DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 18: Arma Lux

☆

7/15/2025

Comments

 

Grimrose Academy

TWO WEEKS have passed since I enrolled in this academy. Looking back, di ako makapaniwala na naka-survive ako. Akalain mo 'yun—a Demon tried to kill me, I met four extraordinary siblings, and met more supernaturals. Then I suddenly became sort of the-talk-of-the-town here because of my unknown power. And I have met probably the most powerful creature in the city. And here I am… still breathing.

For the last two weeks, ang lecture ni sir Bjorn ay mostly tungkol sa Aelythia, Dreadhell, at mga Grimborns. Buti na lang nabasa ko ‘yon sa libro na pinahiram ni Tam. Even those things that were mentioned to me by sir Azrael were discussed. Mas elaborate nga lang ‘yong sa klase. Unlimited questions pa ko.

Meron din kaming mga combat trainings, and self-defense lectures sa ibang mga teachers. Pero doon, si Tam lang ang kasama ko. Marunong na kasi makipaglaban si Eli, at si Lucia. Speaking of the Lycan, Luc na ang tawag ko sa kanya. We became friends. There was a time kasi na makati ‘yong likod niya at di niya maabot— pinakamot niya sa ‘kin. Para siyang aso na gustong gusto ‘yong ginawa ko kaya ang ending…nagkasundo kami. Kapag combat training time, si Ate Kat ang nagte-train sa kanilang dalawa.

Ngayon naman, pinapunta ako ni Dean Clea sa dueling room. It has something to do with a special training for those who wield strong Aether. Apparently, the council has decided to nurture my gift since they were told that I was just extra-Aether-blessed.

Pagpasok ko—parang nanliit ako. Lalo nang pagpunta ko sa gitna. Para kasi itong malawak na arena.

“Whoa! May ganito pala dito.” 

Ang taas ng ceiling parang pang cathedral. Pero ang theme ng room ay modern. Halos parehas ang feels dito at sa training rooms—very modern. As I looked around, napansin ko ang mga walls ay reinforced. Parang ginawa talaga to withstand strong powers or explosions. Tapos ‘yong sahig covered ng black dojo mats. You can tell na gamit na gamit na siya dahil sa mga marks ng burn, slash, at kung ano pa. Pero malinis naman at maintained.

Around the arena were elevated stone bleachers, there were seats enough for maybe a hundred people. It’s like it was designed for tournaments or live duels. The whole room is painted in white and highlighted with gold. There are also murals and statues of Aelythians.

Shoot! Am I here to fight someone? No way! I’m not ready for that.

“Hi Shana! Sorry I’m late.”

Paglingon ko— si Kuya Dante pala. “Hi Kuya!”

Kinawayan ko siya. Pero agad nawala ang ngiti ko dahil seryoso ang mukha niya at parang nagmamadali pa.

“Okay, Shana. Nandito ka ngayon para malaman mo kung paano gagamitin ang Aether,” sabi ni Kuya Dante. Tuwid ang tayo niya sa harap ko at ang mga kamay ay nakatago sa likod. Para siyang general. “Think of this as an advanced lesson. Keep in mind that the Evocators still want you for some reason.”

Start na agad? Wala akong ibang kasama sa training na ‘to? Well, no choice. Game face on. Kakamustahin ko sana si Kuya pero parang ayaw niya mag-aksaya ng oras. Bakit kaya? 

Nagpatuloy si Kuya Dante. “Bilang isang normal na Aether-blessed, ang paraan para magamit ang Aether ay ang paggamit ng mga armas o sandata na gawa sa silver. At bakit silver?”

He paused. Napagtanto ko na gusto niyang sagutin ko ‘yon.

“Because silver is the only conductor of Aether,” sagot ko naman. Something I’ve learned from Sir Bjorn’s lessons.

“Tama. Kayang patigasin ng Aether ang silver—making it indestructible and powerful enough to penetrate even Demon’s skin.”

That’s right. According to the lessons here in the academy, ang mga Grimborns specifically vampires, and werewolves have heightened strength, speed, senses, and even durability. Demons have even more. While us Aether-blessed are still humans and can only improve up to our body’s capability unless your Aether is stronger than normal. Therefore, using Aether through silver is our only way to balance the power scale.

Naglabas si Kuya Dante ng isang combat dagger na double edge, kulay silver pati ang hawakan at guard, and it was about 12 inches long.

“This is the Aether Blade. Without Aether this is just a normal dagger made of silver. But if you infuse Aether into it…”

Biglang nagliwanag nang konti ang Aether Blade. It was a flicker of white and gold light. Then it returned to just a silver dagger. But I can feel that it is now somehow imbued with Aether.

“Ang angas! Kuya Dante, bakit sa mga books na nakita ko, ang gamit ng mga sinaunang Angeals ay swords tapos parang lagi pa itong nagliliwanag? Parang mas cool kapag ganon—parang lightsaber ng Star Wars.”

Ngumisi si Kuya Dante. “Ganito ba?”

The Aether Blade glowed again. And this time it remained. It gave an extra light to our surroundings.

“Kaya gano’n ang mga nasa libro dahil noong unang panahon wala pang ilaw at mas madilim ang mga paligid. Nagsilbing ilaw ng mga ancestors natin ang liwanag ng Aether. Ngayon naman, kaya tinatago ang ilaw at mas maliit na ang sandata natin, ay para madali itong madala sa labas. Remember, part of our mission is to keep all things supernatural a secret.”

Yes, I remember that. According to Sir Bjorn, the Angeals have a dedicated team composed of Tech Guys, Police, and White Witches. All of them are Aether-blessed. Ang mga tech guys ang nagbubura ng mga videos or pictures sa internet, ang mga Police naman ang bahala sa mga kaso na di maipapaliwanag ng normal na tao. White Witches have the ability to erase the memories of ordinary people when they witness supernatural events. Kaya hanggang ngayon sikreto ang lahat.

Muling nawala ang liwanag sa Aether Blade tapos ay iniabot ito sa ‘kin ni Kuya Dante.

“Here, try it.”

Kinuha ko ang Aether Blade at tinignan ito. “Paano, kuya?”

“Aether can be shaped or used through the wielder’s intention. In other words, the power of intent. Focus on the blade. Aim for it to be imbued with Aether.”

So… kailangan kong gustuhin? Okay… Here goes nothing.


Huminga ako nang malalim. Hinigpitan ko ang tingin at hawak sa Aether Blade.

“Make it your purpose, Shana. Utusan mo ang katawan mo… ang Aether sa loob mo,” sabi ni Kuya Dante, umatras siya nang bahagya.

Ilang saglit pa…

The blade emitted a sudden hum with a flickering gold and white light that lasted for at least two seconds.

“I did it!” Natuwa kong sabi. “Yes!”

“Well done, Shana.”

And I can feel it too. This blade is now imbued with Aether.

“Ngayon naman pailawin mo ang blade nang mas matagal,” utos ni Kuya Dante. “Try to imagine that everything is dark. You need light. You want it. Your goal is to bring it.”

Pumikit ako. Inisip ko na sobrang dilim ng paligid at wala akong makita. Ginusto ko na magka-ilaw… walang iba kundi iyon.

Sa loob ng ilang segundo…

Naaninag ko kahit nakapikit ang kulay puti at gintong liwanag. Pagmulat ko, umiilaw na ang Aether Blade. Parang kasing lakas pa nga ng headlight ng sasakyan.

“Nice! Ang lakas talaga ng Aether mo. Sobra-sobra ang liwanag na nagawa mo,” sabi ni Kuya Dante. He raised his hand to shield his eyes from the blade’s glow.

Nang makita ko siyang nasisilaw sa liwanag na gawa ko, inisip ko agad na mawala ito at iyon naman ang nangyari.

I think… I’m getting the hang of it… the power of intention.

“Good job, Shana. Pero basic pa lang ‘yan. Kailangan mo pa rin magsanay kung paano makipaglaban gamit ang blade. Gano’n din ang sa Lux Gun. Pero tuturuan ka ng mga teachers at trainers dito sa academy para do’n. Ngayon, may rason kung bakit ka talaga nandito…”

Hiningi ni Kuya Dante ang Aether Blade kaya’t iniabot ko naman ito. Napalunok ako at naghintay pa sa sasabihin niya.

“Bilang isang Aether-blessed na may malakas na Aether, meron tayong kakaibang kakayahan. Let me show you…”

Bahagyang iniangat ni kuya Dante ang kanan braso’t kamay niya. In an instant, a golden white light burst from his palm, his right hand transformed. As in legit parang nawala ‘yong kamay niya and it was replaced by something else. A massive gatling gun made of pure golden light appeared. The barrel spun slowly na parang naghihintay na gamitin.

G-Gatling gun? Iyong ginintuang ilaw pumorma ng gano’n? H-How? Ang astig! Nagmukhang game character si Kuya.

Halos ma-stuck naman ang panga ko dahil sa pagkamangha. Dilat na dilat din ang mga mata ko. Pati mga buhok ko sa braso tumindig.

“This is an Arma Lux. Only those with strong Aether can produce and wield it. At kapag kaya mong magpalabas nito, kaya mo din bigyan ng upgrade ang strength, speed, at durability mo. Makakaya mong makipagsabayan sa mga Grimborns.”

“Wow! Ang angas, kuya!” namangha kong sabi.  “I want to do it too. Paano?”

“Same principle. Use the power of your intention. Clear your mind from doubts and fears. You have to want it so bad.”

“Kahit anong weapons, kuya?”

“Hindi exactly kahit ano... Medyo iba kasi ang Arma Lux. Bukod sa intention, I think kailangan ‘yong weapon na ilalabas mo ay alam mong gamitin. Mas mapapalakas kasi ang intensyon mo kapag gano’n. Sa madaling salita, mas malakas ang intensyon mas mataas ang success rate na makakagawa ka ng sandata gamit ang Aether.”

“So… kung mag aaral ako at magsasanay na gumamit ng iba’t-ibang weapon, makakagawa din ako no’n? Example: sword, shield, spear, etcetera—sky is the limit? Kahit ilan? Parang ‘yong superhero na may green ring?”

Nasabi ko ‘yon dahil naalala ko si Ate Kat na kayang gumawa ng mga sandata na gawa sa ice gaya ng spear, sword, at may nakapagsabi sa ’kin na kahit ano daw kaya niyang gawin. And yes, as a geek who reads comics— I thought about a certain superhero who creates anything using his green ring.

Umiling si kuya Dante. “Hindi. Isa lang ang pwede. At kapag naiporma mo na ang Aether mo into Arma Lux, iyon na ang final form nito.”

Ay! Sayang. Di pala.

“Ganon? E kuya ba’t sa dinami-dami ng weapon na pwede mong palabasin— bakit gatling gun? I mean maangas naman pero kung di ako nagkakamali parang masyadong maingay, magulo, at hindi asintado ‘yan.”

Naglaho sa braso ni kuya ang Arma Lux na Gattling Gun niya. Napakamot siya sa batok at natawa nang konti. “Tama ka diyan, Shana. Kaso hindi ko rin alam. Kaya kadalasan ang gamit ko ay Lux Gun at Aether Blade, na may kasamang ability enhancement. Marami naman akong baril na alam gamitin. Pero siguro dahil sa intensyon ko na puksain ang pwersa ng kadiliman kahit gaano pa sila karami— kaya ganito ang naging porma ng Arma Lux ko.”

“So, kuya, kahit gustuhin ko at isipin ko nang mabuti… at kunwari kahit pa marunong ako gumamit ng sword—posible na hindi mag-pormang sword ang Arma Lux ko?” tanong ko.

“Tama. Posible nga ‘yon. Medyo misteryoso ang Arma Lux. Aksidente nga lang itong nadiskubre noong unang panahon. Kaya kahit marami kang sandata na kayang gamitin, mismong Aether mo pa rin ang maghahanap ng totoo mong intensyon at poporma sa sarili nito.”

Napatingin ako sa mga kamay ko. Parang may kuryente sa loob ng dibdib ko. Sir Azrael said that I have the Aether. Now that I know how to unlock it… Gusto kong subukan. Gusto kong makita.

“Go ahead, Shana. Try to summon your Arma Lux.”

Huminga ako nang malalim. Ano kayang weapon ang ifo-focus ko?

Pumikit ako. Siguro… sword na lang. Parang lightsaber.

Ipinorma ko ang dalawang kamay ko na parang hawak ang isang sword. I figured that I have to imagine it. Then I have to want it so bad…

Sword…

Sword…

And…

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. 

Wala… Walang nangyari.

“Kuya ba’t wala? Nag-focus naman ako. I intended to have a sword.”

“Hindi ‘yon gano’n kadali, Shana. Practice ka lang. Makukuha mo rin kung paano. Hindi man ngayon, baka bukas o sa mga susunod na araw,” sagot ni Kuya Dante.

Biglang tumunog ang phone niya kaya’t kinuha niya ito mula sa bulsa at tinignan. Mukhang may nag-send ng message sa kanya.

“Sorry, Shana. I have to go. Malapit na kasi naming malaman kung sino ang salarin sa nangyaring pagpaslang dito sa Academy two weeks ago.” 

“S-Sige kuya.”

I almost forgot about that dahil sa sobrang busy ko. Bukod kasi sa class dito sa academy may mga online classes pa ko sa university. Sino nga kaya ang gumawa no’n at bakit? Baka ‘yon ang dahilan kung bakit nagmamadali si Kuya Dante.

“For now, continue practicing and attend your classes. Mapapalabas mo rin ang Arma Lux mo,” sabi ni Kuya Dante. Nagbadya siyang aalis pero bigla siyang huminto at lumingon sa ‘kin. “Nga pala. Si Tito Al, ang papa mo— ang Arma Lux niya ay sword. Hindi ko sigurado pero baka iyon ang rason kung bakit mo naisip na magpalabas ng sword. Subukan mo lang at wag mong tigilan. Baka magawa mo rin.”

I looked at him with pure determination and slowly nodded my head.

Ang totoo, lightsaber talaga ang nasa isip ko kaya sword ang gusto ko. Pero dahil sa sinabi ni Kuya Dante tungkol kay Papa, parang mas naging determinado ako na sword din ang magiging Arma Lux ko.

Tuluyang umalis si Kuya Dante at naiwan akong mag-isa. Mas maigi ‘to para makapag concentrate ako. Okay… Let’s do it, Aether.







ISANG ORAS ang lumipas, kahit anong gawin ko, at kahit ginusto ko na magkaroon ng sword—kulang na nga lang imaginin ko na pakakasalan ko ‘yong sword— hindi pa rin lumabas ang Arma Lux ko. Not even a spark.

Napaupo ako sa mat. Nakakapagod din pala. Bakit kaya ayaw lumabas? Hindi kaya dahil hindi sword ang para sa ‘kin? Come to think of it… kapag sword, malapitan ang labanan. Which means, malapit sa ‘kin ang mga Demons, at bad Grimborns.

The thought sent shivers down my spine.

I don’t think I’m ready for that. Pero ang cool kasi kapag sword at parehas kay Papa. Maybe I need to learn how to use a sword first? But how? Can I really learn how to use a sword? Shoot! I have so many doubts. Kaya siguro ayaw lumabas ng Arma Lux ko.

Wait… What if…

May bigla akong naalala kaya tumayo ako. Tapos ay pumikit ako. I took a deep breath and slowly raised my hand to shoulder level in front of me.

Then I felt something after a few seconds… parang kuryente na gumagapang sa braso ko papunta sa kamay ko. Dumilat ako nang konti. That’s where I saw it— a spark of white light.

But… that was it.

Tinignan ko ang palad ko. Iyon ba ang simula? Ibig sabihin ba no’n ‘yong inisip ko ang Arma Lux ko at hindi sword?

Biglang may pumalakpak sa di kalayuan. Paglingon ko—iyong matandang babae pala na council member. Iyong elder na prophecy fanatic.

“Magaling! Napakahusay!” Nakangiti niyang sabi habang palapit sa ‘kin.

Yumuko ako nang konti at bumati. “Ay hello po! Nandiyan po pala kayo.”

Mahusay daw? Spark nga lang nagawa ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang iniangat ito. “Alam ko… Nararamdaman ko… Ito ang paniniwala ko. Hindi ka lang basta Aether-blessed— ikaw ang propesiya. Ikaw ang tatapos sa lahat— sa mga Demons…”

“Um—D-Di ko pa po sure. Pero gagawin ko po ang best ko,” nahihiya kong pagsingit.

“Tama… tatapusin mo ang lahat pati na ang mga Grimborns. Ang mundo ay lalaya mula sa kadiliman dahil sa ‘yo.”

Agad kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kinilabutan kasi ako. Iyong tingin niya din kasi sa ‘kin parang sobrang naniniwala na ako ‘yong sinasabi sa prophecy nila. That prophecy again… ayokong paniwalaan ‘yon. Pero kung totoo nga ‘yon, mas gusto ko ang interpretation ni Dean Clea na mawawala ang curse ng mga Grimborns. Hindi ‘yong parang ako ‘yong papatay sa mga Grimborns. No way! I am friends with some of them. And I believed there are those who just want to live despite being cursed.

“Excuse me po. I’m going to practice,” katwiran ko na lang saka umiwas na lang din ng tingin.

“I’ll be watching you… Aelythian,” she whispered. 

Umalis naman siya pero parang nagulo ang isipan ko dahil sa mga sinabi niya. Hindi na tuloy ako makapag-concentrate.

Sana walang katotohanan ang mga sinabi niya. Hindi ako papayag. I’m trying to figure out this power to protect my friends and loved ones. I won’t be someone that will cause them harm.

But she called me Aelythian. Does she know? O talagang iyon lang ang paniniwala niya? Why do I have a feeling that she will cause me trouble.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly