DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 28: School Festival

☆

11/19/2025

Comments

 

Grimrose academy

SCHOOL festival na! Sa gymnasium ito ginanap—isa itong pahaba at malawak na silid. Parang basketball court pero walang mga markings sa sahig at wala rin basketball hoop. Ang meron lang ay mga benches sa paligid ng rectangle space na hagdan ang setup.

I was expecting na may arena sa gitna pero laking gulat ko na parang katulad ito sa normal na pagdiriwang. May mga booths sa gilid na nag-seserve ng iba’t ibang klaseng food—may pang Grimborns at Humans. May mga palaro rin, parang Japanese style festival. May music sa paligid, at nagkakasiyahan ang lahat. Sa gitna ay may malalaking screens na nakatutok sa apat na panig ng silid. So I think ‘yong class battle ay sa ibang silid o lugar gaganapin at dito nila kami mapapanood. 

People had gathered around, and when I say that—I mean humans, grimborns and… monsters. Yep! Monsters. According to the lessons I learned, there are cursed creatures who don't fall into a category—thus just naming them monsters. Iba-iba kasi ang itsura nila. May one eyed tall guy like a cyclops, may faceless humans, mermans, werecats, at marami pang iba.

I came across some of them sometimes because they work here. Nagulat pa nga ako, pero noon ‘yon. According to sir Bjorn, most of them are wild and hiding somewhere in the world, at konti lang ang makaka-usap at makakasama mo na parang tao.

“Wow! Ganito pala ang school festival sa Grimrose Academy?” tanong ko habang lumilinga sa paligid. Kasama ko ang section Valkyries. 

“Actually, hindi. This is new, Shana,” sagot ni Ate Kat. “Dati talagang labanan lang sa arena. Ngayon, since si Mom na ang Dean, she made it more for everybody.”

“Tama!” Dumating si Senpai Nelo, may mga kasama siya, lima sila. “Dati kasi wala rin budget ang academy para sa ganito kagarbong festival. Pero dahil sa mga Franco, posible na ito. Mas masaya kasi lahat may pwedeng gawin at makakapagsaya.”

Oh I think I’ve pieced everything. Kaya naging Dean si Ms. Clea ay dahil magagamit ng order ang Franco siblings, at ang kanilang resources. That’s actually a wise move. But to be fair I think Dean Clea is actually doing a great job.

“Good afternoon, Senpai Nelo,” bati ko.

“Good afternoon, section Valkyries. Meet my team, we are the Grimmers!”

Parang section Valkyries din ang team Grimmers. Si Senpai Nelo ang aether-blessed, may vampire na babae— red curly hair wearing a black dress, isang lalaki na in human form werewolf— long black hair at parang native american ang porma, isang babaeng white witch blonde hair wearing a green tactical dress, at si Winona na ghost. 

Friendly ang lahat ng mga kasama ni Senpai Nelo kahit pa magiging magkalaban kami sa class battle. Nagpakilala sila sa amin at nakipag-kwentuhan. They even told us who the other teams were. Ang Elite Team ni Xiaoyan, Vampire team, Werewolf Team, at isa pang Team na medyo mixed din— tatlong Angeals at dalawang white witch ang composition.

Habang abala sa usapan ang bawat isa, niyaya ako ni Senpai Nelo sa isang tabi dahil may importante daw siyang sasabihin sa ‘kin.

“Shana, nasabi pala sa akin ni Winona na di mo pa rin daw kayang palabasin ang Arma Lux mo?”

Grabe wala talagang ligtas ang kahit anong impormasyon sa Multong Marites na ‘yon.

“Ah oo e. Ang hirap. Kahit malakas naman ‘yong intention ko.”

“Have you found the kind of weapon you wanted it to shape?”

“I think… Oo… Pero ayaw pa rin, e.”

“Ganon din ako dati. Pero ang ginawa ko kaya ko napalabas ganito… Una strong intent talaga, tas image sa isip mo ng gusto mong porma nito. Tapos ang secret technique ko—pinipigilan kong huminga.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. “Huh? Pigil hininga? Seryoso ‘yon, Senpai?”

He nodded. “Minsan kasi nililigtas tayo ng aether natin sa kapahamakan kaya naisip ko ‘yon. It worked on me. I just thought it might work on you too.”

Stop breathing? Di ko sure kung kaya ko. Pero at this point, I’m willing to try anything.

“Salamat, Senpai. Susubukan ko ‘yon mamaya. Pero bakit mo ko tinulungan? Maglalaban pa tayo mamaya at sa mga susunod na araw.”

He chuckled a bit. “Sus competition lang ‘to. Sa labas ng academy, magkaka-kampi pa rin tayo laban sa mga Demons at Evos. Isa pa, ako ang school president kaya lahat kayo tutulungan ko basta kaya ko.”

“Thank you, Senpai,” nakangiti kong sabi.

Nagpaalam sa ‘kin si Senpai Nelo dahil pinatawag daw siya ni Dean Clea. I was about to go back to my friends when I noticed that they weren’t around anymore. Tapos ay may narinig akong nag-uusap sa di kalayuan.

“Tignan mo kung anong ginawa ni Clea sa academy na ito,” pamilyar na boses ng isang babae. “Ginagawa niyang normal na school.”

“We’re producing weak Angeals because of this so-called reform of her,” galing naman sa isang lalaki.

Lumingon ako saglit para silipin sila. It was councilwoman Hilda at councilman Killian.

“Hindi dapat ganito. Dapat mas maging military ang lahat ng program. Itong ginagawa niya… ikakamatay ‘to ng mga baguhang Angeals kapag nasa field na sila,” inis na sabi ni Councilwoman Hilda.

“This has to stop soon. We have to do something.”

“Agree.”

Umalis silang dalawa mukhang palabas ng gymnasium. Masama ang kutob ko. Should I tell Ate Kat about what I heard? Wala naman silang direktang sinabi kung anong gagawin nila. Di naman siguro sila gagawa nang ikakapahamak ng iba? Maybe they’ll just protest about it or call for a meeting or something? 

Ugh! What am I thinking about? Mamaya na ang class battle. Focus! Kailangan kong hanapin sila Tam para makapag-prepare kami.

“Hi Shana. Magandang hapon.”

Dumating si Zed. Pagtawag pa lang niya sa pangalan ko kinilig na ko. Laki tuloy ng ngiti ko.

“Good afternoon, Zed.”

“Nakita ko sila Ate. I was worried you weren’t with them.”

“Ah may kinausap kasi ako. San sila?”

“They’re trying the festival booths. Gusto mo din ba i-try kasama ako? Mamayang gabi pa naman ang class battle.”

“Sure!” 

Ngumiti siya. Parang bahagya pa ngang namula ang mga pisngi niya.

“May I hold your hand?” he asked.

I nodded. Marahan kong iniabot ang kamay ko. Grabe magho-holding hands lang kami pero ang lakas na ng tibok ng puso ko. At nang magkahawak na ang mga kamay namin, para bang uminit ang katawan ko.

Mahigpit ang hawak namin sa isa’t isa. Tapos ‘yong titig at tingin namin parang nakakatunaw. May boyfriend na talaga ako!

“Let’s go!” Masigla kong sabi.

And so we tried the festival booths, food, and games. Grabe sobrang saya. Parang ayaw ko na ngang mag class battle. Gusto ko na lang sumama kay Zed maghapon. Pero siyempre, I have a duty. And since I’m so inspired, I think I can do anything.






PAGSAPIT ng gabi, pagkatapos ng mga opening remarks from Dean Clea, ceremonies, announcement of teams, at iba pa—nagsimula na ang class battle. Ang first quest… survival.
Pinapunta kami sa labas ng academy—sa gitna ng kakahuyan kung saan may mga malalaking pine trees at makakapal na fog. May konti namang mga ilaw sa paligid, at bilog rin ang buwan kaya kahit medyo madilim ay kita pa rin namin.

Dito ay haharapin namin ang mga high tech drones na kayang mag-anyong Grimborns, or Demons through hologram technology. Bago lang daw ito—courtesy of one of Dean Clea’s tech company. Kami ng team Valkyries ang mauuna—’yon kasi ang nabunot namin sa draw lots kanina. Tapos ang magiging challenge ay random. Pwedeng hologram ng isang Dreadlord, Demon Horde, Vampire Lord, Lycan, o Wild Monster. The goal is to survive as long as we can, or defeat the enemies. The quest will stop if we are defeated or there’s no more enemies. We will lose the quest if our survival time is lower than the other teams. Our spot is secure for the next quest if we finish it.

“Alright, Valkyries! Focus and find your courage. Kahit ano ang ma-assign sa atin na kalaban, just stick to our team roles,” sabi ni Ate Kat. Tapos ay isa-isa niya kaming tinignan. “Luc, you’re our tank—draw the enemies and defend us kami ang bahala sa ‘yo.”

“You can count on me,” sagot ni Luc sabay transform sa kanyang incomplete Lycan form—wolf-like ears, tails, hands, and legs with canine fangs and claws. But this time she has improved. Her transformation made her bigger— she’s now seven feet tall, her hair became thicker and longer, and her muscles became bulkier. Tamang-tama siya na maging tank namin.

“Eli, ikaw ang nightblade. Assassinate the enemy quietly.”

Eli nodded and her eyes turned blood red.

“Tam, ikaw naman ang support. Heal us and bind the enemies.”

“Yes, Ate Kat!” sagot ni Tam. Nagkaroon ng mga vines, plants, and flowers ang mga braso niya.

“Shana, you are our ranger. Shoot the enemies from afar and defend our support.”

I nodded. “Copy that, Ate Kat!”

“Attention team Valkyries!” Isa sa mga drones ang lumapit sa amin. Galing doon ang boses ni Dean Clea. Kakaiba ito compare sa mga usual drones na pang video sa paligid—may mga mirror panels ito at may bilog sa gitna na parang isang lens ng projector. “Your challenge is to survive as long as you can or defeat the… Demon Horde. Get ready. The quest begins!”

Lumipad palayo ang drone. Si Ate Kat naman, hawak ang wooden sword and round shield ay pumorma na sa kanyang fighting stance kaya’t sumunod kaming lahat.

“Alright, Valkyries! Let’s show them who we are!” sigaw ni Ate Kat.

Luc let out a wolf howl.

“Let’s go!” Sigaw ko naman habang hawak ko ang Lux Gun, at naka-strap sa bewang ko ang Aether Blade.

Nabalot ang paligid ng iba’t ibang angil ng tila mga nakakatakot at mababangis na nilalang. Gumagalaw din ang mga halaman sa di kalayuan. Ang lupa dumadagundong na para bang may paparating na stampede. Palapit ito nang palapit…

Bumibilis ang tibok ng puso ko. May kaba pero kakayanin. Huminga ako nang malalim. Hinigpitan din ang hawak sa baril.

Heto na…

Mula sa makakapal na hamog, naglabasan ang mga Demons. Mga nilalang na hugis tao pero may kulay pulang balat at kaliskis na parang lizard. They stand at least four feet tall. Kulubot ang mga mukha nila na parang galit na galit. May iba’t iba silang uri ng mga sungay. May mga matatalas na pangil, nanlilisik na mga matang kulay itim ang gilid at pula ang gitna. May mga kuko sa kamay at paa na kulay itim at matutulis. Ang dami nila, halos di ko mabilang.

Saglit na parang lumambot ang tuhod ko at tumindig din ang balahibo ko. Nakakatakot sila. Mukha silang gutom at mabagsik. Pero hindi ako papasindak. A lot has changed ever since I entered this academy. I’m not a helpless girl anymore.  Isa pa, drones lang ang mga ito. Kaya kahit gano sila karami kakayanin namin.

“Valkyries!! Attack!!” hudyat ni Ate Kat.

Sinalubong ni Luc ang mga paparating na demons. Kung gaano ka-wild ang mga ito mas hinigitan ni Luc. Sa likod niya ay si Ate Kat. Sabay silang umatake. Si Luc parang mabangis na lobo—kinalmot at kinagat niya ang mga kalaban. At kahit pa ang iba ay nakakalmot siya, para bang wala lang ito sa kanya dahil sa bilis ng regeneration niya. Si Ate Kat naman para bang isang mandirigma. Her wooden sword and shield was enough to fend them off. Grabe! Para talaga siyang Valkyrie.

Eli sunk inside her shadow. Hindi ko makita kung saan siya pumupunta pero bigla na lang siyang sumusulpot sa likod ng mga kalaban at hinihiwa niya ang mga ito gamit ang kanyang katana. Tapos bumabalik siya sa loob ng anino niya. She changed places from time to time, popping up anywhere. If I didn’t know her ability, I would think that she was teleporting.

Si Tam naman nagpakalat ng mga gumagalaw at makakapal na vines sa paligid. Ang iba niyang mga vines ay naka-protekta sa aming dalawa, pero ang karamihan ay ginagapos at inaatake ang kalaban na parang ang mga ito ay tentacles ng octopus.

Ako naman, bilang range support, pinagbabaril ko ang mga kalaban na papalapit kina Luc at Ate Kat. Asintado ako dahil sa powers ko na kayang mag-bend ng bala para tamaan ang target. Gamit rin ang Aether, nag-provide ako ng ilaw mula sa baril ko na para bang ito ay malakas na flashlight.

Kapag napapatay namin ang mga kalaban, walang blood o kung ano ang lumalabas sa kanila. Bigla na lang silang nawawala—may parang fizzle ng ilaw. Sobrang high-tech ng mga drones ni-hindi namin nakikita ang mga ito—tanging mga generated images lang ng mga demons na for some reason nagagawa kaming atakihin. How cool is that?

“Keep pushing, team! Kaya natin ‘to,” sigaw ni Ate Kat sabay atake sa isa sa mga kalaban.

“Yes! Let’s go!” Sigaw ko naman habang patuloy pa rin ang pagbaril. “Reloading! Cover me.”

Ang mga kalaban ay para bang mga mindless beasts. If I recall it correctly from the books, they are called lesser demons. Sila ‘yong mga lowest type, at parang mga walang isip. Ang tanging gusto lang nila ay makakain ng souls. Their power level is below Grimborns. Pero sa dami nila ngayon… di ko alam kung anong kaya nilang gawin.

“There’s too many of them!” Sigaw ni Luc. May isang demon na nakakapit sa binti niya kaya’t binaril ko ito.

“We can do this! Just hold on as long as we can,” sabi ko. But when I glanced at my holster, I only had two mags left.

Habang tumatagal, tila mas lalong dumadami ang mga kalaban. Buti na lang may ability si Luc na kung tawagin ay Lycan’s Growl—kaya nitong i-taunt ang mga kalaban para siya ang atakihin. Kung wala ‘yon baka napalibutan na kami.

Ilang minuto pa…

“Eli, switch!” Utos ni Ate Kat. 

Umatras si Ate Kat papunta sa amin at si Eli ang pumalit sa kanya bilang support kay Luc sa frontline.

“Are you okay, Ate Kat?” tanong ko.

“I’m good. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahit konting powers ko kaya di ko magawang mag-regen nang mabilis. Baka ma-disqualified tayo,” sagot ni Ate Kat. Bumaling naman siya kay Tam. “Tam, please heal me.”

“I’m on it, Ate Kat.” Tam placed her hands in front of Ate Kat’s wounds and started to heal her. May mga kalmot na kasi siya sa braso at binti.

“Kaasar! Kung pwede ko lang sanang gamitin ang powers ko tapos na agad tayo. Marami akong techniques na splash damage,” sabi ni Ate Kat. “Do any of you have that kind of ability?”

Tam shook her head. “I’m sorry, Ate Kat.”

“Wala rin akong ganon, Kat. Pero pwede naming gamitin ni Eli ang bago naming techniques? Should we do that? It could help us,” sagot ni Luc habang patuloy sa pakikipaglaban.

“No! We’ll keep it a secret for now,” sabi ni Ate Kat tapos ay bumaling siya sa ‘kin. “How long has it been, Shana?”

“I think mga seven minutes, Ate Kat,” sagot ko habang patuloy ang pagbaril sa mga kalaban.

“Okay. Laban lang tayo. We don’t know how long the other teams will survive their challenge cause we went first. Kaya kailangan natin itong tapusin.” Sinenyasan ni Ate Kat si Tam na tumigil na sa pag-heal sa kanya kahit may iba pa siyang sugat. “Thanks, Tam.” Tapos bumalik siya sa frontline para muling lumaban.

“Reloading co—” 

Shoot! Wala na kong bala.

I had to return my gun to its holster and take my blade out. Should I go to the front line too? Paano si Tam? Sino ang poprotekta sa kanya kapag pumunta ako sa harap?

Isa sa mga demons ang nakalusot kina Ate Kat, Luc, at Eli. Dumiretso ito papunta kay Tam. Kaya naman mabilis kong ginamit ang dagger ko para harangin at labanan ito. It tried to grab me, but I managed to step back and stabbed it. Nasaksak ko ito sa mukha—agad itong nawala.

This means that I can't leave Tam here. Pero paano sila Ate Kat?

Habang tumatagal, mas dumarami ang natatamong sugat nila Ate Kat, Luc, at Eli. They can easily kill the enemies but their numbers have pushed us back as the fight goes.

Ilang minuto pa, salitan na si Eli at Ate Kat na nagpapa-heal kay Tam. Kita ko kay Tam ang pagod at hingal. Luc was unable to use her growl anymore. Eli had to back them up and join the front line.

Grabe kailan ba mauubos ang mga kalaban na ‘to? Hindi pwede ‘to. Dapat may magawa ako. Siguro…  Kailangan ko nang subukan.

“Tam, please cover me for a moment. I have a plan”

“Roger that!” sagot ni Tam kahit hirap ay tinutok pa rin ang mga palad niya sa mga kalaban at parang bang inuutusan nito ang mga vines na umatake. Ang ilang mga vines ay iniatras niya malapit sa ‘min para protektahan kami.

Pumikit ako. I made it clear to my aether—my intention is to wipe out the enemies and support my friends.

Huminga ako nang malalim. Next is emotion… I’m quite mad at myself—for not being able to be of help. I’m angry at the enemies, they are hurting my friends. I have to visualize it… the weapon I could and wanted to use to defeat the enemies. 

Thank you for this Nix…

Then I held my breath for a few seconds until it felt like I was suffocating. Tapos pinorma ko ang mga kamay ko na para bang hawak ko na ang weapon.

Senpai Nelo… If this works, I owe you one.

Ilang saglit pa…

I felt it—the warm feeling of aether. I breathe again. Minulat ko ang mga mata ko nang marahan… At heto na.

I did it.

“Arma Lux… Lucent Bow!”
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly