DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 13: City Lights

☆

6/24/2025

Comments

 

Grimrose Academy

TUMATAK SA isip ko ang sinabi ni ate Kat. Bukas posible na namin malaman kung ano talaga ang powers ko. Hindi ako makatulog dahil do’n. Kahit nakahiga na ko sa kama ng dorm room namin. Mabuti pa si Tam tulog na tulog na. 

Excited ako pero takot din. I’m hoping na sana ‘yong powers ko nakakatulong sa iba. Pero paano kung para siyang sobrang lakas at di ko kayang kontrolin? Or what if it’s a curse?

Mabuti pa siguro basahin ko nalang itong libro na pinahiram ni Tam. Sabi niya naglalaman daw ito ng mga impormasyon na kailangan kong malaman. It should allow me to know more about the supernatural beings and their secret world.

Binuklat ko ang libro at binasa ito.

Aelythia — the realm of divine transcendence. The source of Aether. Home of the Aelythians—winged, radiant beings shaped like humans, bathed in light. They were the ones to bless humanity in the war against darkness.

So Aelythia is like heaven. Lugar siya somewhere nobody knows. Pero hindi lang siya para sa mga souls. Doon galing ang Aether na holy element of light. Tapos doon nakatira ‘yong mga Aelythians. They sort of like Angels in appearance and power. Sila ‘yong nagbigay ng Aether sa mga tao para labanan ang mga pwersa ng kadiliman.

Aether…

I’ve heard that word a dozen times. But now it feels heavier. Sacred energy. The light that burns the dark. And somehow… it lives in me. Ang sabi pa dito sa libro…

Aether is divine. Not everyone can wield it. Only those chosen—like the Angeals who can harness its strength.

Napatingin ako sa kisame.

“So ibig sabihin… napili ako?” I whispered.

Dreadhell — the opposite of Aelythia. A realm of eternal darkness and damnation. A prison for cursed souls. Home to the Dreamons also known as Demons, and Dreadlords.

Napakapit ako sa kumot ko. Naalala ko si Trish. I can never forget how scary she was.

Dreamons or Demons are soul-eating entities that cannot enter the human world—unless summoned by an Evocator.

Naalala ko ang sinabi ni Dean Clea tungkol sa mga Evocators, pati na rin ang sinabi ni Lucia. This book confirms my perception about them. They sacrifice someone’s soul to be possessed or eaten by the Demon. All of it to get what they wish for. Money… power… life. A Demon is bound to grant it. 

And now… they’re looking for me. To offer me up?

I looked at my hands. Nothing looked and feel unusual. Kaya bakit ako?

Bumalik ako sa pagbabasa.

Grimborns are cursed beings. Some were born. Some were turned. Vampires, Werewolves, Witches, and Ghosts. It is said when a Grimborn dies, their soul descends to Dreadhell.

Basically, halos parehas lang sa mga games, movies, comics, books, at pop culture ang mga totoong Vampires, Werewolves, Witches, at Ghosts. 

Iyong mga vampires blood suckers din, pale white ang skin— immortals. But here, it is said their curse is not being able to feel the sunlight. It is fatal to them. 

Werewolves ganon din— same sa pop culture. Hindi nga lang sinabi dito kung takot sila sa silver bullets. Siguro hindi. Pero ang curse nila ay ‘yong pagiging beast nila na sometimes di nila makontrol lalo kapag bilog ang buwan.

Iyong mga Ghost naman katulad ni sir Bjorn. They’re somehow alive and dead at the same time. Their curse is vulnerability to iron.
 
As for White Witches— they are magic users who channel the forces of nature to heal or subdue enemies. Those gifted with Aether may become Angeals, but every spell costs them a fragment of their own life force.

On the other hand, Black Witches are practitioners of forbidden Dreadhell magic. Feared for their ability to curse and manipulate dark forces. Unlike White Witches, they preserve their youth through sinister rituals. It is also believed that Evocators were once Black Witches.

Grimborns may seem too powerful and scary, but the Angeals… They can use Aether. And all Grimborns are vulnerable to Aether. That explains how the Angeals keep the balance between all of them.

Napaisip ako. Naalala ko si Papa. Lucia said he’s the Legendary Demon Hunter Al Brea. Pero ako? Takot. Litong-lito. Laging naghahanap ng sagot.

And yet…

I want to be one too. Not just to find out what I am. But to protect those I care about. To stand between the dark and the people I love. Katulad ng ginagawa ng mga Angeals.
Isinara ko ang libro.

Hindi ko pa rin alam kung ano ang totoo sakin. Pero ang alam ko, bukas, malalaman ko kung saan ako talaga nabibilang.

At kahit anong mangyari… haharapin ko ‘yon.

May bigla akong narinig na kumakatok sa bintana. Bumangon ako at nilingon ‘yon.

“Nix? Anong ginagawa ng lalaking ‘to dito?”

Tumayo ako, pumunta sa bintana at binuksan ‘yon. May maliit na balcony sa labas ng bintana ng dorm room namin— para sa halaman pero doon nakatayo si Nix.

“Hoy, chibi. Ba’t gising ka pa?”

Biglang umakyat ang dugo ko. Tinawag niya pa talaga akong chibi. Ako nga dapat magtanong kung bakit siya nandito. Nang-iinis na naman ‘tong lalaking ‘to.

“E di ako makatulog. Bakit ba?! At bakit ka nandito?!” Sinungitan ko siya.

“Sungit naman nito. Wag ka nga maingay baka magising ‘yong roommate mo.”

I can’t believe this guy. Siya nga ‘tong nang-iistorbo. 

Buti nalang mahimbing ang tulog ni Tam. May flowers siya sa tenga. Siguro magic niya ‘yon para di siya maistorbo.

“Ba’t ka ba nandito?” Tanong ko. Nakapamewang.

“I’m just doing my duty. Baka kung ano-ano iniisip mo. Don’t assume that I’m here just to see you.”

“Ha?” Napakunot-noo ako.

Anong sinasabi ng lalaking ‘to? Wala naman akong iniisip na kung ano.

“So bakit di ka makatulog?” tanong niya.

“Ewan ko.” I shrugged. “Bakit mo tinatanong?” Then I crossed my arms. “Is that part of your… duty?”

I squint my eyes as I look at him. I want him to feel that I’m suspicious of his so-called duty.

Umiwas siya ng tingin. “O-Oo naman. Duty lang ‘to.”

“Weh? Talaga? Di nga?” 

Natatawa ako deep inside. Masaya din pala pag ikaw naman ‘yong nang-aasar.

“Oo nga! Kulit mo! Ako ang naka-duty para bantayan kayo nitong roommate mo. Si Ash doon sa babaeng Morpyre. Si Zed ang naka-assign doon sa babaeng Lycan.”

“Babaeng Lycan? Si Lucia? Wait…” Pagkumpirma ko.

Naalala ko ‘yong sinabi ni Lucia na nandito siya para magka-anak sila ni Zed. Tapos ngayon magkasama sila? Biglang pumasok sa utak ko ang imahe ni Zed at Lucia— magkatabi sila sa kama. 

“Si Zed at Lucia?!” I exclaimed. “M-Magkasama sila? Ngayong gabi? S-Silang dalawa lang?”

No! No way! No way!

“Huh? Anong pinagsasabi mo? Siyempre nasa paligid lang si Zed. Hindi sila magkasama. Anong iniisip mo?” Kunot noong tanong ni Nix.

Nahiya ako kaya agad akong tumalikod. Pero nakahinga ako nang maluwag. 

“W-Wala. Wala akong iniisip, ah! Anong sinasabi mo diyan?”

Okay. Buti na lang. Atleast… hindi naman sila magkasama or magkatabi. Kainis! Ang dumi ng utak ko do’n.

“Kung di ka makatulog sama ka sa ‘kin.”

Nagulat ako sa sinabi niya kaya humarap ako ulit. Hindi siya makatingin sakin. Nakatingala lang siya.

“Saan naman tayo pupunta?”

“Basta.”

Ano nakain nito? Bakit gusto niya akong isama? Teka baka pag ti-trip-an niya lang ako. Isa pa, I don’t think I’m allowed to go out.

“H-Hindi yata pwede. Baka mapagalitan ako,” sagot ko.

“Sus! Bata ka talaga. Bahala ka diyan.”

 Nagbadya siyang umalis.

Bata na naman. Kainis! I have to prove to him that I’m not a kid.

“Wait!” Pagpigil ko sa kanya.

Mas umiral din ang pagiging curious ko. I want to know why he wanted to take me somewhere. And more importantly where. Isa pa, hindi talaga ako makatulog. Maybe a bit of fresh air would help me forget everything for a while. Kasama ko naman si Nix. Di naman siguro kami mapapahamak lalo na kung saglit lang.

“Sige na. Sasama ako.”

Ngumisi siya at inabot niya sakin ang kamay niya. “Let’s go. Take my hand.”

Humawak ako sa kamay niya.

“Now close your eyes,” he whispered.

Pumikit ako. Bahagyang nag-iinit ang mga pisngi ko. At bakit parang gustong ngumiti ng mga labi ko? Ba’t kasi may pa-close my eyes pa? Surprise ba ‘to? Nae-excite tuloy ako.

Sa loob ng ilang segundo, nag iba ang ihip ng hangin. Parang inusog ang katawan ko. It reminded me of the first time Nix teleported me to the school’s parking lot.

I could smell the fresh air. We’re outside.

“Take a look,” sabi ni Nix.

I had no time to guess what it was. I just slowly open my eyes. And when I did… Para bang huminto saglit ang oras. I was speechless.

We were on top of something so high. Nakita ko ang buong city under the night sky. The entire city was glowing beneath us, parang mga bituin pero wala sa langit kundi nasa mga buildings.The lights looked like tiny fireflies, and the wind felt soft around us. Everything felt still. Tahimik. Parang kami lang ang nandito.

“Wow! Just… wow!” I mouthed.

Sa mga sandaling ‘yon para bang nakalimutan ko ang lahat. Everything felt too much before but now that I’m here, I can see everything so small— para bang gumaan ang pakiramdam ko.

“Ayos ba?” He asked.

Tumango ako. Tulala pa rin ako sa nakikita ko. Para akong nakakita ng kayamanan— mga ginto sa baul. Parang bata na first time nakakita ng fireworks. 

Naisipan kong lumapit pa. Gusto ko pang makita ng mas malapitan, mas damhin ‘yong malamig na simoy ng hangin at ang init ng mga ilaw sa ibaba.

Kaya lang...

Pag-apak ko sa harapan, nawalan ako ng balanse.

"Ah!" Napa-tili ako nang bahagya nang madulas ang isang paa ko sa edge.

Buti nalang--

Biglang akong hinila ni Nix papalapit sa kanya.

Sa bilis ng mga pangyayari, ramdam ko na agad ang init ng katawan niya. Sa sobrang lapit namin, halos magdikit na ang mga ilong namin.

Nakahawak siya sa bewang ko nang mahigpit, para siguraduhin na hindi ako mahuhulog. Ako naman, automatic na kumapit sa dibdib niya. I could feel his heartbeat — mabilis din, tulad ng sa ‘kin.

Sandali kaming nagkatitigan. Wala ni isa sa aming gumalaw o nagsalita. The world around us faded. Wala nang city lights, wala nang hangin — kaming dalawa na lang.

Yung mga mata niya... para akong hinihigop papasok. ‘Yong usual smug expression niya? Wala. Ngayon, parang may tinatago siyang lalim na ngayon ko lang nakita.

Bigla kong napansin kung gaano kalapit ‘yong mukha niya sa ‘kin. I could feel his warm breath.

“Okay ka lang?” He whispered.

Parang nakakapanghina ang boses niya. Sinabayan pa ng mga mata niyang unti-unting bumababa ng tingin sa mga labi ko.

Parang gusto ko na ring pumikit.

Pero bago ko pa magawa, bigla siyang umubo ng kunwari, at binitawan ako ng dahan-dahan.

He stepped back. Biglang hindi na siya makatingin sa ‘kin.

Ako naman, parang literal na nag-iinit ang buong mukha ko. Para akong pinapakuluan sa sarili kong balat. Hindi rin ako makatingin sa kanya. What just happened? There was something… I can’t explain it.

“S-Sorry.” Bulong ko. Sinilip ko siya. Ngumiti siya, 'yong pilyo pero ngayon parang medyo nahihiya rin.

“You should be more careful, bata.”

“Hindi ako bata!” protesta ko agad, habang tinatago ang nanginginig kong kamay sa likod ko.

Natawa siya. Totoong tawa — hindi ‘yong usual na pang asar lang.

I pouted my lips and crossed my arms. “Huwag mo na kong tatawaging bata, please. I’m not a kid. Chibi na lang. At least cute.”

“As you wish,” sagot niya. Natatawa pa rin nang konte.

Dahil natuwa ako sa ginawa niya ngayon, I’m letting him call me chibi. Or maybe I shouldn’t? Why do I have a feeling that I’m gonna regret it?

In that moment, habang pinagtatawanan niya ako, habang nakatayo kami sa itaas ng libo-libong ilaw ng siyudad, I think I can see a different side of him. He’s caring kahit hindi niya ipahalata.

“So… Where are we?”  Tanong ko. Luminga ako sa paligid. Nakatapak kami sa platform na gawa sa bakal. Ang paligid din gawa sa bakal. Are we in a communication tower? “Bakit mo ko dinala dito?”

“This is Grimrose Tower. I come here whenever everything seems so hard and big. Here, I feel bigger while other things are smaller. I figured it’ll help you.”

Parehas kami ng naramdaman. Sabi ko kanina parang lumiit lahat mula dito. 

“Here it’s quiet. Makakapag-isip ka nang maayos. Solve problems. Be brave,” he added.

Sa mga sandaling iyon napatitig ako kay Nix habang nakatingin lang siya sa city. At habang hinahaplos ng hangin ang kanyang buhok, hindi ko maikakaila — lalo siyang gumaguwapo. He’s always been annoying. Always. But tonight… parang may iba. Hindi ko alam kung ilaw lang ba ‘yon… o ako na talaga ‘yong nagbabago ng tingin sa kanya.

Hindi ko napigilang ngumiti. Napahanga niya talaga ako ngayon. Higit sa lahat napagaan niya ang pakiramdam ko.

Sumulyap siya sakin. Mukhang napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Umiwas ako agad. Bumalik ako sa pagmamasid sa city lights.

Shoot! Bakit parang nahihiya ako?

Sinulyapan ko siya. Nakangiti siya pero sa city lights pa rin nakatingin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ‘to? Kinakabahan ba ko?

Biglang umihip ang hangin. Halos lahat ng buhok ko sa katawan tumayo. Niyakap ko ang sarili ko.

Gosh I’m so dumb. Pumunta ako dito ng naka-pajamas lang. Nilamig tuloy ako. But it’s not my fault. Di ko naman alam na dito ako dadalhin ni Nix. If I need someone to blame that should be--

Parang napatalon ako nang mahina. Nagulat ako. Si Nix… He…

He wrapped his jacket around me.

I had to bite my lips to keep myself from smiling so wide. First time may gumawa sakin nito. Ganito pala ‘yong feeling. Parang sasabog ako sa kilig.

“T-Thank you,” nahiya kong sabi.

“Gusto mo na bang bumalik?”

Umiling ako. Huminga ako ng malalim. Pinagmasdan ko ulit ang mga city lights.

“Mamaya na. I like it here,” nakangiti kong sabi.

Just a few more minutes. This view… This experience… This moment. I want to hold it. Because tomorrow I’m sure… 

Everything will change.

NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly