DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

catching fox - Prologue

☆

5/13/2025

1 Comment

 
FINN


NANDITO ako ngayon sa isang Penthouse apartment sa Clark, Pampanga. Pagmamay-ari ito ng isang mayamang negosyante. Kasama ko ngayon ang anak niyang babae. Whom I just had a steamy night with. At least that’s what she thought.

“Babe, sorry ha. Babalik na si Dad dito sa penthouse bukas. Kaya ‘di na tayo pwede dito,” malambing niyang sambit habang nakahiga sa dibdib ko at nakayakap sa ‘kin.

“Okay lang. Sakto naman at kailangan ko na talagang umalis.”

Marahan ko siyang inalis sa pagkakayap saka bumangon mula sa kama.

“Babe, pwede ka namang hindi umalis. Ikukuha kita ng suite sa isang hotel na malapit.”

Nginitian ko lang siya. Tapos ay nagsimula na akong magbihis.

“Hindi ako pwede sa gano’n. Alam mo namang nagtatago ako para masigurado na ako ang magmamana ng yaman ng parents ko.”

“I understand. Pero kailan ka babalik? At kailan tayo magpapakasal?”

Kasal? Dapat na talaga akong umalis. Baka kung saan pa kami mapunta.

She let out a long exhale. “Haay, ang hirap pala maging katulad mo na ang parents ay member ng Asian High Society. Kailangan mong magtago para iwasan ‘yong mga nagtatangkang nakawin ang yaman ng family mo. Ang parents mo ba ay ‘yong parang sa Crazy Rich Asians? Gano’n sila kayaman?” 

Tumango ako at ngumiti. “Yep. I’m the sole heir of a vast and unimaginable fortune.”

“At ako ang magiging asawa mo, di ba? Pagbalik mo pakasal na tayo, ah,” malambing niyang pagdugtong sa sinabi ko. She was looking at me like a puppy.

Obviously I’m lying. I don’t really know why she bought that. Siya at ang iba pa noon. I think it’s my face that gives her the vibes that I’m for real. Or maybe she’s just really drunk.

I’m really sorry. But I had to do this. You’re a good person and you deserve better.

Sana lang nasabi ko ‘yon. Pero lahat ng pinaghirapan ko masasayang.

Nginitian ko lang siya. Matapos kong magbihis. Inimpake ko ang konti kong gamit sa backpack at agad na umalis.

I was going to give her a kiss goodbye but she fell asleep again.

My name is Finn Oliver Extrella. I have my reasons for lying and leaving that young woman. For three years, I have assumed many identities, and have been traveling from cities to cities just to find something. On my journey, I had to fool many ladies to find it, but with no luck. Bukod sa hinahanap ko, ako rin ay nagtatago mula sa mga mata ng mga awtoridad dahil isa akong pugante o wanted na tao. Well, they declared that I am. But I’m not!

So far, I have never been truly caught. I guess I could say I’m good, maybe even the best. Marami na kasing nagtangka na hulihin ako pero ni-isa walang nagtagumpay. They even gave me an alias as… FOX.




FEW MINUTES later, sa parking lot ng apartment, bago ako makarating sa sasakyan ko…

“Totoo nga ang sabi nila, mahirap kang hanapin. Pero heto ka! Mahuhuli na kita… Fox,” sambit ng isang lalaki.

Here we go again. Another one who will attempt and fail.

I smirked.

“You can see me. But the question is… can you catch me?”
Picture
DRIXIE

ILANG beses ko na siyang binabato ng mansanas na binili ko sa tindera kanina pero matigas talaga siya. Anong akala niya siya si The Flash? Pasalamat siya at tanghaling tapat dito sa Manila Chinatown kaya hulas ako at hirap tumakbo.

“Hoy Francis!” Sinusubukan kong habulin ang isang wanted scammer. Isang taon na siyang nagtatago at ako lang ang nakahanap sa kanya. Pero bakit ba laging ganito? Literal na tumatakbo ang mga pinapahanap sa ‘kin ng mga client ko. Mabuti na lang kahit ilang milya pa ang takbuhin niya, kaya ko siyang sundan.

Halos ten minutes ko na siyang hinahabol. Wala siyang pake kung may mga nabanggang tao, natumbang mga tinda sa bangketa, at mga bumubusinang sasakyan. Mas mabilis siya sakin pero dadaanin ko ‘to sa haba ng stamina. Tignan ko lang kung hanggang saan siya tatagal.

Natigil ang habulan namin nang magkamali siyang lumiko sa isang dead end na eskenita.

“At talagang tumakbo ka pa, mister Santos? Maayos naman kitang kinausap kanina pero mas gusto mo ng ganito. Pasensyahan tayo,” sambit ko. Pinisil ko pa ang mga kamao ko para patunugin.

“Langya naman! Robot ka ba? Di ka man lang hiningal.” Reklamo niya at tila ba hinahabol pa niya ang hininga habang naka-sandal sa pader. 

Ngumisi ako. Hindi niya kasi kilala kung kanino siya nakipaghabulan. Araw-araw kaya akong tumatakbo sa umaga kaya sanay na sanay na ako. Kahit isang oras pa kami maghabulan.

“Shut your mouth! Sasama ka sa ‘kin!”

Maingat akong lumapit sa kanya para arestuhin siya. Kinuha ko sa side pocket ng denim jacket ko ang hinanda kong zip tie handcuffs. Hindi ako pulis pero dahil wanted ang taong ito, pwede akong mag-citizen arrest. 

Bigla siyang tumawa. Pumorma siya na parang makikipag boxing pa sa ‘kin. “Sasama sana ako sa ‘yo kasi ang ganda mo. Type ko ‘yang red hair mo. Pero sorry, miss– hindi pa pinapanganak ang huhuli sa ‘kin.”

Talaga lang, ha. Tignan natin.

Ibinulsa ko ulit ang zip tie handcuffs. Huminto ako sa paglapit at naghanda sa gagawin niya. Wala siyang tatakbuhan kaya sigurado ako na susubukan niya akong labanan. 

Sumuntok siya pero agad kong nailagan. Mabilis ko siyang hinawakan sa kanang braso tapos ay pinihit ko ito papunta sa likuran niya. Napasigaw siya sa sakit.

“Aray!”

Sisikuhin niya rin dapat ako habang nasa likod niya ko pero agad ko itong nasangga. Pinihit ko rin papunta sa likod ang kaliwang braso niya. Ngayon hawak ko na sa likod niya ang magkabila niyang braso.

Agad ko siyang tinulak papunta sa pader hanggang sa madikit ko siya doon. Nang masigurado ko na restricted na ang galaw niya, agad ko siyang ginapos gamit ang zip tie handcuff ko.

“Malas mo lang kasi ipinanganak na 25 years ago ang huhuli sa ‘yo.”

Bahagya ko siyang hinila saka tinulak ulit sa pader nang malakas. Tila nanghina naman siya at hindi na pumalag pa.

“You deserve that! Balang araw pag nakalabas ka ng kulungan, lumaban ka sa buhay ng patas. Hindi ‘yong manloloko ka ng mga tao.”

Job done! Another satisfied client na naman ito. Tatawagan ko lang ang mga kaibigan kong pulis para kunin ang lalaking ‘to. Tapos all goods na. 

“Si-sino ka ba, ha?”

Nginisian ko lang siya.

Ako? Isang Ex-Police na ngayon ay isa ng Private Investigator. Ang specialty ko, tracking and catching. At wala pa kong naging target na hindi ko nahuli o nahanap. Minsan nga pakiramdam ko parang ang dali na. Meron bang mas mahirap hanapin at hulihin na target? Ready ako sa ganong challenge!

I can catch whoever and whenever they are!

Because I’m… Drixie Cortez.
Picture
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
1 Comment
Berna Gleyo
6/12/2025 04:40:18 pm

ANG ASTIG NI DRIXIEEE

Reply



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly