DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 25: Secrets and Warnings

☆

9/3/2025

Comments

 

Grimrose Academy

BIGLANG naging seryoso ang mukha ni Tam. She held my hand and looked straight into my eyes. Huminga pa siya nang malalim. Kinabahan tuloy ako at napalunok pa. 

Why do I have a feeling that she’s about to ask me something so important?

“Friend…” she said quietly.

“Y-Yes?”

“Seryosong tanong… kung dalawa silang may gusto sa ‘yo? Sino ang pipiliin mo?”

Pabulong akong napasinghap. Kainis! Akala ko kung ano na. Love life ko pa rin pala.

“A-Anong— pipiliin ka diyan? Alam mo magpahinga ka pa, friend. Baka kailangan mo lang ng tulog. Malay mo mapanaginipan mo pa si Ash, di ba?”

Wait—Did I just dodge that question? But why? Anyway, ayoko munang isipin, please.

“Friend miss ko na si Ash. Can you ask Zed when they will be coming back? Gusto ko na ulit siyang makita.”

Si Ash lang pala ang way para mag-iba ang subject namin. Dapat pala kanina ko pa inopen. Parang naguluhan pa tuloy ako.


“S-Sige. I’ll try to call him later. Sige na, friend. Tulog ka muna. Sa panaginip muna kayo magsama ni Ash,” I suggested.

Umupo siya sa kama habang nakangiti. “I actually dreamt of him earlier. Pero saglit lang. You know what I have dreamed of instead?”

Napangiti din ako. “Mukhang maganda nga ‘yang panaginip mo, a. Ano ‘yon? Kwento mo sa ‘kin.”

“Nakita ko sa panaginip ko si Mama at si Papa. I think it was a memory from when I was a baby. Nandoon sila— inaalagaan ako, nakikipaglaro sila sa ‘kin.”

“Talaga? Love na love ka talaga nila, friend. I know that for sure dahil napakabait mo.”

Tumango si Tam habang nakangiti pa rin. “I can feel it. Kahit wala na sila dito sa mundo, they are watching over me and loving me.” Pero bigla na lang nawala ang ngiti sa mga labi niya.

I felt what she felt somehow. It was something heavy. Same feels kapag nami-miss ko si Papa.

“Friend… you miss them?”

Yumuko siya at marahang tumango. “I never had the chance to memorize their voice, nor talk to them. Nang magka-isip kasi ako wala na sila.”

Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa kama. I gently pressed it firmly. “If you want… you can tell me what happened. I read somewhere na dapat nilalabas natin ‘yong mga ganyang bagay para makatulong sa ‘tin. Do you know what happened? Pero kung hindi ka komportable, okay lang. I will always be here for you no matter what.”

Tumango uli si Tam. Ngumiti siya nang konti at tumingin sa ‘kin. “I have to tell you, friend. Unfair kapag di ko sinabi sa ‘yo dahil sinabi mo sa ‘kin a week ago ang tungkol sa Papa mo.”

“O-Okay, friend.”

Huminga nang malalim si Tam saka natulala sa sahig. “Noong una, ang sabi ni Lola namatay sila dahil sa isang car accident. But I eventually found out the truth.”

Naka-relate ako kaagad kay Tam. Namatay din kasi si Papa dahil sa isang car accident. Pero iyong sa parents ni Tam mayroon palang ibang katotohanan. Ano kaya ‘yon?

“My parents… both of them were aether-nature wielders like me. Si Mama—White Witch, at si Papa naman ay isang druid.”

Druids… if my memory serves me right, ang sabi ni Sir Bjorn— ito ang tawag sa mga lalaking White Witches. They are very rare though. 

“Sinubukan nila noon na tapusin na ang away sa pagitan ng mga witches. Ang plano nila ay magtatag ng isang kingdom ng mga witches na mamumuhay nang may kapayapaan at pagkakaisa. Pero hindi ‘yon naging madali…”

Base sa mga nabasa ko sa libro dito sa academy at sa mga lessons, ang away ng mga White and Black Witches ay sobrang tagal na. As in wala pang Grimrose Academy, like three hundred years ago. It’s more likely because of their differences. While the White Witches are into magic that gives life, the Black Witches are into curses and death.

“Maraming tutol sa magkabilang panig. Kaya naghanap ng solusyon ang parents ko. Until they stumble upon a legend,” patuloy ni Tam. 

Saglit siyang nanahimik. Nakakita naman ako ng isang basong tubig sa bedside table kaya kinuha ko ito at inalok kay Tam. Ininom naman niya bago nagpatuloy ulit.

“Anong legend, friend?” tanong ko.

“The legend of the Gray Witch.”

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso at batok. 

Gray Witch? Meron palang ganon? Parang exciting!

“It is said that a witch who can wield both the magic of life and death can become a Gray Witch. Ang sabi pa, kapag naging Gray Witch ka, mapapasayo ang power between life and death. A power that can reverse the side effects of healing, and remove curses. That power can also unite the witches once and for all.”

Whoa! A power that is between life and death? Sounds rad!

“So… si Mama at Papa mo, friend. They tried to unlock the power of a Gray Witch?” I asked.

She nodded. Still staring blankly on the floor.

“Nagawa ba nila?” tanong ko ulit.

Umiling si Tam. Naisip kong tabihan siya sa pag-upo sa kama at himasin ang likod niya.

“It’s okay, friend. Malay mo ikaw ang makagawa non for them? What is between life and death anyway?”

“Time...”

Time? That made sense. Time is between life and death.

"At least that’s what I was told. No one exactly knows cause no one has ever become a Gray Witch,” she added. “Mas maraming nagsasabi na hindi iyon totoo.”

Napalunok ako. Why do I have a feeling that Tam’s parents died because they tried to become a Gray Witch? Dapat siguro hindi ko i-push si Tam na gawin ‘yon?

“Friend… sorry. I shouldn’t have said that you should try to become a Gray Witch. Mukhang delikado pala.” I hesitated somehow, struggling for words. “Your parents— did they…”

“No…” Umiling si Tam at nagpatuloy, “They did not die because of it. They were murdered.”

Pabulong akong napasinghap. Napadilat ako nang sobra. My heart seemed to have skipped a beat. 

Pinatay sila?! Bakit?

“S-Sinong pumatay sa kanila?”

“S-Si… Si Midnight.”

His name sent shivers down my spine. Pakiramdam ko parang may pumatong sa balikat ko na sobrang bigat. Parang saglit din na nangatog ang mga binti ko.

Ngunit nang marinig ko na biglang umiyak si Tam, naisip ko na mas kailangan ko siyang unahin. Kaya nawala agad ang takot ko. Niyakap ko siya habang patuloy na hinihimas ang likod niya.

“I’m so sorry, friend,” sabi ko.

Then I felt it— her pain, her loneliness, her longing for her parents. Ang sakit sa puso, parang pinipiga.

That’s it! Hindi ako dapat matakot sa Midnight na ‘yon. I should be mad at him. He killed my best friend’s parents. He hurt my friends. He tried to kill me. What else has he done and he will do to torment others? 

“Friend… don’t worry. Someday we’ll have the strength to stop Midnight,” I said quietly.

Marahan siyang bumitiw sa yakap ko. Nagpunas din siya ng mga luha saka umiling. “I’m alright, friend. Dati gusto ko talagang gumanti. Pero dahil do’n naligaw ako ng landas at nagalit ako kay Lola. Eventually, she told me the truth behind my parent’s death and she made me understand that she was just trying to protect me.”

“The truth? What do you mean, friend?”

“The truth is…”

Biglang tumuwid ang upo ni Tam. Iyong mga mata niya parang biglang nakatingin nang diretso sa kawalan.

I waited a minute. Pero wala siyang kibo kaya kinalabit ko siya. 

“Friend? Are you okay?”

May napansin akong bulaklak sa may tenga niya—kulay abo na parang rosas pero may matatalas na pangil sa gitna. It lit green for a sec. Then it just disappeared.

What was that?

Biglang lumingon si Tam sa ‘kin na parang natauhan. “Y-Yes, friend. Ano ‘yon?”

I slightly frowned. “Um… you were going to tell me something?”

“I… I forgot about it,” nakangiti niyang sabi. “Would you like to see my parents? I have their picture on my phone.”

That was… really weird. Anong nangyari kay Tam? Anyway, baka hindi siya kumportable na sabihin ang tungkol do’n. I shouldn’t press for more.

Ngumiti na lang ako at tumango. “Sure!”

Inilabas niya ang phone niya at doon ay pinakita niya sa akin ang isang picture. It was an old photo na parang in-scan lang gamit ang phone. There are five people in the image. Di ko masyadong nakita ‘yong iba dahil biglang zinoom ni Tam sa isang lalaki at isang babae na magkatabi.

“Ito sila, friend— si Mama at si Papa.”

Kamukhang-kamukha ni Tam ang Mama niya. Papa naman niya, gwapo, parang misteryoso.

“Kaya pala ang ganda mo, friend. Ang pretty ni Mama mo tas si Papa mo parang artistahin,” sabi ko.

Hindi nagsalita si Tam pero nakangiti siya at medyo namumula pa ang mga pisngi niya.

“Sino ‘yong mga kasama nila?” tanong ko.

Zinoom out ni Tam ang picture. Limang tao pala ang nandoon. Kasama ng parents ni Tam ay isang lalaking akala mo dilat na dilat ang mata— kulay pula. Suot niya ay all black na suit and tie, may fedora hat pa. He’s pale and slim. Di ko masyadong makita ang mukha dahil natatakpan ng shadow ng hat.

“Sino ‘to?” Tinuro ko ‘yong lalaking naka-fedora hat.

“That’s Lord Pain Valemont.”

Lord Pain Valemont—siya ang current Lord ng mga Vampires. Based on books, he’s one of the ancient vampires or the ones who have extra abilities aside from the Morpyres. It is said that he is the most powerful vampire. Kaya niya kasing kontrolin ang dugo at dahil lahat ng tao may dugo— imagine the possibilities.

I pointed to the other guy wearing nothing but a black leather chaleco and ripped pants. May kwintas din siya na parang gawa sa mga pangil ng iba’t ibang mababangis na hayop. He’s muscular, hairy, and seems careless.

“And this guy? Werewolf?” I guessed.

“That’s Chief Lucius Howlett. Lycan Chieftain of the Werewolves.”

I pressed my palms to my cheeks. “Oh?! You mean this is Luc’s dad?”

Tam nodded with a tight lipped.

“Galing naman! Magkakilala pala si—”

Di ko natuloy ang sasabihin ko dahil nabaling ang atensyon ko sa huling lalaki na kasama nila sa picture. Mestizo, parang half caucasian, brown hair, and wearing a black tactical leather jacket and gear. Actually lahat pala sila naka-black clothes. Pero itong lalaking ‘to… parang nakita ko na siya somewhere…

“S-Sino ‘to, friend?” Tanong ko.

She shrugged. “Di ko alam, friend. Lola won’t tell me. Ang sabi lang ni Lola sila ang mga closest friends ni Mama at Papa. They even call themselves… Grimrose Society.”

Grimrose Society… That’s a cool name. Anyway, this guy… I think kilala ko talaga siya.

“Pa-zoom, friend. Parang pamilyar kasi siya sa ‘kin.”

Tam did what I asked. And that’s when I remembered…

“Tam… May I?” I asked for her phone and she gave it to me.

Napatayo ako kasabay non ay ang pagtayo na naman ng mga buhok ko sa braso.

Without the beard… His wide smile… And his eyes that make him look so kind. It was him when he was young. No doubt.

Agad akong napahawak sa bibig ko. Tears came running down my cheeks.

“Papa!”

Napatayo rin si Tam. Parang mas nagulat pa nga siya sa ‘kin. “OMG! Seriously, friend? Si Papa mo ‘yan?” 

I nodded. She hugged me and I hugged her back. Both of us were crying like a kid. Iyong parang ang tagal naming hindi nagkita at matagal na kaming magkakilala. I bet we felt the same way…

“Oh my god, friend. Lola said all of those people in the picture are my parent’s closest friends—para nga daw silang pamilya,” sabi ni Tam habang umiiyak. “You know what that means?”


“Yes, friend! We’re meant to find each other, and not just as a friend—we're family.”

Tears of our joy filled the whole room. Mabuti na lang talaga at kami lang ang nandito. 

Papa… can you see me? I found your friends’ daughter. What are the odds, right? I believe you guided me to her. Thank you. I am so happy. Kahit matagal ka ng wala, nakabantay ka pa rin sa ‘kin. The best ka talaga!

After that, me and Tam spent the rest of the  day talking about our parents. We tried to imagine how our dads bonded back in the day. We even sort of made up some stories about them fighting Demons and bad Grimborns. And one day, we promised each other that we’ll try to do some research about the Grimrose Society.







SUMAPIT ANG gabi. Sinundo ako ni kuya Dante mula sa infirmary papunta sa interrogation room na apparently nasa dungeon-slash-basement ng academy. It wasn’t part of the tour before dahil located ang entrance sa restricted section ng academy—sa North wing.

Ang sabi ni Kuya, pupuntahan namin ang nahuli nilang salarin sa pagkamatay ng isang Angeal a few weeks ago. Humiling daw kasi ito na makita ako bago niya sabihin ang dahilan kung bakit siya pumatay dito sa loob ng academy.

Weird… bakit kaya?

Parang catacombs ang basement. Gawa sa bricks ang walls at medyo madilim dahil outdoor wall lamps lang ang meron—kulay dilaw pa ang ilaw at malamlam. Sabi ni Kuya Dante, hindi daw masyadong ginagamit ang basement simula nang maging solely for academical and training purposes ang mansion. Dati, dito raw nakakulong ang mga supernatural criminals dahil naging Headquarters din ng mga Angeals ang academy. Pero ngayon sa city hall na ng Grimrose City ang HQ. At itong basement, for storage na lang daw talaga.

Nang marating namin ang isang silid, pagbukas ng mabigat na pinto, sinalubong kami ng malamlam na ilaw ng lamparang nakasabit sa kisame. Pumasok kami. Naroon na sina Dean Clea, Ate Kat, at ang mga council members ng Academy. Sa gitna ng malamig na marmol na sahig, may isang lalaki na nakaupo sa steel chair, mahigpit na nakatali ang mga kamay at paa, at nakatingin sa akin na para bang matagal na akong hinihintay.

Siguro naman safe ako dito. Kasama ko naman si Kuya Dante, Ate Kat, at Dean Clea. Pero bakit nga kaya gusto akong makita ng lalaking ‘to? At sino kaya siya?

“She’s here…” sabi ni Kuya Dante. Nilapitan niya ‘yong lalaking nakagapos at dinakma sa kwelyo. “Now talk!”

“Please, William… You've been our Lux Gun trainer for two decades. Help us understand why. Tell us why you betrayed our order,” sabi naman ni Dean Clea.

Now I know kung bakit si Ezo na ang bagong trainer namin for Lux Gun. Siya pala kasi dapat ‘yon. But he’s here and he betrayed the academy?

Binitawan ni kuya Dante ang kwelyo ni William saka umatras palayo.

“Order? Wag niyo kong patawanin. Alam niyo ang katotohanan. Hindi ito ang totoong order ng first light. The Angeals? Co-existence with Grimborns? Kalokohan!” William scoffed.

“Wala kang modo!” Susugurin dapat ni Kuya Dante si William pero pinigilan siya ng isa sa mga council—’yong representative ng mga werewolves, the one with no shirt and just tribal necklace and bracers. 

Naguguluhan ako. What is he talking about? The Angeals aren’t the real order?

“Pero hindi ‘yon ang mahalaga sa ngayon. Wala akong pakialam kung anong gusto niyo. Ang importante ay malaman niyo na ang tunay na kalaban ay ang mga Aelythian. Pinabayaan na nila tayo. Bakit? Dahil para sa kanila, humanity is a big failure!” sabi ni William.

“At sino ang dapat kampihan natin? Ang mga Demons?” May tonong sarkastiko ang tanong ng isa sa mga councilman— naka-white suit.

“Mismo! Ang mga Demons ay may kakayahan tayong bigyan ng yaman, kapangyarihan… at kapag naisagawa na namin ang pag-summon kay Dreadlord Chronika… oras! Kaya niyang ibigay ang oras. Ibalik sa ‘tin ang mga nawalang mahal sa buhay, ibalik ang mga nasayang na pagkakataon, mga maling desisyon, lahat ng saklaw ng oras— maging kamatayan ay kayang iwasan. Real immortality!”

Chronika… Siya ‘yong Demon na gustong i-summon ng mga Evocators na pinigilan ni Sir Azrael. Di pa rin pala sila tumitigil?

Ate Kat crossed her arms and raised a brow. “If you think Demons will just give those things to you for free, then you’re crazy. We don’t have time to listen to your nonsense. Sabihin mo na kung bakit ka pumatay ng kapwa Angeal bago ka namin dalhin sa HQ.”

Humalakhak si William na parang nabaliw. “Dreadlord Chronika wanted nothing but her.”

William turned his gaze on me. Napaatras ako ng isang hakbang at napalunok. Iyong mga mata niya kasi—nanlilisik habang nakangiti.

“Bakit si Shana? Anong meron sa kanya?” tanong ni Kuya Dante.

Dati magtataka rin ako kung bakit ako. Pero dahil alam ko na ang I think eighty percent truth about my powers… That Dreadlord Chronika wants me so she can enhance her powers. But to what end?

“Wait,” Dean Clea butted in. “I am so disappointed, William. Sabay tayong nag-training noon na maging Angeal. We worked hard for it. We trained people to keep the peace for so long. Yet you threw everything away to join the Evocators?”

“Yes! Dahil nalaman ko ang katotohanan. Totoo ang propesiya. The Aelythians will descend to this world and eradicate everything. No one can stop them but time,” sagot ni William.

Napa-salubong ako ng kilay. Maging sina Dean Clea, Ate Kat at ang iba pa ay parang napa-kunot noo.

“What a bunch of bullcrap! He’s clearly been corrupted by the Evocators. Dalhin na natin ‘to sa HQ,” sabi naman ni Kuya Dante.

William just smirked. “Bago ‘yan. Gusto kong ipakilala sa inyo ang tagapagligtas na mag sasakatuparan ng aming misyon na i-summon ang Dreadlord Chronika.” Tapos ay bigla siyang tumingala. “Forbidden Rite: Incarnate—Jack the Ripper!”

Biglang parang nakuryente o nag-seizure si William. Kasabay no’n ay ang malakas na pag-ihip ng hangin sa buong silid kahit wala namang bintana.

“Anong nangyayari, Ate Kat?” tanong ko habang sinasanga ko ng braso ang malakas na hanging humahampas sa ‘kin.

“He’s calling someone to possess him.”

Ilang saglit pa, tumigil ang pangingisay ni William, nawala rin bigla ang malakas na hangin. Nakayuko lang siya habang nakagapos pa rin at hindi gumagalaw.

Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. I sensed something… dangerous.

William slowly lifted his head. Ganon pa rin naman ang itsura niya pero pakiramdam ko may kakaibang nangyari sa kanya.

“Good evening. I am pleased to meet everyone. I am… Jack the ripper.”

NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly