DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 23: Seeing Red

☆

8/5/2025

Comments

 

Grimrose Academy

HINDI dapat ako kabahan o matakot. Kailangan lang naman namin magpakita ng abilities at skills. This is not a fight. Pero kahit paulit-ulit kong sabihin ‘yon sa isipan ko, ang hirap iwasan na di mag-alala. It was hard to trust someone who seemed to hold a grudge against me, and I didn’t know why.

Pumwesto na kami ni Tam sa arena, magkatabi kami. Si Krishna nakaharap din sa amin, mga sampung metro yata ang layo niya o higit pa.

“Friend, please tell me what to do,” bulong ni Tam. Nanginginig ang mga kamay niya at halatang kinakabahan siya.

“Yep! Don’t worry. I’ll lead us,” sabi ko sabay hawak sa kamay niya. 

I didn’t have much to show. Ang kaya ko pa lang gawin sa ngayon ay ang pag-gamit ng Lux Gun, at konting atake gamit ang Aether Blade. Who am I kidding? Wala pa nga akong training sa paggamit ng dagger. But I’ll use it anyway.

Gusto ko din subukan na palabasin ang Arma Lux ko para manahimik si Xiaoyan. At para sa mga kaibigan ko. Ayokong maging pabigat sa kanila.

“Let’s use our Lux Gun, friend,” mungkahi ko.

Inilabas namin ni Tam ang sari-sariling baril at itinutok kay Krishna.

“Um Ms. Krishna? We will fire our guns at you. Please excuse us,” paalam ko para magsimula.

“Sus! You don’t have to tell her. Just attack. Baka miski kiliti di niyo magawa sa kanya,” mataray na pagsingit ni Xiaoyan. 

I was just trying to let Krishna know that we’re about to start and I wanted her to be ready. Siyempre ayokong makasakit ng di sinasadya. Kung maka-react naman itong Xiaoyan na ‘to. Di ko nalang talaga muna siya papansinin. But maybe after this or one day I will confront and ask her kung ano bang problema niya sa ‘kin. 

Samantala, wala namang imik si Krishna. She seems cold as ice. At least she isn’t irritating like their leader. 

She then raised both arms and crossed them in front of her chest— fists clenched, wrists aligned, like making an x.

“Come forth absolute shield!”

Medyo nagulat ako sa boses ni Krishna. Ang laki kasi at ang lalim. Pero pwede pala ‘yon— ‘yong tatawagin mo ‘yong Arma Lux mo para i-summon? Masubukan nga rin mamaya.

A tower shield made of gold and white light appeared in front of Krishna. It was large and rectangular. It covered her whole body. By the looks of it, kahit medyo translucent at ‘yong mga pattern parang pang medieval era— I think it can withstand anything. Not to mention that it’s powered by intention.

Nagsimula kami ni Tam na barilin ang shield ni Krishna. Nabalot ang buong silid ng tunog ng pagputok ng baril. Now that I don’t have an earmuffs mas dining ko ito— bawat putok ay parang pinagbanggang mga bakal, mabilis at malakas.

I was also able to bend the trajectory of some of my bullets using aether. It was just to show that it is one of my abilities, just for evaluation.

Ilang saglit pa… naubos na ang bala namin ni Tam. Krishna’s shield was impenetrable. She didn’t even flinch. 

“Anong sunod natin gagawin, friend?” tanong ni Tam.

“Um siguro, friend,  mag salitan tayo ng ipapakita. I’ll use my aether blade. Pagkatapos ko, ikaw naman. Use your plant magic.”

Tam gave a tight-lipped nod.

I pulled the Aether Blade from the sheath strapped to my belt. Then I imbued it with aether. The blade lit up for a bit. Tapos ay inalala ko kung paano ito ginamit ni Nix noong nakipaglaban siya kay Midnight. Pati na rin ‘yong mga video games na gumagamit ng dagger, inisip ko. I’m going to try to do the same.

I closed my eyes and took a deep breath. 

“Go Shana! Go Tam!” Dinig kong sigaw nila Luc at Ate Kat. “Kaya niyo ‘yan!”

Sinulyapan ko sila. Napangiti ako kaagad nang makita silang nakangiti rin at nakasuporta sa amin.

Tama… We can do this. I can do this.

I sprinted toward Krishna’s shield, dagger held in a reverse grip. Then slashed in quick diagonal, and vertical strokes— to left, right, left. 

Grabe! Sobrang tibay at tigas ng arma lux shield ni Krishna. Pakiramdam ko matigas na bakal ‘yong sinubukan kong hiwain.

Bigla akong nakarinig ng malakas na paghikab. When I turned to look at who it was…

“Ang boring naman. Di man lang pagpapawisan si Krishna niyan. Galingan niyo naman,” Xiaoyan said, blowing a raspberry.

Hindi ko dapat pinapansin ang mga sinasabi niya pero ang hirap iwasan na di maapektuhan. Walang silbi ‘yong mga kaya kong gawin. Walang wala ako sa kalingkingan ng mga kasama ko. It’s true… I guess I’m the weakest Valkyrie.

Umatras na lang ako, saka bumalik sa pwesto ni Tam habang tinatago ang sandata ko.

“Your turn, friend. Sorry ‘yon lang nagawa ko,” sabi ko kay Tam.

“Friend, you were good, trust me. Isipin mo di ka naman marunong no’n dati. And your dagger moves? We don’t have training for it yet pero may galaw ka na. Saan mo natutunan ‘yon?”

“Um games?” I humbly said. I paused and looked at her with a smile.

Bahagyang nag-init ang mga pisngi ko. Mabuti na lang talaga nandito ang mga kaibigan ko to appreciate my efforts.

“Thank you, friend,” sabi ko ulit kay Tam. “Ikaw naman. Ipakita mo sa kanila kung sino ka.”

Tumango si Tam. Huminga siya ng malalim. Tas game-face on. Then she took three steps forward facing Krishna’s shield.

Nakita kong sumilip si Krishna mula sa likod ng tower shield niya. Nakatingin siya kay Xiaoyan kaya’t napatingin din ako. They nod at each other. 

Ano kayang ibig sabihin no’n? Masama ang kutob ko.

Tam raised both of her arms forward. Nagkaroon din ng mga vines sa braso niya na parang galing ang mga iyon sa loob ng skin niya. Ilang segundo lang napuno na ng makakapal na vines ang buong braso niya. It was brownish-green. I can’t even see her hands anymore.

Grabe! Parang buhay na buhay ‘yong mga makakapal na baging. Mula kasi sa kamay at braso ni Tam gumapang ang mga iyon papunta sa floor at papunta sa harap ni Krishna.

“Virel vellith,” bulong ni Tam. Parang spell or something— basta ibang lengwahe na di ko alam.

Ang mga makakapal na vines sa floor na nasa harap ni Krishna ay umangat na parang naging makukulit na tentacles. Inatake ng mga ito ang shield na parang ang mga ito ay latigo.

Di pa rin natinag ang shield ni Krishna. But that’s a good thing for now. Maybe Tam is also holding back a bit.

Biglang umilaw ng isang segundo ang shield ni Krishna kasabay ng sabi niya, “Shield deflect!”

Then something fast got me.

“Agh!”

Ang bilis ng pangyayari. May tumama sa kanang balikat ko. Parang isang hagupit kaya’t tumilapon ako sa sahig.

“Friend!” Dinig kong sigaw ni Tam. Nilapitan niya ko at umuko sa sahig.

Nakabangon naman ako kaagad pero nang suriin ko ang balikat ko, may punit na ang white leather jacket ko at may sugat na ako. Ang hapdi! Aray ko.

“Okay ka lang, friend?” tanong ni Tam. “I-I’m so sorry.”

“What happened?”

“Tinamaan ka ng vines ko. S-Sorry. Parang bumanda siya sa shield papunta sa ‘yo.”

“What’s the meaning of that? I said no fight!” Madiing paalala ni councilman Killian.

“Sir! Krishna was just trying to help them. The white witch needs to show her abilities, right?” Xiaoyan cut in. Then she turned to Tam. “So, go ahead, use your healing. Do I have to teach you? Are you that stupid?”

“F-Friend, I will heal you,” sabi ni Tam sa ‘kin. Halata sa kanya na nasaktan siya sa sinabi sa kanya. I could see her teary eyes. Pinipigilan niya lang na huwag ilabas ang luha niya.

She then placed her hand in front of my wound. Flowers and leaves sprouted from her hand followed by a faint green light. It was warm and comforting. Unti-unting nawawala ang sakit. Ilang segundo lang, wala na ang sugat— parang walang nangyari.

“Section Valkyries, continue and wrap this up,” said councilman Killian.

Pagkatapos maghilom ng sugat ko, para bang biglang kumulo ang dugo ko papunta sa ulo ko. 

That’s it! Pwede nila akong yabangan, tarayan, o kung ano pa. But calling my best friend stupid? Big no! Humanda kayo sa ‘kin.

I stood up with clenched fists. Nanginginig ang braso ko sa gigil. Sa isipan ko para bang nawala ang lahat sa paligid. Ang tanging nakikita ko lang ay si Krishna at ang shield niya. And there’s only one thing I want to do…

Destroy Krishna’s shield, and shut Xiaoyan’s mouth whatever means necessary.

Arma Lux… 

Aether… 

Kahit ano… 

I need power. 

I want to avenge my friend. I want to stop them from messing with us. 

I want to show that I am not weak to be pushed around.

My right hand ignites with gold and white light. I don’t just see it— I feel it, burning with intent, ready to strike.

This is for my friends.

I pulled my hand back, energy thrumming at my fingertips. Then I thrust it forward, arm outstretched, my palm was open like I was casting something into the air.

From my palm, Aether formed a continuous beam of golden-white light, pushing steadily against Krishna’s shield. Nagbigay din ito ng liwanag sa buong silid. Nagawa rin nitong itulak ng bahagya si Krishna.

I don’t know why I have a beam of Aether instead of an arma lux. But if this would mean that I could beat that shield… I’d gladly accept this power.

Ilang saglit pa, unti-unting nagkaroon ng crack ang shield. Halata sa mukha ni Krishna na nahihirapan na siya.

I’m not gonna stop. I will destroy that shield.

“Krishna! Deflect it! Now!” Dinig kong sigaw ni Xiaoyan.

“Shield deflect!”

My Aether beam bounced on her shield. Akala ko babalik sa ‘kin pero sa ibang direksyon pala. Agad kong sinara ang kamao ko ngunit huli na dahil…

“Tam!”

Kay Tam ito tumama. Hindi ko alam kung saan siya tinamaan dahil paglingon ko nakahandusay na siya sa sahig. Ang bilis ng pangyayari.

“Friend!!” sigaw ko.

Agad ko siyang nilapitan at chineck. Her eyes were closed. She wasn't responding at all.

“No… No, please. No…Tam! Please wake up!”

Lumapit din sina Ate Kat, Luc, at Eli sa amin.

“Kailangan nating siyang dalhin sa infirmary,” mabilis na mungkahi ni Ate Kat.

“I’ll take her,” sabi naman ni Luc. Agad niyang binuhat si Tam at nagmadaling lumabas ng silid.

Gusto kong sumunod pero para bang ayaw gumalaw ng mga binti ko. Para bang natulala na lang ako. Nanginginig din ang mga labi ko.

What have I done? No… It was my fault. I shouldn’t have used a power that I didn't even understand. Tam… I’m so sorry.

“Eli, stop! Not now,” sabi ni Ate Kat. 

I suddenly came to my senses upon hearing her voice.

Masama ang tingin ni Eli kay Xiaoyan at Krishna na ngayon ay magkasama na. Her eyes were blood red and it felt like she was burning with anger. Hawak niya rin ang sandata niya na parang anytime handa niya na itong bunutin at gamitin.

“What are you looking at? It wasn’t our fault,” sabat ni Xiaoyan, may pagtaas pa ng kilay.

Eli was about to take a step forward when Ate Kat suddenly grabbed her arm. “Eli, not now. We have to go.” 

Tapos ay bumaling sa akin si Ate Kat, “Shana, let’s go. Kailangan tayo ni Tam.”

Tama si Ate Kat. Now is not the time to feel this guilt. I have to be with my best friend. I have to make sure she’s gonna be okay. At sana nga okay lang siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanyang masama.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly