DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 19: A Confession

☆

7/17/2025

Comments

 

Grimrose Academy

I DEDICATED the whole day yesterday to summon my Arma Lux. Kaso epic fail— wala talaga. Hindi pa siguro oras. I won’t give up tho. Siguro kailangan lang na mas maging handa ang katawan at isip ko. So focus muna sa kung anong pwede kong magawa. 

Medyo may alam na ko sa self defense dahil ‘yon ang focus ng mga lessons last week. Nakakagulat nga kasi parang ang bilis ko matutunan. I think it was my Aether that helped me somehow. Hindi ko sinasabing expert na ko pero tingin ko kaya ko ng protektahan ang sarili ko kahit papaano.

Ngayong araw, nandito kami sa training room, to be specific— sa firing range section. Kasama ko si Tam at ang iba pang mga students ng academy. Most of them are Aether-blessed pero may ilan na kagaya ni Tam na mga White Witches.

“Friend, bakit kaya wala pa ‘yong instructor natin?” tanong ni Tam sa ‘kin.

I shrugged. I looked around and noticed that our classmates were whispering about it too.

“Magkakaroon daw ng bagong instructor. Baka late ‘yong bago,” sabi ng isang babaeng student na malapit sa ‘min ni Tam.

Nasaan nga kaya ‘yong magtuturo sa ‘min? And what happened to the old one?

“Friend… Miss ko na si Ash. Kailan daw ba sila babalik?” malungkot na tanong ni Tam.

Legit, mukha nga talaga siyang nangungulila kay Ash kahit hindi pa sila magkakilala. Speaking of the Franco brothers. It’s been almost two weeks since they were sent to a mission. Should I send a message to Zed to check on him? Binigay niya ‘yong number niya  sa ‘kin bago sila umalis. Haays nakakakilig kapag naaalala ko kung paano nangyari…




Almost two weeks ago…

I CAN’T believe na naalala ni Zed ‘yong sinabi ko sa library na pwede kaming mag lunch o dinner nang sabay. Pagkatapos ng class namin kanina kay sir Bjorn, nandoon siya sa labas ng classroom nakaabang sa ‘kin. He reminded me about my suggestion and he even formally asked to have dinner with me. Such a gentleman.

Nagbihis lang ako saglit sa dorm room, tapos ay dumiretso na ko sa lounge room na sinabi ni Zed kung saan kami magkikita. Bakit kaya dito kami magkikita at hindi sa mess hall? May pagkain ba dito?

Bago kumatok sa pinto, fit check muna. Sinuklay ko ng kamay ko ang buhok ko. Sayang wala akong nadalang dress—red t-shirt at blue jeans lang tuloy ang suot ko. Tapos ‘yong logo pa ng damit ko na controller ng game console parang pinagsisigawan na geek ako. Di ko naman kasi alam na kakailanganin ko pala ng magandang damit. And this is my usual outfit. Anyway, who am I kidding? I have to be real and this is me.

Pagpasok ko, tumambad sa ‘kin ang isang square table sa gitna ng room. Naka-ayos ito na parang pang fine dining. May white linen cover, candle lights sa gitna, may wine glass, cutleries, a water pitcher made of glass, at may food na rin pero di ko pa alam kung ano dahil covered ng cloche.

May dalawang chair na magkatapat sa pagitan ng table. At sa bandang kanan, naroon si Zed. He’s wearing a black suit over a white t-shirt—semi formal ang dating niya dahil sa suot niyang denim pants. Tapos bitbit niya pa ang pusa niyang si Vv. Gwapo and cuteness overload talaga. Pero ano ‘to? Akala ko sabay lang kami kakain. Bakit parang… my gosh—date ba ‘to?

“Good evening, Shana. Please have a seat,” paanyaya niya sa ‘kin. Ibinaba niya si Vv, at hinila niya ang upuan kung saan niya ko pinapaupo.

Parang ang init ng mukha ko. Iyong dibdib ko parang sasabog. Di ako makatingin sa kanya nang matagal kasi kailangan kong pigilan ‘yong ngiti ko na parang gustong tumili o makiliti.

“T-Thank you,” nahiya kong sagot. 

Pati pag-upo ko inasikaso niya ko. Totoo ba ‘to? Anong meron? Ang isang kagaya ko makakaranas ng ganito? This isn’t even on my bucket list but this feeling… sobrang nakakakilig.

I took a deep breath. Dapat kahit kinikilig ako, maayos pa rin ako sa harap niya. I have to suppress these feelings.

“Sorry, Shana. Am I making you uncomfortable?”

I immediately tried to look normal. Naalala ko na naaamoy niya nga pala ang feelings ko. 

“H-Hindi naman. Di lang ako sanay sa ganito. I–I mean first time ko sa ganito.”

Yep! Never been on a date or something like this. Ni-hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend ever. Crush-crush lang.

“But um… why are we here? I mean, ano ‘to?” tanong ko. “Is this a…”

“It’s a date!” Bigla niyang sabi. 

And as soon as he said that—para bang bumagal ang oras sa paligid. Napatingin ako sa mukha niya. And in my head, para bang saglit akong na-transport sa isang K-Drama scene with matching song pa, ‘Love Maybe’ by MeloMance.

Ngumiti siya. Sa isip ko, parang dahan-dahan pa nga. Tapos hinangin pa nang konte ‘yong buhok niya. Iyong buong paligid para bang nawala, nakatitig lang ako sa mukha niya.

“D-Date? Date ‘to? B-Bakit?” Nahiya kong tanong. Kinakabahan ako pero gusto ko pa rin marinig kung bakit nga ba niya ko dini-date ngayon. At syempre… bakit ako?

“I need to confess something to you, Shana,” sabi niya.

Napalunok na lang ako at naghintay. But I had to place my hand in my chest dahil parang gusto ng lumabas ng puso ko.

“Remember when you asked me why I closed the window blinds the first time I saw you?”

I don’t think I will forget about that soon. Hindi ‘yong pagsara niya ng blinds sa ‘kin, kundi ‘yong first time na tinanong ko sa kanya ang tungkol doon. He lost control back then. But I already forgave and trusted him now.

Tumango lang ako at naghintay.

“I told you that I almost lost control. I wanted to attack you… to consume you. It was a mystery. Even now, we still don’t know why. My father won’t tell us. But don’t worry. You’re safe with me. I swear, I’ll never try to hurt you again.”

Umiling ako at nginitian siya. “Ano ka ba? Wala na ‘yon. We’ve already talked about it.”

He shook his head while his eyes were closed. Then he let out a long exhale.

“There’s more, Shana. Ang totoo kasi… kilala ka na namin a week before you saw us at Rose U.”

“W-What do you mean?” kunot-noo kong tanong. 

“The moment you and your family walked into Grimrose City, something came over me and my siblings. It was an unexplained, sudden thirst. We could feel you. Almost... took you to consume you. If my father hadn’t stopped us, and taught us how to control it, we probably would’ve.”

Napalunok ako. Grabe! So muntik pala nila akong atakihin paglipat namin dito sa city? Wala kaming kaalam-alam na may ganon pala. Buti na lang napigilan sila ni Sir Azrael.

“Dad reminded us who we really are and that we’re here to protect humanity. It was enough to calm us down. But the thirst did not stop there. He said we have to figure it out on our own,” he continued.

“So… Paano niyo nagawang pigilan?”

“Magkaka-iba kami ng naging paraan. Pero una, pinanood ka namin mula sa malayo. Pagkatapos ng ilang oras, si Ate Kat ang naunang umalis at nagawang alisin ang pagkauhaw sa ‘yo. She didn’t share how she did it. Sunod ay si kuya Ash. Pero hindi siya umalis at binantayan kami ni Nix dahil kami ang pinaka-nahirapan.”

Aba naman. Minsan pala nagpapaka-kuya si Ash. Naku matutuwa si Tam kapag kinwento ko sa kanya ‘to.

“Ang sabi ni kuya subukan daw naming isipin na di ka masarap,” dagdag ni Zed.

Muntik akong malaglag sa upuan. Pambihira! Iyong mga salita talaga ng lalaking ‘yon.

“So… you did it? Inisip mo na di ako masarap?” I said with arms crossed. “FYI masarap kaya ako.”

Hindi siya nagsalita at parang natulala lang sa sinabi ko. There was a long silence between us. That’s when I realized…

“Wait, what?” sabi ko pa.

Para bang bigla akong natauhan. What the heck am I saying? Masarap ako? Teka that came out wrong. Shoot! Double meaning. Ngayon ko lang na-realize.

“Shana? What do you mean?”

“W-Wala, wala!”

Sobrang nag-init ang mukha ko. Parang gusto ko ng umalis at tumakbo. Pero syempre mas nakakahiya ‘yon. I have to change the topic or something.

“I mean, what about Nix? Anong ginawa niya?” tanong ko na lang. 

“Nix moved out. Di ko alam kung saan siya pumunta no’ng gabing ‘yon. He probably did control his thirst. Ako talaga ang pinaka-nahirapan,” patuloy pa ni Zed.

Napalunok ako. I still have to know how he did it. And wag sana ‘yong suggestion ni Ash.

“E ikaw? Paano mo nakontrol?” 

“That’s what I wanted to tell you…” 

He slowly reached for my hand. Parang may kung anong kuryente na gumapang mula sa kamay niya papunta sa kamay at braso ko. It wasn’t a stinging sensation, rather something that tickles. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at para bang di ako makagalaw. When I looked at him… He was staring at me with a smile on his face.

“But first I wanted to apologize.” Naging seryoso ang ekspresyon niya. “We don’t mean to watch you from afar without your permission. For that I’m really sorry. Please understand that we had to do it— to protect you from us.”

Kung iisipin medyo creepy naman talaga na malaman na may mga lihim pa lang nanonood sa ‘kin. Pero na-gets ko naman kung bakit gano’n ang ginawa nila. It’s just that… pinapakilig talaga ako nito ni Zed! Sobrang gentleman niya kasi. He apologized for it even though it wasn’t needed.

Tumango ako. “Okay lang. Naiintindihan ko. And thank you dahil ginawa niyo ang lahat.”

“Salamat, Shana,” nakangiti niyang sabi.

“So um… what do you want to tell me?” Napasulyap ako sa kamay ko na hawak niya. Tapos ay tumingin ako ulit sa mga mata niya. Mas nagiging kumportable na talaga ako. Mas nakikilala ko na kasi kung anong klaseng tao siya sa likod ng maamo niyang mukha.

“Habang pinapanood kita mula sa malayo, nakita ko kung anong klaseng tao ka— masayahin, matulungin, at mapagmahal sa pamilya. Halos one week din kitang pinanood. I don’t mean to sound like a stalker, but watching you made me feel happy and more.”

“What do you mean… more?” I whispered. Pero deep inside excited ako sa sasabihin niya.

"I wasn’t sure what it was back then, until we had to move out for a mission. Since then, I haven’t been able to get you out of my mind. And then, I suddenly saw you at Rose U. I was excited… but the thirst came back. That’s why I had to close the blinds.”

Tahimik lang ako at naghintay pa sa mga sasabihin niya.

“After that, came our incident in the woods. I had almost made up my mind to stay away from you because I didn’t want you to get hurt because of me. But then, I realized something… and the moment I admitted it to myself, the thirst disappeared. There's something more I feel for you, and the more I talk to you, the more certain I become. What I wanted to say is…”

Para bang humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. It was firm but gentle. It’s like he wanted me to feel what he’s feeling right now.

Huminga siya nang malalim. And after a few seconds… He finally let the words fly.

“Shana… gusto kita.”

Napasinghap ako buti silent lang. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Iyong bibig ko napaawang. Iyong mga buhok ko sa braso tumayo. Iyong puso ko ang lakas ng kabog na parang gusto ng lumabas. His words made my stomach flutter. His eyes petrified my body. His touch made me feel like I was floating in the air.

Noong una naga-gwapuhan lang talaga ako sa kanya. Pero na-realized ko na kahit nawalan siya ng kontrol noon, napakita niya na mabuti siyang tao. Plus gentleman pa. Hindi ko na din dapat ikaila. Hindi rin ito ang oras para kainin ng hiya. I have to tell him too.

“Zed… I uh… I…” 

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Tinamaan na naman ako ng hiya habang nilalamon ng kilig. Pero hindi dapat. Deep breath, Shana. Kaya mo ‘yan…

Tumingin uli ako sa kanya. Nagawa ko. 

“Zed gusto din kita!”

Umiwas ako ulit ng tingin. Kinailangan ko pang pigain ng dalawang kamay ko ang dulo ng t-shirt ko para may paglagyan ang tila sasabog ko ng damdamin. Gosh! First time ko ‘to. Ganito pala ang feeling—parang di mapakali.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. So what’s next? If we like each other what does that mean? 

Sinulyapan ko siya. Nakangiti rin siya pero di rin makatingin sa ‘kin. Bahagyang namumula pa ‘yong mga pisngi niya.

“S-Sorry, Shana. First time ko kasing mag confess.”

“F-First time ko din, Zed. I uh… I…”

Shoot! I can’t find the words to say. Should I ask him? Are we officially dating? Di ba dapat liligawan niya muna ako? 


Biglang kumalam ang tiyan ko at dahil parehas kaming tahimik… dinig na dinig tuloy.

Natawa si Zed nang konti. Nakakahiya tuloy.

“Uy hindi ako ‘yon ah! S-Si Vv ‘yon. Di ba ikaw ‘yon, Vv?”

Meow!

“Hindi daw siya, Shana,” natatawang sabi ni Zed. Pero di naman sobra na parang halakhak. May poise pa rin kaya pogi pa rin at di mapang-asar. “Mabuti pa kumain muna tayo. Gutom na ko, e. Tiyan ko yata ‘yong tumunog.”

Luh? Inako niya pati ‘yong pagkalam ng tiyan ko. This guy… sobra magpakilig!

“S-Sige. Gutom na din ako.”

And so we had dinner together. We had steak with mashed potato. Pero habang kumakain kami, nagawa naming magtanong ng mga bagay-bagay tungkol sa isa’t isa. I found out that black is his favorite color, he’s in a band as a guitarist, he loves rock music, his favorite food is meat (obviously as a half Lycan), and many more. He also said he likes being alone most of the time but being with me is an exemption. Kilig!

We were having a great night until Ash arrived. May mission daw sila sa malayo at kailangan nilang mawala ng ilang weeks. Kaya ang ending, we had to call it a night. Binilin ni Zed sa ‘kin si Vv at binigay niya sa ‘kin ang number niya. Nagpaalam din kami sa isa’t isa at sinabi niyang itutuloy namin ang usapan pagbalik nila. 




Back to present time


GOING BACK to Zed’s number, hindi ko pa siya nagagawang kontakin. Bukod sa busy ako, sa tuwing naiisip ko kasi siya, gusto kong itanong kung ano na ang label namin or next step pagkatapos namin mag confess sa isa’t isa. And I think this wasn’t the right time since they are on a mission. But I can’t deny it— I… I miss him.

“Uy friend, natulala ka na diyan,” sabi ni Tam.

Shoot! Nag-daydream pala ako.

“Ay sorry, friend. Hindi ko alam kung kailan sila babalik, eh. Pero baka mamaya ime-message ko si Zed.”

Tama. I should let him know na okay lang si Vv. And maybe… mapag-usapan namin ang tungkol sa ‘min kung hindi siya busy.

Ilang saglit pa… biglang namatay ang mga ilaw. As in nagdilim ang buong paligid. May mga biglang napasinghap, napatili, at may sumigaw pa ng, “Ay bakit brownout!”

Tapos ay nabalot ang paligid ng musika. Intro pa lang pamilyar na sa ‘kin kung ano ‘yong music. Sikat na sikat kasi ito—Soda Pop by Saja Boys.

Then it was followed by a young male voice from a microphone.

“Are you ready to learn, boys and girls? Your instructor… DJ Ezo in the house!”

What the—? Instructor? DJ? With entrance music? Exciting! Pero seryoso ba ‘to?
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly