DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 5

☆

5/13/2025

0 Comments

 
DRIXIE


PARA tuluyan kong makuha ang tiwala nila Mr. and Mrs. Prado nagkunwari akong interesado sa pagkatao ni Fox. Tinanong ko kung anong klaseng tao ang kaibigan nila noon. Sa ganitong paraan, mapapalagay ang loob nila sa ‘kin. Kung sakaling alam nila kung nasaan ang target ko– malaki ang chance na sabihin nila ‘yon.


Base sa kwento nilang mag-asawa, bestfriends silang tatlo noon. Playboy daw talaga si Finn pero nagbago nang mag matured. Wala rin daw itong girlfriend dahil nag focus sa trabaho bilang journalist.


“Kaya imposible talagang nakapatay si Finn. We have known him ever since we were kids. Hindi niya magagawa ‘yon,” sambit ni Mrs. Prado. Hinimas naman ng asawa niya ang kanyang likuran.


“Sana nga lang humarap na siya sa korte at tumigil na sa pagtatago. I think he can win his case and prove his innocence,” sambit naman ni Mr. Prado.


Parang nakukumbinse na akong mabait na tao nga si Fox. Kita ko kasi sa mga mata ng mag-asawa na totoo ang mga sinasabi nila. The way na ikwento nila ‘yong story nilang tatlo– parang may mga nanumbalik na masayang alaala. Maaari ngang inosente si Fox. Pero hindi iyon mapapatunayan hangga’t di siya humaharap sa korte.

Kailangan ko ng itanong ang pakay ko sa kanila bago pa ko magkaroon ng simpatya kay Fox.

“Okay… I think nakuha ko na po lahat ng kailangan kong details para sa article ko. Pero kung ayos lang sa inyo Mr. and Mrs. Prado... Gusto ko sanang makausap ng personal si Finn Extrella. Baka alam niyo po kung nasaan siya? Kasi maganda sa article ko kung makukuha ko ang side niya, tama po ‘di ba? And I promise… hindi ko ito sasabihin sa mga police or kahit kanino.”


Napabuntong hininga si Mr. Prado at isinandal naman ni Mrs. Prado ang ulo niya sa asawa.

“That’s the thing, Ms. Obryn. After he ran away, sinubukan namin siyang kontakin or hanapin. Pero bigo kami at kahit isang beses hindi siya nag paramdam sa amin. Nagtanong na rin kami sa mga kamag-anak at parents niya pero hindi rin nila alam. Kaya pasensya na pero hindi talaga namin alam kung nasaan siya.”


Ngumiti na lang ako. Pero sa loob ko– dismayado ako. “Okay lang po ‘yon. Sapat na ang nakuha kong info sa inyo. Maraming salamat po.”

“Kung kailangan mo pa ng info tungkol kay Finn, puntahan mo ang parents niya,” sambit ni Mrs. Prado. “Sila ang mas nakakakilala sa katauhan ni Finn.”

“Sige po. Maraming salamat po ulit. Lalo na sa cake. Ang sarap po talaga.”

Tama… wala akong masyadong napala pero ang sarap talaga ng cake.









FINN


AS I stare blankly ahead with a glass of wine in my hand and on a balcony at a private resort here in Laguna– I’ve suddenly reminisced about that night…

Three years ago, habang tahimik akong nagsusulat para sa isang exposé article, may kumatok sa pintuan ng condo unit ko. Dalawang pulis ang bumungad sa ‘kin pagbukas ko.

“Mr. Finn Oliver Extrella?”

“Ako nga, officers. Anong maitutulong ko sa inyo?”

“Ikaw ay inaaresto sa salang pagpatay kina Lester Kim at Baron Kim. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sabihin ay maaaring gamitin pabor or laban sa ‘yo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sayo ng pamahalaan. Nauunawaan mo ba ito?”

Biglang naputol ang pag alala ko sa nakaraan nang dumating ang babaeng kasama ko dito sa resort.

“Hey! What are you thinking, baby?” 

“Nothing. Iniisip ko lang kung paano kita pasasayahin mamaya,” nakangiti kong tugon. 

Yumakap siya sa akin. “Awe you’re so sweet talaga, babe. Excited na tuloy ako sa gagawin natin mamaya.”

I smiled and sipped some wine. “By the way. May itatanong nga pala ako sa ‘yo.”

I took my phone out and showed her a picture.

“Kilala mo ba ‘tong lalaking ‘to? Baron Kim ang pangalan niya.”

She squinted her eyes and looked closely at my phone. “Hmmm… Lalaki ba talaga ‘to? Bakit parang si IU yata ‘to?”

Agad kong tinignan ang screen ng phone ko. “Oh! Sorry si IU yan. Idol ko ‘yan. Ultimate crush.”

Damn! I must have accidentally swiped the screen while showing the picture to her. Binalik ko ang litrato kay Baron Kim at ipinakita ko ulit sa kanya.

“Here.”

“Jealous ako! Sinong mas gusto mo? Ako o si IU?” She said while crossing arms and pouting her lips.

Oh please… Don’t hurt yourself. IU is life.

Di ko siya sinagot at pinakita ko nalang na seryoso ako.

“Fine! Let me see,” sambit niya. Hinablot niya sakin ang phone ko. Tinignan niya nang maigi ang litrato.

“I’m not sure. Medyo marami na akong na-drink, baby. Pero wait a minute…”


“I think oo. I dated him before. Pero wag ka magseselos baby, a. Matagal na ‘yon.”

Ngumisi lang ako. Wala naman ako nararamdaman sa kanya para magselos. I’m just with her to find something out.

“Kailan kayo nag date? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?”

“Wait let me think… That was… Um… Four years ago? Three? Hindi ko na talaga ma-remember kasi sobrang tagal na. Wala na akong balita diyan,” sagot niya. “Why? Friend mo ba siya?”

Binawi ko ang phone mula sa kanya. “Not really. He’s someone I used to know. Forget about him.”

Muli siyang yumakap sa ‘kin. Hinaplos din niya ang pisngi ko. “Don’t worry. Wala na akong pakialam diyan noon pa. But to you…” Dahan-dahang bumaba ang paghaplos niya sa akin papunta sa tiyan ko. “At dito six pack abs mo… may pakialam ako.”

Ibababa pa sana niya ang mga haplos niya pero agad akong umiwas. Muntik pa siyang matumba sa ginawa ko.

“I gotta refill my wine,” katwiran ko. “Wait for me in the bedroom?”

She bit her lips and replied. “You mean… we’re gonna do it now?” 

Nginitian at kinindatan ko siya.

I’m sorry but nothing’s gonna happen between us. Hihintayin lang kita makatulog at aalis na rin ako. It’s already wrong that I have lied to you. I won’t take anymore advantage of you.

Isa pa… dead end na naman ito. Damn it!






DRIXIE



NAGBUNGA naman ang ginawa kong pakikipagkwentuhan kina Mr. and Mrs. Prado. Tinawagan nila ang mga magulang ni Finn para ipaalam ako. Dahil sa kanila, pinayagan ako ni Mrs. Extrella– ang ina ni Finn– na mainterview siya. Gano’n pa rin ang disguise ko, isang journalist na kunwaring nag co-cover ng story ni Fox.


Halos ma-stuck ang panga ko sa pagkamangha sa bahay ng mga Extrella. Sa labas pa lang kasi kita ko na ang laki ng three story house. At pagpasok ko, mas lalo akong namangha dahil sa angking kalinisan nito na kulang na lang masilaw ako sa kintab ng sahig. Malawak ang paligid at parang bawat silid ay doble o triple ng studio type apartment ko. Nakaramdam din tuloy ako ng hiya dahil pakiramdam ko ay hindi ako nakabihis nang maayos.


“Uhm… Mrs. Extrella okay lang po siguro kung sa garden niyo na lang tayo mag-usap? Nakakahiya po kasi dito ang laki ng bahay niyo at ang linis.”

Natawa nang mahina at konti si Mrs. Extrella. “Naku, wag kang mahiya, hija. Naging article writer din ang anak ko noon. Also gusto mo siyang tulungan kaya dapat din kitang tulungan.”

Mas lalo akong nahiya. Parang hinihila pa ko ng konsensya ko. Parang sobrang bait kasi ni Mrs. Extrella. Malumanay ‘yong boses niya at parang ang gaan niyang kasama. Ang amo pa ng mukha niya na parang madaling pagkatiwalaan. Siguro sobrang ganda ni Mrs. Extrella noong prime years niya?

Pinaupo ako ni Mrs. Extrella sa L-shaped sofa nila. Iniwan niya muna ako saglit para makapag pasuyo daw siya ng makakain namin sa mga kasambahay nila. Tumanggi naman ako pero pinilit niya.

Habang naghihintay, inilibot ko ang piningin sa paligid. Mukhang mamahalin lahat ng gamit dito. Kaya siguro nakaka-survive si Fox at nakakapag-tago ay dahil mayaman sila. Hindi kaya palihim siyang sinusuportahan ng mga magulang niya? Pero bakit sabi ni Rave gumagamit si Fox ng mga mayayamang babae para maka-survive? At isa pala siyang writer dati? Paano siya naging mailap na pugante?

“Excuse me, who are you?”

Napatayo at napalingon ako sa boses ng isang matandang lalaki. May dala siyang bagpack at mukhang galing siya sa mahabang biyahe.

“Dear nandito ka na pala!” Biglang sambit ni Mrs. Extrella. Nagmadali siyang lumapit sa lalaki at niyakap ito. Tapos ay isang mabilis na halik ang binigay nila sa isa’t isa.


Ang sweet naman nila kahit matanda na sila. Sana lahat.


“Hindi ka tumawag na uuwi ka na pala?” tanong ni Mrs. Extrella sa asawa, si Mr. Extrella.

Ngumiti si Mr. Extrella at hinawakan sa bewang ang asawa. “Gusto kong makita reaksyon mo. Alam ko kasing miss na miss mo na ‘ko.”

Pabiro namang pinalo ni Mrs. Extrella sa braso ang asawa. “Tumigil ka nga diyan. Tanda-tanda na natin, eh. Tsaka may bisita tayo.”

Mr. Extrella cleared his throat. Tapos ay sabay silang bumaling sa ‘kin. 

“Oo nga pala. Sorry, hija,” sambit ni Mr. Extrella.

Hindi ko na mapigilan ang ngumiti nang tunay. Kinikilig ako sa kanilang dalawa at di ko na maitago. 

Siguro… kung magkatuluyan kami ni Rave… pwede rin kami maging ganito?

“Ms. Zella Obryn, this is my husband, Finn’s father,” pagpapakilala ni Mrs. Extrella sa asawa niya.

“Nice to meet you po. I’m an article writer po at nagsusulat ako para sa kaso ng anak niyo. To prove po na inosente siya.”

Nakipag kamay sakin si Mr. Extrella.  “Pleasure to meet you. Ibibigay namin lahat ng impormasyon na kailangan mo para matulungan ang anak namin. But please excuse me, I have to freshen up for my wife.”

Natawa ako nang mahina. “Sige po.”

Hinalikan ni Mr. Extrella ang asawa niya sa pisngi, saka umalis. Tapos ay sinenyasan ako ni Mrs. Extrella na muling umupo. 

“Pasensya ka na sa asawa ko, ha. Gusto daw kasi niya na kahit may problema kami kay Finn ay napapasaya niya pa rin ako,” nakangiting sambit ni Mrs. Extrella pag-upo niya sa sofa na nasa tapat ko.

“Okay lang po.”

“Pwede ka nang mag simula na magtanong, hija. Habang hinihintay natin ang pina-gawa kong merienda.”

Para hindi maisip ni Mrs. Extrella ang tunay kong pakay, inulit ko lang ang mga katanungan ko kina Mr. and Mrs. Prado. Tinanong ko siya kung anong klaseng tao at anak si Finn. Mabait naman daw talaga ito ngunit medyo matigas lang ang ulo habang lumalaki. Pero nu’ng magmatured ay naging responsable naman. Napag-alaman ko din nag-aral pala sa America si Fox bumalik lang dito sa Pilipinas para mag-sulat ng mga case exposé and conspiracy articles.

“Hindi ko po alam na isa din pa lang article writer ang anak niyo, Mrs. Extrella,” sambit ko habang kunwaring nagsusulat sa notebook.


“Sikreto lang talaga ‘yon, hija. Sinasabi ko sa ‘yo kasi mukhang mabait ka at tingin ko gumagawa ka nang tama.”


“S-Salamat po, Mrs. Extrella. Paano pong sikreto ang pagsusulat niya noon?” kunot-noo kong tanong.

“Kapag nagsusulat kasi ang anak ko gumagamit siya ng alias. Marami na nga siyang na-solve na case at conspiracy theories dahil sa talento niyang ‘yon. Ang totoo pa nga, Fox na ang tawag niya sa sarili niya bilang secret journalist bago pa man siya gawing wanted. Iyon daw kasi ang mabubuong word kapag pinagsama-sama ang mga initials ng pangalan niya. Kahit letter E ang start ng apelyido namin.” Saglit na tumawa si Mrs. Extrella. Pero agad nawala ang ngiti sa mga labi niya.

“Pero…hindi namin alam kung bakit siya tumakbo at nagtago ng maakusahan siyang pumatay. Hindi gano’n ang anak ko. Hindi siya tumatakbo sa problema, lagi niya ‘yon hinaharap.”

Para bang may kung ano ang pumiga sa puso ko. Nasaktan din ako para kay Mrs. Extrella. Parang ang bait niya kasi para maranasan ang problema niya sa buhay. Sana lang kapag nahanap ko si Fox, hindi siya manlaban at pumayag siyang isuko ko siya agad sa mga pulis. Ayoko siyang saktan alang-alang kay Mrs. Extrella.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Mrs. Extrella pero agad niya itong pinunasan ng hawak na panyo.

“I’m sorry. Nagiging emosyonal talaga ako kapag naaalala ko ang nangyari sa anak ko.”

Kinailangan kong kagatin ang labi ko para pigilan ang emosyon ko. Parang maiiyak na din kasi ako. Ngayon lang ako ulit nakaramdam ng ganito. Sabi ko sa sarili ko di na ko iiyak noong mamatay si Papa– pero ngayon kasi parang damang dama ko ang sakit ng nararamdaman ni Mrs. Extrella.

“Okay lang po, Mrs. Extrella. Naiintindihan ko. Sorry po sa mga naging tanong ko.”

Hindi na maganda itong pagkukunwari ko. Kailangan ko ng itanong sa kanya kung nasaan si Fox.

“Mrs. Extrella, sana po okay lang na itanong ko ito. Gusto ko lang po na makatulong kay Finn. Baka po alam niyo kung nasaan siya? Para makuha ko ang side niya.” 
Next Chapter
BACK TO CHAPTERS
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly