DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 27: Heart to Heart

☆

11/9/2025

Comments

 

Grimrose Academy

TWO weeks na ang nakalipas simula nang i-announce ang school festival. Bukas start na. Looking back, grabe, ang intense ng mga naging training namin—si Ate Kat ba naman ang nagturo sa aming lahat. Pero masasabi ko na malaki ang improvement ko pagdating sa paggamit ng Lux Gun at Aether Blade. Kahit pa di ko pa rin mapalabas ang Arma Lux ko. I’m ready for tomorrow. Bring it on!

But for tonight, dinner muna sa cafeteria ng academy kasama ang aking mga Valkyrie sisters…

“Girls, I want to congratulate you all,” sabi ni Ate Kat sa ‘min. Kakatapos lang namin lahat kumain. “Ang laki ng improvement ng bawat isa. May mga secret abilities pa tayong na-discover. That’s why I strongly feel that we can win this.”

“Oh yeah!” Luc celebrated.

Pumalakpak nang mahina habang nakangiti naman si Tam. Si Eli, tumango-tango. Ako, I think nagba-blush. Nakakakilig kasi na ma-compliment ng isa sa pinakamalakas.

“So tonight, rest more. Bukod sa dapat may sapat na pahinga ang katawan natin dapat maganda pa rin tayo bukas. Kaya walang magpupuyat, please,” payo pa ni Ate Kat. “Tomorrow we’ll show them who the Valkyries are.”

“YES, ATE KAT!” Sabay na sabi namin ni Tam.

“Let’s go!” Pagdiwang naman ni Luc may kasama pang pagtambol sa table.

Pero biglang naabala ang pagdiriwang namin nang dumaan si Nix at si Xiaoyan malapit sa table namin.

“Pwede ba, Xiaoyan, tigilan mo na ko! Matagal na tayong tapos,” inis na sabi ni Nix. 

Nakabalik na pala sila?

“Nix, can we just talk about it? We’ll never know if we don’t talk,” pakiusap ni Xiaoyan.

“There’s nothing to talk about,” sagot ni Nix. Tumingin siya sa ‘kin. Unti-unting nawala ang pagka-inis ng ekspresyon niya at napalitan ng isang maliit na ngiti. 

Umiwas ako agad ng tingin. Bahagyang nag-init ang mga pisngi ko. Teka, ba’t ako umiwas? Nahihiya ba ko?

He walked past our table. Pero pagtingin ko kay Xiaoyan masama na ang tingin niya sa ‘kin. Then she walked out the other way.

Bakit parang pakiramdam ko nasama ako sa kung anong pinag-aawayan nila?

“Attention my schoolmates!”

Isang pamilyar na boses ang narinig namin. Luminga-linga ako sa paligid. May mga nagtilian na babae. At nang tignan ko kung saan sila nakatingin… 

Agad na uminit ang pakiramdam ko. Bahagyang nanlaki pa ang mga mata ko. It was Zed standing on top of a table with a guitar.

“Sorry to bother your dinner. But may I ask for a couple of minutes? I just want to play a song for my special someone,” sabi pa ni Zed.

“Ay para sa ‘kin ba ‘yan? No need na ‘yan. Pwede naman na tayong dumiretso sa kwarto,” singit ni Luc.

“Hey Luc, di ‘yan para sa ‘yo ‘no. Para kay Shana ‘yan, ‘di ba, friend?” sabi ni Tam na may kasama pang pagtili at pag-alog sa braso ko.

Tumawa si Luc. “Alam ko. Nanggugulo lang ako. Don’t worry Shana, tanggap ko na for now na sa ‘yo siya. Malay natin someday.”

“You need to stop talking,” Eli whispered.

“Shana Rey Brea… This is for you,” sabi ni Zed tapos ay nagsimula na siyang tumugtog ng gitara.

“Oh ‘di ba para sa ‘yo. Tayo ka, friend,” sabi ni Tam sa ‘kin. 

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. As soon as he said my name, everyone was looking at me. Nahiya ako na parang gusto kong magtago. But I also want to show Zed that I’m here for him. So I stood, let my lips smile, and watched him.

Zed made the guitar sing for him—finger style. And the song he played was “Just The Way You Are” by Bruno Mars.

First time ko na makaranas ng ganito. It was sweet, slow, and enchanting. Pakiramdam ko parang lumutang ako sa ere. Parang bawat pitik niya sa string ng gitara ay may nakakakiliting kuryente na gumagapang sa katawan ko. It feels so good. I think… I think… I’ve fallen for him.

Pagkatapos tumugtog ni Zed, bumaba siya mula sa ibabaw ng lamesa. Bitbit ang isang bouquet of red roses, dahan-dahan siyang lumakad papunta sa ‘kin. Nakangiti siya… ang gwapo, ang lakas ng dating. He was wearing a black long sleeve collared shirt, khaki pants, and chestnut brown leather shoes.

“Uy alam mo, Shana, first time niyang ginawa ‘yan sa isang babae,” nakangiting sabi ni Ate Kat.

Hindi ako nakapagsalita. Parang ang gusto lang kasi gawin ng mga labi ko ay ngumiti at titigan si Zed habang lumalapit sa ‘kin.

“Shana… ito din para sa ‘yo,” sabi ni Zed at iniabot niya sa ‘kin ang flowers.

“T-Thank you,” nahihiya kong sagot. “Nakabalik na pala kayo.”

Tumango si Zed. “It’s good to be back. And finally with you again.”

Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at bahagyang iniangat ito. “Shana… may itatanong sana ako sa ‘yo.”

“A-Ano ‘yon?” 

Ang lakas at bilis ng kabog ng dibdib ko. Nae-excite ako na parang kinakabahan din.

Huminga nang malalim si Zed saka muling nagsalita. “I’ve been so happy ever since we found out that we like each other. Pero dahil parehas tayong first time sa ganito, we haven’t talked about what we should do about it. So…”

He knelt one knee to the ground and asked, “Will you be my girlfriend and figure out the rest together?”

I heard gasps from the people around us.

Hindi lang kayo ang nagulat—ako din! G-Girlfriend? Totoo ba ‘to? If I said yes magkaka-boyfriend na ko for the first time? Di ‘to panaginip ‘di ba? 

Bago sumagot, tinignan ko muna ang mga friends ko. Si Tam ang laki ng ngiti. She even mouthed the word ‘SAY YES’. Si Eli at Ate Kat nakangiti rin at tumatango. Si Luc naman tumatango pero umiiling din. Ang gulo niya talaga.

I took a deep breath. Then I looked at Zed straight into his eyes. I nodded and let the word fly…

“Yes.”

Marahang tumayo si Zed. Ang laki ng ngiti sa mga labi niya.

“Thank you, Shana. You just made me the happiest man.”

Niyakap niya ko kaya’t niyakap ko rin siya. His embrace feels so warm. Parang napakalma niya ang puso ko. Ang bango pa niya—like sun-warmed, clean, and a bit musky.

Nagpalakpakan ang mga kaibigan ko. May mga schoolmates din kami sa paligid na nagdiwang at tila kinilig din. Pero parehas kami ni Zed na parang nahiya kaya’t bumitaw kami sa yakap ng isa’t isa.

“Congratulations, Shana and Zed. I’m happy for both of you,” sabi ni Ate Kat habang nakahawak sa balikat namin ni Zed. “Di ko in-expect sa ‘yo ‘yon, bro. Ginulat mo ang Ate, a. May ganyan ka palang side.”

“I just really like Shana, Ate Kat,” nakangiting sagot ni Zed.

“Good job. Pero don’t distract, Shana, a. May laban pa kami bukas at sa mga susunod na araw,” bilin pa ni Ate Kat.

“Opo, Ate.”

“Friend, congrats!” Bati ni Tam sa ‘kin. I turned to her and gave her a hug.

“Thank you, friend.”

Habang yakap ako ni Tam, nakita ko si Nix sa isang sulok. Nahuli ko siyang nakatingin sa ‘kin kaya’t kinawayan ko siya. Pero agad siyang umiwas. Salubong na naman ang kilay niya. Parang bad trip yata siya. Tumalikod siya habang umiiling. Parang may naramdaman ako na kung anong mabigat nang gawin niya ‘yon. Then he completely walked out of the room.

Sa isang saglit, pakiramdam ko parang may pumiga sa dibdib ko. Ano kaya ‘yon? Bakit parang feeling ko galit si Nix? Teka, ano naman kung galit siya? Why am I thinking of him?

Bumitaw si Tam sa yakap at humarap kami sa isa’t isa. 

“Kinikilig ako sa inyo, friend,” sabi ni Tam na may panggigigil..

“Ikaw na next, friend—kay Ash. Sabihin ko kay Zed ilakad ka.”

“Fingers crossed, friend.”

Bumati din si Luc at Eli sa amin. Pagkatapos no’n, kinausap kami ni Ate Kat. Nagpayo at nagbilin siya ng mga kaalaman niya tungkol sa pagpasok sa isang relasyon. Sakto dahil first time namin. Pero habang nakikinig at kahit masaya ako na may boyfriend na ako… di ko maiwasan na maisip… si Nix.




TWELVE midnight, dapat tulog na ko ngayon. Pero heto na naman ako masyadong maraming iniisip. I can’t stop thinking about tomorrow’s contest, di ko tuloy magawang maging sobrang saya na for the first time may boyfriend na ko. Dinagdagan pa ni Nix. Bakit ba lagi siyang tumatakbo sa isip ko ngayon?

Tam casted a flower on me that should have helped me sleep, but for some reason it didn’t work. Tingin ko pinipigilan ng Aether ko. Buti pa siya tulog na tulog na. So here I am, with my Aether Blade about to enter the training room. Naisip ko kasi na mag ensayo at pagurin ang sarili ko para makatulog na. Pero pagbukas ko ng pinto…

Isang lalaking nakatalikod at walang damit pang itaas ang naabutan ko. Pero hindi ang maganda niyang katawan ang nakapukaw ng atensyon ko kundi ang paglagablab nito—literal! There were crimson flames that seemed to be emitting from his body. Hindi ako nag-panic dahil mukhang di naman siya nasasaktan at hindi rin malaki ang apoy. And he has this cool aura na parang video game hero.

“Whoa! That is so cool!” Di ko napigilang sabi sa sobrang pagkamangha ko.

Bigla nalang nawala ang apoy sa katawan niya. Nilingon niya ko.

“Nix?”

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya. Salubong na naman ang kilay.

“A–e s-sorry. Akala ko wala ng tao nang ganitong oras dito. Mag te-training sana ako. Aalis na lang ako.”

“Don’t bother. Ako na ang aalis,” masungit niyang sabi. Kinuha niya ang t-shirt niya na nasa floor at ipinatong ito sa balikat niya. Tapos ay nagbadya siyang aalis.

Shoot! I can really feel it. Parang galit talaga siya sa ‘kin. Ano bang nagawa ko sa lalaking ‘to?

“Wait!”

Napahinto ko siya.

“Bakit?” 

Ang sungit pa rin talaga. I wanted to ask why pero baka lalo siyang ma-trigger. I should butter him up first.

“I uh… I just want to say na ang angas nung flame powers mo. Tas kulay crimson? Ang galing! Do you always have that? Or is it a newly discovered ability?”

“That’s none of your business.”

Right! Oo nga naman. Haays ba’t ang hirap kausapin ng lalaking ‘to ngayon? Bahala siya, kung ayaw niya— e ‘di wag.

But I was kinda expecting that he’d boast about it. O di kaya ay aasarin niya ko.

Palabas na siya ng training room nang pigilan ko siya ulit.

“Wait!”

Bakit ganito? Parang di ako mapakali at di ko siya matiis? There was something wrong and I have to know. Mas lalo akong di makakatulog nito kapag di ko nagawa. But how can I ask him kung sobrang sungit niya?

“Bakit na naman?” 

“A-Ano… B-Baka pwede mo kong turuan ng mga dagger techniques mo? Balita ko kasi isa ka sa mga magaling gumamit ng patalim. I could really use some new moves.”

Napalunok ako. Di kasi siya umiimik at nakatingin lang sa ‘kin. Nginitian ko na lang siya nang pilit kahit pa deep inside kinakabahan ako.

“Tss! Isa sa magaling?” Tuluyan siyang humarap sa ‘kin at nilabas ang kanyang dagger. “Ang sabihin mo ako ang pinakamagaling.”

Ang yabang talaga nito. 

“Yea, right. So can you please teach me some moves?”

“Fine! But I’m not gonna tell you what to do. Papakitaan kita ng mga galaw tapos subukan mong gayahin,” sagot niya sabay porma ng dagger stance na parang assassin. “Try to keep up.”

“Sus! Huwag mong minamaliit kaming mga chibi. Kaya naming sumabay,” kumpyansa kong sabi sabay porma na rin.

Napangiti ko siya—sobrang konti pero I think simula na ‘yon. Mamaya maitatanong ko na sa kanya kung anong problema niya.






HINDI ko alam kung ilang minuto na ang lumipas. Sobrang focus kasi ako sa mga pinagaya niyang mga dagger moves. Ang alam ko lang sobrang pagod na ko kaya’t napaupo na ako sa sahig.

“Ano kaya pa?” tanong niya.

“Wait… Break time… muna, please.”

I was catching my breath but this guy didn't even sweat. What a monster. 

“Di ka ba napagod?” tanong ko.

“Sanayan lang ‘yan. You were doing good by the way. Medyo nakakasabay ka sa ‘kin.”

Napangiti ako kahit hingal. “Thanks! Kala ko di ako nakakasabay. Ang bilis mo kasi.”

“Told ya. I’m the best.”

Huh? Pinagsasabi nito? E sabi ko nga ang bilis niya masyado.

Ilang saglit pa, umupo na rin siya sa sahig. Then he cleared his throat.

“That was my first time,” sabi niya.

Napakunot-noo ako. “First time? What do you mean?”

“First time kong mapalabas ang Hell Fire ko. A demon’s rare and unique ability, an unquenchable crimson flame that burns all it touches, obeying only its caster’s command to stop.”

“Wow! Ang angas naman no’n. Buti ka pa napalabas mo na.” Napatingin ako sa mga palad ko. “Ako kaya? Paano ko mapapalabas ang Arma Lux ko? Wait…” Then I turned to him. “How did you summon your Hell Fire?”

He shrugged. “I’m not sure yet. Maybe it was my emotions. But I know how to turn it off.”

Emotions huh? Ano kayang emosyon niya? Galit? Bad trip? Anyway, pwede ko rin sigurong subukan ‘yon tas samahan ko ng intent? Try ko bukas kapag may oras at lakas pa ko. I’m sure it’ll be a big day tomorrow.

“Just don’t give up. Sikapin mo lang na mapalabas ang Arma Lux mo at magagawa mo rin ‘yon,” dagdag pa niya.

Napatitig ako sa kanya dahil humanga ako sa sinabi niya. Di ko alam pero parang sa advice niya ginanahan ako. Di gaya ng payo ni Zed sa akin kanina bago ako pumasok ng dorm room ko. Ang sabi niya, mas mabuti daw na mag focus na lang muna ako sa kung anong kaya ko. Tama naman siya but deep inside me wanted to try harder and get out of my comfort zone.

“Umm, can I ask you something?”

“Ang mga bata dapat natutulog na ng ganitong oras. Hindi ‘yong marami pang tanong,” mapang-asar niyang sagot.

“Shut up! E dali na. May itatanong lang ako.”

“Fire away.”

Napalunok ako. Kinakabahan ako na baka ma-bad trip na naman siya sa tanong ko. Pero bahala na. Gusto ko talagang malaman.

“Uhm kasi… May nakapagsabi sa ‘kin na… Mag ex daw kayo ni Xiaoyan. And uh… I saw you guys earlier. Parang nag-aaway kayo. Is that the reason kung bakit ang sungit mo kanina?” 

Heto na. This question should clear a lot between us and Xiaoyan. Sumagot ka please.

“Hindi.”

Muntik akong mapahiga sa sahig. I was expecting na mag o-open pa siya pero napakatipid ng sagot.

“Okay… So bakit ang sungit mo?”

“Tss! Bumalik ka na nga sa kwarto mo, chibi. Aalis na ko.”

He was about to stand up. But I managed to crawl to his side and pulled him back down again. “Uy saglit lang. Ito naman. Masyadong unchill. Dito ka muna. Isang tanong na lang.”

“Ano ba ‘yon?” Iritable niyang tanong.

“I just want to know. Umm… bakit kayo nag-break ni Xiaoyan?”

“Bakit mo tinatanong?”

“Wala lang. Curious lang ako.”

“Talaga lang ah. Baka naman…” Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Di ko nagawang umiwas dahil nakaupo kami sa sahig or I think… para bang di ako nakagalaw nang dahil sa mga mata niyang nakatitig sa ‘kin. Then he whispered, “Interesado ka sa ‘kin?”

Nanlaki ang mga mata ko at tila ba uminit ang mga pisngi ko. I was about to squeal. Buti na lang naisip kong umubo.

“Huh? Ako interesado sa ‘yo?” Kaila ko. Dinamihan ko pa ang pag-ubo. “You wish! Gusto lang kita maintindihan. Kasi nga I think si Xiaoyan ang dahilan kung bakit parang bad trip ka.”

Lumayo siya nang konti sakin. Yumuko habang nakaupo pa rin sa sahig. Tapos ay nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa… mga two minutes din siguro. Hanggang sa bumuntong hininga siya.

“It happened a year and a few months ago. Back then we were called the power couple. Me as a Franco, and her as an Arma Lux wielder. But she wanted to prove something. That’s when she thought about hunting the most wanted Evocator, Jack the Ripper.”

That name again. Most wanted pala siya at hanggang ngayon wala pa rin nakakahuli sa kanya.

“ I was against it, because the job was not assigned to us. Parehas pa kaming students pa lang noon. But she wanted to show that she and I are the strongest.”

“So you guys went rogue to hunt Jack the Ripper?” I asked.

He nodded and continued, “Eventually we found him. But his abilities were my weakness—water. Nagawa niya akong ikulong sa loob ng isang bubble prison. Si Xiaoyan naman, nang makita niya akong hindi makawala—tumakbo siya at iniwan ako. If not for my family who sensed that I was in danger and arrived at the scene, I would have been drowned and long gone.”

“So… nakipag break ka sa kanya dahil iniligtas niya ang sarili niya?”

Umiling siya. “Naiintindihan ko kung iniwan niya ko doon para iligtas ang sarili niya. I would have preferred it that way. But she was the one who broke up with me by sending me a text— telling me that I was too weak to be with her.”

Para bang umakyat ang dugo ko. Napatayo pa ko. “What?! Siya pa may ganang makipag-break? Siya nga ‘tong weak dahil naduwag siya. The nerve!”

Tumawa siya nang konti at bumaling sa ‘kin. “What would you do if that was you?”

“Of course I’ll stay and fight! I mean I might die because Jack sounds so scary and powerful… but at least I gave everything I can.”

He smirked and whispered something that I wasn’t able to catch. “Kaya… gus… ta…”

“Ano ‘yon?”

“Wala.” Tumayo siya at nag-unat. “Matulog ka na. Kailangan mo ng lakas para bukas.”

“Teka lang. Pero bakit ayaw mo makipag-usap sa kanya? I mean baka may iba siyang explanation?”

Umiling siya. “Ayoko na talaga. Isa pa… May iba na kong gusto. Kaso…”

Napalunok ako. Naalala ko ‘yong sinabi ni Winona na ako na ang gusto ni Nix. Bumilis ang pagtibok ng puso ko parang gustong kumawala.

“K-Kaso?” pag-ulit ko.

“Wala… Sige na, inaantok na ko. Aalis na ako.” sagot niya at naglakad siya palabas ng training room.

I don’t know why but to see him walk away from me after those words seemed to give me this heavy feeling. I could feel that he’s sad and hurt.

“Nix!”

Huminto siya sa tawag ko at bahagyang lumingon.

“I’ll kick her ass for you,” determinado kong sabi.

He smiled. Then he waved me goodbye while walking towards the door.

Kahit papaano nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. I guess I should stop thinking about other feelings in the meantime. I have to focus all of my all for tomorrow’s challenges. We have to win the class battles.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly