DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 16: Between Heartbeats

☆

7/1/2025

Comments

 

Grimrose Academy

HUMINGA ako nang malalim. Nakapag-decide na ko. Siya muna ang dapat mauna.

“Nix…”

Nix gave me a smirk as I turned to him. Naramdaman ko naman na binitawan ni Zed ang kamay ko nang marahan.

“Ready?” tanong ni Nix.

Umiling ako.

“Sandali lang. I want to talk to Zed. It’ll be quick,” sagot ko.

Agad na binitawan ni Nix ang kamay ko. He frowned and turned his back on me. “Bahala ka.”

Lumabas kaagad si Nix ng library. Bakit parang nagalit siya? Grabe naman. Saglit lang naman kami mag-uusap ni Zed. Alam ko naman na importante ‘yong mission, pero sabi ni Ms. Clea basta daw magawa. It doesn’t matter when it’ll be. 

“Thank you, Shana,” sabi ni Zed.
 
I turned to him but I can’t look him in the eye. Kinakabahan kasi ako. It just sunk in to me now that it’s just the two of us in this room. Tapos may gusto siyang sabihin. Ano kaya ‘yon? Ang init! Bakit parang umiinit?

“Um… So um— bakit mo ko gustong… makausap?” 

Oh… my… god… Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang lakas din. Baka marinig niya. Kalma Shana— kalma!

“I uh… I just want to apologize. I’m sorry for losing control— for attacking you back then. Also, for not being able to protect you. I mean…ang lakas ng loob ko noon na mag presinta para protektahan ka. It turns out I had to protect you from myself. And even when I tried to protect you from Midnight… I failed. I’m really sorry.”

My heart melted. His voice has this calming effect on me. His words were sincere. I can feel that he was really ashamed. Pinagsisihan niya ang nangyari. For me, that’s more than enough. 

Kailangan alisin ko ang hiya at kaba ko sa kanya. He can smell it kaya dapat mas maamoy niya na thankful ako at hindi ko siya sinisisi sa nangyari.

I took a deep breath. Hinawakan ko ang kamay niya at iniangat iyon nang konte. Umiling ako saka tumingala para makita ang mga mata niya.

“I’m alright. Kaya okay lang. You don’t have to apologize. Alam ko rin naman na hindi mo ginusto ‘yong nangyari. If there’s anything— I’m thankful. I’m here and unscratched because you and your brothers fought to protect me. Para sa ‘kin ‘yon lang ang importante.”

He smiled, his shoulders relaxed. I could tell he felt lighter, as if a burden had finally lifted.

“Thank you, Shana. But let me promise you— that I will train harder and be better. I will never lose control again on you. And… I’ll be stronger so I can always protect you.”

Wait a minute! Bakit siya nangangako sa ‘kin? I mean— yes I know that he feels ashamed of what happened. But he apologized and I accepted it. So why is he making promises? And to always protect me?

What am I to him? Gosh! Nagiging delulu ako. Nai-isip ko na baka crush niya rin ako. Shocks! Anong gagawin ko? Lalo tuloy akong nagkaka-gusto sa kanya. Baka siya hindi naman gano’n sa ‘kin.

Para bang kusang gumalaw ‘yong katawan ko. Nataranta na ako ng tuluyan. The next thing… Tinalikuran ko si Zed. Luminga-linga ako sa paligid. Iyong ibang libro hinawak-hawakan ko pa.

“Ay ang ganda naman talaga dito sa library, ‘no? Ang daming libro. Bakit kaya maraming libro dito? Ay oo nga pala library ‘to.”

Oh shoot! What am I talking about? And what the heck am I doing now?

“Hoy, Shana. Anong nangyari sa ‘yo? Nababaliw ka na ba?”

Para bang natauhan ako sa pamilyar na boses— si Lucia. Nandito ulit siya sa library.

“Huh? H-Hindi, ah!” sagot ko. “Ba’t ka bumalik dito?” 

“Naiwan ko ‘yong jacket ko.” 

Totoo naman ‘yong sinabi ni Lucia. Pinulot niya ‘yong jacket niya sa sahig. Pero bago siya umalis…

“Bye, Zed. See ya later,” sabi ni Lucia kay Zed. Kumagat labi pa siya at kumindat.

This girl! She’s really getting on my nerves. Sana magkaro’n ka ng garapata. Ang kati-kati mo.

Hindi siya pinansin ni Zed. Mabuti na lang.

“Shana, are you okay?” tanong ni Zed.

Biglang uminit ang mga pisngi ko. Napakuha tuloy ako ng libro. Mabilis ko itong ipinantakip sa ilong at bibig ko.

“Y-Yes! I’m okay!”

Gosh! I’m being so weird.

He chuckled. It was composed pero genuine.

“Nakakatuwa ka. It’s nice to finally talk to you again. I hope we can talk more again sometime.”

“Oo naman!” Mabilis kong sabi. Binaba ko pa ang libro. Pero agad ko rin binalik sa mukha ko. “I mean. Nandito lang naman ako sa academy. And you’re just around too— if I’m not mistaken. I mean, we can have lunch or dinner together. Kaw bahala.”

He smiled so wide. “I like that.”

Good job, Shana! I know I shouldn’t be the one to ask him that. Well, technically I didn’t ask— I suggested. And he likes it. Lucky!

Biglang pumasok si Ash sa library. “Let’s go, bro. We have to go. Kailangan mauna tayong umalis. Hindi naman tayo nakakapag-teleport.”

Tumango si Zed kay Ash. Then he turned to me.

“See you later, Shana.”

“S-See ya!” sagot ko. 

Umalis na silang magkapatid. Tumakbo sila— sobrang bilis. Parang umihip lang nang malakas ang hangin tapos wala na sila. Pero nang maiwan ako nakahinga ako nang maluwag. 

Mukhang kahit papaano nawawala na ‘yong hiya ko kay Zed. Kailangan talaga mapa-dalas ang pagkikita namin para di na ako natataranta. At sana lang di ko na ulit gawin ‘yong kanina. Kakahiya! Para akong baliw.

Lumabas ako ng library. Wala si Nix sa paligid.

Nasaan na kaya ‘yong lalaking ‘yon? Akala ko ba nagmamadali siya na magawa ang mission?

Naglakad-lakad ako habang tinatawag si Nix. Akala ko bigla na lang siyang susulpot pero wala. Hanggang sa makakita ako ng isang Angeal. Tinanong ko sa kanya kung nasaan si Nix at tinuro niya sa akin ang daan papunta sa swimming pool ng academy. Hanapin ko lang daw ‘yong pinto na may naka-ukit na babaeng may dalang water vase.

Swimming pool? Meron pala nun dito?

Sinundan ko ang direksyon hanggang sa makarating ako sa isang wing ng academy na ngayon ko lang napuntahan. Nakita ko naman agad ang sinabi sa ‘kin na pinto. Nang buksan ko, napanganga ako.

Grabe. Hindi ko in-expect ‘to.

Ang swimming pool ng Grimrose Academy ay nasa loob ng isang kwarto na parang dating greenhouse— malawak, mataas ang glass ceiling, may mga vines at hanging plants na parang nasa botanical garden. Sa isang side may marble statues ng mga Aelythians, at sa gilid ng pool may mga vintage lounge chairs na parang hindi bagay sa typical na school setting. May konting ambon ng mist mula sa tubig. Ang aesthetic? Parang combination ng lumang garden na ginawang resort at ancient healing sanctuary. May ilaw pa ‘yong mismong pool na color blue. Nagmukha tuloy nag re-reflect ‘yong liwanag ng buwan sa tubig.

Pero wala si Nix sa paligid.

“Uh… Nix?” tawag ko.

Walang sumagot o gumawa ng kahit anong ingay. 

Lumapit ako sa gilid ng pool. “Hoy, Nix? Andiyan ka ba?”

Wala pa rin. I can’t tell if he’s down there. Iyong sahig kasi ng pool— ang dark.

“Niel Xander Franco!” Sumigaw na ko. Then suddenly…

Mula sa gitna ng tubig may biglang umahon. Mabilis siyang lumangoy papunta sa marble edge ng pool. Mula doon ay umahon siya at doon ko nakita…

Si Nix— wet at topless. Water dripped sliding down his toned chest from his hair. This is my second time seeing his well defined abs, his broad shoulders, his flexed arms. And still… Napalunok ako. I froze as I stared. Water glistened on his skin like he was in a romantic r18 movie.

Oh… my… bakit ang init dito? I had to fan myself with my hands. Ang hirap din huminga. Bakit kaya?

“Hindi ko alam na kabisado mo pala ang full name ko,” sabi niya. His voice was low. Rough and seductive in the worst possible way.

Tatalikod sana ako. Pero naisip ko na baka isipin niyang ‘di ko siya kayang tignan at naakit ako sa kanya. Kaya umatras na lang ako ng tatlong hakbang.

“H-Huh? Someone told me. Lahat kayo alam ko ang full name.”

He reached for a towel and then slowly dried his hair. Pero hindi niya agad tinakpan ‘yong katawan niya. 

Bakit parang pakiramdam ko may kasalanan akong ‘di ko alam? Baka dahil tinititigan ko siya kanina?

No! Shana, control yourself!

Sinugurado ko na sa mukha niya ako nakatingin. Baka mapansin niya kasing tumitingin ako sa katawan niya. Dapat hindi. Dapat mabait ako. 

One last look.

Okay kabisado ko na. I mean tama na. Kalma na.

“Will you please get dressed? We need to go,” sabi ko.

Lumakad siya palapit sakin. His towel is now around his neck while droplets are still falling from his hair and from his swimming trunks.

Okay Shana. Hanggang abs lang dapat ang tingin. Down there is a restricted area.

“I’m not gonna do that. You took your time talking to Zed. I’m gonna take my time too.”

“W-Wha— Ha?! Akala ko ba nagmamadali kang madala ako sa Dad mo?”

“Now you want me to take you to Dad immediately? Why don’t you just go talk to Zed again? Mahaba naman ang oras. Kahit next year na tayo umalis.”

I can feel that he is being sarcastic. What’s wrong with this guy now? Pinagti-trip-an niya ba ko?

“Why are you being grumpy? We just talked. Nag-sorry siya sa akin. And I thanked him for saving my life.”

Teka… bakit ba ko nag e-explain?

He looked away, jaw clenched. “Sorry, huh?”

“Bakit parang galit ka?” tanong ko. I crossed my arms.

“Galit? Ako? Hindi ah. Ba’t naman ako magagalit?” Pero kita sa kilos niya. Hindi siya makatingin ng diretso. ‘Yong lakad niya medyo mabilis. At ‘yong towel para bang gusto niyang pigain na akala mo kaaway.

I shrugged. “Malay ko. Parang bad trip ka, e. O ganyan ka talaga minsan? Parang may toyo. O baka naman…”

Nilapitan ko siya. I put my hands behind my back.

“...nagseselos ka kay Zed?”

“Ha?! In your dreams, chibi,” sagot niya. Tinalikuran niya ko. Pero namula ang mga tenga niya.

“Weh? Di nga? Aminin mo na kasi.”

Humarap siya. “Aminin ang alin? Na-gwapo ako. Sus! Matagal ko ng alam.”

Ang hangin talaga ng lalaking ‘to.

“Aminin mo na nagseselos ka.”

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o kikiligin. Kasi kahit ayaw niyang aminin, obvious na obvious na nagseselos siya. Parang gusto ko siyang asarin. Pero bakit nga ba siya nag seselos? Dahil ba naapakan ang ego niya nang piliin kong makipag-usap kay Zed? Ganon kalala ang rivalry nilang magkapatid?

“If you don’t stop talking… you’ll regret it.”

Heto na naman siya. Tinatakot na naman niya ko. But I’m not scared anymore. I now know he’s not gonna hurt me. Pero ayoko na muna siyang asarin. I realized ito na rin ang tamang oras para mag pasalamat ako sa kanya. Nagawa ko na kasi sa mga kapatid niya at sa kanya na lang hindi. Bakit nga ba? I had every chance when we were at the tower. Siguro dahil kakaibang experience ‘yong naramdaman ko no’n kaya ‘di ko naisip?

“Nga pala. Thank you. Kahit lagi mo kong pinagti-trip-an… I owe you my life. Thanks for protecting me that night.”

Ngumisi siya. 

“I will always protect you,” bulong niya. Hindi ko sure kung tama ang dinig ko.

“Ha? Ano ‘yon?”

“I said…” 

He walked toward me, his eyes locked onto mine with unwavering intensity. Siyempre, umatras ako habang palapit siya ng palapit. My heart was pounding with each retreat. Pero umatras lang ako hangang sa mapasandal ako sa pader. Then, he placed his arms on either side of me. He caged me in.

“...You’ll regret it if you don’t stop talking.”

Napalunok ako at napapikit.

Did I pissed him off? Anong gagawin niya sa ‘kin?

Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat. Then it was that familiar sensation again. I was teleported.

Pagmulat ko ng mga mata ko, nasa ibabaw na kami ng pool kaya ayun… bagsak sa tubig.

Mabuti na lang marunong akong lumangoy. Naka-ahon ako agad.

“Nix!!!”

Nasa pool din siya. Tumatawa.

Lagot ka talaga sa ‘kin. Lulunurin kita!

Hinabol ko siya sa pool. At nagpahabol din naman siya. Kapag nakakalapit ako— sinasabuyan niya ko ng tubig. Kaasar!

“Habol, chibi! Faster, faster! Move your short legs.”

At talagang inasar pa ko.

“Pag naabutan talaga kita— lunod ka!”

What a night. I was supposed to be pissed off but I can’t deny that I’m having fun. For now, I’ll enjoy this moment. 





WE EVENTUALLY got tired of playing in the pool. Pagkatapos ko mag palit ng damit sa dorm, nagkita kami ulit ni Nix sa lobby ng academy. Itineleport niya na ko sa mansion nila.

So… ito pala ang bahay ng mga Franco. Grabe! As in— wow! It’s like something out of a movie. Mukhang bahay ng mga Hollywood stars.

Nakatayo sa taas ng hill ang Franco Mansion. Sobrang laki nito. All glass and concrete, parang hindi na bahay— more like art piece na may address. From below, it shines like a spaceship at night. Floor-to-ceiling windows, minimalist and everything, sobrang linis ng design.
May infinity pool pa na parang tumatapon sa edge ng mundo. Glass railings lang, walang harang sa view. Kita mo ang buong city. It’s the kind of place na hindi mo alam kung may nakatira talaga o set lang siya for rich people fantasies. But it’s real. And the Francos who are not fully humans live here. 

Dinala ako ni Nix sa living area. Napakalawak nito. Sa mga oras na ‘yon madilim ang paligid. Buwan at tanging apoy lang mula sa fireplace ang nagsisilbing liwanag. But I could still tell that the place is sophisticated yet minimalist.

Bakit kaya walang ilaw? Nagtitipid ba sila sa kuryente?

“Dad? Are you here? I’m here with Shana. We need you to check her,” sabi ni Nix.

There was silence and then…

The ground shook, literally. 

“Damn it!” Nix said. He pulled his dagger and did his fighting stance.

“N-Nix? Anong nangyayari?” I asked. Medyo nag-panic na ko.

Is there a threat? What’s going on?

From the dark I saw it. Glowing red eyes and a… monstrous arm. Nakatapat sa amin ang palad na may mga matutulis na kuko, kulay gray, at parang reptilian scale ang skin. Hindi ko lubos makita ang buong katawan at anyo nito dahil madilim ang paligid kung saan ito nakatayo.

In an instant, without anything coming from the hand, Nix was sent flying against the wall. Parang may tumulak sa kanya pero wala naman akong nakita. Hindi rin siya nakaiwas o nakagalaw man lang.

“Nix!!” Sigaw ko.

Then something unseen restricted my moves. Kahit anong pilit ko parang nanigas ako. The next thing I knew— I was sent floating in the air.

May mga hakbang akong narinig… papalapit. Tapos nakita ko na. Naiilawan ito ng buwan at ng apoy mula sa fireplace— it’s appearance gave me this trembling sensation. There’s no mistake. It’s a… It’s a… demon!
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly