DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Epilogue

☆

5/13/2025

0 Comments

 
FINN


IT’S BEEN a long time. I finally have the courage to face him again. Dito sa kulungan kung saan humantong ang lahat ng ginawa niya. 

“Huwag kang masyadong lalapit.” The guard’s voice was firm as he unlocked the heavy steel door, leading me inside the visitation room.

I nodded.

Sa likod ng salamin, nakita ko si Larry.

Nakaupo siya sa isang maliit na mesa, nakaposas, pero hindi man lang ako tinignan. Hindi ko alam kung iniiwasan niya lang ako o wala na talaga siyang pakialam.

I pulled the chair and sat across from him. Seconds passed, but neither of us spoke.

Finally, he exhaled. Paos pa ang boses. “Anong ginagawa mo dito?”

“Gusto ko lang makita kung kamusta ka? May kailangan ka ba?”

Larry let out a dry chuckle, finally looking up. His face was thinner, dark circles under his eyes, but his stare was still sharp.

“Para ano? Para sabihin na tama ka? Na natalo mo ko?”

I shook my head. “Hindi. Hindi ito tungkol sa panalo o talo, Larry.”

Tumingin siya sakin, pero hindi nagsalita. Kaya nagpatuloy ako.

“I just wanted to tell you… that I understand now.” I swallowed. "Kung anong sakit ang pinagdaanan mo. Kung paano ka umabot sa ganito. And I’m so sorry about it.”

Yumuko siya. Tahimik lang.

“Larry… Noong mga oras na magkaibigan tayo– naniniwala pa rin akong totoo ‘yon. Nalihis lang dahil sa nangyari. Pero gusto ko lang sabihin sayo na– pipilitin kong iyon ang maging huling alaala ko sayo.”

Hinintay ko kung may isasagot siya. Pero isang minuto ang lumipas. Tumayo ako. May kung anong mabigat sa loob ko pero di ko pinakita.

“Paalam… kaibigan.” Iyon nalang ang nasabi ko.

Nagbadya akong umalis pero bigla niya akong tinawag.

“Finn…”

Huminto ako. Naghintay ng sasabihin niya. Sampung segundo rin. Hanggang sa nagawa niyang makatingin sakin. Huminga siya ng malalim.

“Patawad.”

Nakita ko sa mga mata niya na totoo ‘yon. Ngumiti ako nang bahagya at tumango. Saka umalis.

Balang araw makukuha rin niya ang kapayapaan na sana nakuha niya noon pa. I will pray that he will experience it. If not soon… hopefully someday.





DRIXIE


DALAWANG araw akong naghintay kung mag me-message ba siya sakin o tatawag. Kasi kung oo, babalewalain ko lang sana ang nakita ko. Pero wala. Mukhang busy na siya do’n sa Jillian na ‘yon. Wag lang sila papakita sakin kundi pag uuntugin ko talaga sila.

Kaasar! Bakit ba ko nagkakaganito? Alam ko namang hindi kami pero parang doon kami papunta. Nagkaroon lang ng maraming gulo at mga bagay na mas importante. Kaya naudlot? Ako lang ba ‘yong nakaisip at nakaramdam nito? Kaya ba di na siya nagpaparamdam ay dahil hindi niya na ko kailangan?

Abala ako sa pag bi-bird watching sa seaside dito sa Pasay nang biglang tumawag si Zella. Buti na lang tumawag siya. Hindi rin naman ako maka-focus kaka-isip kay Finn.

“Drixie Pixie! Kamusta ka?” As usual masigla ang bungad niya.

“Oh bakit?” Pasungit kong sagot.

“Why masungit ang besty ko? Anyway, I don’t have much time kaya I’ll go straight to the point. May kakilala kasi ako. Nagpapahanap daw ‘yong boss niya ng Private Investigator. Siyempre recommended kita. Tsaka urgent and VIP client daw ‘to, Drix.”

Wala talaga akong balak muna sana na tumanggap ng kliyente. Pero mukhang kailangan ko ‘to. I need to get my mind off him. Mukhang ito na ang sagot.

“Sige. Ano daw ba ipapa-investigate niya?”

“Hindi ko alam e. Pero kung gusto mo makuha lahat ng info, I’ll message you the address kung where kayo mag meet. The client rented the whole place kaya siya lang ang makikita mo do’n. Ngayon na daw.”

Aba ngayon na agad? Sino ba siya sa tingin niya? Well wala naman akong ibang gagawin.

Pumayag ako na makipagkita sa sinasabing kliyente ni Zella. Pero depende pa sa case kung tatanggapin ko.

Pag-receive ko ng message niya, agad ko itong pinuntahan. Sa isang five star hotel. Pagpasok ko sa loob, sa lobby pa lang, parang inaasahan na ako ng mga staff. Pinapunta nila ako sa rooftop bar na nasa 10th floor.

Now I’m curious. Sino kaya ‘tong kliyente na ‘to? Parang sobrang VIP. 

May kung anong bumigat sa sikmura ko. Hindi ko alam kung excitement o kaba.

Paglabas ko sa rooftop, malamig ang hangin, may live acoustic band na tumutugtog ng mellow na kanta. Hindi bagay sa isang business meeting, pero wala akong oras para magtanong. Tumingin ako sa paligid, hinahanap kung sino ang lalapitan ko.

Then I saw him.

Standing near the edge of the rooftop, in a crisp black suit, holding a bouquet of flowers.

Finn…

Ngingiti na sana ako, dahil bahagyang umiinit na rin ang mga pisngi ko– pero mabuti na lang napigilan ko. Ayokong mag assume kung ano ito. Higit sa lahat inis pa rin ako. May kasama siyang ibang babae kailan lang at hindi siya nagpaparamdam. Pero lalapitan ko siya. Business as usual.

Tumikhim siya at ngumiti. “Hi Drix!”

Pumikit ako saglit, pilit pinapakalma ang sarili. Naglakad ako papunta sa kanya, nakapamewang. "Huwag mong sabihin sa’kin na ikaw ang ‘VIP client’ ko?"

“Um yes?” Napahawak siya sa likod ng ulo niya. “Patay. Mukhang hindi gumana ‘tong surprise ko,” bulong niya pero narinig ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. “May sinasabi ka ba?”

“W-Wala. Oo! I mean…” Para bang nauutal-utal siya. Pero tumikhim siya saka tumingin sakin ng diretso. “May ipapahanap kasi ako sayo. Wanted siya. Wanted ng puso ko…”

Lumapit pa siya sakin at iniabot ang bouquet of flowers. 

“Ang target… ikaw.”

Tumayo ang mga buhok ko sa braso. Iyong puso ko parang gustong lumabas sa dibdib ko. Totoo na ba ‘to? Hindi na ba ko nag a-assume lang? Pero teka. I need an explanation.

Kinuha ko ang flowers na binigay niya pero agad ko itong pinatong sa malapit na mesa. Umatras ako nang konte. Tapos ay kinuha ko ang phone ko.

“Talaga bang ako ang target? E ano ‘to?” Pinakita ko sa kanya sa phone ko ang picture nila ni Jillian.

Nanlaki ang mga mata niyang may pagka-koreano. Hindi niya siguro akalain na makikita ko ‘to. I’m Drixie Cortez, magaling na private investigator. Pero sige tignan ko kung ano paliwanag niya.

Natawa siya ng konte. “I can explain.”

I crossed my arms and raised a brow.  At talagang natatawa ka pa, a.

“I’m listening.”

Tumikhim siya at tumingin sakin ng diretso. “I’m sorry kung di ko nasabi sayo. Pinuntahan ko ulit lahat ng mga babaeng naloko ko noong nagtatago ako at hinahanap si Baron Kim. Sinabi ko sa kanila ang totoo at humingi ako ng sorry. Gusto ko kasi sana na…”

Lumapit siya at marahan niyang hinawakan ang magkabila kong siko.

“...bago ako magtapat sayo ng nararamdaman ko… Wala ng taong may lihim na galit sakin. And that I’m completely free from anything that could hold me back.”

Tinalikuran ko siya. Hindi ko na kaya. Malapit na kong bumigay. Naintindihan ko kasi agad ang ginawa niya. I forgave him already. Pero dapat di ako agad sumuko. I need to hear more. I need to feel more. I love this feeling with him.

“E basta! Hindi ka pa rin nagparamdam sakin. Pwede mo naman sabihin na ganito, ganyan. Baka tinulungan pa kita. Mamaya niyan nag pa-cute pa sayo ‘yong mga babaeng ‘yon.”

Ano bang sinasabi ko? Did I just tell him that I was jealous? Bad move, Drixie!

“I’m sorry. Sarili ko kasing gusot ‘yon kaya naisip ko na ako ang umayos. I mean, you’ve helped me to be free. You saved me like a hundred times. Kaya nakakahiya kung hihingi pa ko ng tulong sayo.”

“H-Huwag kang mahihiya! I mean… hindi dapat ako iba sayo kaya huwag kang mahihiya.”

“Yes. I’m sorry again.”

Huminga ako ng malalim. Humarap ako sa kanya. Nakayuko siya. Parang nalungkot. Ayoko siyang nakikitang ganito. Hindi ko na siya matiis.

Kinuha ko sa mesa ang bulaklak. “So… sakin to?”

Nagawa niya ng makatingin sakin. Nakangiti pa siya nang napakalapad. “Y-Yes, boss.”

“Okay. So ano ‘yong ipagtatapat mo sakin? Bakit tayo nandito?” pasungit kong tanong.

“Wait lang. Bakit ang sungit mo pa rin? Baka naman pwedeng maging pusa ang lioness?”

“Dali na! Sabihin mo na.”

“Wait. Heto na talaga.”

Huminga siya nang malalim. Hinawakan niya ang kamay ko. Bahagyang mahigpit na parang gusto niyang iparamdam sakin ang nararamdaman niya. 

“Damn. Bakit parang mas kinabahan ako ngayon kesa nung tumatakbo ako sa batas?”

Napangisi ako. Pero ‘yong puso ko parang tinatambol na. Excited ako na kinakabahan. I never felt this feeling before. Parang sasabog ako. Gusto ko ng marinig ang sasabihin niya.

Finn exhaled, staring at me for a long moment. Then he swallowed hard.

“Drix… you’re the first person who caught me when I was on the run. When I was about to die– you caught me too. Now I’m falling… I am falling in love with you. Will you catch me again?”

Nakatingin lang si Finn sa akin, tahimik, parang may hinihintay.

Dahan-dahan akong huminga. Agad pumasok sa isip ko ang mga salitang sinabi ko sa kanya noong masalo ko siya. Ayoko na pigilan ang sarili ko. Matagal na ang hinintay namin. Marami na kaming pinagdaanan. Wala ng paligoy-ligoy pa.

“Siyempre… always.” I softly said with a smile.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya, halatang hindi niya inaasahan ang sagot ko. Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko—mainit, matibay. Hindi ko alam kung tibok ba ng puso niya o akin ang nararamdaman ko.

Isang segundo ang lumipas. Dalawa. Nagkatitigan kami. Iyong mga mata niya ay parang nagpapaalam kung pwede. Hindi ko alam kung magagawa ko ng tama. First time ko. Pero para mas kumportable at mawala ang kaba ko— lumunok ako, ako na ang lumapit at hinalikan siya.

It was soft at first, unsure, but then he pulled me closer, deepening it, like he was afraid I’d disappear if he let go. 

Ngumiti ako habang magkalapat pa rin ang mga labi namin. Ngumiti rin siya.

Then he softly whispered…

“I love you, Drixie.”

It was slow. Pero ramdam na ramdam ko. Kaya hindi na ko nag-atubili na sabihin din sa kanya ang nararamdaman ko.

“Mahal din kita, Finn.”

Niyakap namin ang isa’t isa ng mahigpit. Yakap na parang nagsasabi na finally lahat ng mabigat na problema ay tapos na. Oras na para mahalin namin ang isa’t isa.

“So what’s next for Mr. FOX?”

Ngumiti siya at tumingin saglit sa itaas.

“Hmm… I’m thinking of applying for a job– sa agency mo. Let’s solve cases together.”

“Oo ba! Pero ako ang boss, maliwanag?”

“Yes, boss. But only if my boss lets me steal a kiss from time to time,” sambit niya sabay kindat.

“Suntok from time to time gusto mo?”

We laughed about it. Our night went as the best night ever of my life. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin, masaya ako na ngayon ay magkasama na kami.


Papa… alam kong nakikita mo ko ngayon. Masaya na po ako. May tao na rin na nandito para sakin. I’m not alone anymore. I completed your last mission with him. Siya ang reward ko. Medyo malaking gulo lang napasok niya noon– but he’s a good person.. And we love each other. 


THE END



Author's note:

Congratulations on finishing this story! Sana nag enjoy ka sa iyong nabasa. Masaya kami ni Tina na napili mo ang Catching Fox para basahin. Feel free to read it again anytime. And don't forget to leave a comment to let us know how you feel about this story. Thank you so much. It means a lot.

​-Joe and Tina

Back to Chapters
more stories
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly