DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 14: Feather Of The First Light

☆

6/26/2025

Comments

 

Grimrose Academy

THE NEXT day, nagising ako na nasa tabi ko na si Tam. Chineck ko kung ako ‘yong nagkamali ng hinigaan kagabi pero di naman. I’m pretty sure she was fast asleep when Nix and I came back. Bakit kaya siya lumipat sa tabi ko?

Marahan akong bumangon para di siya maistorbo pero nagising na rin siya.

“H-Hi Tam! Good morning,” bati ko ng nakangiti.

Bumangon din siya. Pero nakasimangot.

“Friend… Iniwan mo ko kagabi. Sumama ka sa boyfriend mo,” sabi ni Tam na parang maiiyak pa.

“B-Boyfriend?! H-Hindi! Si Nix? Hindi ko siya boyfriend. Ano lang yun. May pinuntahan lang kami. Sinama lang niya ko bigla. Doon lang. Sa may ano—”

Shoot! Ba’t natataranta ako? 

I cleared my throat. Tapos ay niyakap ko si Tam.

“Sorry, friend. Di kasi ako makatulog kagabi. Tapos dumating si Nix. Apparently, he was on duty to guard us. Tapos nag offer siya na lumabas kami para makatulong daw sa ‘kin,” katwiran ko.

I still remember last night. Ang sarap sa feeling. Kaya maganda ang gising ko. Now I’m ready for anything today.

“Okay. Di mo siya boyfriend?” tanong niya.

Todo iling ako.

“No way! He’s not my type. Lagi akong iniinis ng taong yun. Tas kagabi… Well… He was nice. Hindi ko siya maintindihan. Inaasar niya ko lagi, umeepal siya tapos kagabi— basta!”

She suddenly giggled. 

“Ano ka ba, friend? Manhid ka ba? Crush ka no’n. Baka nanliligaw siya sa ‘yo?”

“Huh?!” Napatayo ako sa kama. “Joke ba yan, friend? Imposible! Tsaka nilinaw niya sakin that I’m just his plaything. Pero asa siya. Hindi ako papayag na paglaruan niya ko. Yes, I’m tiny like a chibi but I’m mighty.”

“Chibi?” Tanong ni Tam.

Napahinto ako. Did I just call myself a chibi? That guy— he’s invading my thoughts. 

Tapos ay agad akong umupo sa kama.

“N-Nothing,” sabi ko pa.

“Okay sige. Kung di siya ang crush mo… sino ang crush mo? Wag si Ash please.”

“Aha! Sabi ko na crush mo si Ash. How? And why? You have to tell me, friend.” 

Kinilig ako kaya’t kiniliti ko si Tam sa tagiliran.

“Friend, stop.” Tawa siya ng tawa. Kiniliti ko pa siya ng kiniliti.

Pero bigla na lang niya kong hinawakan sa braso. Napahinto ako. Pagtingin ko sa mukha niya seryoso na siya. Parang nakita ko ulit si Sadako.

“Seriously wag si Ash,” madiin niyang sabi.

“O-Oo naman, friend. H-Hindi si Ash. R-Relax ka lang,” pilit ngiti kong sabi.

Grabe! Ang lakas ng tama niya kay Ash. Parang willing siya maging black witch para sa lalaking ‘yon.

Ngumiti na siya ulit. “So… sino nga crush mo friend?”

“Well— uhm—” Bahagyang nag-init ang mukha ko. “Kakalipat lang namin dito sa city last week kaya—. I mean sa dati naming lugar may mga naging crush ako. Pero dito sa Grimrose City…”

Nilapit ko ang labi ko sa tenga ni Tam at bumulong.

“Crush ko si Zed.”

Napatili siya sa kilig at gano’n na rin ako. I had to cover my face with my hands. It was so embarrassing na parang may kumikiliti sakin.

Biglang may kumatok sa pintuan ng dorm room namin kaya’t napahinto kami.

“Shana? Tam? Are you girls awake? Kat here.”

Napatayo kami ni Tam. Nag-ayos din ng mga sarili.

“Yes po, ate Kat. Pasok po,” sagot ko.

“Good morning, girls. Buti gising na kayo,” bati ni ate Kat.

“GOOD MORNING, ATE KAT!”

“Mukhang maganda ang first night niyo dito sa dorm ng academy, ah. Tam, you’re calling me Ate? Siguro crush mo isa sa mga kapatid ko? Ikaw, Shana? Baka may crush ka na din sa isa sa mga ‘yon, ah? Naku, girls. Don’t! Promise sasakit lang ulo niyo sa mga pangit na ‘yon.”

Di kami sumagot ni Tam. Nagkatinginan lang kami saglit. 

Pero ang galing ni ate Kat. Paano niya nabasa sa ‘min na may crush kami sa mga kapatid niya? Ako kay Zed at si Tam kay Ash.

“Anyway, mag-ayos na kayo. After breakfast pupunta na tayo sa initiation room.”

Nakaramdam ako ng kung anong bigat sa loob ko. Bakit feeling ko lahat ng atensyon na sa ‘kin mamaya? What’s going to happen? Bahala na. I’m ready. Whatever it is!





KASABAY KO si Tam at Ate Kat na pumasok ng initiation room. Literal akong napahinto. The place didn’t look like a classroom or a training hall. It looked… sacred. Like a cathedral.

Mataas ang kisame, hugis pabilog ang buong silid, may mga symbols na nakaukit sa bawat gilid ng marble walls na hindi ko pa alam kung ano, at sa gitna ng silid, nasa loob ng isang glass dome, nandoon ang sinasabi nilang Feather of the First Light.

It was just a feather. White, long, and a little bigger than normal. Parang balahibo ng malaki at kulay puting ibon, but there was something about it. Yung aura nito nakakatindig-balahibo. It was still. But I can feel that it’s alive somehow.

Sa harapan, nakita ko si Dean Clea. May table na mahaba na gawa sa marmol at nakaupo sila sa upuan. Nasa gitna siya sa pagitan ng tatlo pang indibidwal na ngayon ko lang nakita. Sa gawing kaliwa niya isang lalaki na maputla at kulay pula ang mga mata,naka-all black na suit and tie. Katabi nito ay isa pang lalaki na wala namang suot pang itaas kundi kwintas lang na puro pangil ang pendant. Para siyang tribal leader. At yung isa ay babaeng naka-kulay green na dress, elegante tignan.

Sa gawing kanan naman ni Dean Clea, katulad niya, mga naka-kulay puti na kasuotan. Isang matandang babae, at dalawang lalaki na siguro ay nasa middle age na. Silang pito siguro ang council ng academy.

I looked around the room. Karamihan ng mga naroon ay mga naka-kulay puting kasuotan, full tactical gear. Nakita ko si Lucia at Eli sa sulok. May mga ghost din. May mga naka-kulay itim din na damit na parang mga kalahi ni Eli. And they’re all looking at me.

Napalunok ako. Grabe ‘yong tibok ng puso ko— parang tinatambol. Feeling ko pinagpapawisan ako ng malamig. May mga nakita pa akong bumubulong sa katabi habang nakatingin sa ‘kin.

“Alright, Shana, don’t mind those stares. Focus ka lang and be ready,” bulong ni Ate Kat sa ‘kin.

“Okay, Ate Kat. Pero bakit ba sila nakatingin sa ‘kin?”

Wag naman sana dahil mukha akong bata at naisip nilang naliligaw ako. 

“You weren’t supposed to be here yet. Itong ceremony kasi na ito ay para lang sa mga recruits na handa ng maging Angeal. Meaning natapos na ang lahat ng lessons at training. But we’re gonna use it to find more about your Aether.”

So… basically… they’re looking at me because I’m being given special treatment. Not my fault, guys. Hindi ko rin naman ginusto ‘to.

Tumayo si Dean Clea. Natahimik ang lahat at nasa kanya na ang atensyon.

“Before we begin,” sabi ni Dean Clea. She was calm but commanding. “Let us remember what this ceremony stands for.”

Ang ganda talaga ng boses niya. It’s like hearing a speech meant to be carved on stone.

“What stands before you is the sacred Feather of the First Light — a gift from the Aelythians, plucked from their own wings and entrusted to our ancestors. It is the heart of this academy… and the light that guides us through the dark.”

Dean Clea’s voice echoed. Everyone was listening.

“The Feather of the First Light does not lie. It reveals. The intensity of its glow measures the Aether within one’s soul. The stronger the light… the deeper the calling. For Grimborns, the light will tell if you are accepted or not to serve the order. It can see your heart and soul. Your very intent.”

Deap breathe. It’s not my turn yet. Focus.

First in line, isang lalaking naka-puti. He’s tall, serious, parang anak ng high-ranking officer. He stepped forward and then placed a hand on the glass dome, and closed his eyes.

The feather glowed softly. Bright enough to impress.

“Tyron Truman, you were blessed with Aether and chose to learn our ways. Now Aelythia calls you to serve. What do you say?” tanong ni Dean Clea sa lalaki.

The guy responded by reciting a vow…

By the breath of Aelythia and the blessing of Aether,
I give my name to the light.
Let its will shape my soul,
Let its purpose guide my blade.
I vow to protect the balance of the hidden world--
To stand against the cursed, the damned, and the dark.
I will not run. I will not bow.
Even in danger, I will rise."

In darkest hour, in shadow’s breath,
I rise with light, defying death.
Where evil stirs, I stand and fight,
To serve the Order of the First Light.
I am the light in the darkness.
I am an Angeal.


“Very well. You are now an Angeal,” sabi ni Dean Clea.

Everyone clapped pero ‘yong formal lang. He bowed and stepped back.

Ang sunod ay isang babae. Graceful siya na parang scholar type. The feather glowed for her too— brighter than the last. Binaggit din ni Dean Clea ang pangalan niya kasunod ng isang importanteng tanong. Then she recited the vow too.

Pangatlo, Vampire, I think kasi maputla pero composed at naka-kulay black na damit. When he placed his hand, the feather glowed again. Not weak, not too strong. It was enough.

He spoke the vow, a little stiff, pero malinaw.

Sunod sa kanya ay isang ghost na babae. She was floating and flickering like a candle light. The feather glowed for her too and she recited the vow.

“Congratulations to our new Angeals! May you serve the order with all your might and be the light,” sabi ni Ms. Clea.

Nagpalakpakan ang lahat.

Pagkatapos no’n pinalabas sa initiation room ang karamihan. Ang natira ay ako, ang section Valkyries, si Dean Clea at ang mga council ng academy. Ilang saglit pa ay pumasok din sa loob ng initiation room si Nix, Zed, at Ash.

Atleast, konti na lang ang nasa paligid. Medyo nabawasan ang kaba ko.

“Shana… Please come forward,” nakangiting sabi sakin ni Dean Clea.

Okay. Time to shine. Or explode? Shoot! What am I saying?

“We’re here to find out or atleast get a clue about your Aether. Lumapit ka sa Feather of the First Light at itapat mo ang kamay mo,’ sabi ni Dean Clea.

Nilapitan ko ang glass dome. My heart was racing. Yung palad ko malamig. Yung isipan ko? Parang naging static. But my feet moved slowly step by step.

Inabot ko ang kamay ko… dahan-dahan… hanggang lumapat ang palad ko sa dome.

I took a deep breath.

At biglang--

A burst of light erupted.

Not just inside the dome.

The entire room was filled with white-gold radiance.

Anong ibig sabihin nito?

Pero kahit parang nakakasilaw ang liwanag kita ko pa rin ang lahat. Except everyone around me. They all had to shield their eyes with their arms or hands.

Ilang saglit pa, humupa ang nakakasilaw na liwanag. Pero umiilaw pa rin ang feather. At bukod do’n parang nagising ito. It floated, breaking the laws of gravity. It rose inside the dome, surrounded by swirling Aether mist.

I looked at the council. I need an explanation. I’m so confused right now.

Lahat sila parang nagulat— dilat na dilat ang mga mata nila na para bang ayaw nilang kumurap.

Then Dean Clea slowly whispered, “No one… no one in recorded academy history has ever held… that much Aether.”

Another council member, isang matandang babae with silver hair and a heavy white coat. She suddenly stepped forward palapit sa ‘kin… And then she dropped to her knees.

“Aelythian…” sabi niya na tulalang tulala sa ‘kin. “Aelythia has come! The prophecy… The prophecy is real!”

What the heck? Prophecy? Anong sinasabi niya?

“Hindi… Hindi pwede ‘to. Sisirain niya ang balanse!” Nanginginig na sabi naman ng isa sa mga council— ‘yong maputla at naka-kulay itim na damit.

“She needs to be contained, or destroyed,” The no-shirt guy said.

“No! We need to keep her safe and train her. She will be the means to end the Evos and their Demons,” sabi naman ng isang lalaking council na naka-puti.

“She will be the end of all Grimborns!” sabi ulit ng lalaking naka-itim.

Nagtalo na silang lahat. Sabay-sabay na nagsasalita na parang ayaw pakinggan ang isa’t isa. They argued and I don’t completely understand why. Maliban kay Dean Clea na nakatulala pa rin sa kin.

Hanggang sa…

“Silence!”

Dean Clea’s voice boomed in the entire room. Nanahimik ang lahat.

“Council, this is something we have to talk about in the meeting room. Not here and not with them,” sabi ni Ms. Clea habang tinitignan ang mga council members.

“Mom! Sorry for cutting in,” pagsingit ni ate Kat. “May I suggest bringing Shana to our home to meet Dad?”

Tumango si Dean Clea. “Plan it carefully. For now, leave us.”

Bumaling sakin si Ate Kat at lumapit. Hinawakan niya ko sa balikat. “Shana it’s time to meet a Demon.”
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly