DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 15: The Prophecy

☆

6/28/2025

Comments

 

Grimrose Academy

I HAVE to meet a Demon?! As in a Dreamon? Like Trish? Love kita ate Kat pero sure ka ba?

Somehow, sa isip ko na lang nasabi ang mga salitang ‘yon. I’m scared and confused but I should trust Ate Kat. Ilang beses niya ng napakita sa ‘kin na matalino siya kaya siguradong may reason kung bakit ko kailangan ma-meet ang Dad nila na apparently isang… Demon?

With everything that happened, I’m surprised that I haven’t asked a bunch of questions. Maybe dahil nandito si Zed and I don’t want to sound like a weirdo to him. Or a like lost kid who doesn't have a clue where she is.

Kasama ang section Valkyries, at ang mga Franco siblings, dinala kami ni ate Kat sa library.

“Dito muna tayo. We’ll wait for the Dean’s orders,” sabi ni ate Kat.

We all spread out inside the library. Si Tam nagtago agad sa gilid ng isa sa mga shelves habang palihim na pinagmamasdan si Ash. Samantalang ‘yong tinitignan niya, abala sa phone at nakangiti.

Si Ate Kat mukhang may malalim na iniisip. Nakasandal lang siya sa bookshelf na nasa wall. Si Eli nagbabasa na agad ng libro. Si Zed tahimik lang na nakaupo sa isang chair— nakapikit siya at naka-cross arms. 

Si Nix…

Napakunot-noo ako. Nahuli ko siyang nakatingin sa ‘kin. Umiwas pa nga siya.

Ano na naman trip niya? Kunwari pa siyang nagbabasa e kitang-kita na baliktad ‘yong libro na hawak niya.

Muli kong tinignan si Zed.

Should I talk to him? Is this the right time? I wanted him to know that I was thankful back then. Hindi kasi siya bumati sakin. Baka iniisip niyang natatakot ako sa kanya dahil sa nangyari. I have to tell him that I understand. That I know he didn’t mean it.

“Hi, Zed!” Bati ni Lucia kay Zed. Hindi siya lumapit pero nakuha niya ang atensyon ni Zed.

Tinanguan lang ni Zed si Lucia. Pero dahil doon parang nawalan ako ng lakas ng loob na lumapit. Hindi ko kabisado si Zed. Is he in the mood? Will he talk to me? O baka mapahiya din ako.

Pero buti na lang di niya masyadong pinansin si Lucia. Ang hot pa naman manamit nitong babaeng ‘to. Akala ko mapapatitig si Zed sa kanya. Naku kung mangyari ‘yon ‘di ko na siya crush.

“Ang init pala dito sa library,” sabi ni Lucia. Iyong tono ng boses niya bakit parang nang-aakit?

Tapos ay hinubad ni Lucia ang jacket niya. Iyong tube top niya binaba niya nang konte para makita ang cleavage ng boobs niya. Then she slowly walk— papunta kay Zed.

Agad pumasok sa isip ko ang sinabi niya na gusto niyang magkaroon sila ng anak ni Zed. Now she’s making a move.

Shoot! No way jose! Hindi pwede. Kailangan ko siyang pigilan.

Kumuha ako ng libro. Tapos agad akong humarang sa harap ni Lucia para di siya makita ni Zed. Pinaypayan ko rin siya gamit ang libro. 

“Here, para di ka mainitan,” sabi ko kay Lucia. 

“What the— tabi diyan!”

Lucia tried to go through me. Pero di ko siya pinadaan. Di ako papayag na makalusot siya. Sinubukan din niya na alisin ako sa harap niya pero binigay ko ang buong lakas ko. Habang tinutulak niya ang mukha ko at ang katawan ko— nagpumilit akong paypayan siya. Hindi ako nag patinag. Hindi ako papayag na makita ni Zed ang alindog niya.

“No! Kailangan mo nito… para di ka… mainitan,” hirap kong sabi.

“Ta… bi… sabi… diyan…” Hirap din na sabi ni Lucia.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas. Pero nagawa ko talagang di mag patinag sa isang malanding lycan. Maybe my aether helped me.

“Hoy, Zed. Tara chess. Matalo mahina,” dinig kong hamon ni Nix kay Zed.

“Who are you calling weak?” sagot naman ni Zed.

Paglingon ko, tumayo si Zed at sumunod kay Nix.

Yes! Hindi niya na mapapansin si Lucia.

Huminto si Lucia at gano’n na din ako.

“What the hell are you doing?! May problema ka ba sa ‘kin? Tara sa duel room!” Lucia was frowning. She even showed me her teeth— canine fangs. 

Napalunok ako at bahagyang napa-atras. Ngayon ko lang na-realize na pwede nga pala siyang magalit sa ginawa ko.

“H-Huh? S-Sabi mo kasi nainitan ka. Pinaypayan lang naman kita,” katwiran ko na lang habang pilit ngiti.

Biglang bumukas ang main door ng library kung saan pumasok si Dean Clea. Lahat kami ay bumaling sa kanya. Nakahinga naman ako nang maluwag. 

Saved by the door. Muntik na akong lapain ng isang lycan.

“Everyone! Please gather around,” sabi ni Dean Clea.

Sumunod naman ang lahat.

“You all witnessed what transpired earlier. There’s no need to make this conversation private,” Dean Clea added. Then she turned to me. “Shana… the amount of Aether you have is something that we haven’t seen before. Kahit anong records o history books walang nakapag-tala ng ganon kalakas na Aether.”

“A-Ano pong ibig sabihin no’n?” tanong ko.

“We… We don’t know yet— to be honest. All we know is that you hold immense power. Our elder— Mrs. Rodriguez— claims that you are the mentioned savior from the old prophecy.”

“Prophecy? What prophecy?” tanong ko ulit.

“There’s a prophecy from an ancient text that the order kept in its archives. It goes like this…”

When Aelythia descends, the darkness shall fall, and the world will be made clean once more.

“While some fanatics wait for that day to come and end the fight— there are Grimborns who believe that it will also mean their end,” patuloy ni Dean Clea.

Napalunok ako. Malamig dito pero feeling ko pinagpapawisan ako.

“Kayo po? Anong ibig sabihin para sa inyo ng prophecy na ‘yon?” I asked Dean Clea.

“It can be interpreted in many ways. For instance, it could mean that Aelythians will come and save us from the Demons. And they will also remove the curse from all Grimborns. I like to think of it that way. Or it could also mean… nothing.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. Hinintay ko ang mga sasabihin pa ni Dean Clea.

“Our founders believed that the Aelythians had long abandoned us to deal with darkness on our own by giving us Aether. For unknown reasons, or maybe they were commanded to do so,” dagdag ni Dean Clea.

“So ‘yong elder po, ‘yong matandang babae na lumuhod kanina— she’s one of the fanatics? And they think I’m the meaning of the prophecy?”

Tumango si Dean Clea. Lumapit siya sa ‘kin at hinawakan ako sa balikat. “But I would like to ask you not to think about that prophecy. There are thousands of that so-called prophecy in that book and none of it ever happened. At ito ang gusto kong paniwalaan mo… Shana… you were blessed with great power. With that— you could help us maintain stability and stop demons. Learn and train. Become one of us.”

Her words reached deep in me. She’s right. Hindi ako dapat magpadala sa prophecy na baka di naman talaga ako ang tinutukoy. Ang importante, nalaman kong malakas ang aether ko at dapat gamitin ko ito sa tama. I should train to become an Angeal— to help them maintain peace, and protect my loved ones.

Tinignan ko si Dean Clea nang may buong determinasyon. I would like her to see that I really want to be an Angeal.

“Yes, Dean Clea. I will train hard and be an Angeal.”

Ngumiti siya. Hinaplos niya ako sa pisngi. “Good. Thank you, Shana.”

“Now, we have to find out why the Evos and their Demons are after you,” sabi pa uli ni Dean Clea tapos ay bumaling siya kay Ate Kat. “Kana, what have you found out?”

“Okay. Shana, listen carefully. Remember when we said that you were making me and my brothers want to consume you?” tanong ni Ate Kat.

Marahan akong tumango. Siyempre di ko makakalimutan ‘yon. Feeling ko nga kapag tinakot nila ako mapapatakbo ako nang mabilis, e. O baka himatayin pa ko.

“Great. The problem is— It shouldn’t be the case. You see, Grimborns and even Demons don't like Aether. We’re vulnerable to it. Hence, consuming an aether-blessed individual is lethal to us. But for unknown reasons, with you— it’s different. Demons want your soul, Evos want to sacrifice you. It doesn’t make any sense.”

“Tama,” pagsingit ni Lucia. “Bukod sa gusto kitang tirisin dahil sa ginawa mo kanina, hindi namin nararamdaman ni Eli ang mauhaw sa ‘yo.”


Okay… mukhang hindi makakalimutan ni Lucia ‘yong ginawa ko kanina. At least not in the near future. But this is getting too complicated. Pero atleast ‘yong mga Grimborns hindi ako gustong kainin. Iyong mga Demons, at mga Franco— bakit nga kaya?

“And that’s how I concluded that this is something that Dad can answer. Si Dad lang ang nakaka-alam kung paano kami ginawa at isa siyang demon— a Dreadlord to be exact,” sabi ni Ate Kat.

Kung paano sila ginawa? Di ba dapat alam na nila ‘yon? Their mom and dad made love. Or kung totoo ‘yong sinabi sa ‘kin ni Trish dati na iba-iba sila ng ina, their moms and dad did the thing and the rest is history. Heck! What am I saying? They’re not normal kaya baka may ibang ibig sabihin ‘yong sinabi ni Ate Kat. Now I’m curious. Sana lang pwede kong itanong ‘yon sa Dad nila.

“That makes sense. Sige payag ako,” sabi naman ni Dean Clea. “Whether Azrael has answers or not, Shana will train here.”

I nodded. Malaman man namin o hindi, ang importante matutunan kong protektahan ang sarili ko at gamitin ang Aether na ‘to.

Bumaling si Dean Clea sa aming lahat. “Here’s the plan. Niel will teleport Shana from here to the mansion and back. Zack and Alvin will follow as back up just in case. Kana you will stay here and be with Lucia, Tamika, and Eliza.”

“Understood, mom,” sagot ni Ate Kat. Bigla siyang napatingin kay Ash. “Ash, were you listening to mom?”

“Yep,” sagot ni Ash pero nakatutok pa rin siya sa phone niya.

“Talaga lang, ha? Sige nga. Anong sabi ni mom?”

“Something, something, mansion,” sagot ni Ash. Tapos ay bigla niyang tinaas ang braso niya. “Yes! Panalo! Cash out time.”

Napa-face palm na lang si Ate Kat. Si Dean Clea naman natawa lang nang konte. Si Tam… Well abot tenga ‘yong ngiti habang nakatitig kay Ash, namumula pa ‘yong mga pisngi niya.

Ano kayang nakita ni Tam sa Ash na ‘to?

Bumaling si Ate Kat kila Tam, Eli, at Lucia. “Anyway this is perfect. Let’s not waste our time, girls. Habang wala sila, let’s spar. Let me see your battle skills.”

Pinagbangga naman ni Lucia ang palad at kamao niya. “Bring it on!”

Si Nix naman lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko. “Tara na.”

“Sandali.” Biglang sabi ni Zed. Hinawakan niya naman ang kabila kong kamay. “Shana… May I talk to you for a moment? In private.”

Bahagya akong napanganga. Nanlaki din ang mga mata ko. Iyong mga buhok ko sa braso tumayo. And my heart— it’s beating so loud like fast drum beats. Gusto niya akong kausapin? Sige, tara. I mean, bakit kaya?

“Zed, bitawan mo siya. We have our orders and we need to go,” sabi ni Nix.

“Hindi ikaw ang tinatanong ko. Si Shana,” sabi naman ni Zed.

Nagkatinginan silang dalawa ng masama. Parang konting tulak lang mag-aaway pa yata sila.

Teka… Tama ba ‘tong nakikita ko? Pinag-aagawan nila ako? Okay, I don’t want to be delusional. Baka naman sadyang di lang talaga nagkakasundo ang magkapatid na ‘to.

“Why don’t you ask, mom. She told us that we needed to go,” katwiran ni Nix.

Napatingin kami kay Dean Clea na nakatalikod na at lumalabas na ng library kasama ang mga ka-section Valkyries ko. 

“Kayo na ang bahala kung anong oras kayo aalis. Just do the mission.” Kumakaway na sabi ni Dean Clean habang palayo ng palayo.

Did she just leave me to deal with her sons? Dean Clea naman. Tulungan mo ko dito, please.

“You heard what mom says. Let her go,” sabi ni Nix kay Zed. They were fiercely staring at each other again.

“She said we’re not in a rush. I just need a few minutes,” sagot ni Zed.

Okay. I think kailangan ko ng mag decide para sa dalawang ‘to. Baka mag away pa sila.

Anyway, who should I choose? I’m so curious to know more about me, my powers, to meet their dad, and the possibility to end the mystery once and for all. But I owe Zed my life. I need to speak to him too. Pero baka hindi ito ang tamang oras? Kailan naman?

Shocks! Ang hirap. Hawak pa nilang dalawa ang kamay ko. Sino ba ang uunahin ko? Si Nix o si Zed?
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly