DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 26: Aftershock

☆

9/30/2025

Comments

 

Grimrose Academy

BUKOD sa anyo, ganon pa rin ang boses ni William. Pero nakita ko. It was a sudden flash of a different person’s image. He was really possessed… by Jack the Ripper. 

Pero bakit kaya hinayaan lang nila? Shouldn’t we be worried that whoever is in William’s body might attack us? Isn’t that how possession works?

“Imposible! Paano mo nagawa ang possession sa loob ng academy?” The councilman in the white suit said, eyes wide open.

“Hindi madali. Iba talaga ang kapangyarihan ng Feather of the First Light para protektahan ang lugar na ito. Bawat segundo ay sinusunog ako, mahapdi. Kaya diretso na ko sa pakay ko,” sagot ni Jack.

So iyon pala ang ibig sabihin ni Ate Kat na pinoprotektahan ng Academy through the Feather of the First Light ang lahat ng nasa loob—specially Angeals and Aether-blessed. May magic!

“Alright. Spit your nonsense. Whatever it is. Dahil bago mo pa magawa ‘yan, my brothers would have caught you,” sabi ni Ate Kat habang nakahalukipkip.

Tumawa nang konti si Jack. “Ah the Franco brothers. Nakilala ko na sila. Talagang malalakas na nilalang. Kundi lang ako mautak baka di ko sila natakasan. Maswerte kayo at kakampi niyo sila. Paano kung… maging kalaban niyo sila?”

Ate Kat scoffed. “As if naman na kakampi mga kapatid ko sa ‘yo, ‘no? Mga pangit lang ‘yon at minsan abno. Pero di sila mga tanga. Magugulat ka na lang diyan nahuli ka na nila.”

Si Ate Kat talaga. Di ko alam kung proud siya at mahal niya mga kapatid niya. Pero parang minsan hindi.

Humalakhak si Jack pero bigla na lang siyang parang napasinghap sa hapdi.

“Wala na akong oras para panatilihin pa ang possession ritual na ito,” tila hirap na sabi ni Jack. Tapos ay para bang tinignan niya ang lahat isa-isa na parang may hinahanap.

Naramdaman ko na ako ang hinahanap niya kaya parang kusang gumalaw ang paa ko paatras ng isang hakbang. But that was a mistake. Dahil do’n parang nakita niya ako. Bumaling siya sa ‘kin.

 “Ikaw… Ikaw ang pakay ko!”

Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa ‘kin habang siya ay nakangisi. 

Napalunok ako. Aatras pa sana ako nang isang hakbang. Pero biglang pumasok sa isip ko si Mama, si Erin, si Tam, at ang mga kaibigan ko. I told myself over and over again that I was doing this for them. Kung ipapakita ko na takot ako, hindi ako mag-i-improve.

I clenched my fist. I was about to face him and let him see that I wasn’t afraid. Pero may biglang pumasok sa isip ko. Sumanib siya kay William at ako daw ang pakay niya. Meaning gusto niya akong makita. He doesn’t know what I look like. So what I’m doing now isn’t clever. I’m just helping the enemy out. Kailangan sa mga ganitong pagkakataon maging mautak ako.

Operation one hundred faces commence!

“Shana? Anong ginagawa mo?” tanong ni Kuya Dante.

“Survival tactic ‘to, Kuya. I’m changing my facial expressions para di niya ko mamukhaan. I read this somewhere.”

Nag-duck-face ako, mukha-sim, tongue out left and right, winked, blinked, angry face, very sad face, twisted my mouth, tas ‘yong mukhang kumakain ng palaka, at marami pang iba—lahat puro exaggerated ang pag-arte ko.

Ha! Good luck remembering what I look like now—am I a squinty-eye girl? Duck-face girl? Monster-chin girl? The girl who ate frogs? You’ll never know!

“Um… Shana?”

“Yes, Ate Kat?”

“I don’t think… that works.”

Natigilan na lang ako bigla. Para akong naging estatwa. 

Oh gosh! Sana kaya ko rin mag-teleport. That was really awkward of me and… weird. Ano ba ‘tong ginawa ko? San ko ba kasi nabasa ‘yon? Dean Clea, may I go out?

“Shana Rey Brea…”

Nang banggitin ni Jack ang pangalan ko, para bang nag-iba ang presensya ng paligid. Parang mabigat, malamig, at may nakakabinging katahimikan.

“Sa wakas nakita din kita. Ang susi sa aming misyon,” patuloy ni Jack.

Sabi ko na gusto niyang makita ang mukha ko. Dapat siguro tinakpan ko. Ang slow ko!

“Sorry, you can only look but you can never touch her. Whatever you’re planning to do won’t work,” singit ni Ate Kat.

Natawa nang konti si Jack. “Tingin mo ligtas ka dito? Hindi man naging epektibo ang ipinagawa ko kay William para takutin ka at lumabas ng academy, gagawin pa rin namin ang lahat para magtagumpay. Kahit saan ka magpunta, hindi ka magiging ligtas. Makukuha ka rin namin. At wala kang magagawa para pigilan ang araw na ‘yon.”

Sunod ay bumaling si Jack sa aming lahat. “Hanggang dito na lang muna ang pagkikita nating lahat. Magkikita tayong muli. Pero bago ‘yon, isipin niyong mabuti ang mga sinabi namin. Hindi pa huli ang lahat. Ang Dreadlord Chronika ang totoong magliligtas sa ‘tin. Umanib kayo sa amin upang wala kayong pagsisihan.”

Then he turned to me again. “Goodbye for now, Ms. Brea. We’ll see you soon.”

Bigla na naman na parang nagkumbulsyon ang katawan ni William. Mga limang segundo rin ‘yon. Tapos ay para siyang lantang gulay na nawalan ng malay.

Agad nilapitan ni Kuya Dante si William. Sinuri niya ang pulso nito sa leeg.

“Buhay pa siya at mukhang wala na si Jack the Ripper,” sabi ni Kuya Dante.

Si Dean Clea naman lumapit sa ‘kin. Hinawakan pa niya ang kamay ko. “Are you okay, Shana? Pasensya ka na kung dinala ka pa namin dito.”

“Okay lang po, Dean Clea. Gusto ko po na makatulong,” sagot ko. Nginitian niya ako.

Habang hawak pa rin ang kamay ko, nilingon ni Dean Clea si Ate Kat. “Kana, what do you think about it?”

“Mom, I think the enemy was desperate. I was right. Iyong ginawa nilang pagpatay sa isang Angeal dito sa loob ng academy was just a ploy. They wanted Shana to think that she isn’t safe here. They wanted her out of this place to get to her.”

“I have the same conclusion. What about Midnight? Do we know if he’s working with Evos?”

Umiling si Ate Kat sa tanong ni Ms. Clea. “They don’t seem to be working together, Mom. According to my sources, Midnight still works like a lone wolf. He was last seen near the City Hall. Which was two weeks ago. No one has seen him since then.”

“Wait! Ate Kat, Dean Clea,” singit ko. I couldn’t help but to sound so worried. “Malapit sa city hall huling namataan si Midnight?! E malapit din do’n nakatira si Mama at si Erin—sa bahay nila kuya Dante. Are they being targeted?”

“We don’t know, Shana. But don’t worry. They’re safe. We have people making sure that they are protected 24/7. At sobrang daming mga Angeal sa vicinity na ‘yon na binubuo rin ng mga pinakamalalakas at magagaling sa order. It is the safest place here in the city. Midnight won’t be able to touch your family,” sagot ni Dean Clea.

Di na ako nagsalita pa. Pero last week lang kausap ko si Mama at si Erin sa phone. At mukhang okay naman sila. I guess I have to trust their words.

“And as for you, my dear, the academy, and everyone will protect you from the enemies. And one day… when you learn how to use your powers, you’ll be the one hunting them.”

Dean Clea’s voice was so calming and reassuring. Kaya naman kahit papaano ay nawala ang pag-aalala ko kay Mama at Erin. Napalitan ng determinasyon. Mas naging motivated pa ako.

“Yes, Dean Clea.”

Tama! I shouldn’t be worried about it. As long as I’m here in the academy, I will be safe. This place and my friends can protect me. At balang araw kapag kaya ko na, ako naman ang maaasahan nilang pumrotekta sa kanila at ako naman ang hahabol sa mga ungas na naghahasik ng kasamaan. Midnight… Jack the Ripper… Evocators… Demons… Someday I will stop you all.









BEDTIME arrived. Pero hindi ako makatulog. Naisip ko kasi ang lahat ng nangyari sa loob lang ng isang araw—iyong aksidente kay Tam, iyong rumor tungkol kay Nix at Xiaoyan, pati na rin ‘yong mga pabala ni Jack the Ripper. Buti na lang marami na kong friends ngayon. Kaya guess what? Pajama party with my girls—section Valkyries!

Kumpleto kami, kahit si Eli nagpunta sa dorm room namin ni Tam. Pero ang dapat na kwentuhan, food trip, at kulitan lang ay nauwi sa isang slightly na masamang balak. We’ve created a plan to pull a prank on Xiaoyan. Sinong nakaisip? Ako! Di na uso ngayon ang laging nagpapa-api. Dapat kahit papaano may ganti. Pero dapat harmless lang.


Phase One: The Shampoo Prank

Ginamit namin bilang transportation ang shadow ni Eli para pumunta sa dorm room ni Xiaoyan at Krishna nang walang nakakakita sa amin. Pagdating namin doon, naisip ni Ate Kat ang shampoo prank. Maliligo kasi si Xiaoyan ng mga oras na ‘yon. 

Nag-anyong ghost si Ate Kat para mapasok ang banyo nang hindi dumadaan sa pinto. Siya lang ang pumasok para gawin ang first prank. Her mission was to swap Xiaoyan’s shampoo to an enchanted one that Tam made before Xiaoyan got naked. It was a shampoo that doesn’t get off easily. Ang sabi ni Tam aabutin ng 15 minutes bago mabanlawan ang shampoo.

Ilang saglit pa…

“What the hell?! Anong klaseng shampoo ‘to?! Bakit di nawawala?!” sigaw ni Xiaoyan. Tumitili na siya sa inis.

I can only imagine na kahit anong kuskos at banlaw niya sa ulo niya, di nawawala ‘yong shampoo.

As for the five of us inside Eli’s shadow, we had to cover our mouth to keep ourselves from laughing so hard.

Phase Two: The Trash Prank

Ginamitan ni Tam si Krishna ng magic flowers na pampahimbing ng tulog. Kaya kahit anong ingay ang gagawin namin, di siya magigising. Habang abala si Xiaoyan sa pagligo, naisip namin na magkalat sa dorm room nila. According to Ate Kat’s ghost sources, ayaw kasi ni Xiaoyan ng makalat.

Mabilis naming kinain ang mga candies, chocolates, at junk foods na dala namin. Lahat ng pinagbalatan kinalat namin sa paligid. Kaya’t paglabas ni Xiaoyan ng banyo…

“Ano ‘to?! Krishna?! Are you— oh my goodness! Bakit ka nagkalat?!”

Mahimbing pa rin ang tulog ni Krishna kaya walang nagawa si Xiaoyan kundi ang maglinis.

“Lagot ka talaga sa ‘kin bukas! Sinasabi ko sa ‘yo,” inis na sabi ni Xiaoyan habang nagpupulot ng mga basura. “Goodness! Why am I cleaning trash at this hour?!”

Kami naman nasa loob pa rin ng shadow ni Eli na nasa ilalim ng kama at nagpipigil ng tawa.

Phase Three: The Fart Prank

For our final prank, naisip namin na gambalain ang pagtulog ni Xiaoyan. Habang nasa loob pa rin kami ng shadow ni Eli, gumawa kami ni Luc ng tunog na kunwari may umutot. Si Tam naman nagpalabas ng halaman na nagpapakawala ng mabahong amoy. Nilagay niya ‘yon sa ilalim ng kama ni Xiaoyan.

Sa unang utot, walang reaksyon si Xiaoyan kaya naman nilakasan namin ni Luc ang pag-ihip sa pagitan ng braso namin. At si Tam nagdagdag ng mabahong halaman.

“Krishna?! Kumain ka naman ba ng kamote?!” Inis na tanong ni Xiaoyan pero mahimbing pa rin ang tulog ni Krishna.

Every five minutes, gumagawa kami ng fake fart at sobrang nainis si Xiaoyan. Sinubukan na nga niyang gisingin si Krishna pero matindi talaga ‘yong mga plants ni Tam.

The fart prank went on for about 15 more minutes. Parang sasabog na sa inis si Xiaoyan. She’s been cursing at Krishna the whole night. Kami naman, pagbalik sa dorm room, paulit-ulit na pinagkwentuhan ang mga nangyari at para bang wala nang bukas sa kakatawa.

Grabe! Sobrang saya ko. Kahit papaano nakabawi kami sa pambu-bully nila sa ‘min. At nawala rin sa isip ko ang ibang mga kaganapan kaya ang ending… tulog mantika hanggang kinabukasan. Thank you, Valkyries. Love na love ko kayo.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly