DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 6

☆

5/13/2025

0 Comments

 
DRIXIE


NAGPUNAS ng luha si Mrs. Extrella nang dumating ang mga kasambahay nila. Naghain sila ng mga inumin at pagkain. Matapos uminom ni Mrs. Extrella ng tea, sumagot na siya sa tanong ko.


“Pasensya ka na, hija. Gusto kong sabihin sayo pero kahit kaming mga magulang niya ay walang kaalam-alam. Simula noong tumakas siya at nagtago hindi na namin siya nakita o nakausap man lang. Kailan man ay hindi siya tumawag o nagparamdam. Pero awa ng Diyos, nagpapasalamat kami na buhay siya. Paminsan-minsan kasi nakakakuha kami ng impormasyon sa mga pulis. Pero habang tumatagal pakiramdam ko mas nanganganib ang buhay niya.”

Kahit pa wala ng luha sa mga mata ni Mrs. Extrella, di pa rin maalis ang lungkot sa mukha niya. Kaya hindi na ko mag pupumilit pa.

“Ayos lang po, Mrs. Extrella. Sapat na po ang lahat ng nalaman ko.”

Deep inside dismayado ako. Pero mas nananaig ngayon ang simpatya ko para kay Mrs. Extrella. Pakiramdam ko na-motivate ako lalo na hanapin si Fox. Noong una para sa reward lang talaga pero ngayon para na rin kay Mrs. Extrella. Sana lang kapag nasa korte na si Fox ay manaig ang totoong hustisya.

Hindi ko laging ginagawa ‘to. Wala rin akong lakas ng loob para gawin ang bagay na ito. Pero para bang kusang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ang kamay ni Mrs. Extrella na nakapatong sa coffee table.

“Mrs. Extrella, pakatatag lang po kayo. Naniniwala po ako na malapit ng matapos ang problema niyo.”

Bahagya naman ngumiti si Mrs. Extrella. Hinawakan niya rin ang kamay ko.

“Maraming salamat, hija. Napagaan mo ang loob ko. Alam mo tingin ko, kung nandito lang ang anak ko– bagay kayo.”

Nanlaki ang mga mata ko nang konti. Nag-init pa nang bahagya ang mga pisngi ko. Hindi ko inaasahan sasabihin ni Mrs. Extrella ‘yon. Teka bakit parang nahihiya ako bigla?

Hindi ako nakapagsalita. Tumawa si Mrs. Extrella kaya’t nakisabay na lang din ako kahit pilit lang ‘yong sakin.

“Oh siya, hija. Kain ka na muna. Kung may tanong ka pa, sasagutin ko,” nakangiting sambit ni Mrs. Extrella.




INUBOS ko lang ang inihandang pagkain ng mga Extrella para sakin tapos ay nagpaalam na kong umalis. Paglabas ko, sasakay na sana ako ng motorbike nang bigla akong tinawag ni Mr. Extrella.

“Teka sandali.”

Bago ako humarap, huminga muna ako nang malalim at binalik ang mood ko as Zella Obryn. Bakit ko nga ba naisip na pagsamahin ang pangalan ng best friend ko at ng crush ko?

“Uhm yes po, Mr. Extrella, sir?” nakangiti kong sagot.

Lumapit siya sa ‘kin at hinawakan ang manibela ng motor ko. “Who are you?”

Napalagok ako at bahagyang napaatras. Naloko na. Mukhang nagsusupetsa siya sakin.

“Z-Zella Obryn po, sir. We met earlier. N-Nakalimutan niyo na po ba?”

“Cut the crap, Miss. Ang mga writer kapag nag-iinterview ay may dalang recorder o ginagamit nila ang phone nila. Pero ikaw… notebook? At naka-big bike ka pa. Naloko mo ang asawa ko pero hindi ako. Bakit mo hinahanap ang anak ko? Isa ka bang Detective? Private investigator?”

Inalis ko agad ang ngiti sa mga labi ko. Nakipagsabayan ako ng tingin kay Mr. Extrella. Nabisto niya na ako. Ang tanong– anong gagawin niya? Sana wag siya maging marahas. Ayoko siyang saktan.

Kausapin ko kaya siya? Pero hindi ‘yon ang forte ko. Paano kung mas lalo siyang magalit? Bahala na.

Ito na yata ang pinakamatagal na titigang nagawa ko. Tumutulo ang pawis ko pero hinayaan ko lang. Isang maling galaw kasi pwedeng magbigay ng maling mensahe.

Matapos ang mahigit isang minutong titigan, tila biglang kumalma si Mr. Extrella. Inalis niya ang hawak sa manibela ng motorbike ko at bumuntong hininga.

“Alam mo… matagal ko na rin hinahanap ang anak ko. Pero bigo akong makita kahit isang hibla ng buhok niya. Kaya naman…”

Binigyan ako ni Mr. Extrella ng calling card. 

“…tawagan mo sana ako kapag nahuli o nakita mo siya. I want him to come home so I can fight his case with him. Hindi ko alam ang tunay na pakay mo pero nakikita kong hindi ka masamang tao. Inosente ang anak ko. Hinding hindi niya magagawang pumatay. Kaya please… ano man ang gagawin mo, sana ibalik mo siya ng buhay.”

Grabe na ‘yong tiwalang binibigay ng mag-asawa sa ‘kin. Hindi ko na kayang suklian ‘yon ng panay kasinungalingan.

“Mr. Extrella, sir. Pasensya na po kayo. Paki-hingi na din po ako ng pasensya kay Mrs. Extrella. Ang totoo po niyan, isa po akong Private Investigator. Sa ngayon wala pong nag-hire sa ‘kin. Hinahanap ko po ang anak niyo para lamang sa reward. Pero wag po kayong mag-alala. Kung ako po ang makakahanap sa kanya, sisiguraduhin ko pong ligtas siya at makikita niyo po siya.”

Ngumisi si Mr. Extrella. “Good to hear. Maraming salamat. Nag-hire na rin ako noon ng mga kagaya mo. Pero walang nakahanap sa anak ko. Posible na iba ka sa kanila. Ang masasabi ko lang…Ingat ka. Gwapo pa naman ang anak ko. Baka ma-in love ka.”

Nanlaki ang mga mata ko nang konte. Nag-init pa nang bahagya ang mga pisngi ko. Parehas sila ni Mrs. Extrella. They got me off guard. Bakit nirereto nila ang anak nila sakin?

Tumawa si Mr. Extrella saka pumasok muli ng bahay nila. Umiling-iling ako para mawala ang mga iniisip ko. Bago umalis nilingon ko ang bahay ng mga Extrella.

“Fox… mukhang nasayo na ang lahat. May maganda kang buhay at mapagmahal na magulang. Kung inosente ka– bakit ka tumakbo?”

Nagsimula akong bumiyahe kahit di ko pa alam kung saan ako pupunta. Kung bibistahin ko kasi ang mga kaibigan at kamag-anak ng target, maliit ang chance na alam nila kung nasaan si Fox. Makapag-road trip na nga lang muna. Baka may bigla akong maisip habang nasa byahe.






ZELLA


I KNOW kaya ni Drixie ang sarili niya. Pero di ko pa rin maiwasan mag-worry para sa bestfriend ko. Lalo na ngayon na kakatapos ko lang siya kausapin sa phone– wala daw siyang bagong lead. Sa mga ganitong mga times pa naman mas nagiging delikado ang mga pinapasok niya. Pumupunta kasi siya sa mga shady places para lang makakuha ng info. Haays!

Perfect timing! Niyaya ko mag-kape si Detective Obryn dito sa isang coffee shop sa Maynila. Kakatapos lang kasi ng isang case na magkasama namin na-solve. Cyber crime kasi kaya needed niya ako. Baka may pwede siyang mabigay na help para kay Drixie.

Nakabalik na galing sa CR si Detective Obryn. Pumwesto siya sa tapat ko at nagsimulang uminom ng kape.

"Detective, nag-aalala talaga ako sa besty ko. Baka naman pwede mo siyang tulungan na hanapin 'yong target niya?"

He chuckled.  "So... 'yan pala talaga ang reason kung bakit mo 'ko inayang mag kape? Akala ko naman kung ano na."

I frowned and asked, "Huh? Anong kung ano?"

Ngumiti lang siya at muling uminom ng kape.

"Wala. Kamusta na ba si Drix?"

"Haays ayun nga, e. Tinawagan ko siya earlier. Lahat daw ng friends and family nong Fox na 'yon no clue kung nasaan ang target niya. Di ba sabi mo may friend kang programmer na nagde-develop ng software na parang facial recognition ng FBI? Iyong parang pag nakita ng kahit saang camera ang target– mag no-notify ito sa mga pulis para malaman kung nasaan siya. Baka naman working na 'yon para ma-help natin agad si Drixie Pixie."

"Titignan ko. Tawagan ko siya mamaya. Pero ang alam ko kasi... 'yong software niyang 'yon ay kapag na-upload lang ang picture or video ng target sa internet. Malalaman kung saan 'yon nakuha. Hindi siya 'yong parang gumagamit ng traffic cameras at cctv," sagot ni Rave.

"Nye ano ba 'yang friend mo. Pero pwede na 'yon. Actually, that sounds awesome. I wish I’m that good. Baka mahanap no'n si Fox. Anything to help, Drixie."

"Sige ako ang bahala. Check ko mamaya kung pwede natin hiramin."

Napa-palakpak ako sa tuwa. “Yey! Salamat, detective. Matutuwa si Drix kapag nalaman niyang tinulungan mo siya. Kikiligin 'yon nang ten times." 

Oh shocks! 

Agad kong tinakpan ang bibig ko.

Did I just reveal my best friend’s secret? I’m so dead. Aliens… please take me.

Rave softly chuckled. "Hindi mo kailangan itago. Detective ako kaya alam kong may gusto sa 'kin si Drixie. Pero nakababatang kapatid ang turing ko sa kanya. Ganon dapat. Isa pa parang masyado akong matanda para sa kanya."

"Ikaw naman, detective. Age doesn't matter. Seven years lang naman tanda mo sa kanya 'di ba? Pwede pa 'yon," katwiran ko.

He softly laughed. Mukhang akala niya hindi serious ang sinasabi ko. Pero bigla nalang siyang naging seryoso habang nakatitig sa ‘kin. Parang may gusto siyang sabihin.

"Detective? Okay ka lang?"

"Zella...May gusto sana akong sabihin sayo." Hinawakan ako ni Detective Obryn sa kanang kamay ko na nakapatong sa table. "Hindi ko gusto si Drixie dahil..."

He leaned forward towards me. His gaze seems to have become intimate.

"...ikaw ang gusto ko, Zella."

Wait… What???

Na-shock ako sa inamin niya. I’m not ready for this. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam ang gagawin.

“Matagal na kitang gusto, Zella. I’m sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob sabihin sayo. Pakiramdam ko kasi nagiging kumportable ka na maging kaibigan lang ako. Kaya gusto kong malaman mo ngayon na higit pa sa friends ang turing ko sayo,” he added.

“Zella… pwede ba kitang ligawan?”

Wait! Please wait! Can we just go back to helping Drixie? Bakit biglang naging love confession? Anong isasagot ko sa sinabi niya? Hindi talaga ako ready pero bahala na. He has to know…

"Zella? Anong masasabi mo?" tanong niya habang nakangiti na parang sabik sa isasagot ko.

"A-Ano? Ano ulit?"

"Ang sabi ko... kung pwede ba kitang ligawan? Better yet, can I ask you on a date tomorrow night?"

"Ah... Eh... Kasi Detective..." I pulled my hand out from his gentle grip. Then I looked down. Hindi ako makatingin sa kanya. “Kasi ano…”

Bakit parang biglang uminit? Nahihirapan ako. Paano ko ba sasagutin ang tanong niya?

"Is it because of Drix? I think maiintindihan naman niya."

Obvious naman siguro detective. Kung alam mong gusto ka ng best friend ko siyempre di ako dapat magkagusto sayo. Isa pa…

"Partly yes. And..."

"And?"

Hindi sa ganitong way ko gustong ipaalam sa kanya. Better yet I don’t want him to know. Pero anong gagawin ko? Feeling ko nasa corner ako at ito lang ang way para makawala ako.

“And the truth is… I don’t feel the same way towards you,” mabilis kong sambit.

Shocks! Oh no! Baka nasaktan ko siya. I don’t know how to say it in a nice way kaya binilisan ko na lang.

There was silence between us. Then I realized na masasaktan ko siya lalo pag hindi ko in-explain maigi.

“I’m sorry. It’s not you. It’s– it’s me. Ang totoo hindi pa ako nagkaka-boyfriend because I never felt having a crush nor romantically in love with anyone. It’s confusing, maybe I’m scared, not ready, or what– pero honest ako sa sarili ko. Never pa akong nagkagusto– sa isang tao.”

“Zella… I uh…”

Susubukan niya sana akong hawakan pero tumayo ako agad at bahagyang lumayo.

“Please, detective! Try to understand.”


“I’m sorry. Medyo nakakalito.”


I frowned. “I know. I’m sorry. I just want to be friends with everyone, not in a romantic way I mean. Iyon lang kasi talaga ang gusto ko.”


“Pero gusto kita higit pa sa kaibigan.” Tumayo na rin siya. “Pwede natin i-solve ang problema mo na yan. Sasamahan kita. Kahit anong problema. Ang ibig kong sabihin kung di mo ko gusto ngayon– gagawa ako ng paraan para magustuhan mo rin ako. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon. Walang taong ganyan na hindi nai-in love.”

Gosh! This is hopeless. He really is an old school type of person. Hindi niya ako maiintindihan.

“Actually, detective. Can we go back a little bit? I mean I’m going to forget that you confessed to me. Kalimutan mo rin lahat ng inamin ko sayo. Let’s just help each other para kay Drixie. Please? I’m begging you.”

“Okay.” 

Nag ‘okay’ siya pero halata sa mukha niya na parang disappointed siya. Kaso ganito talaga ako, e. Sana irespeto niya.

Umupo na ko ulit at nagkape. Ganon din siya. Para hindi maging awkward between us, I asked him about the case we just completed together.

“Grabe ‘yong pag-solve mo doon sa case, detective. Akalain mo ‘yon buhay pa pala ‘yong victim at nagtatago lang para makakuha sila ng insurance,” nakangiti kong sambit.

Hindi siya sumasagot kaya’t unti-unting nawawala ang ngiti ko. Should I leave na lang ba? This is so awkward.

Maya-maya pa ay bigla siyang ngumisi. “Well I gotta give it to them. Napaka-planado at husay ng ginawa nila.”

Haays salamat! Buti na lang nakipagkwentuhan na siya. Sana lang one day makalimutan na namin ‘to. Maging friends na lang sana kami ulit. Also, sana makita niya si Drixie in other ways– crush na crush pa naman siya ng bestfriend ko. 
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly