DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 20: The Young Instructor

☆

7/22/2025

Comments

 

Grimrose Academy

TULOY pa rin ang pagtugtog ng music. Ang lakas pa nga dahil parang dumadagundong ang sahig. Ilang saglit pa, nang magsimula ang lyrics ng kanta, nagkaroon ng iba’t ibang kulay na mga ilaw sa paligid na tila sumasayaw sa saliw ng tugtugin. The training room quickly turned into a bar club.

“C’mon people let’s party!” Boses ulit ng isang batang lalaki. Nanggaling sa likod kaya lahat kami humarap doon.

Tumambad sa amin ang isang lalaki na nakatayo sa likod ng table na may DJ Mixers at Speakers sa ibabaw. He’s controlling the mixers and vibing to the music. Suot ng lalaki ay purple jacket na may white stripes sa gilid, black shirt, at may headphones na naka-sabit sa leeg niya. He looked so... babyface. Parang tweens palang yata siya. But he’s cute. Siguro kasing gandang lalaki niya ang mga Franco paglaki niya.

‘Yong buhok niya, kulay dark blue na parang anime character. Medyo magulo, pero hindi marumi— ‘yong tipong ginulo ng hangin habang tumutugtog ng beats. Gupit ng batang ayaw magpagupit pero malinis pa rin tignan.
Your caption goes here.
Dahil isa sa mga favorite ko ang pinatugtog niya, di ko na napigilang mapa-indak—pero ‘yong mga balikat ko lang ginalaw ko. Napangiti na rin ako ang lakas kasi maka-good vibes. Si Tam din sumabay sa ‘kin. Na-enjoy naming dalawa ‘yong music pero ‘yong mga classmates namin parang masyadong seryoso.

Ilang saglit pa, biglang namatay ang music at bumukas ang mga kulay puting ilaw na nagpaliwanag ulit sa buong silid.

Huminto na rin kami ni Tam. Anong nangyari?

“Okay that’s enough! We’re here to learn and not to have fun,” sabi ng isang babaeng classmate namin. Matangkad siya at parang pang boxer ang built niya. You can clearly tell that she wasn’t messing around. Siya ang nag-pull out ng plug sa extension cord kung saan nakasaksak ang mga speakers.

“Tama. Nasaan na ‘yong totoong instructor namin?” Boses naman ng isang lalaki sa likod kaya napalingon kami. Isa siya sa mga classmates namin at mukhang siya naman ang nagbukas ng mga ilaw.

“Sheesh! You guys are such a buzzkill. Sinabi ko na kanina ako ang instructor niyo. I’m Ezo.”

“Quit messing around, Kid,” sabi ulit ng lalaking classmate namin na nagbukas ng ilaw kanina. Lumapit siya kay Ezo, naka-cross arms pa. “Paano ka namin magiging instructor, e parang 11 years old ka pa lang?”

“I’m fourteen. And I’m really your instructor, no cap,” nakangiting sagot ni Ezo.

Nagkaroon ng mga bulungan sa pagitan ng mga classmates namin. Maging si Tam napatanong sa ‘kin. 

“Friend, ano sa tingin mo? Nagsasabi kaya ng totoo ‘yong bata?”

Halatang bata pa siya. No cap? Buzzkill? It’s my generation pero mas ginagamit ito ng mga mas bata kaysa sa ‘min.

Napatingin ako kay Ezo. Mukha naman siyang confident sa sinabi niya. Pero ‘yong ngiti niya kasi parang ang pilyo. I suddenly remembered someone who smirks like a bad boy. 

“Okay, I can feel that you guys are sus about me so…” Biglang naglabas ng Lux Gun si Ezo—isang handgun na gawa sa silver.

Lahat kami yumuko. Siyempre, may bata ba namang may hawak ng baril, baka kung sinong matamaan niya.

“Check this out,” kumpyansa na sabi pa ni Ezo. Naglabas din siya ng mga barya mula sa bulsa niya. Tapos ay inihagis niya ang mga ito sa ere nang sabay-sabay. Pinagbabaril niya ang mga barya. It was effortless for him. At parang may beats pa ‘yong pagpapa-putok niya ng baril.

When the coins fell down on the floor, some of us picked it up to check. I got one. It was chipped and deformed. Nakita ko rin ‘yong hawak na coins ng mga classmate ko na malapit sa ‘kin. Iyong iba bended, ‘yong iba naman wasak na.

Whoa! This kid Ezo just did that? Grabe sapul lahat ‘yong mga coins!

Hinipan ni Ezo ang dulo ng baril sabay sabing, “Oh ano? Slaps, right?”

“YES SIR!”

Napatayo niya kaming lahat nang tuwid. Lahat kami parang alam na ngayon na hindi siya nagbibiro. He may still be a kid but he really knows how to fire a gun. I’m excited to learn from him.

“No need to call me Sir. Tawagin niyo nalang akong Ezo or DJ Ezo para mas cool.”

“But, sir, at least allow us to call you, teacher or sensei,” sabi nung babaeng nagtanggal ng plugs kanina.

“Bahala kayo. Sige, kahit sensei na lang. That sounds cool. Pero dito lang sa training room.”

“YES SENSEI!” Sabay-sabay naming sagot.

Just like that, he earned our respect. But I’m still wondering how he became an instructor. Maaga ba niyang natapos ang mga lessons at training dito sa academy? I thought— as per Sir Bjorn’s lessons— nagma-manifest lang ang Aether kapag 18 years old ka na? He’s clearly Aether-blessed. Is this kid sort of gifted… like me?

“Okay, first lesson, how to properly hold a gun...” sabi ni Ezo habang pinapakita sa ‘min ang hawak niyang Lux Gun. “But before holding a gun, always remember three important things— One, finger off the trigger. Two, the muzzle should be pointed in a safe direction. And lastly, always assume that the gun is loaded.”

Whoa! He instantly switched from being a playful kid to a serious instructor. He definitely knows what he’s doing.

“Why do we need to assume it’s loaded? Sheesh! For safety reasons. Never point the gun at anything you don't intend to shoot, and you must be aware of your target and what’s beyond it. Now… take your guns out.”

Bago kami pumasok kanina, isang Angeal na nakabantay sa may pintuan ang nag-abot sa amin ng mga baril na may kasamang holster. We were also advised not to pull it out until our instructor told us to do so. Now is the time.

Ezo showed and taught us how to properly hold a gun. Dominant hand ang dapat nakahawak sa grip at hanggang sa taas para kontrolado ang recoil, fingers firm pero dapat relaxed pa rin. Yung support hand, naka-wrap sa labas, thumbs forward, wag magkapatong lalo na sa likod ng slide. Grip pressure daw, 60% sa support hand, 40% sa dominant. 

Pati stance may technique din: slight lean, bend elbows, steady breathing. Akala ko dati simple lang, pero nung naayos ko lahat ’yon, ang laki ng difference. Hindi siya action movie style, may disiplina, may control, at ang fulfilling matutunan ng tama.  Not to mention, may bigat pala ang totoong baril.

He also told us about the parts of the gun like the magazine release button that is located near the trigger guard, the trigger, the muzzle which is the point of the gun, the mags and its bullets, the safety switch, and the slider.

Ang sumunod na lesson ni Ezo ay ang pag-imbued ng Aether sa Lux Gun. Katulad lang ng turo sa akin ni Kuya Dante, using the power of intent. He also taught us how to use Aether to light up the muzzle of the gun to use it as a flashlight. Wala namang pumalya sa klase—lahat kami nagawang lagyan ng Aether ang mga baril namin kahit pa inabot ng kalahating oras ang iba. Buti na lang talaga naturuan na ako.

“Sheesh! Good job, people! Ya’ll slay,” bati ni Ezo sa amin. Pumalakpak pa siya. “Now let’s head to the firing lanes.”

Konting lakad lang nandoon na kami, sa kabilang kwarto lang kasi. Pero mas malawak dito, ‘yong kanina kasi parang pang briefing room lang. Ezo gave us a quick tour. Dito may malawak na space kung saan makikita ang mga target papers— usually may bilog o human silhouette, nakasabit sa parang moving line na pwede mong i-adjust kung gaano kalayo. Pero restricted ang area na ‘yon. Hanggang sa mga cubicles lang kami na may divider bawat isa, para may sariling space ang bawat shooter.

Sa likod ng lanes o loob ng cubicle, may counters kung saan mo pwedeng ilagay yung baril, extra ammo, at gear. Nandito din ang control panel para sa mga targets. Maraming safety signs na malalaki: “Keep finger off the trigger until ready to shoot” or “Always point your firearm downrange.” May mga Angeals din sa paligid ng mga cubicles na para bang nakabantay for safety.

“Now let’s start shooting. Simulan natin kay… Ms. Brea,” sabi ni Ezo.

I was in the middle of the crowd. Pero parang tubig na nahawi ang mga classmates ko para magbigay daan at lahat sila napalingon sa ‘kin.

Bakit ako ang napiling mauna? Random ba ‘yon o hindi? Bahala na. I’ll do my best.

Pumunta kami ni Ezo sa isa sa mga cubicle. Magkasing tangkad lang pala kami. Ibig sabihin pang 14 years old lang ‘yong height ko? Kaasar!

“Okay, Ms. Brea. Sundin mo lang ‘yong tinuro ko kung paano hahawakan ang baril, and make sure to imbued it with Aether,” paalala ni Ezo sa ‘kin tapos ay bumulong siya. “Sorry kung ikaw ang tinawag ko. Utos kasi ni Mo—I mean ni Dean Clea. Priority na matuto ka kaagad.”

Kaya naman pala ako ang tinawag niya. Anyway, if that’s the mission, I’ll do it. I’ll try to learn as fast as I can.

“Go, friend! You can do it!” Cheer ni Tam sa ‘kin. Nilingon ko siya habang nakangiti. 

Ang sweet talaga ng bestfriend ko. Even though she doesn’t like it when people look at her, she cheered for me. Pero kahit may cheer from Tam, kinakabahan pa rin ako.

Sinuot ni Ezo ang ear muffs sa tenga ko.

“Ms. Brea, bago ka bumaril, unload muna. Tanggalin ang mag,” utos ni Ezo.

Pinilit kong huwag ipahalata ang panginginig ng kamay ko. Kinuha ko 'yung magazine at dahan-dahan itong hinugot mula sa grip. Medyo sablay sa unang try, pero naitama rin.

“Good. Check if you have bullets? Pag wala, kuha ka ng ibang mag.”

Tumango ako. May bala naman—puro silver.

“Now reload,” sabi ulit ni Ezo habang binabantayan ako.

Isinaksak ko 'yung mag pabalik sa baril. Swabe naman ang pasok. Parang may satisfaction sa tunog na 'yon.

“Cock the slide,” sabi uli niya pero medyo di ko na-gets kaya napatingin ako sa kanya. Using his own gun he showed me what he meant. “Hilain mo ‘yong slider nang buo, then let it go. Huwag mong sabayan ang balik.”

Ginawa ko. Medyo effort, pero naramdaman ko 'yung resistance at 'yung release. Tumunog ang baril sa pagbalik ng slide. Mas kinabahan ako. Alam ko kasing loaded na ang baril.

“Loaded ka na. Safety off,” utos uli ni Ezo. “On your position…”

Huminga ako nang malalim at tumayo sa posisyon na tinuro niya kanina. Medyo bukaka, ‘yong tuhod bahagyang naka-bend, parehong kamay sa grip.

“Point it on the target.” Tinuro ni Ezo ang target na silhouette ng tao na nasa harap ko. Medyo malayo ito pero parang pang beginner distance lang.

“Don’t overthink. Just breathe, align your sights, then squeeze on the trigger, don’t pull it.”

Tumango ako. Tinapat ko ang baril sa target— front sight, rear sight, and target lang ang focus ng paningin ko. Huminga ako nang marahan. 

Okay, Shana. Parang games lang ‘to. Point and shoot. Kaya ko ‘to!

I squeezed on the trigger. It was followed by the sound of a gunshot—parang pinagbanggang bricks na amplified. Kahit may earmuffs narinig ko.  Pero nagulat ako sa recoil— hindi ko expect na ganon kalakas kaya bahagyang umangat ang baril nang iputok ko at napapikit pa ko saglit.

Tinignan ko ‘yong target. Di ko tinamaan. May mga classmate akong nagtawanan sa likod.

Shoot! I failed on my first try. Pero sabi nga ni Papa, hard work makes perfect. I won’t give up.

“Try again, Ms. Brea. Kaya mo po ‘yan,” sabi ni Ezo.

Then a woman’s voice echoed in the whole room. “Use your Aether.”

Pamilyar sa ‘kin ang boses kaya lumabas ako ng cubicle nang konte at sinilip kung sino iyon. And it was the elder council woman again. Iyong matandang babae na fanatic ng prophecy. 

“Councilwoman, Hilda Rodriguez. Bakit po kayo nandito?” tanong ni Ezo.

“Napadaan lang. Don’t mind me. I’m just here to observe.”

Pagkasabi niya ng salitang “observe” ‘yung mga mata niya nakatitig sa ‘kin. She was here to check on me… again. Mas kinabahan tuloy ako.

“Try mo na ulit, Ms. Brea,” sabi ni Ezo sa ‘kin.

I went back to my shooting position. But this time, it felt different, it’s like I didn’t want to fail again. At first, I thought it was because of the council woman or for some of my classmates who laughed at me. Then I realized, I’m here to learn so I can protect the people I love.

Huminga ako nang malalim. I focused on the gun and the target. My intention was clear— imbued the gun with Aether and hit the bullseye.

Bumaril ako. Pero may kakaibang nangyari…

From the muzzle to the bullet’s path, a golden-white light flared. And I saw it—the shot should have missed again. But it didn’t. It was somehow guided by the Aether.

Narinig ko ang pagkamangha ng mga kaklase ko. Lumapit naman sa ‘kin si Ezo at pinindot niya ang button sa control panel. Automatic na lumapit sa harap ko ang target. Doon ay nakita namin--

Bullseye!

Nagpalakpakan ang lahat. Lumapit sa ‘kin si Tam pati na rin ang mga classmates namin.

“Friend ang galing mo! Paano mo nagawa ‘yon?” tanong ni Tam. Pati ‘yong ibang mga classmates namin nagtanong din…

“Oo nga, paano ‘yon?”

“Ang astig mo, Shana. Turuan mo kami.”

“Kaya nga ang galing mo. Paturo please.”

“Class, listen up!” Biglang sabi ni Ezo. Lahat kami humarap sa kanya at nakinig. “Ms. Brea here is an extra Aether-blessed. That’s why she can use Aether to guide its bullets. Pero wag kayong panghinaan ng loob. Dahil kahit walang extra Aether ay kakayanin niyo rin na tamaan ang mga targets. Practice lang.”

“YES SENSEI!”

“Awesome! You may all now take your positions and start shooting.”

Nagkulasan na ang mga kaklase ko at kanya-kanya na silang pwesto sa mga cubicle. Ako naman, bago bumalik sa cubicle, napatingin ako kay Councilwoman Hilda. She looked at me with a smile. Kinilabutan ako. Hindi naman sa nanghuhusga ako pero ‘yong ngiti niya kasi parang may masamang balak.

Ilang saglit pa, may dalawang babae na classmates ko ang lumapit sa ‘kin.

“So extra aether-blessed ka pala. Have you summoned your Arma Lux?” tanong sa ‘kin ng isa.

Umiling ako. “H-Hindi pa.”

“You better try to do so soon. May rankings kasi ang mga extra aether-blessed students dito sa academy. And our current top 1 is so competitive,” sabi uli ng babae.

“Xiaoyan will definitely challenge you. Sigurado ‘yon pagbalik niya. Di ka niya titigilan hangga’t di niya napapakita sa lahat na mas malakas siya sa ‘yo,” dagdag ng isa pang babae. “And you can’t decline her. She won’t stop until you agree to fight her.”

Hindi na ko naka-sagot dahil umalis na sila. Napalunok ako. Pati mga buhok ko sa braso tumayo.

Great. As if the prophecy lady and demons weren’t enough, now I have a student rival too?

Sino naman kaya ‘yong Xiaoyan na ‘yon? If she just want to be always number one, papaubaya ko na sa kanya. I don’t want the spotlight. I don’t want to fight her. Pero bakit may pakiramdam ako na pagbalik niya magiging magulo ang buhay ko dito?
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly