DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GA - Chapter 1: A New Life

☆

5/27/2025

0 Comments

 

Grimrose Academy

Shana's Point of View


NEW PLACE, new school, new city, new life and a new chance for me to get out of my boring life. Gusto ko kasi ng thrill sa buhay ko— kaya guess what I just signed up for college? Criminology! Gusto ko maging Pulis one day. Idol ko kasi ang Papa ko.

Kakalipat lang namin noong isang linggo dito sa Grimrose City. Halos wala kaming kakilala, maliban sa pinsan ni Papa na malayo naman kung saan kami nakatira. Itong bahay na ito na lang ang natitirang pag aari namin. I guess I can say that our life went upside down slowly when Papa died 3 years ago.

Naghanda ako sa pagpasok sa school. Today is actually my first day sa Rose University as a transfer student. Nakapag-start na kasi ako sa dati kong school, 1st semester. Heto 2nd semester na ako papasok sa bagong school. May kaba sa dibdib ko na 'di ko maipaliwanag. Parang takot ako dahil ibang mga mukha ang makikita ko.

Sana lang sa bagong school na ‘to hindi na ako mapagkamalan na bata. Ganon kasi sa dati kong school.

Nagpaalam ako kina Mama at kay Erin— ang kapatid kong 5 years old. "Aalis na po ako."

"Bye ate ingat po."

"Bye anak. Goodluck and try to make some new friends."

Kumaway sila ni Mama.

"Bye Ma! Bye Erin! Pakabait ka dito kay Mama ah," sagot ko naman.

Tumango si Erin at nag patuloy sa pagkain ng kanyang cereal. Bago umalis ay humarap ako sa picture ng yumao kong Ama na naka-display sa wall ng sala. 

"Papa, this is it! Continue ko na ang misyon ko para masundan ang sinimulan mo. Para po sa inyo ito."

Nag bike lang ako papunta sa Rose University. Medyo malapit lang naman kasi at para makatipid. Hindi rin naman mainit dahil nasa northern part at napapaligiran ng bundok ang city. Lahat nga yata ng tao dito naka-jacket or long sleeve.

Alam ko rin kasi na mauubos na namin ang naiwang ipon ni Papa. Dapat din pala siguro akong humanap ng trabaho mamaya. Ngayong wala na si Papa, wala na rin susuporta sa amin. Ayaw ko namang mag trabaho si Mama dahil hindi pa pwedeng iwanan si Erin.




PAGDATING ko sa school, medyo marami na rin tao ang pumapasok. Ipinark ko ang bike ko sa may isang parking space na walang pumaparada, katabi ng tatlong mukhang mamahaling sasakyan. Nahiya ‘yong bike ko pero hindi ko naman alam kung saan ang paradahan ng bike kaya dito na lang.

Paalis na sana ako nang biglang may bumusina sa akin.

Isang lalaking naka helmet at nakasakay sa malaking motorbike ang sumita sa akin. "Hoy! Tanggalin mo nga 'yang pangit mong bike sa parking space ko!"

Para bang agad na umakyat ang dugo ko. Ayoko sa lahat ‘yong mga mayayabang na katulad ng taong ‘to.

"Excuse me?! Nauna kaya ako dito! Why don't you look for another parking space?"

Tinanggal niya ang helmet niya--at boom, gwapong lalaki. Red leather jacket, white shirt, hikaw, at silver chain necklace. Obvious na mayabang… pero sige points to may angas din naman talaga siya.

Mga six feet tall siguro siya. Lean body, parang athlete. Medyo magulo ang buhok niya pero KPop-style pag nahawi. He looked cool— ​too cool. Pero aura pa lang niya nakakainis na. I hate his guts already.
Picture
​"Bago ka ba dito?" Tanong ng mayabang na lalaki. "I think naliligaw ka, chibi!"

Chi-chibi? Did this guy just call me small or short in japanese? At sinabi ba niya ‘yon dahil mukha akong bata? Really?! Pati ba naman dito napagkamalan akong bata?! Akala ko pa naman hindi na ako ituturing na bata sa bagong lugar na ito.

"Hoy! Teka lang sa'yo ah." Sasabat pa sana ako sa kanya nang biglang may babaeng sumingit sa gitna namin.

"Hi Nix! Sorry sa istorbo, you can have your parking space now. Itatabi na namin yung bike."

Hinawakan ng babae ang bike ko at itinabi ito sa gilid.

"Teka sandali!" Pag pigil ko sa babae.

Ngunit ako ang pinigilan niya. "Sshh! Miss later na. Pag alis ni Nix."

Nix... Nix pala ang pangalan ng mayabang na lalaking 'to.

Sinunod ko ang babae at 'di na lang ako nag salita. Pero tinitigan ko nang masama ang mayabang na si Nix at gano'n din siya sa akin habang pinaparada niya ang kanyang motor bike. Umalis siya ng parking lot at naglakad papunta sa loob ng school.

"Hi, I'm Trish!" Nakipag kamay sa akin ang babae at ngumiti.

Nginitian ko rin siya at nagpakilala. "Hello Trish. Ako si Shana. Shana Rey Brea."

Si Trish ay may itim at maikling buhok na hangang leeg, kayumanggi ang kutis niya, may masiyahing mukha at katamtamang pangangatawan.

"Nice to meet you Shana. Bago ka lang siguro dito 'no? Napansin ko kasing hindi mo kilala si Nix."

"Ah oo. Kakalipat lang namin. Isang linggo na rin kami dito. Bakit sino ba yung lalaking 'yon?"

"Ah ikaw pala yung new student! Akala ko rin talaga kanina naliligaw ka. No offense pero mukha ka kasi talagang bata eh," sabi ni Trish at muli siyang ngumiti.

Nginitian ko nalang din siya. Sure I'm a baby face. Pero di naman siguro ako ganon kaliit. I’m almost 5 feet naman. Almost…

"I’m used to it."

"Anyway, that was Nix Franco. Bad Boy ng Rose University. More about that later kanina pa kasi kita hinihintay eh. I was assigned to you by our Dean. Malimit kami magkaroon ng bagong lipat na student kaya he wants to treat you special. I'm gonna give you a tour dito sa Rose U, kaya... Welcome!" Napakamot si Trish sa kanyang ulo. "Sorry hindi ako magaling mag speech at mag welcome. Tara na lang! I'll show you around."

It was really awkward but points for trying.

"Sige, let's go!" Sinabayan ko ang sigla niya. Gusto ko kasi siyang maging friend. Sana ganon din siya.

"Masiyahin ka rin ah. Tiyak kong magkakasundo tayo."

Inilibot ako ni Trish sa buong school at ipinaliwanag niya sa akin ang mga importanteng rooms dito. We went to the cafeteria, library, computer room, faculty, clinic, at marami pa. Pero sa laki nito, I think it will take some time for me na matandaan lahat ng itinuro niya. 

Hindi rin namin napuntahan ang ibang floors, 10 floors din kasi ‘yong main building. Iyong malawak na school grounds natanaw namin from rooftop. Kumpleto ito sa mga sports arena, at mga spots to rest, eat, study, at ugh… may mga nakita akong students kanina sa ilalim ng puno na magkayakap.

Huli namin pinuntahan ang music room ng school, kung saan ang daming mga babae ang tila nagkakandarapa sa pag silip sa bintana para makita kung sino ang nasa loob.

"Ano'ng nangyayari? Bakit nagkakagulo sila?" Tanong ko kay Trish.

"See for yourself." Hinatak ni Trish ang kamay ko at sumingit kami sa gitna ng mga kababaihan na nagkakagulo.

"Make way for your School president!" sabi ni Trish at pinadaan naman kami ng mga babae.

Natulala ako sa aking nakita. Isang lalaki ang nag gigitara sa loob. Hindi marinig ang kanyang tinutugtog dahil mukhang sound proof ang buong kwarto. Ngunit sino siya? Bakit... Bakit sobrang gwapo niya?

Angelic face. Parang stress-reliever lang siya pag tinignan. Fair skin, sharp features—parang Final Fantasy character in real life. Lean, fit, and... grabe, sobrang gwapo. Too perfect to be real.

Picture
“Okay, Shana, now you’re drooling,” sabi ni Trish.

Para bang bigla akong natauhan. Chineck ko kung tumulo nga talaga ang laway ko. “Huh? Hindi naman, ah!”

Tumingin ako ulit sa lalaki. "S-sino siya?"

Ngumisi si Trish habang nakatingin sa lalaki. "That's Zack Edward Franco o mas kilala sa nickname na Zed. Gwapo 'no? In love ka na rin ba katulad nila?"

Shocks! Ang gwapo nga. Grabe! As in grabe! Ngayon lang ako napatunganga nang ganito sa isang lalaki.

"A-Ang gwapo niya," bigla kong sabi.

Natawa si Trish. "Welcome to Zed's fans club!"

Biglang tumingin sa akin si Zed at ako'y napa-Oh my god! Mukhang napansin niya ako-look.

Lumapit siya sa bintana. Matangkad siya— ​parang around 6 feet. Pero bigla niyang ibinaba ang blinds kaya’t hindi na siya makita.

Ouch! Suplado pala.

Na-disappoint naman ang mga babaeng fan-girl niya sa paligid at ako pa ang sinisi.

"Ikaw kasi eh, tinakpan tuloy niya," sabi ng isang babae sa akin.

Anong ginawa ko? Tumingin lang din naman ako katulad nila. Buti nga ako behave, e.

"Mabuti pa Shana, pumunta na tayo ng cafeteria para bago ang klase mo may lakas ka," mungkahi ni Trish.

Tumango ako nang may kaba. "Sige mukhang malapit na akong awayin dito."




HABANG papunta kami sa cafeteria, may nakita kaming babae na parang model ang dating na naglalakad sa hallway na talagang nakaw atensyon.

Lahat ng tao, babae man, lalo na lalaki ay nakatingin sa kanya. Sobrang ganda niya! Parang Korean actress. Smooth, porcelain skin, perfect features. Mga 5'9" or 6 feet, sexy kahit naka simple white tee and skirt lang. Long black hair. Supermodel levels. She looked expensive, elegant, and untouchable.
Picture
Idol ko na siya! I mean I’m happy with my own look and God given features, but she would definitely make you feel jealous.

“Is that the sa-wakas-nakita-ko-rin-siya-sa-personal look?” Tanong ni Trish.

“Huh? What do you mean? Sino siya?” Come to think of it, she looks familiar. Parang nakita ko na siya somewhere.

“Hello? You don’t mean that do you? Sa dami ng mga posters at billboards sa buong city na siya ang model— ​imposible na di mo siya kilala.”

“Ah… eh… sorry kakalipat lang namin,” nahiya kong sagot. Pero I think nakita ko nga siya sa mga billboard pagpasok namin dito sa city last week.

"Anyway, that's Ms. Kana Talia Franco o mas kilala sa pangalang Kat. She's a model and a top student here. Parang nasa kanya na nga lahat ng biyaya eh. Matalino na, maganda at sexy pa," paliwanag ni Trish.

Natulala ako kay Ms. Kat pero bigla kong naalala... "Franco? Kaano ano siya ni Zed?"

"Aba naman! Mukhang tinandaan mo info ni Zed ah," sabi ni Trish.

"Ah... Eh... Naalala ko lang." Napakamot ako sa sintido.

Sinanggi ako ni Trish sa braso at inasar bago sumagot, "Sus! Kabisado ko na kayong mga fan-girl niya. To answer your question... Nakakatandang kapatid ni Zed si Kat, and guess what? Si Nix na naka-alitan mo kanina? Kapatid din nila yun. His name is Niel Xander Franco. Ang mga Franco ay sikat sa buong city dahil sila ang pinaka mayaman dito."

"Ah I see... Kaya pala." sagot ko.

Grabe naman. Parang in terms of face value, nasa mga Franco ang biyaya. Tapos mayaman pa sila.

Lumagpas sa amin si Ms. Kat. Pero nakita kong tinignan niya ako. And I can’t explain how or why pero parang biglang mas lumamig ang paligid pag daan niya.

Nagpatuloy kami sa pag punta sa Cafeteria. Malapit na kami nang makakita na naman kami ng kumpol ng mga tao, karamihan ay mga kababaihan.

"Oh perfect! Makikilala mo na ang isa pa nilang kapatid. Kuya nila actually," masayang sabi ni Trish.

Huh? May kapatid pa sila. Gaano naman kaya ka gwapo 'to?

Lumapit kami at sumingit sa kumpol ng mga tao. Pagkatapos ay tumambad sa amin ang isang gwapong lalaki na nag ma-magic– street magic.

"Pick a card! Any card!" sabi ng lalaki na may hawak na baraha.

Hinawakan ng lalaki sa chin ang isang babae na may maikling buhok at naglapit ang kanilang mga mukha. "Hey girl, how about a kiss of magic?"

Hinalikan naman siya ng babae sa cheeks at ginawa niya rin ito sa isa pang babae na may mahabang buhok sa may gawing kaliwa niya. Tapos ay pinabunot niya ang babae sa harap niya ng baraha.

"Remember your card. That's how many times I will give you a kiss, if our magic won't fail." Kinindatan niya ang babae at para bang namula ito sa kilig.

Cute siya—pero sobrang puti niya. Parang maputla? Parang sobrang flawless din? I mean ‘yong kutis niya parang sobrang puti para sa isang lalaki or even sa normal na tao?  Bleached hair, black suit, charming smile. Nakakahawa ‘yong energy niya. Confident, playful, kaso… halatang playboy.
Picture
"That's Alvin Shawn Franco o mas kilala sa pangalang Ash. He's a good street magician. Kaya lang as you can see— playboy. Siya ang pinaka panganay sa kanilang magkakapatid. Si Kat ang pangalawa at magka edad naman si Nix at Zed." Paliwanag ni Trish. “Pero kapag magkakasama sila, makikita mo na parang si Ash ang bunso at si Kat ang panganay.”

"Aah...I see… Teka?! Magka-edad si Nix at Zed?” Pagbaling ko kay Trish. “Pero 'di sila magkamukha, ah? I mean they are all good looking pero medyo malayo talaga ang mga mukha nila sa isa't isa." 

"Kasi..." bumulong sa akin si Trish, "...mag kakaiba sila ng ina."

Marahan akong tumango-tango. Kaya pala magkakaiba ang itsura nila, pero sabi ko nga lahat sila good looking. Iba-iba ang ina? No wonder kung bakit parang babaero itong si Ash. I guess even the richest family has a dark secret.

Nang matapos mag magic si Ash, sumingit si Trish sa gitna at bumati, "Hi Ash!"

"Hello Trish! What's up?" Sagot naman ni Ash habang nagbabalasa ng baraha.

Bigla naman akong hinatak ni Trish sa kanyang tabi, "This is Shana. Bago siya sa school natin. Can you give her a sample of your magic trick?"

Nagulat ako kaya't agad na tumanggi, "Huh?! Trish huwag na! Manonood na lang ako."

Hinawakan ako ni Ash sa pisngi at tinitigan sa aking mga mata. Hindi ako nakagalaw nang dahil sa kanyang pagtitig.

 Wait, did I see his eyes glow red for a bit? 

Namamalikmata lang siguro ako.

"The sound from a snap of my finger is now your master," mabilis na sabi sa akin ni Ash, then he snapped his fingers near my right ear.

"Hear that?" tanong ni Ash, then he snapped his fingers again. "He wants you to go faster."

"Snap! Snap! Snap!" sabi ni Ash kasabay nang tatlong beses niyang pag-snap ng kanyang mga daliri.

Then he snapped his fingers again. This time, parang nag echo nang matagal ang tunog mula sa kanyang mga daliri, "Snap... Zap... Take a nap... Don't miss a lap... In your dream you will never stop… Until I said enough."

Hinawakan ako ni Ash sa kanang balikat at pinisil niya ako, "Sleep!"

Bigla nalang nagdilim ang paningin ko at…







MABILIS akong tumatakbo sa gitna ng isang kagubatan. Hindi ko matandaan kung paano ako napunta dito. May humahabol sa akin at kailangan kong makatakas sa kanila. Napakadilim ng paligid at ang liwanag lamang ng bilog na buwan ang tanging ilaw sa kapaligiran.

Tumatakbo pa rin ako kahit hingal na hingal na. Kahit pa bumabanga na ako sa mga sanga ng mga halaman at matataas na damo. Napakabilis ng tibok ng puso ko at ramdam ko pa rin siya. Siya o sila? Kung ano o sino man ang humahabol sa akin, hindi nila ako dapat maabutan.

"You can run... But you can't hide!" Dinig kong sabi ng isang lalaking may malamig at malalim na boses.

They all laughed at me, their voices were sharp and cruel. I hear them rushing after me, chasing me through the forest.

Malapit na sila...

Maaabutan na nila ako...

Nararamdaman ko na…

Hindi ko alam kung anong nangyari. Bigla na lang kasi akong napunta sa kawalan. Balot ng kadiliman ang paligid. Pagtingin ko sa baba, nakita ko ang reflection ko sa tubig. Bigla itong nagliwanag.

Puting liwanag…

Nakakasilaw…





BIGLA na lang akong nagising. Panaginip? Anong ibig sabihin no’n? Pero buti nalang panaginip.

Hindi ko alam kung gaano katagal pero nakahiga na ako sa clinic ng school. Tahimik ang buong paligid at madilim na rin— ​gabi na.

Oh crap! Did I miss all my classes? Ang epal kasi ng Ash na ‘yon. Si Trish din sabi ko huwag na ako. Pero paano niya nagawa ‘yon? Did he hypnotized me to sleep? Ang galing ah. Pero hindi! Sayang naman ang naaksayang araw na ‘to. Hindi ko na tuloy ulit nakita si Zed. Mamaya niyan may mga classes pala na mag kaklase kami.

Bumangon ako mula sa kama. Lumabas ako ng clinic at tumingin sa paligid.

Mukhang wala ng mga tao. Anong oras na ba?

Tumingin ako sa aking relo, "No way! Twelve midnight na! Patay ako kay Mama."

Sinubukan kong hanapin ang exit ng school. Ang hirap talaga pag baguhan ka sa isang lugar, nakakapanibago at nakakaligaw. 

Naglalakad ako nang biglang may narinig akong mga nag uusap sa loob ng isang classroom. Tila nagtatalo sila kaya't nagtago ako sa likod ng pader sa may tabi ng pinto at nakinig sa kanila.

"Nix! What's wrong with following orders?" Galing ang boses sa isang babae.

"Ang tagal niyo kasi. He saw me and he was trying to escape," Iyon naman galing sa isang lalaki.

If my memory serves me right, parang si Nix ang nag salita na ‘yon. Naaalala ko pa ang mayabang niyang boses.

"Good job brother. I'm so proud of you."

Iyon naman parang boses ni Ash. Baka si Ms. Kat ‘yong babaeng nag salita kanina. Hula ko lang kasi magkakapatid sila– baka magkakasama sila.

"Kinukunsinti mo pa itong kapatid natin! Do I need to remind you all that our Father told us to work as a Family?!" inis na sabi nung babae.

"Chill ka lang sis. The target has been defeated. That's all that matters."

Tama nga! Kay Ash nga ang boses na ‘yon! Maybe I should confront him. What he did to me was not right. Hypnotizing is against someone's will.

Pumasok ako sa classroom para kumprontahin si Ash. Nandoon din pala si Zed at napatingin siya sa akin. Shux!

"Guys? There's someone here," sabi ni Zed at lahat sila ay napatingin sa akin.

Nadoon silang apat. Ang apat na magkakapatid na Franco. Ngunit biglang nabaling ang atensyon ko sa taong nakahiga sa sahig na pinalilibutan nila. Gulat akong napahawak sa aking bibig.  May isang lalaki kasi na may saksak ng isang kakaibang patalim sa dibdib.

"Nix!" sabi ni Ms. Kat na may seryosong mukha.

"Yeah I know," sagot ni Nix habang kumakamot pa sa kanyang ulo.

Sampung metro ang layo ni Nix sa akin ngunit bigla siyang sumulpot sa harap ko. Hinawakan niya ako sa balikat at sa loob ng isang segundo...

Tila nagbago ang ihip ng hangin at ang paligid. It felt like I was pushed but I wasn’t. Umatras palayo si Nix sa akin. Saka ko nakita na nasa parking lot na kami ng school kung saan nakaparada ang bike ko.

"What... the..." marahan kong sabi nang dahil sa gulat.

Kumindat si Nix sa akin at bigla siyang naging itim na usok. Sa loob ng isang segundo bigla siyang nawala na parang bula.

"What the heck?!" Napahawak ako sa aking ulo at natulala matapos makita ang kanyang ginawa. What happened sent a shiver down my spine.

Did I just get teleported from there to here?

NEXT CHAPTER

BACK TO CHAPTERS
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly