DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 22: Disgraced and Damned

☆

8/2/2025

Comments

 

Grimrose Academy

KINABUKASAN, parehas na walang klase sa Grimrose Academy at sa Rose University. Pero pinapunta ni Ate Kat ang buong section Valkyries sa dueling room. May team huddle daw kami para sa gaganapin na class battle.

Kagabi, nagsabi si Ate Kat kay Dean Clea na sasali kami pero di siya pinayagan. Masyado daw kasing malakas si Ate Kat, hindi magiging balance ang laban. If the Valkyries want to join, we have to look for another member. 

Dumating si Ate Kat dito sa dueling room. May kasama siyang lalaki— wearing a white trench coat. Akala ko siya ‘yong magiging new member namin hanggang sa bigla ko siyang namukhaan. He was one of the council members. Bakit kaya siya nandito?

“Hi girls! Sorry I’m late,” bati ni Ate Kat sa ‘min.

“HELLO, ATE KAT!” sabay naming bati ni Tam.

“Kat antok pa ko. Mabilis lang ba ‘to?” tanong naman ni Luc habang naka-upo sa floor.

“Tumayo ka nga diyan. Girls, kasama ko ngayon si councilman Killian to observe us. He’s here to evaluate and determine kung pwede talaga tayong sumali sa class battle,” sabi ni Ate Kat.

Tumayo naman si Luc. “Pinayagan ka na sumali?”

“Yes,” nakangiting sagot ni Ate Kat.

Sobrang laki naman ng ngiti ko. “Ay talaga, Ate Kat? Yes! Sure win tayo nito.” 

“Not really. I smell a catch,” Luc said while sniffing the air. “Tama ba ko, Kat?”

“Luc was right. Pinayagan akong sumali pero hindi ko pwedeng gamitin lahat ng powers ko. I’m only allowed to use wooden weapons.”

Agad nawala ang ngiti sa mga labi ko. Pero kahit hindi pwedeng gamitin ni Ate Kat ang powers niya, we still have a Lycan, a Morpyre, and a White Witch princess. Siguradong malakas pa rin kami.

“Okay lang ‘yan. Kaya pa rin natin ‘to,” determinado kong sabi.

Ang totoo, kagabi, sobrang kinakabahan at natatakot ako sa mangyayari dahil sasali kami sa class battle. Pero napag-isip-isip ko na walang magagawa ‘yong takot at kaba. It will just make me look for an excuse to run away. So I have to be brave about it instead. Even if it sounds scary most of the time, I have to tell myself that I can do it, and give my all. Win or lose, at least I won’t have any regrets.

“Tama si Shana. Kaya pa rin natin ‘to. Plus, may team tayong kailangan ilampaso,” sabi ni Ate Kat.

“Hell yeah!” sabi naman ni Luc. Piniga niya pa ang kamao niya at pinatunog.

Si Tam naman tumango-tango. Kita sa mga mata niya ang determinasyon. Si Eli naman tahimik lang pero sanay na kami. Her silence means yes. Nagsasalita naman siya kapag may mga bagay siyang hindi gusto. Most of the time, she was into whatever we’re doing.

“Valkyries, I’ll be on the corner to evaluate your abilities. Ipakita niyo ang lahat ng kaya niyong gawin para makita ko kung papayagan namin kayong sumali,” sabi ni councilman Killian. Agad siyang pumunta sa labas ng arena sa isa sa mga kanto ng silid. 

“Thank you, councilman Killian,” sagot ni Ate Kat. Tapos ay bumaling siya sa amin. “Okay, girls. We just need to showcase our abilities. Show him everything that you can do.”

Pinapunta kami ni Ate Kat sa labas ng arena. Then she picked up a wooden sword and round shield from the weapons rack located on our side.

“Girls, just do what I’ll do. Then show your abilities and don't hold back. Kapag masyado namang overpower ‘yong ability niyo, sasabihin naman nila kung pwede nating gamitin o hindi. Basta ipakita niyo ang lahat ng kaya niyo. Ako muna. Then si Luc, Eli, Tam, at huli si Shana,” bilin ni Ate Kat sa ‘min bago siya pumunta sa gitna ng arena.

She then faced councilman Killian. “For abilities evaluation, I’m Kana Talia Franco of section Valkyries to showcase my skills as a half human.”

“You may proceed,” sagot ni councilman Killian kay Ate Kat.

Nagsimulang gumalaw si Ate Kat. She seems to have pretended that there are enemies around her and she was fending them off. Her moves? When Ate Kat said she would showcase her skill, she meant it. Napaawang na lang ang bibig ko sa galing niya. She’s has this fluid motion pero alam mong malakas, mabilis, at precise. She moved like a dancer and a warrior— graceful, but deadly, and unpredictable.

In-imagine kong may mga kalaban siya sa paligid. She striked them with a wooden sword, guarded their attacks with the round shield. She jumped around, side steps, flips, and spins. Even without powers, she looked like the legend our section was named after. No doubt I think we were named that way because of her— she is the Valkyrie.

Ate Kat ended her demonstration with a slight bow. Nagpalakpakan kaming lahat. Grabe ang galing talaga niya. Idol ko talaga siya.

Oh thank Aelythia she’s on our side. 

Pumunta si Ate Kat sa hanay namin kaya ang sunod na pumunta sa gitna ng arena ay si Luc.

“Lucia Howlett. Showcase. Lycan.”

Pambihira talaga ‘tong babaeng dog na ‘to. Di man lang inayos ang intro. Total opposite talaga siya ni Ate Kat.


“Proceed,” sagot ni councilman Killian.

Lumingon sa amin si Luc. “Kat, pahinging dummies.”

Ate Kat knelt and touched the ground. Her hands became translucent blue. Mula sa mga kamay niya parang nagyelo ang bahagi ng floor sa harapan niya. Gumapang ito papunta sa arena. Sunod ay nagsulputan sa iba’t ibang bahagi ng arena ang mga tipak ng yelo na korteng tao. Nagmistulang mga target dummies para kay Luc.

“Thank you!”

Luc’s nails became pitch black, longer and sharper like wolf claws. Her face shifted— cheekbones sharper, brows furrowed, and eyes glowing golden brown. Nagkaroon din siya ng canine fangs, at mukha siyang galit na galit. Ilang saglit pa, kumapal ang balahibo niya sa kamay at braso— same color ng buhok niya but this time it’s called a wolf’s red fur. Mas kumapal din ang buhok niya sa ulo. Iyong tenga niya naging wolf ears. Then a furry tail sprouted from her back.

Akala ko mag ta-transform siya into a fully formed lycan na gaya ng nakita ko sa libro pero hindi pala. Nagmukha lang siyang tao na may wolf ears, tails, furry arms, fangs, and sharp claws. Bakit kaya? Is she holding back?

Luc pounced at the nearby ice dummy like a wild wolf. She tore it apart like it was just made of wood as she snarled like an angry hound. She ran like a feral towards the next dummies. Ang bilis niya, at ang lakas niya. Para siyang mabangis na hayop. She reminded me of when Zed lost control. In just a few seconds, all the ice dummies were destroyed.

Napalagok ako. Grabe! Those weren’t just some attacks— she was hunting. Pero teka, baka dahil do’n di kami ma-approve sa pagsali? Ang savage kasi.

Naisip ko na baka kaya hindi siya nag transform into a full lycan ay para ma-approve ang pagsali namin.

“Kat, ice spear please,” sabi ni Luc.

“With pleasure,” nakangiting sagot ni Ate Kat. Bahagya siyang lumapit. As she waved her hand from left to right, a spear made of ice was slowly created from her palm. Then she grabbed and threw it straight at Luc’s chest.

“Luc!” nagulat kong sigaw. What the heck was that? Bakit niya inatake si Luc?

Binunot ni Luc ang ice spear mula sa dibdib niya. Ipinakita niya sa lahat ang natamo niyang sugat. It was healing. After about twenty seconds— parang walang nangyari.

Wow! Ang galing naman no’n. 

I know for a fact that vampires and werewolves heal faster than normal human beings. But Luc’s ability to regenerate was different. Sa mga vampires, para maghilom ang sugat ng ganon kabilis, kailangan nilang uminom ng dugo. Ang mga werewolves naman from minutes to hours ang natural healing. 

Pero na-curious pa rin ako kung bakit hindi full ang transformation ni Luc kaya’t tinanong ko si Ate Kat. “Ate Kat, bakit hindi full lycan ang transformation ni Luc. Is it our tactic to get approved?”

Umiling si Ate Kat. “No, Shana. She just can’t. Siguro di pa niya kaya.”

“Tapos na ko,” sabi ni Luc. Bumalik siya sa pwesto namin.

“Good job, Luc,” bati ni Ate Kat sa kanya.

“Nice one, Luc!” sabi ko naman. “I like your transformation. You look hot, girl!”

She smirked. Pero agad nawala ang ngiti niya. “Narinig ko ang tanong mo kay Kat. This is me. The lycan who can’t transform into a lycan. The disgrace of the wolf clan.” Bahagya siyang yumuko habang unti-unting bumabalik sa dati ang anyo niya.

I felt it. Her words were heavy. At hindi ako papayag na siya lang ang sumalo no’n.

“Disgrace? No way! You are so cool and so strong. Masaya ako na kakampi at kaibigan kita,” protesta ko agad hinawakan ko pa ang braso niya.

Whoever told her she’s a disgrace doesn't know what they’re talking about.

Bumalik naman ang ngiti niya at tingin sa ‘kin. “Talaga? Kilig ako! Kaya friends tayo, e. Kamot mo nga likod ko.”

“Sure!” Nakangiti kong sagot at kinamot ko agad ang likod niya.

“Kamot din kita,” sabi naman ni Tam at nakisali na rin siya sa pagkamot kay Luc.

“Oh sarap! I love you girls so much.”

Natawa nang konti si Ate Kat. Tapos ay bumaling siya kay Eli. “Eli, you're next. Do you need ice dummies too?”

Tumango si Eli. Pumunta na rin siya sa gitna ng arena.

“I’m Eliza Valemont of section Valkyries. Here to showcase my skills as a Morpyre for your evaluation,” sabi ni Eli kay councilman Killian.

“Go ahead please.”

Ate Kat created five ice dummies. Eli stepped into her sword sheathing stance— one foot stepping back while the other was slightly bent. Hawak niya ang sheath ng katana niya sa kaliwang kamay habang ang kanan niya ay nasa hawakan. Tila ikinukubli niya rin sa gilid niya ang sandata sa mga kalaban.

First time kong makikita si Eli na gagamit ng katana. Kailangan di ako kumurap. Feeling ko sobrang bilis ng mangyayari.

Nilakihan ko ang mga mata ko.

Pero…

Isang minuto ang lumipas…

Halos matuyo ang mga mata ko dahil hindi ko nga ito ikinurap.

Anong nangyari? Is she charging her powers or something? Hindi siya gumagalaw.

“Oh crap not again,” biglang sabi ni Ate Kat, dismayado. “Luc, she froze.”

“Mukha nga. I’m on it!”

Biglang umalulong si Luc na parang isang wolf.

“Uh girls, anong nangyari kay Eli?” tanong ko.

“It was the curse,” pagsingit ni Tam. Nilingon ko siya.

“May sumpa ang memorya ni Eli kaya wala siyang maalala sa nakaraan niya. It was a forbidden black witch curse. At dahil do’n, minsan bigla na lang siyang napapatigil,” paliwanag ni Tam.

“That’s how we actually met. She was fighting rebel vampires when she froze. I saved her back then,” sabi naman ni Luc. “Kailangan ko lang umalulong nang umalulong para bumalik siya sa dati.”

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko para kay Eli. It must have been very hard for her. I wish I could do something.

“Friend… sinubukan mo na ba siyang gamutin?” tanong ko kay Tam.

“I did. But it was a dead-bound curse. The only way is to kill the caster. And no one knows who did it to her.”

Shoot! Sino kayang gumawa no’n kay Eli? Grabe naman siya para gawin ‘yon. I swear I’ll find whoever it was someday and demand to remove the curse.

Patuloy lang sa pag-howl si Luc pero parang walang nangyayari. Naisip kong tumulong.

“Eli!” Tinawag ko ang pangalan niya dahil di naman ako marunong umalulong. Baka tilaok ng manok ang magawa ko.

Maging si Tam tumawag na rin. “Eli!!”

Pati si ate Kat tumulong kaya’t sabay-sabay na kami.

“EELLLIIII!!!”

Bigla kaming nilingon ni Eli. She smiled at us. Tapos balik ulit ang tingin niya sa mga target. But this time she ran towards them. It was so fast. Parang bigla lang umihip ang hangin.

“Go, Eli!” Cheer ko.

Kasabay ng pagbunot ni Eli sa katana mula sa sheath nito, ay ang paghiwa niya sa dalawang ice dummies nang sabay. They were severed in half— clean cut in one swing. Then para siyang hinigop ng sariling anino pababa. Nawala siya. At dahil black ang dojo mat, hindi namin makita kung nasaan ang anino niya.

Ilang saglit pa, biglang sumulpot sa likod ng isa sa mga ice target dummies si Eli. Then she slashed it so fast na para bang ang gaan lang ng sandata niya. Nawala ulit siya, nagtago sa loob ng anino. Tapos ay sumulpot ulit sa harap ng target sabay hiwa. Inulit niya ang ganong galaw hanggang sa maubos niya ang mga target.

Ang galing din ni Eli! She was agile, precise, and composed. She’s like a silent killer.

“I’m done,” sabi niya sabay balik ng katana sa lalagyan nito na parang isang totoong samurai.

Nagpalakpakan kami.

“Yes! Way to go, girl!” Cheer ni ate Kat.

“That’s my Eli!” Masayang sigaw naman ni Luc.

Lumapit sa amin si Eli. She was smiling but reserved. “Thank you. I was able to snap because you all called my name.”

Di ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya dahil pakiramdam ko nahirapan siya. I can’t imagine how hard it was to get yourself free from a mind prison.

“We’re always here for you,” sabi ko. Bumitaw naman ako agad dahil baka hindi siya sa sanay sa mahabang yakap.

“T-Thank you,” sabi naman niya habang namumula pa ang mga pisngi.

“Ang galing mo, Eli,” pagsingit naman ni Tam may kasama pang palakpak.

“Girls, ipangako natin ‘to,” sabi ko at nilingon ko silang lahat. I wanted them to see how serious I am. “One day, we’ll go on a journey and help Eli regain her memories.”

“You bet!” sagot ni Luc.

“Yes. Kahit saan pa tayo mapunta,” sabi ni Tam.

Hinawakan ni Ate Kat ang balikat ni Eli. “That’s a promise. It will be the Valkyries’ mission.” 

Eli formed the widest smile she could. “Thank you, girls.”

First time naming lahat na makita siyang nakangiti ng gano’n. Her soft voice melted my heart kaya…

 “Group hug!” I suggested.

Hindi naman umangal si Eli kaya’t nagawa namin siyang yakapin.

Ang sarap sa pakiramdam. Parang nagkaroon ako ng maraming sisters.

“Awe! How cute? Sayang lang pagkatapos ng class battle mag aaway-away na kayo. You’ll be blaming each other when you lose.” Boses pa lang kilala ko na kung sinong kontrabida ‘yong dumating.

“Excuse me, Xiaoyan?” Mataray na sagot agad ni Ate Kat. She crossed her arms and raised a brow. “Baka kayo ‘yong matalo?”

“Naghahanap ka talaga ng away ikaw na babae ka. Ano bang problema mo?” Maangas na tanong ni Luc.

“Um, I believe this is for the Valkyries evaluation. Please excuse muna. Hindi pa kasi kami tapos,” sabi ko na lang. Baka kasi magkainitan na naman.

“Ms. Lee, you have no business here today,” pumagitna sa amin si councilman Killian. “Let the section Valkyries use the dueling room.”

“Sir, we’re actually here to help them,” sagot ni Xiaoyan. Sunod ay bumaling siya sa kasamang niyang babae. “Di ba, Krishna?”

Tumango naman ‘yong Krishna. 

“What are you talking about?” tanong ni Luc.

“Dummies won’t be enough to showcase your abilities. You should try it with someone. Try Krishna’s arma lux— the absolute shield.”

Councilman Killian paused. Parang pinag-iisipan niya kung papayag siya.

“Alright, fine. But don’t attack. Just let them use their abilities. I’m here to check them, not to witness a fight,” sagot ni councilman Killian.

“No problem. Like I said. I’m here to help,” sabi naman ni Xiaoyan. Pero sa tono ng pananalita niya mababasa mong parang may binabalak siyang masama.

“Okay, Valkyries, who's next?” 

Nagtaas ng kamay si Tam para tugunan si councilman Killian. 

“Dalawa na lang di ba? Why don’t we wrap this up? Sabay na sila. The two of you versus Krishna,” mungkahi ni Xiaoyan.

Paano niya nalaman na dalawa nalang kami ni Tam ang hindi pa nagpapakita ng abilities? Was she watching us the whole time?

“Fine. Meron din akong ibang gagawin. Kaya tapusin na natin ‘to,” sagot ni councilman Killian. “Just remember— no fighting.”

“Of course,” nakangising sagot ni Xiaoyan pero sa ‘kin siya nakatingin. Si Krishna naman parang robot lang—walang reaksyon. Sunod-sunuran lang kay Xiaoyan.

Itong Xiaoyan na ‘to. She’s exhausting my patience. Malapit na talaga akong mainis sa kanya.

“Friend, what do we do?” pabulong na tanong ni Tam sa ‘kin.

“Bigay lang natin lahat ng kaya at alam natin. We can do this.”

Yea. I hope we can do it. Sana sapat na ang alam namin. Absolute shield na arma lux? Ano kaya ‘yon? Bahala na. We’ll give everything we got.

NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly