DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 9

☆

5/13/2025

0 Comments

 
DRIXIE


PAGDATING ko ng Polaris Restaurant, wala sa paligid si Fox. Nagtanong ako sa mga waiter, at dinala nila ako sa isang speakeasy bar nila. Isa itong sikretong wine bar na nasa basement ng establishment. Nakita ko doon ang target ko. Malinaw pa sa sikat ng araw. Nakaupo siya sa bar stand at mukhang kausap niya ang bartender.

Inihanda ko ang posas ko habang iniisip kung paano siya susurpresahin. Kailangan ko siyang malapitan at maposasan agad nang hindi niya nalalaman.

Umupo ako sa may table na malapit sa likod niya. Hihintayin ko na maging kumportable muna siya bago ko siya hulihin.

“Another round, sir?” tanong ng bartender kay Fox.

“Sure. But can I ask a question? Tutal marami na tayong napagkwentuhan.”

“I’ll see what I can do, sir.”

“Do you know this person? Ang sabi regular daw siya dito.”

Sinilip ko kung anong sinasabi ni Fox. Pinakita niya ang phone niya sa bartender.

“Yes, sir. Pero matagal na siyang hindi pumupunta dito.”

“When was the last time you saw him?”

“Hindi ko na matandaan, sir.”

“A year? Months? Please, try to remember.”

Medyo nate-tense ako kapag pinapatagal ko pa ang paghuli sa kanya. Baka makatunog pa siya. Magkunwari kaya akong si Jillian– ‘yong babaeng kasama niya dito sa Tagaytay?

Tama ganon na lang! Bahala na.

Tumayo ako at pumunta sa likod ni Fox. Tapos ay marahan ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat.

“Hey honey. Nandito ka lang pala,” sambit ko na kunwari pa ay palambing. Sinenyasan ko rin ang bartender na umalis muna sa harap namin.

Hindi siya pumalag. Nang mawala na sa harap namin ‘yong bartender, mabilis ko siyang pinosasan sa braso. 

Gulat na gulat siya. Umupo naman ako sa tabi niya sabay pinakita kong nakaposas na kami sa isa’t isa.

“Got you now, Fox.”

Sa wakas! Nahuli ko rin siya. Ang kailangan ko nalang gawin ay tumawag ng pulis para tulungan akong dalhin muna siya sa malapit na presinto.

Pero bago ‘yon kailangan ko munang masigurado na hindi na siya lalaban at sumusuko na talaga siya.

“Yes! Finally nahuli rin ako,” sambit niya at parang masaya pa siya.

Bakit masaya pa siya? Parang may mali hindi kaya tatangkain niya akong saktan? Pwes! Sige lang. Hahamunin ko pa siya.

“Lumaban ka, please. Ang hirap-hirap mong hanapin tapos ganito ka lang pala kadali hulihin. Tara! Palag! Ano?”

Tumawa siya nang konte at ngumiti. “Sorry but I’m not a fighter. I’m a lover. Maybe you want love rather?”

“You wish!” Tumayo ako at hinatak ko ang posas niya para sumunod. “Get up! Dadalhin na kita sa presinto.”

“Wait lang! Chill ka lang naman, pretty lady. Hindi naman ako lalaban, e. Sumusuko na ko. Pero baka pwedeng maupo muna tayo? For one last time, I just want to have one last drink. Hindi mo naman siguro ipagdadamot ‘yon since sure win ka na?”

Tinignan ko lang siya nang masama. Tinatakot ko siya and at the same time tinitignan ko kung may balak pa siya.

“Please. I know when I’m beaten. Talo na talaga. Give up na ko,” sambit niya saka siya bumuntong hininga. Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Nakayuko lang siya at mukhang nawalan na ng pag-asa.

“Fine! Isa lang tapos dadalhin na kita sa presinto. Don’t try anything stupid. Kundi makikita mo kung sino talaga nakahuli sayo.”

“Thank you! Promise hindi ako lalaban,” sagot niya. Sinenyasan niya ang bartender at inabutan siya nito ng isang basong alak.

Umupo ako ulit sa tabi niya. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya.

“Inumin ko lang to bago mo ko ikulong…” sambit pa niya sabay inom ng kaunting alak. Nginitian niya ako. “...sa puso mo.” Tas kumindat pa siya.

Tinaasan ko siya ng kilay at pinakitaan ng kamao. “Kung ako sa ‘yo mananahimik ako. Baka pag nainis ako bigyan muna kita ng kamao bago ang presinto.”

Tumawa siya at uminom ulit ng konting alak. 

“I see what happened there. We exchange rhymes– para tayong nag rap. I think magkakasundo tayo. By the way, pwede ko bang malaman ang pangalan ng nakahuli sa ‘kin? Marami na kasing nag-attempt at ikaw lang ang nag-success.”

Ngumisi ako.

“Drixie Cortez– Private Investigator. Remember that name. The name who catched the Fox.”

“Aah… Drixie pala. Swerte ko naman, maganda pa ang nakahuli sakin.” Inalok niya akong makipag kamay. “I’m Finn by the way. But I guess you already know that.”

Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya pero pinisil ko ang kamay niya ng sobrang higpit. Napangiwi siya halatang nasaktan siya sa ginagawa ko. 

Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at bumulong, “Alam ko kung ano ginagawa mo, Fox. Pero sorry ka. Hindi ako madadala ng mga salita mula sa mga labi mo.”

Binitawan ko siya at palihim na humawak sa bulsa ng suot niyang jacket saka umatras nang konte. 

“Aw! Ang lakas mo naman para sa isang magandang babae. Ano ka– Si Ronda Rousey?” Nangangaray niyang sambit. Inalog-alog pa niya ‘yong kamay niyang namumula.

Uminom ulit siya ng alak saka muling bumaling sakin. 

“Alam mo… hindi ko talaga inakala kanina na huhulihin mo ko. Wala sa itsura mo, e. Akala ko nga kanina naka-jackpot ako kasi ang gandang babae ng lumapit sa ‘kin. I thinks that’s an advantage for you. Bakit kaya hindi ka pinadala noon pa? E ‘di sana nahuli na ‘ko dati pa, di ba? O kaya naman kung dati pa tayo nagkakilala baka masaya na akong kapiling ka.”

Kinailangan kong ibaling ang mga mata ko sa mga alak na naka-display. May kung ano kasi sa ngiti niya at sa gwapo niyang mukha na parang nagpapa-init sa paligid. Para bang ayaw kong tumitig sa kanya.

Teka! Nahihiya ba ko sa kanya? Hindi pwede ‘to.

“You know what? I think parehas tayo ng pagkatao. Parehas nating ginagawa ang lahat kapag may gusto tayong makuha o kaya malaman,” sambit pa niya. “Alam ko kasi na hindi ako madaling hanapin at dahil nahanap mo ‘ko– alam kong pinaghirapan mo ‘yon. Good job! Napaka galing mo. I think this calls for a celebration. Can I buy a beautiful woman a drink? What’s your poison?”

Parang pumapasok na sakin ang mga papuri niya. Para bang gustong ngumiti ng mga labi ko. Hindi pwede ‘to. Dapat may gawin ako.

Naisip kong tumawag muna na ng mga Pulis na tutulong sakin na dalhin si Fox sa presinto. Ginamit ko ang phone ko at nag send ako ng text message sa malapit na presinto. Sinabihan ko sila na si Fox ang nahuli ko at kung nasaan ako.

“Who are you messaging? Nag u-update ka sa boyfriend mo? Ang clingy naman niya. Nagseselos na ko,” sambit niya.

Nagawa kong tumingin sa kanya. Dapat inis ako para di ako mahiya sa kagwapuhan niya. Inisip ko na lang na siya si Rave para makuha ko ‘yong inis ko.

“Alam mo… malapit ko na talagang padugoin ‘yang labi mo. Masyado kang maraming satsat. Ubusin mo na ‘yang alak mo para matapos na ‘to.”

Tumawa siya nang konte. “Okay fine. Relax lang. But let me give you a piece of advice…”

Tinaasan ko siya ng kilay.

“...don’t watch the lips– watch the hands.” 

Tumayo siya at ipinakita niya ang mga kamay niyang wala ng posas. Nakangiti pa siya at agad na umatras palayo sakin.

Nanlaki ang mga mata ko. “H-Hoy– Paanong?”

Susunggaban ko sana siya pero parang napigilan ang braso ko. Pagtingin ko dito, nakaposas na ako sa ralings ng bar stand.

“Bye, Drixie. Nice to meet you,” nakangiting sambit ni Fox at binigyan niya pa ko ng flying kiss. Tapos ay kumaripas na siya ng takbo paalis.

“Hoy bumalik ka dito!!” sigaw ko habang sinusubukan kong kumawala sa posas. “Argh! Bwiset!”

Paano niya nagawa ‘yon? Paano niya naalis ang posas? Nakakainis! Bakit ko pa kasi siya pinagbigyan?




TUMAGAL ng ilang minuto bago ako nakawala sa sarili kong posas. Iniwan ko kasi ang susi sa motorbike ko at kinailangan ko pa ‘yon ipakuha sa isa sa mga staff ng bar. Hinanap pa nila kung nasaan. Naisip ko kasi na pwedeng nakawin iyon ni Fox sakin para makatakas kaya iniwan ko. Pero ‘di ko naisip na may iba pala siyang paraan.

Wala rin kwenta ‘yong mga pulis na sinendan ko ng message kanina. Hindi naman sila dumating.

Pagsakay ko sa motorbike, tumawag si Zella sa phone ko.

“Hello?”

“Drix? Anong balita? Nasaan ka na ngayon?” tanong niya mula sa kabilang linya.

“Dito sa Tagaytay. Nahuli ko na si Fox kanina pero nakatakas.”

“Nakatakas siya sayo? Paano nangyari ‘yon? Sinaktan ka ba niya? Pupunta ako diyan! Yari sakin ‘yan!”

 “Huwag na. I’m okay, don't worry. Kaya ko ulit siyang hanapin. Nilagyan ko siya ng tracking device kanina.”

Tama. Mabuti na lang at meron akong tracking device. Palihim ko ‘yon inilagay sa jacket niya kanina noong binulungan ko siya.

“Tracking device? Saan ka naman nakakuha niyan?”

Sasabihin ko sanang binigay ‘yon ni Rave pero nang maalala ko, lalo na ngayon na kausap ko si Zella, parang may konting kirot pa rin sa puso ko. Hindi ito ang oras para sa ganitong pakiramdam.

“Basta. I’m on my way to him. Babalitaan kita ulit.”

“Okay, sige. Mag-iingat ka, a. Nag-aalala na ‘ko.”

“Okay. Bye.”

Pagkatapos kong ibaba ang tawag ni Zella, agad kong binuksan ang app sa phone ko na partner ng tracking device. Sa pamamagitan nito mahahanap ko kahit nasaang lupalop pa si Fox.

Good. Hindi pa siya sobrang nakakalayo. Fox… akala mo makakatakas ka, a. Nangako ako sa Mama mo na hindi kita sasaktan pero sorry. This time uupakan talaga kita para madali kitang madala sa presinto.

Bago ko pa man mapaandar ang motorbike ko, may napansin akong dalawang lalaki sa loob ng isang sedan na parang kanina pa nakatingin sakin.

Wala akong ebidensya na sinusundan nila ako dahil unang beses kong nakita ang sasakyan nila. Pero masama ang kutob ko sa kanila. Baka mga tauhan sila ni Mr. Kim.

Bumaba ako sa motorbike ko, iniwan kong bukas ang makina. Tapos ay nilapitan ko ang sasakyan nila. Kinatok ko ang bintana ng driver seat. Pero hindi nila ‘yon binuksan.

“Hoy! Mga tauhan ba kayo ni Mr. Kim?”

Hindi pa rin nila binuksan ang bintana.

“Sinusundan niyo ba ko? Bakit kayo nandito?”

Wala pa rin silang imik. Kumpirmado nga. Kung hindi sila mga tauhan ni Mr. Kim dapat kinausap na nila ako. Paano nila nalaman na nandito ako?

Kinatok ko ulit sila. “Hoy! Paano niyo nalaman nandito ako?”

Hindi nila ako pwedeng masundan. Gusto nilang patayin si Fox. Ayoko no’n. Dapat ay madala si Fox sa mga Pulis at magkaroon siya ng patas na paglilitis.

Wala pa rin silang ginagawa. Para bang nagkukunwari silang di nila ako nakikita. Gusto ko sana bumaba sila tapos labanan nila ako. Patutumbahin ko sila para sigurado akong walang susunod sakin.

“Ayaw niyo sumagot, a. Pwes…”

Palihim kong kinuha sa bulsa ng pants ko ang pocket knife ko. Tapos ay mabilis kong sinaksak ang isang gulong ng sasakyan nila. Kumaripas ako ng takbo at sumakay sa motorbike ko. Pinaandar ko ito nang mabilis.

Sorry boys. Dapat kami lang ni Fox ang maglalaban. Bawal ang mga epal na kagaya niyo.
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly