

Kaming lahat ay huminto na sa pakikipaglaban at pinanood na lang kung paano ubusin ng arrows ko ang mga kalaban.

“Wow! This is awesome, Shana,” sabi ni Ate Kat paglapit niya sa akin habang nakatitig sa mga arrows ko.

“Parang fireworks display, friend. Ang galing,” pagkamangha naman ni Tam.

Yes… It was really amazing to watch. More importantly, it was taking our enemies down. Para bang alam ng mga arrows kung nasaan ang pinanggagalingan ng mga holographic lesser demons. Kapag may sumasabog na drones, nawawala ang mahigit sampung lesser demons sa paligid. It went on for a minute.

Whoa! This is so OP! I wonder how many times I can do it?

Pagkatapos, lahat ng drones wasak o sumabog kaya’t wala na rin mga lesser demons sa paligid. Nawala na rin ang mga arrows at ang liwanag sa kalangitan. Then came a buzzing sound from a drone that flew right in front of us.

“Congratulations, Team Valkyries! You have cleared the survival quest! You are proceeding to the next round!” Anunsyo ni Dean Clea mula sa drone.

Tatalon sana ako sa tuwa pero biglang lumambot ang tuhod ko. Napatukod ako at bigla akong hiningal.

That answered my question earlier. Mukhang once a day ko lang pwede gamitin ang arrow shower.

“Friend!” Sumaklolo si Tam sa akin. Ginamitan niya ako agad ng healing powers niya. 

Si Luc naman anyong tao na ulit, nakaalalay agad sa akin. “Got ya!”

 Maging si Ate Kat at Eli lumuhod para sa akin.

“We did it, Shana,” Ate Kat softly said with a smile. Hinawakan niya ako sa braso.

Tumango-tango naman si Eli habang nakangiti.

Ilang saglit pa, biglang dumating ang ibang mga schoolmates namin at ibang faculty members. And I can’t believe what I just saw… They were cheering for us.

“Valkyries! Valkyries! Valkyries!”

“Whoo! I love you, Valkyries!”

“Idol, Shana!”

“Shana! Shana! Shana!”

Their cheers gave me strength. Nagawa kong tumayo sa tulong na din ni Luc.. Humarap kami sa mga schoolmates namin wearing the biggest smile we could give.

Arma Lux unlocked. First quest done. We’re ready for the next.








PAGKATAPOS ng first quest kanina talagang napagod ako. That arrow shower ability was so draining. Gusto ng mga kaibigan ko na magpahinga ako dito sa infirmary. Ayoko sana pero I wanted to appreciate how they care about me. Zed was here too but Ate Kat dragged him away so I could rest. It has been 15 minutes since then. Sapat na ang pahinga ko. Kailangan kong pumunta sa festival para mapanood ang ibang contestant.

Bago pa ko makalabas ng infirmary dumating si Councilwoman Hilda.

“Hello there! Kanina pa kita hinahanap,” bati niya habang nakangiti.

“Um hi po! B-Bakit niyo po ako hinahanap?”

“Gusto lang kitang makita. Kakaiba ang ipinakita mo kaninang kapangyarihan. Tunay na ito ay galing sa mga Aelythian.”

“Um… Thanks?” sagot ko, pilit ngiti. 

Kinakabahan talaga ako kapag kaharap ko siya. Parang alam niya kasi ‘yong katotohanan tungkol sa powers ko. Tas ang weird pa niya mag salita.

“Nakikita ko na agad. Meron kang kapangyarihan na iligtas ang mundo,” sabi pa niya.

“S-Salamat po.”

Nakangiti at nakatitig lang siya sa ‘kin. It was really awkward. I don’t want to be rude pero parang wala naman siyang importanteng sasabihin.

“Excuse me lang po. Kailangan po kasi ako ng mga ka-grupo ko,” paalam ko pa.

Paalis na sana pero hinawakan niya ako sa braso.

“Teka muna, Ms. Brea. May kailangan kang malaman.”

“Ano po ‘yon?”

“Ang katotohanan tungkol sa mga Angeals.”

She caught my curiosity. Napalunok ako at humarap sa kanya. May kutob ako na masasagot niya na ang tanong ko tungkol sa sinabi ni William noon na hindi ang Angeals ang totoong order of the first light.

“Makinig ka nang mabuti. Ang mga Angeals ay hindi ang totoong Order of The First Light. Ang tunay na grupo na sumusunod sa totoong hangarin ng mga Aelythians ay ang Lytharos,” patuloy niya.

Napakunot noo ako. “Ano po ang ibig niyong sabihin? Sino ang mga Lytharos?”

“Ang mga Lytharos ang una at tunay na nagmamay-ari ng Feather of the First Light hanggang sa ito ay ninakaw ng founder ng mga Angeals. Sila ang tanging may kakayahan na iligtas ang mundo laban sa kadiliman. Sila ang tunay na ilaw. Kaya’t sumama ka sa akin. Hindi ka nararapat dito. Ang kapangyarihan mo ay dapat magamit sa totoong hangarin ng mga Aelythian kasama kaming mga Lytharos,” sagot niya. Humigpit rin ang hawak niya sa braso ko.

Ang lakas niya. Hindi halata sa payat niyang katawan. Did she power up or something?

“Teka po, saglit, nasasaktan ako!” Nagpumiglas ako at binitawan niya naman ako. “Pasensya na po pero hindi ko alam ang sinasabi niyo. Ano po ba yung sinasabi niyong tunay na hangarin?”

“Ang tunay na utos ng mga Aelythian ay wakasan ang pwersa ng kadiliman. Ubusin ang lahat ng mga Grimborns, Evocators, at Demons dito sa mundo,” sagot niya at hinawakan niya ako sa magkabilang braso habang nakatitig sa akin. “Gamit ang kapangyarihan mo posible iyon. Dahil ikaw… Ikaw ang pinadala para gawin ang utos nila!”

Agad akong nagpumiglas at umatras ng dalawang hakbang palayo sa kanya. Sobra akong natakot sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang tumakbo ako nang malayo.

Kung totoo ang sinasabi niya, para sa ‘kin, hindi ko gusto ang mga Lytharos na ‘yon. Kahit pa sila ang original Order of the First Light. I think the founder of the Angeals stole the feather so he could have the power to do good— and it was to co-exist with Grimborns rather than hunt them. Theory ko lang ‘yon. Pero kasi katulad ng mga kaibigan ko at mga schoolmate ko dito, there are those who just want to live. And they have the right to do so.

Co-existence isn’t weakness; it’s the point.

“Halika na! Habang abala ang lahat. Sumama ka sa akin. Matagal akong nagtiis sa grupong ito para hintayin ka—ang itinakda. Kaya wag na tayong magsayang ng oras, umalis na tayo,” pilit niya sa akin.

Hinawakan na naman niya ako sa braso nang mahigpit. Sinubukan kong kumawala.

“Hindi po ako sasama sa inyo! Bitawan niyo ko!”

“Stop!”

Sabay kaming napalingon. It was Tam. She arrived just in time.

“Um, um, b-bitawan niyo po siya. Please po,” she said with a teary eye. “Or else…” Bahagya niyang inangat ang braso niyang may mga nakapulupot na vines at leaves. Itinutok niya ang kamay niya kay Councilwoman Hilda.

I was so relieved when Tam arrived. Halatang takot siya at mahiyain pa rin pero hinarap niya ‘yon just to help me.

Binitawan naman ako kaya’t agad akong pumunta sa tabi ni Tam.

“Thank you, friend. Sakto dating mo.”

“Pagsisisihan mo na hindi ka sumama sa akin ngayon, Ms. Brea,” pabala ni Councilwoman Hilda.

Huminga ako nang malalim at hinarap siya. “Councilwoman Hilda with all due respect, please stop. Ire-report ko kay Kuya Dante or kay Dean Clea ang sinabi niyo na kayo ay isang Lytharos—whatever that is. I’m not going to leave this place and harm my friends. Kayo nalang po ang umalis kung gusto niyo.”

Hindi na siya sumagot pa. But she was smirking like a villain. Kaya minabuti namin ni Tam na umalis nalang ng infirmary.

“Hay naku, friend. Buti dumating ka. Ewan ko pero parang wala sa katinuan ‘yon si Councilwoman Hilda. Ire-report ko talaga siya!” sabi ko habang naglalakad.

“Kaya nga, friend. She was so scary,” sagot ni Tam at kumapit siya sa braso ko.

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa braso ko. “Thank you talaga, friend. Kung di ka dumating baka naglaban kami. Syempre Councilwoman pa rin siya. Tsaka ayokong pumatol sa mga matatanda. Pero nagtataka ako sa lakas niya. Matanda ba talaga siya?”

“Hayaan mo na muna, friend. I-report na lang natin mamaya. Nga pala—bukod sa worried ako sa ‘yo kanina, pumunta ako doon kasi may favor si Senpai Nelo sa ‘yo.”

“Sa ‘kin? O-O sige. San ba siya? Puntahan natin.”









PUMUNTA kami ni Tam sa old mess hall sa fourth floor kung saan naghihintay si Senpai Nelo. It was an empty large space. Dito raw dati ang mess hall hanggang sa di na nagkasya ang mga students. Pagpasok namin, nakita agad namin siya. May kasama siyang limang babae na never ko pang nakita dito sa academy.

“Hi, Senpai! Kamusta?” bati ko.

“Hello, Shana,” sagot ni Senpai Nelo sabay baling kay Tam. “Tamika salamat pinagbigyan mo ang request ko.”

Ngumiti at tumango si Tam.

“Request? Anong request? At s-sino mga kasama mo?” tanong ko sabay kaway sa kanila. Napansin ko na ang mga kasama ni Senpai Nelo ay parang sabik na makita ako.

“Shana… meet your fans,” sagot ni Senpai Nelo. He moved aside to give way for them.

“F-Fans? Seryoso ba ‘to?” nahihiya kong tanong. Agad na nag-init ang mga pisngi ko.

Lumapit sila sa akin at nagpakilala. Namangha daw sila sa pinakita kong powers kanina sa survival quest kaya fan ko na daw sila.

“At ito nga pala si Miya—girlfriend ko,” pakilala ni Senpai sa isa pang babae na akbay niya.

Parang mahiyain at composed itong si Miya. She has long red hair that covers half of her face. I’m not sure why she does that. Parang makinis naman ang mukha niya at maamo.

“H-Hello. Fan niyo po ako, Ms. Brea.”

Nakipagkamay siya sa akin at tinanggap ko naman.

“Shana na lang ang itawag niyo sa ‘kin. And since friend niyo si Senpai Nelo, friends ko na din kayo,” nakangiti kong sabi. Mukhang natuwa naman sila.

“Shana, can I talk to you for a moment?” Senpai Nelo asked. I nodded. Marahan niya akong hinila sa tabi.

“I need to tell you the truth and ask a favor.”

“Sure! Nga pala, thank you sa advice mo. Dahil sa ‘yo napalabas ko ang Arma Lux ko,” sabi ko.

He smiled. “Maliit na bagay.”

“Kaya anything you need. Just ask.”

“The truth is… Miya and her friends…” Huminga nang malalim si Senpai Nelo bago nagpatuloy. “They are black witches.”

Nanlaki ang mga mata ko. Muntik akong umatras, napigilan ko lang.

Ayon kasi sa mga lessons dito sa academy, ang mga black witches ay bad Grimborns. Kalaban talaga sila di lang ng mga white witches kundi ng mga Angeals. It was all because of their dark magic. Apparently it corrupts them to do bad things. Kaya never silang na-invite na pumasok dito sa academy. And from what I know, the Feather won’t let them in kahit pa isama sila ng mga may access dito.

“B-Black witches? Wait, Senpai. Are you sure about them?”

“Wag ka matakot, Shana. They’re good, trust me. Miya and I have been in a relationship for a year now. At isa sa mga gusto kong isulong next school year ay ang ipasok sa academy ang mga black witches to learn and co-exist with us—for peace. With them here right now, mapapatunayan ko na hindi lahat ng kagaya nila ay masama.”

Senpai Nelo has been nothing but good to me ever since I stepped in this academy. Wala namang rason para di ako magtiwala sa kanya. Isa pa, I never met a black witch. Maybe the book was wrong about them. Mukha rin silang mababait—-lalo na si Miya.

“O-Okay, Senpai. I trust you. What do you need from me?” tanong ko.

“Well, bukod sa meet and greet nila with you. Can I trust you to keep them as a secret and be my witness that they were good?”

“Sure! Dalawa kami ni Tam na magiging witness mo.”

Senpai Nelo shook my hand. Tuwang tuwa siya. “Thank you talaga, Shana. Malaking bagay ‘to sa ‘kin. Balang araw lagi na kaming magkasama ni Miya dito sa academy.”

I guess I understood him. Parehas lang naman kaming in a relationship. And we’ll do anything for our partners.

“Welcome, Senpai. Nga pala. Paano mo sila naipasok dito sa academy? What about the feather’s power?”

“Tinulungan ako ni Councilwoman Hilda. Siya daw ang bahala. I was so excited kaya di ko na inalam kung paano. Basta sinabi niya lang kung anong oras ko sila papasukin.”

“Si Councilwoman Hilda?” Pag-ulit ko.

Bago pa ko makabuo ng mga tanong at hinala sa isip ko biglang bumukas ang pinto ng old mess hall. Dumating si Kuya Dante.

“Shana? Shana, nandito ka ba?”

Nagtaas ako ng kamay. “I’m here kuya. Bakit?”

Suddenly, red lights began flashing across the room, and a loud, blaring siren filled the air. It’s a red alert. May kung anong emergency na naman.

Lumapit siya sa akin. Hinihingal pa siya. “The academy is in danger. Someone stole the Feather of the First Light.”
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly