DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 24: Whispers From A Ghost

☆

8/25/2025

Comments

 

Grimrose Academy

HINDI KAMI pinayagang pumasok sa infirmary— kahit si Ate Kat di pwede. It was due to the fact that Tam was the princess of the White Witch clan. The only one allowed to heal her was Madam Divina; a white witch and a member of the academy council. Kaya wala kaming nagawa kundi ang maghintay.

After thirty minutes, lumabas din naman si Madam Divina mula sa infirmary at kinausap kami.

“Hey, girls. Thanks for waiting.”

“Madam Divina kamusta po si Tam?” nag-aalalang tanong ni Ate Kat.

Huminga nang malalim si Madam Divina. But then… she let out the words we do not want to hear. “Nagawa ko na ang lahat ng makakaya ko.”

She said it like all hope was exhausted. Kaya para bang biglang lumambot ang tuhod ko. Mabuti na lang at nagawa ko pa rin tumayo. Pero ‘yong puso ko… parang dinurog. Parang sumikip din ang dibdib ko.

No… Hindi pwede ‘to… Tam… No… Please… This is just a dream, right? Hindi pwedeng wala na si Tam.

“Oh Tam! No!” Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Niyakap ako ni Luc kaya’t bigla na rin akong napahagulgol.

“M-Madam Divina, ano po nangyari? Why couldn’t you save her?” tanong ni Ate Kat na parang maiiyak na din.

“You’re supposed to save her!” sigaw ni Luc. Naramdaman kong humigpit ang kamay niya sa braso ko.

“Huh? What I mean is okay na, tapos na ko. Ligtas na siya,” Madam Divina replied.

Napahinto na lang ako bigla sa pag-iyak. Iyong parang umatras ‘yong luha at hikbi ko. What the heck really happened?

“Madam, excuse us. Can you please be clear about it? Do you mean Tam is okay?” tanong ulit ni Ate Kat. This time she seemed pissed.

“Yea. She’s okay. Ako pa ba? I’m the best white witch here in the academy. Bakit ba kayo umiiyak?”

Pambihira… Kasi naman— The way she said it— anyway, ang importante ligtas si Tam.

“Pwede po ba namin makita si Tam?” tanong ko.

“Sure. Just don’t disturb her. She needs to rest,” sagot ni Madam Divina saka lumakad palayo sa ‘min.

“May sapak ba ‘yon? Kung di siya council member kinagat ko siya, e,” inis na sabi ni Luc.

Napailing na lang din si Ate Kat habang nakahawak sa noo. “Hayaan niyo na. Baka ganon lang talaga siya. Tam is okay, and that’s all that matters.”

Tama si Ate Kat, ang importante okay na si Tam.

Pinunasan ko na ang luha ko. Mas nakakahinga na rin ako nang maluwag. Tapos ay pumasok na kami sa infirmary. Doon ay nadatnan namin si Tam na mahimbing ang tulog sa kama. Napapalibutan siya ng mga dahon at bulaklak na iba’t iba ang uri at kulay.

I know we were told that she’s now safe, pero ang sakit pa rin sa loob ko na makita siyang ganito. Ako pa ang may kasalanan kung bakit. 

“This is my fault, guys… I’m sorry,” nanginginig kong sabi. Tutulo na naman sana ang luha ko, napigilan ko lang.

Hinawakan ako ni Ate Kat sa balikat. “Don’t say that, Shana. It was an accident.”

“Hindi ‘yon aksidente. Kung may dapat balikan dito ay ‘yong dalawang epal na ‘yon,” pagsingit ni Luc.

“Sshhh! Masyadong malakas ang boses mo, Luc. Kailangan ni Tam ng pahinga,” saway ni Ate Kat. Tapos ay bumaling ulit siya sa ‘kin. “Don’t worry, Shana. She’s okay. I’m sure she won’t take it against you. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo.”

Marahan kong hinawakan ang kamay ni Tam.

Sorry talaga, friend… Don’t worry. Babantayan kita. I’ll be here when you wake up.

Patuloy na hinimas ni Ate Kat ang magkabila kong braso habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

“Let’s be strong for her. Dito lang tayo sa tabi niya,” Ate Kat whispered.

“Thank you, Ate Kat.”

Ilang saglit pa…

“Girls, dito muna kayo. Ire-report ko lang kay Mom ‘yong nangyari. Someone should be held liable for this incident,” sabi ni Ate Kat.

“Wait, nasaan si Luc at Eli?” I asked. Paglingon ko kasi napansin kong nawala sila.

Nakapamewang si Ate Kat, mukha rin siyang dismayado. “I have a bad feeling about this, Shana. Parang alam ko kung saan sila pumunta. Stay with Tam. Hahabulin ko lang ‘yong dalawa.”

Nagmamadaling umalis ng infirmary si Ate Kat. Tingin ko parehas kami ng nasa isip. Susugurin siguro ni Luc at ni Eli sila Xiaoyan.

As for me… I wasn’t able to feel the same anger towards Xiaoyan and Krishna. I still thought that this was my fault. If only I didn’t try to explore an untrained power— hindi sana mangyayari kay Tam ‘to.

“Friend… if you can hear me… I’m really sorry,” bulong ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil ang sakit talaga. Parang may kung anong pumipiga.

Tutulo na sana ang luha ko nang may biglang tumawag sa ‘kin.

“Psst! Shana…”

Ang ghost na si Winona pala. Tumagos siya mula sa pader. Buti naman di niya ko ginulat.

“H-Hello,” bati ko. Sinigurado kong walang luha sa mga mata ko.

“Nakita ko ang nangyari kanina, teh. Ay naku! Tingin ko planado nila ‘yon. Gusto ka talagang awayin ni Xiaoyan.”

“Ssshhh… Ang lakas ng boses mo, baka magising si Tam. She needs to rest,” pabulong kong saway.

“Ay sorry,” nakangiting sagot ni Winona.

Naisip ko na baka may alam si Winona tungkol kay Xiaoyan, kung bakit galit siya sa ‘kin o kung bakit niya ko pinag-iinitan. If my memory serves me right, sabi ni Winona siya ang source of gossips dito sa academy.

Lumayo nang bahagya at tumalikod muna ako kay Tam saka ko kinausap uli si Winona. “Dito tayo may itatanong ako.” 

Sumunod naman siya.

“Tanong ko lang… Bakit nga ba ako gustong awayin ni Xiaoyan? I mean, bakit parang ayaw niya sa ‘kin or what? May nagawa ba ko sa kanya na di ko alam?”

“Naku, teh. Brace yourself. Alam ko ang sagot diyan. Confirmed din ng mga multong marites…”

Napalunok ako at naghintay pa sa sasabihin niya.

“Kasi ‘yang si Xiaoyan… ex-girlfriend ‘yan ni Nix.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

She continued. “Pero matagal na silang break. Like I think a year? Kasi, teh, itong si Xiaoyan—”

“Wait!” Pagsingit ko. I took a deep breath and let out. “Okay… mag-ex sila— tapos? Bakit siya inis sa ‘kin?”

“Sino, teh?”

What the— seryoso ba ‘tong si Winona? We were just talking about it.

I frowned “Si Xiaoyan?”

“Ay oo nga pala. Sorry, teh. Makakalimutin na. Tagal ko na kasing multo. Panahon pa ng sumasabog na china phone. Anyway… going back. Bakit galit sa ‘yo si Xiaoyan?”

Tumango ako.

“Hawak ka mahigpit, teh. Tsaka ‘yong puso mo pakalmahin mo lang, ah,” sabi pa niya. “Kasi itong si Xiaoyan, nakikipagbalikan daw kay Nix. I think mga 2 weeks ago na ang nakakalipas. Pero si Nix ayaw na talaga.”

Kunot-noo lang ako habang nakikinig. Hindi ko pa rin kasi ma-gets kung anong kinalaman ng relasyon nila sa ‘kin.

“Okay… tapos?”

“And guess what kung bakit ayaw na ni Nix makipagbalikan sa kanya?”

She paused for a moment. Hindi ko agad na-gets na hinihintay niya pala na manghula ako.

I shrugged and shook my head. “Um… I don’t know?”

“Hay naku, teh. Totoo nga ang Tsismis ng mga marites at baklang multo— manhid ka.”

Malay ko ba. Hindi ko nga rin alam bakit sila nag-break.

“Just spill it.”

“Ito na nga… Kasi si Nix daw may iba ng gusto… And it’s none other than… You! Ikaw Shana. Ikaw ang gusto ni Nix kaya inis na inis sa ‘yo si Xiaoyan.”

“What?!”

I had to cover my mouth right away. Napalakas kasi ang sabi ko.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa nalaman ko. Totoo ba talaga ‘yon? O rumors lang? Gusto ako ni Nix? Bakit ako?

Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Iyong ulo ko parang pinapaikot—nahihilo ako. Pero ‘yong pisngi ko ang init. Nanginginig pa ‘yong mga labi ko na pinipigilan kong ngumiti. Bakit ko nga ba pinipigilan ang sarili kong ngumiti? Tapos ‘yong buhok ko sa braso nagsitayuan. Iyong puso ko? Ang lakas ng kabog na parang gustong kumawala at lumipad kung saan. And there’s something in my stomach na hindi ko maipaliwanag basta parang may… pakpak? Lumilipad? Basta! And my thighs? Parang di mapakali— I had to squeeze it.

“Ay shocking! Nakalimutan ko. May klase pa pala ako for patrolling and espionage. Maiwan muna kita dito, ha, Shana,” sabi ni Winona.

“O-Okay.”

Umalis na si Winona, pero ako? Heto parang statue na naiwan. Bigla ko kasing naalala ‘yong mga araw na iniinis ako ni Nix. Iyong gabi na pinoprotektahan niya ko from Zed and Midnight. Pati ‘yong gabi na dinala niya ko sa Grimrose Tower… At iyong sa swimming pool. Iyong kulitan namin doon at ‘yong abs niya. The heck am I saying? Keep it together, Shana!


“G-Gusto ako ni Nix?” sabi ko. Tulala pa rin.

No! I shouldn’t feel this now. Mas importante na unahin ko si Tam.

“I knew it! Sabi ko na, friend!”

Para bang bigla akong natauhan. Hindi iyon guni-guni. Narinig ko talaga siya. Paglingon ko… si Tam! Gising na siya at nakabangon na.

“Friend!” Agad ko siyang niyakap. Tears of joy came too. “Thank God you’re okay. I’m really sorry. Sorry talaga, friend. H-Hindi ko sinasadya.”

Niyakap rin ako ni Tam. “I know, friend. Nakita ko ang nangyari bago ako matamaan. Don’t worry. I’m not blaming you. Isa pa, mag best friends tayo kaya I will always be on your side.”

“I love you talaga, friend!” Hinigpitan ko nang bahagya ang yakap kay Tam. Gusto kong maramdaman niya na sobrang na-appreciate ko siya.

Tumawa siya nang konti. “I love you too, friend.”

“Nasaan nga pala sila Ate Kat?” tanong ni Tam.

Bumitaw kami sa yakapan namin. “Hinabol ni Ate Kat si Luc at Eli. May kutob kasi kami na baka gantihan nila sila Xiaoyan.”

“Hala. Sana mahabol sila ni Ate Kat. Ayoko ng gulo, friend.”

“Don’t worry. Sigurado nahabol sila ni Ate Kat. Mas importante ka. Kamusta ka, friend? Anong nararamdaman mo? May masakit pa ba sa ‘yo?”

Umiling si Tam sa mga tanong ko. “Okay na ko, friend. Iniiba mo lang usapan, e. Tama ba ang narinig ko? May gusto daw sa ‘yo si Nix?”

“H-Huh? M-May gusto? A-Ano— Um— Tsismis lang ‘yon. Rumors lang! H-Hindi ‘yon totoo,” nataranta kong sabi sabay iwas ng tingin. Luminga ako sa paligid para maka-isip ng ibang pag-uusapan. 

“Friend!” Hinawakan ako ni Tam sa magkabilang braso. Para bang gusto niyang tumingin ako sa kanya ng diretso. “Totoo ‘yon. Maniwala ka sa ‘kin. I felt and saw it. Crush ka ni Nix.”

“H-Hindi nga, friend! Baka dinahilan niya lang ‘yon kay Xiaoyan. I mean, maybe he doesn’t want to be with her anymore at ako lang naisip niyang gawin dahilan. Speaking of, dahil do’n— ako tuloy pinag-iinitan ng ex niya. Humanda talaga siya sa ‘kin pagbalik nila.”

“Ayieeh! Ang sabihin mo pagbalik nila aamin na siya sa ‘yo na gusto ka niya. And you’ll live happily ever after. The end,” Tam replied. Nakapikit pa siya na parang in-imagine ‘yong sinasabi niyang mala fairy tale.

“The end ka diyan. Hindi, ah. Walang aaminin. Tsaka may umamin na— si Zed inamin niyang gusto niya ko.”

“What?!” Napatayo si Tam paalis ng kama.

Shoot! Di ko pa pala nasasabi kay Tam ang tungkol doon.

“Friend? Y-You mean… Totoo? Umamin sa ‘yo si Zed?” Tam asked. She looked so surprised.

Nag-init nang bahagya ang mga pisngi ko. Napapikit na lang ako dahil di ako makatingin nang diretso. Pakiramdam ko parang gusto kong pigain ang buo kong katawan. Nakakahiya and at the same time nakakakilig.

“Um… Oo, friend. And um… S-Sinabi ko rin na… gusto ko siya.” Agad kong tinakpan ng mga kamay ko ang mukha ko. Ang init kasi kahit fully air conditioned naman ang kwarto.

Si Tam naman tumili. Kilig na kilig.  “Omg! Omg! Omg! Friend!”

Naghawak kami ng kamay tapos sabay na tumili. Jusko! Ang ingay namin. Buti na lang kami lang ang nandito.

“Teka…” Tam suddenly crossed her arms and pouted her lips. “Ang daya mo, friend. Hindi mo sinabi sa ‘kin agad. Kailan nangyari ‘yon? Bago sila umalis?”

“Y-Yes, friend. Sorry na oh. Kasi ano— kasi hindi ko alam. I mean, hindi ko alam kung ano na ang status o label namin. Sabi niya hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend. At ako din. I’ve never been into a relationship. Hindi namin alam kung after ba namin magka-aminan, kami na? Or may ligawan pa ba? I don’t know,” sagot ko.

“Problema nga ‘yan, friend. Hindi ko din alam, e. Same tayo. Di pa ko nagkaka-boyfriend,” seryosong sabi ni Tam. Pero bigla ulit siyang tumili. “Pero omg! Ang haba ng hair mo, Shana Rey Brea. Dalawang Franco may gusto sa ‘yo? Ikaw na talaga, friend. Sana all.”

“Eh friend naman, e. H-Hindi nga ‘yan totoo. Rumors lang— tsismis ng mga multo!” Protesta ko.

“I’m telling you, friend. It’s T R U E. ShaNix o ShaZed? Saan kaya akong barko sasakay?”

“Barko ka diyan? Friend naman, e,” I replied. Ewan pero para akong kinikiliti. 

Ang kulit talaga nitong best friend ko kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Anyway, I’m glad she’s okay now. But this rumor about Nix… that he likes me… Bakit ganito? Bakit parang natutuwa ako pero gusto ko din i-deny? And is it really true? Why am I suddenly feeling torn between Zed and Nix?
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly