DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 11: Section Valkyries

☆

6/19/2025

Comments

 

Grimrose ACADEMY

PAGPASOK NAMIN, it was a typical classroom na medyo outdated. May blackboard sa harap. May teacher’s desk sa gilid nito. May mga upuan na may kanya-kanyang desk— mga sampu ang bilang ko.

May dalawang students na sa loob. They were sitting at the back but far apart from each other. Hindi ko na masyadong nakita ang itsura nila dahil pinaupo ako ni ate Kat sa bandang unahan. Ang natatandaan ko lang ‘yong isa kulay white ‘yong hair, ‘yong isa naman ginger.

After a while, something translucent phased through from the blackboard. He reminded me of when Ate Kat froze her brothers. He was also levitating. That means he’s a ghost. Kung hindi pa ko nakakakita ng Demons, Ghost, at Morcan, baka natakot ako at napasigaw. Nagulat ako ng konte but that’s it. I’m getting used to this supernatural world.

“Good evening, class!” Malakas na bati ng ghost.

The ghost is a big guy. Full beard, long braided hair. He’s wearing leather armor. Mukha siyang galing sa sinaunang panahon. At dahil gamer at movie geek ako— I have a pretty wild guess. He’s a viking!

“Good evening, sir Bjorn.” Bati ni ate Kat.

“Good evening po,” I whispered.

“Aha! Nandito din pala ang favorite student ko. How are you, Kana Talia?” sabi ni sir Bjorn.

“Still cold,” sagot ni ate Kat. She chuckled.

“Good, good, good. Kumpleto na ba tayo?” Sir Bjorn said as he looked around. “Hmm… Kulang pa ng isa.”

Isa na lang ang kulang? Si Tam. Ibig sabihin lima lang kami?

“Nag CR lang siya, sir Bjorn,” sagot ni ate Kat.

“Okay. Hintayin natin siya ng three minutes,” sabi ni sir Bjorn. Pero bigla nalang nalaglag ang kanang braso niya. Parang naputol.

Napatili ako. Agad kong tinakpan ang bibig ko. 

What on earth?!

Kahit translucent si sir Bjorn, seeing his arm fall from his shoulder turned my stomach upside down. It was gruesome.

Tumawa si sir Bjorn. “Sorry, my bad.” 

Pinulot ni sir Bjorn ang braso niya at kinabit ito sa balikat niya. Ayos na ito ulit na parang walang nangyari.

May narinig akong tumawa sa likod. It was the ginger haired girl.

“You see— I was a Viking. I died after an enemy hacked mi arm with an axe. When I woke up I became a ghost. Please excuse mi arm from time to time, will ya?” paliwanag ni sir Bjorn sa ‘kin.

Tumango-tango naman ako. Hindi ako nakapagsalita. Nagulat kasi talaga ako.

Ilang minuto pa ang lumipas, dumating na rin si Tam. Pinaupo ko siya sa tabi ko. Kaming tatlo nila ate Kat ang makakatabi sa harapan— nasa gitna ako.

“Alrighty, now that we’re complete. Let me introduce mi-self.  I am Bjorn son of Rok. You can call me Bjorn or sir Bjorn. Ako ang magiging class adviser niyo. As you can see, you still see whatever is in my back— I am a ghost viking. Been like this since the Viking era. Everything you need to know to become an Angeal— I will teach. Before we start. Let’s get to know everybody. Stand here at the front. Introduce who you are, what you are, and why you are here at the academy. Let’s start with you… Kana Talia.”

“With pleasure, sir Bjorn,” nakangiting sagot ni ate Kat. Tumayo siya at pumunta sa harapan.

Ang confident talaga ni Ate Kat. Tapos ‘yong ganda niya parang di nakakasawa.

“Hi everyone! My name is Kana Talia Franco. You can all call me Kat. I’m a Morvane. Natapos ko na ang class na ‘to noon. Let’s say I’m already a special Angeal unit. But I was assigned here to ensure that everyone is safe. If you have questions, you can also ask me.”

Pumalakpak si sir Bjorn. “Perfect! As expected from the Winter Ghost.”

“Thank you, sir Bjorn,” nakangiting sagot ni Ate Kat.

“Now let us know… you,” sabi sa ‘kin ni sir Bjorn.

Nagsimulang tumibok nang mabilis ang puso ko. Bigla akong pinawisan kahit malamig naman sa loob. My hands were also shaking. Anong sasabihin ko? Hindi ko pa nga alam kung ano ako.

Marahan akong tumayo at pumunta sa harap. 

Kainis! Parang lumalambot ang tuhod ko. I’ve done this before. Kaya bakit ako kinakabahan ngayon? Hindi kaya dahil alam kong hindi normal na tao ang mga kasama ko?

Huminga ako nang malalim. Here goes nothing…

“H-Hello. I’m Shana Rey Brea—”

“Brea?” Pag-ulit ni sir Bjorn. Parang nagulat siya.

“Isa kang Brea?! Sinong tatay mo?” tanong ng babae na may ginger colored hair. Napatayo siya sa upuan. Maikli lang pala ang buhok niya pero medyo makapal— neck level. 

“Um… si Alfonse Brea,” sagot ko.

“Talaga ah? We’ll see,” said the ginger colored hair girl. She crossed her arms and sat down.

Ano kayang ibig niyang sabihin? Kilala niya din si Papa? Anyway, kilala ng lahat ang Papa ko dito? That’s how good he was? Better stand proud for him then.

Sir Bjorn was smiling. He gestured for me to continue. Tumayo ako ng tuwid.

“I’m a… I’m…” What the heck am I gonna say? I don’t know what I am. Let’s see… so far I was able to produce white light. I was able to use it as a weapon and a way to heal my friends.
 
“I’m Aether-blessed!” Mabilis kong sabi. Iyon na lang ang madaling explanation. “I’m here to understand what it means to be an Angeal. I’m here to become one— like my father before me.”

“Very well. Great job. You can sit down," sabi ni sir Bjorn. Then he turned to the girl with white hair. “Let’s go to you next, mi-dear.”

The white haired girl stood up and went to the front. She was quiet and still. Matuwid at mabilis ang lakad niya. She’s graceful like royalty but she seems… emotionless?

“My name is Eliza Valemont. I’m a Morpyre. I was ordered by Lord Pain Valemont to be here. His instructions were to try and regain my memories or make new ones.”
Eliza was probably around 5 feet and 5 inches tall. She wore an all-black Gothic Victorian dress that gave her a striking, elegant look. Her hair was white as snow, soft rag curls pababa na abot sa chest at back niya. She looked like a porcelain doll. And just like Ash, since they're both Morpyres, her skin was pale and almost ghostly fair. She’s also holding a katana with black hilt and scarab.

Regain her memories? Ibig sabihin may amnesia siya. Kawawa naman siya. I hope makausap ko siya someday and hopefully help her— kahit sa paanong paraan.

Pagkatapos magpakilala, pinabalik ni sir Bjorn si Eliza sa upuan. Sunod niyang tinawag si Tam. Noong una ayaw pa ni Tam. Pinilit lang namin siya ni ate Kat. We cheered her until she was able to find some courage.

“Um… Um… My name is… Tamika… Asano…” She whispered.

“Tamika! Please we can’t hear you, doll. Reach to your heart and be proud of who you are. Take a deep breath and pretend we’re not here,” payo ni sir Bjorn kay Tam.

Huminga ng malalim si Tam. Pumikit siya.

“I’m Tamika Asano. You can call me Tam. I’m a white witch. I’m here to become an Angeal and to prepare myself… for I am the… sole heir to the White Throne.”

Nanlaki ang mga mata ko. Tumayo din ang mga buhok ko sa braso. I don’t know what the white throne is but… Tam is an heir?! Does that mean I’m sort of a friend to royalty?

“Yes! Very good, princess Tamika. You can take your seat,” sir Bjorn instructed.

Pag upo ni Tam, pabiro ko siyang siniko sa braso. Binulungan ko siya. “Uy friend. Di ka nagsasabi. Sole heir? White Throne? You’re a princess? Anong ibig sabihin no’n?”

“My Lola is the current Queen of the White Witches. Kaya ako ang next in line,” paliwanag ni Tam.

Nginitian ko siya nang napakalaki. “Wow! Good job! Sabi ko sayo kaya mo, e.”

Ang huling tinawag ni sir Bjorn para magpakilala ay ‘yong babae na kulay orange ang buhok. Sobrang kabaliktaran siya ni Eliza. She’s cheeky, careless, and seems rowdy. She stood about 5 feet and 6 inches tall.

“Geez! Paano ko naman susundan ang revelation ni Princess Tam,” sabi ng babae. She then put her arms behind her head.

Medyo may pagka-revealing ang suot niya. She was wearing a black tube top that showed off her waist. Over it, she had on a cropped brown jacket with a fluffy fur collar. Iyong suot niyang black jeans shorts sobrang iksi din. 
“Ako si Lucia Howlett. I’m a Lycan. Ako ang nag-iisang anak ni Chief Lucius Howlett— leader ng mga Werewolves. Narito ako para sa isang misyon…”

She paused. She looked at each and everyone of us. Nakangiti siya pero parang sinasadya para ipakita ang mga pangil niya.

 We all waited and held our breath.

“...Ang magkaroon ng mga anak kay Zed.”

Muntik akong malaglag sa kinauupuan ko. Halos ma-stuck ang panga ko.

Seryoso ba siya? I mean, oo sige gusto niya din si Zed— pero magka-anak agad? Grabe ‘to! Sobrang pranka niya.

“Puro ka kalokohan, Lucia. Bumalik ka na nga sa upuan mo,” utos ni sir Bjorn sa kanya.

“What? Imagine what a Lycan and a Morcan would produce?” Hirit pa ni Lucia habang bumabalik sa upuan niya.

Kainis! Parang ang dami kong karibal kay Zed. May dumagdag pang Lycan. Speaking of, kamusta na kaya siya? We haven’t talked since he lost control. Sana magkaroon ng chance. I want to tell him that I’m not mad or something. If there’s anything, I am actually thankful.

“Well, well, now that’s done let’s see…” sir Bjorn said as he looked around. “All female… Composed of special ones… Aha!”

Sir Bjorn took a deep breath as if he’s going to proclaim something out loud. 

“Henceforth this section will be called… Valkyries!”

Tumayo ang mga buhok ko sa braso nang marinig ko ‘yon. Valkyries— female warriors from Norse mythology. Mukhang bagay na bagay sa min. Sana lang magkasundo kaming lima. 

Suddenly, red lights began flashing across the room, and a loud, blaring siren filled the air. It’s a red alert. May kung anong emergency.

Lumabas si sir Bjorn ng classroom. Syempre sumunod kami. May mga Angeals na tumatakbo sa iba’t ibang direksyon. As if they are on full alert.

Sir Bjorn asked one of them. “What’s going on?”

“Someone was found dead, sir. It could be a breach.”

Ano? May nakitang patay? Anong nangyayari? Sinong may gawa no’n?
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly