DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 21: Announcement

☆

7/26/2025

Comments

 

Grimrose Academy

MAGHAPON ang naging training namin sa paggamit ng Lux Gun. Rewarding naman dahil bukod sa may natutunan, may feast ngayong gabi sa mess hall para sa isang important announcement. Sakto!

Kahit sobrang gutom na, di ko maikakaila na ang ganda talaga dito sa mess hall kahit old victorian ang tema. Ang lawak dito. High vaulted ang ceilings na may mga golden chandeliers na parang diyamante ang kinang. Sa magkabilang gilid ng hall, may malalaking stained-glass windows na abot kisame ang taas, each one depicting abstract patterns of light, winged figures, at Aether-like swirls na hindi ko mawari kung art lang o may hidden meaning. Kapag tinamaan ng moonlight, ang ganda ng reflection sa sahig parang celestial mosaic.

May mahahabang tables na puno ng mga students, each assigned per class group—there are about 30 people per table. Ang section Valkyries, sa left side near the windows pinaupo. Kasama namin dito ang mga trainers at teachers. Pero kaming dalawa pa lang ni Tam sa section Valkyries ang nandito. Wala pa si Ate Kat, Luc, at Eli. Siguro naliligo pa sila dahil may training din sila kanina.

Sa long table na nasa gitna ay mga students na Aether-blessed, kasama nila ay ilang white witches. Paano ko nalaman? Kapag Aether-blessed students kasi kulay white na leather jacket ang suot namin, kapag white witches naman—kulay green na military inspired dress. Napansin kong may limang chairs sa unahan na bakante. Parang naka-reserve for some sort of VIP. Sino kaya ang mga uupo doon?

Sa bandang kanan naman, mga vampires, lahat naka-all black clothes at mapuputla ang skin. Kulay blood red pa ‘yong gitna ng mga mata nila. They were very gracious and formal kung umasta. On the left side, the table beside ours are the werewolves in their human form. They were all wearing furry jackets but no shirts under it, and ripped jeans for pants. I think all of them are men. At ang gulo-gulo nila.

Sa table na tabi ng mga werewolves, akala ko bakante. Pero biglang lumabas doon ang mga ghost na students din. Tulala lang sila at nakaupo na parang nagtataka kung bakit sila nandoon e di naman sila kumakain. Pero nakaka-kilabot. First time ko makakita ng ganon karaming mga multo. 

Then sa last table, mixed. Nagulat ako dahil bukod sa section Valkyries, parang may mga students pala na kahit magkakaiba ng race ay magkakasama— may Angeals, Werewolves, Vampires, White Witches, at Ghosts. Pero nakakatuwa dahil parang lahat sila magkakasundo. I even saw a familiar face that seemed to be the one leading them—it was Senpai Nelo.

Sa pinaka-unahan ng hall, sa gitna, naka-elevate ang Council platform. May mahabang table rin na nakaharap naman sa mga students. Nandoon na ang mga council members maliban kay Dean Clea. Sa mga corners naman ng hall, may mga Angeals on full tactical gear in white with Aether Blade and Lux Gun strapped to their sides—naka-destino silang magbantay.

“Hi Ms. Brea! Hi Ms. Asano! Can I sit beside you?” tanong ni Ezo na kakarating lang sa mess hall.

“Sure!” Nakangiti kong sagot.

“Thank you. Hindi ko pa po kasi kilala ‘yong karamihan dito.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Ezo. “T-Talaga? As in bago ka lang dito?”

He smiled. “Yep! Pero Low-key lang.”

Why did I ask that? Obviously he’s a kid so he’s new.


Biglang may sumingit na isang babae sa ‘min. Halos mapatalon ako kasi bigla siyang lumitaw mula sa lamesa—literally.

“Hi Shana!” Isang babaeng ghost na parang masayahin. “Can we take a selfie? I’m a huge fan.”

“O-Okay.”

Hindi pa rin talaga ako sanay sa mga ghost. Ito kasing si girl kalahati lang ng katawan niya sa lamesa ang nakikita ko. Nakakakilabot.

Itinapat niya sa aming dalawa ang phone niya na apparition din. Napansin kong may cable charger na naka-kabit dito.

“3… 2… 1… Smile!” 

Boom!

Napatili ako pero agad ko namang tinakpan ng kamay ang bibig ko. Iyong phone niya kasi biglang sumabog, tapos ‘yong kamay niya nawasak.

Si Ezo tumawa nang malakas. Si Tam din natawa pero mahina lang. Iyong mga students sa paligid napatingin din sa ‘kin.

“Ay sorry, Shana. Ito kasi ‘yong kinamatay ko. Nag-po-phone habang naka-charge, ayun sumabog. Naubusan ako ng dugo kaya—tada! Ghost,” paliwanag niya. Bumalik naman agad sa dati ‘yong kamay niya. “By the way, ako si Winona, ang multong tsismosa. Basta gossip, ako ang source diyan.”

“N-Nice to meet you,” nautal kong sabi. I have to remember that Ghosts always replay the way they die unintentionally. Para di na ko nagugulat sa mga ganitong pagkakataon.

“Likewise.”

Biglang bumukas ang main door ng mess hall na arched double door. Akala ko sila ate Kat na, hindi pala. Pero dalawang babae at tatlong lalaki ang naka-suot ng kulay white leather jacket ang pumasok.

It looked like everyone knew them. Tumahimik kasi ang paligid—kahit ‘yong mga werewolves na magugulo, umayos. Then the silence was followed by aether-blessed students pounding on the table in sync. They were all looking at those five as if celebrating their entrance.

“Friend sino sila?” tanong ni Tam.

Kibit-balikat lang ako. Napukaw kasi ang atensyon ko nung babae sa gitna nilang lima. Long-black hair, chinita, kutis mala porselana, fit body, at mga 5’6” siguro ang tangkad niya. She has this aura na parang intimidating. Parang hindi rin siya palangiti. At mukhang siya ang leader nila.

“Sila ang current Elite Team ng Grimrose Academy,” sabi ni Winona. “Lahat sila mga extra aether-blessed at kayang mag summon ng Arma Lux. The girl in the middle? That’s Xiaoyan. Leader nila at ang current rank number one student ng academy.”

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa loob ko. Naalala ko kasi ‘yong sinabi sa ‘kin ng dalawang classmate namin ni Tam sa Lux Gun training. Mukhang malakas nga si Xiaoyan. I hope she won’t challenge me like they said she would. At least not yet. I have so much to learn.

Oops!

Biglang huminto sa paglalakad si Xiaoyan at ganon din ang mga kasama niya.

I shouldn’t have stared at them. Napansin niya. Ngayon nakatingin na rin siya sa akin at parang ang tulis pa.

Lagot.

“Man, this place is dull. No one’s vibing anymore. Let’s see…” Sabi ni Ezo, tapos ay naglabas siya ng phone at pumindot-pindot.

“And… Voila! Hackerman strikes again.”

Biglang nagkaroon ng music sa buong room.

Now Playing: How It’s Done by Huntrix

Whoa! Did he just hack into the PA system of the academy? Awesome!

“How’s that, Ms. Brea, Ms. Asano?” tanong ni Ezo.

“Bet!” sagot ko. 

Tam nodded and smiled.

“I love this song! Balik na ko sa upuan ko. Bye bye!” Paalam naman ni Winona. Bigla siyang nawala na parang lumubog pailalim. Ilang saglit pa, lumitaw siya sa pwesto nila Senpai Nelo.

Most people don’t mind the music. Senpai Nelo’s group was vibing to it. The werewolves are back to their chaotic doings at their table. As per Xiaoyan and her elite group, they sat down. Sa kanila pala ‘yong mga bakanteng upuan kanina.

Ilang saglit pa, dumating na si Ate Kat, Luc, at Eli. Halos lahat ng lalaki, mapa-vampires, ghost, werewolves, at Aether-blessed napatingin sa kanila. 

May isang lalaking vampire ang lumapit sa kanila. Binigyan niya ng red rose si Ate Kat. Sumunod ay isang werewolf. Pinakita niya ang tattoo niya sa dibdib— Heart tapos may arrow na nakatusok at nakasulat na “Kat Franco”.

“Awe! You guys are so sweet. Thank you,” nakangiting sagot ni Ate Kat.

Grabe! Kay Ate Kat pala sila nakatingin. Pati pala dito sa academy ang daming may crush sa kanya. Well, I can’t blame them. Ibang klase talaga ang beauty ni Ate Kat.

Kinawayan namin ni Tam sina Ate Kat para ipaalam na doon ang pwesto namin. Nakita naman nila kami. Umupo sila sa tapat namin.

“Hi girls, kanina pa kayo?” tanong ni Ate Kat.

Umiling ako. “Di naman, Ate Kat.”

Agad kong naalala si Ezo. Sabi niya marami pa siyang di kilala sa academy. “Nga pala Ate Kat, Luc, Eli, this is…”

Kaso paglingon ko sa tabi ko biglang nawala si Ezo. Hindi ko natuloy ang gagawin ko. Saan kaya siya pumunta?

Luminga ako sa paligid. Nakita ko siyang nakatago sa likod ng kurtina at nakasilip.

What the heck? Nahihiya siya? Don’t tell me crush niya rin si Ate Kat?

“Ano ‘yon, Shana?” tanong ni Ate Kat.

“W-Wala, Ate Kat.”

Hindi ko na ipinilit na ipakilala si Ezo. Baka kasi ayaw niya muna. At hindi ko dapat pangunahan. Pero bakit nga kaya bigla siyang umalis at nagtago?

Napansin kong nawala si Luc sa tapat ko at lumipat pala siya sa tabi ko.

“Shana…” Sabi ni Luc. May tono pa na parang pakanta.

Alam ko na kung ano gusto nito.

“Yes?”

“Kamot. Please, please, please.”

She was looking at me like a puppy.

Sabi ko na.

“Okay, sige na. Saan ba?”

Tumalikod siya at tinuro ang lower back niya. Kinamot ko naman ang tinuro niya. Ewan ko kung anong meron sa kamot ko at gustong gusto ni Luc. Nakapikit pa siya, nakangiti rin, at umuugoy-ugoy pa ang ulo.

Ilang minuto pa, dumating na si Dean Clea. Naupo siya sa gitna ng mga council. Tumahimik na ang lahat. Pati ‘yong music nawala.

“Good evening, Grimians!” 

Tumayo ang lahat.

“GOOD EVENING, DEAN CLEA AND TO THE COUNCIL!”

Sumenyas si Dean Clea na maupo kami kaya’t gano’n ang ginawa namin.

“Thank you all for gathering tonight. Before we begin our feast, I have a few important words to share. As you know, I’ve recently been entrusted with the honor of serving as your Dean. This academy thrives not because of one person, but because of the dedication and spirit each of you brings. Together, we have already come so far— and with your continued passion and discipline, I know we will achieve even greater heights.”

Bago lang pa lang Dean si Dean Clea. Akala ko matagal na siya. She seemed well-versed.

“First, I must address the crime committed on our grounds only a few weeks ago. We have already honored the memory of our fallen comrade, yet justice demanded more than tribute. I am relieved to tell you that the culprit has been apprehended. He will be sent to the Angeals Headquarters, where he will face trial and the consequences of his actions.”

Nagpalakpakan ang karamihan. Mabuti na lang nahuli na kung sino ang gumawa. Bakit kaya niya ginawa ‘yon?

“The details of the investigation will be posted soon on our bulletin board. However, rest assured that we have increased our security, and doubled our efforts to keep you all safe. You may rest easy, free of worry, and train with your full strength without the need to glance over your shoulder,” dagdag pa ni Dean Clea.

Nagpalakpakan ulit. Ang pinakaraming naka-support kay Dean Clea ay ang table nila Senpai Nelo—ang mixed class group.

“Moving on to the next topic… I’m proud to introduce to you our newest extra aether-blessed who will soon join the ranks of our Arma Lux-abled Angeals and continue to strengthen our order’s forces. We have… Shana Rey Brea!” 

Oh no! Did she just—no way! Not the spotlight.

Huli na para magtago pa. Nakatingin na sa akin lahat ng mga students sa mess hall. 

Dean Clea naman, eh.

Ano bang dapat gawin sa ganitong pagkakataon? Sana higupin nalang ako ng lupa ngayon. Eli patago naman sa shadow mo.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko—si Tam pala.

“Tayo ka friend. Be proud. Raise our flag,” bulong ni Tam.

I can’t believe she said that. I mean, sa kanya nanggaling. But she’s right. For them… Tam, Ate Kat, Luc, and Eli—I will stand proud. Itatayo ko ang bandera ng section Valkyries.

Huminga ako nang malalim. Tumayo ako nang tuwid at taas noo.

Pumalakpak ang mga ka-section Valkyries ko at mga teachers. Sunod ay sila Senpai Nelo at ang mixed-class.

“T-Thank you,” sabi ko saka umupo.

Napatingin ako kina Xiaoyan. I immediately regretted it cause she was— already raising a brow at me. Iyong mga kasama niya matulis din ang tingin sa ‘kin.

Bakit nga ba ko tumingin sa kanya? It clearly sent the wrong message. Shoot!

“Next, updates on our class reform trial. I’m happy to tell you all that our experimental mixed-class is doing well. As you can all see, they are getting along. And projecting that a mixed-team can be beneficial to our cause.”

Nagdiwang at nagpalakpakan ang grupo nila Senpai Nelo. Mukhang magkakasundo nga sila kahit iba-iba ang race nila.

“By the way, Shana, Tam, let me give you a quick recap about this reform,” sabi ni Ate Kat. Mukhang nabasa niya sa ‘min na clue less kami ni Tam sa sinabi ni Dean Clea.

“It all began when my mom was appointed Dean earlier this year. She believed that peace between Humans and Grimborns could never be achieved by enforcement alone— it had to be proven that we can truly live and work alongside one another. And it should start here in the academy. The council was hesitant to approve a full reform, but with Nelo—the student president—and me supporting her vision, they agreed to establish an experimental class: a mixed-race class,” paliwanag ni Ate Kat.

I got it! So dati pala parang hiwa-hiwalay talaga ang mga race. Ngayon may class na pinagsama-sama ang lahat. Agree ako kay Dean Clea, mas magkakaroon naman talaga ng peace kapag magkakasundo ang lahat. And it can’t happen if we are always divided. Dapat may unity, dapat magkakasama.

“On our last topic, I know you all want to feast but you would want to hear this,” patuloy ni Dean Clea sa anunsyo. “...Our school festival begins two weeks from now!”

Napatayo ang lahat at nagdiwang. Mukhang excited ang lahat sa school festival. Well, masaya naman talaga kapag may ganong event. Pero anong klase ba ang festival sa ganitong school na hindi naman pang normal na tao?

Nasagot agad ang tanong ko sa mga sumunod na anunsyo ni Dean Clea. Apparently, the school festival here is all about battle—to be precise, class battle. We were instructed to form a group of five, at mas maigi daw kung mixed-class pero it’s up to us. The groups will face trials that are soon to be announced as they advance to the next level. Ang mananalo ay ang hihirangin na Elite Team ng Grimrose Academy. What’s special about being Elite? We’ll have the chance to be on the field and learn from experience. Basically, we’ll be sent out on a mission. Kung ako ang tatanungin, that’s not even a reward. But Dean Clea added that there will also be an all expense paid vacation in one of their private islands. Now that’s a reward!

Pagkatapos ng class battle, magkakaroon ng party na parang prom night daw. There will be a feast, dancing, and celebration. Doon natapos ang announcement ni Dean Clea kaya’t ang lahat ay nagsimula ng kumain.

“Girls, paubaya na lang natin sa iba ‘yong class battle. We have other important things to do,” sabi ni Ate Kat.

“Hindi rin naman tayo papayagang sumali. Halimaw ka kaya,” sabi ni Luc kay Ate Kat.

“Anong sabi mo? Gusto mo bang manigas ulit?” Ate Kat replied.

“Char lang. Ito naman.”

May biglang tumikhim sa bandang likuran ko.

“Ikaw ba si Shana?”

Lumingon ako. Napatayo na rin dahil si Xiaoyan pala ang tumawag sa ‘kin. Nasa likod niya ang apat na kasamahan niya sa Elite Team.

“Um yes? H-Hello. Nice to meet you.” 

Inalok ko siyang makipagkamay pero di niya ito tinanggap at tinaasan niya lang ako ng kilay. Hindi siya nagsalita. Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa.

“H-How can I help you?” Nahiya kong tanong sabay atras ng kamay ko..

“Nothing. I just want to see how pathetic you are.”

Biglang napatayo si Luc, Tam, Ate Kat, at Eli. Si Luc nagpakita ng mga kukong matutulis at canine fangs. Si Tam may mga makakapal na vines braso. Ate Kat was crossing her arms with a raised brow. Si Eli naman— calm pero ipinatong ang dulo ng unsheeted katana sa lamesa.

Bakit niya ko sinabihan ng ganon? May nagawa ba ko?

“Naghahanap ka ba ng away? Tara sa duel room,” hamon ni Luc kay Xiaoyan.

“You’re not worth our queen’s effort. I’ll deal with you instead,” pagsingit ng isang lalaki na kasamahan ni Xiaoyan. He’s the bald one, malaking tao at parang puro muscles.

“Queen? Queen ng alin? Banyo queen?” sabat ni Luc.

That was unexpected. Di ko napigilang di mapangiti. Buti nalang napigilan ko ang pagtawa. But that was a bad move.

Muntik ng magkagulo kung hindi sumenyas si Xiaoyan na pahintuin ang mga kasama niya na parang napikon.

Xiaoyan’s tone sharpened. “Let’s see who will be laughing when the academy sees you all fall. See you at the class battle,  Section… What is it again? Valkyries? Duh, what a joke?” She rolled her eyes and left with her team.

Naku mukhang nagkainitan pa kami. What is her deal anyway? Di pa nga kami magkakilala pero parang galit na agad siya sa ‘kin? Buti na lang di kami sasali sa class battle.

“Girls,” sabi ni Ate Kat. Tinignan niya kami isa-isa. Lahat kami ay parang naghintay lang sa sunod niyang sasabihin.

Napalunok ako. I have a bad feeling about this.

“Forget what I said earlier. They want a fight? We’ll give them one. We’re joining the class battle.”
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly