DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 4

☆

5/13/2025

0 Comments

 
​
DRIXIE

HININTAY kong magsimula si Chief Reyes sa sasabihin niya tungkol kay Fox pero kanina pa siya walang imik at tila may malalim na iniisip. Nakaupo lang ako sa upuan na nasa harap ng desk niya. Hanggang sa di na ko nakapaghintay…


“Chief!!”

“Ay tipaklong!”

Nagulat siya at para siyang natauhan.

“S-Sorry, Drix. Iniisip ko kasi kung nai-lock ko ba ‘yong bahay bago ako umalis,” sambit niya sabay tawa. “Ano nga ulit ‘yon, hija?”

Napakunot-noo ako. “Sasabihin mo dapat sa ‘kin ang tungkol kay Fox?”

“Yes, yes. Teka…” Tumalikod siya at binuksan ang file cabinet. Tapos ay may kinuha siyang folder na naglalaman ng mga papel. Humarap ulit siya sa ‘kin at inilapag niya ito sa desk.

“Ayan ang lahat ng meron kami tungkol kay Fox, Drixie. Basahin mong maigi ‘yan. Tsaka huwag kang magpadalos-dalos sa mga gagawin mo. Mag plano ka nang maigi. Kung may kailangan kang sandata o gamit, sabihin mo lang sa ‘kin. Pwede kitang pahiramin. Delikado talaga ‘yang target mo.”

“No thanks. Sapat na mga gamit ko.” Kinuha ko ang folder at binuklat ito. “Na-encounter mo na ba ‘tong Fox na ‘to, Chief? Anong mga kaya niyang gawin?”

“Resourceful ang talipandas na ‘yan. Mahusay raw mag parkour, at through the years na nagtatago siya– parang naging escape artist pa ata ang gago. Tsaka, base sa mga Pulis at Detective na naka-usap ko, magaling siyang mag manipula ng tao. Lalo na kapag babae ang huhuli sa kanya, nagagawa niyang utuin. Kaya ikaw, kapag kaharap mo na siya, wag na wag kang maniniwala sa mga sasabihin niya. Kung ako sa ‘yo, pag nahuli mo, posasan mo agad. Diretso mo sa kahit saang malapit na presinto o kaya tawagan mo ko.”

Marahan akong tumango. Inulit ko ang tanong ko, “Pero na-encounter mo na nga siya?”

Napakamot sa likod ulo si Chief Reyes. “H-Hindi pa. Pero wag mo sasabihin sa iba, ah. Bwiset kasi ‘yang Fox na ‘yan! Pag dumarating ako sa lungga niya wala na agad– nakatakas na.”

Grabe ‘tong si Chief. Di pa naman pala niya nakakaharap ng personal si Fox pero grabe mang-gigil. Pero baka naman inis lang siya dahil di niya mahuli-huli?

Patuloy lang si Chief Reyes sa paglabas ng sama ng loob niya kay Fox. Para bang lahat ng di magandang nangyari sa buhay niya ito ang may kasalanan. Hinayaan ko lang siya. Habang ako pinapasadahan ng basa ang files na binigay niya.

Nakita ko doon na tinatanggi ni Finn Oliver Extrella– ang tunay na pangalan ni Fox– na siya ang pumatay sa magkapatid na Kim. Pero tumakas siya nang maaresto at nagtago bago pa man magkaroon ng paglilitis.

“Chief guilty ba talaga ‘tong taong ‘to? Sabi niya hindi raw siya ang pumatay.”


“Well… lahat naman ng mga kriminal tumatanggi, ‘di ba? According sa eyewitness ni Mr. Kim, si Fox talaga ang pumatay. Matibay din ang ebidensyang nakalap ng investigation team laban sa kanya. Tsaka tignan mo naman... Kung wala talaga siyang kasalanan, bakit hindi siya humarap sa paglilitis, di ba?” Patas naman maghatol ang mga judge.”


Hindi ako sang-ayon sa huling sinabi ni Chief Reyes. Alam ko na hindi laging patas ang batas. May mga pagkakataon na inosente ang pinaparusahan at nakukulong. Sana lang balang araw magbago ‘yon.


“Kailan at saan siya huling nakita, Chief?”


“Sa Pangasinan! Doon siya pumunta pagkatapos niya sa Pampanga. Nakalagay diyan sa file ‘yong mga lugar kung saan siya nakita for the past three years. Gamit ‘yon, nakabuo kami ng pattern kung paano siya mata-track. Pero dahil failed ang operation namin kailan lang… malamang natunugan niya na kung paano namin nalaman kung nasaan siya kaya mag babago na ‘yan ng taktika. Sigurado ako do’n,” sagot ni Chief Reyes. Tapos ay ibinagsak niya ang kamay niya sa table. “Bwiset talaga! Pag nahuli ko ‘yang Fox na ‘yan, tapos na sana problema ko.”

“Problema?” Nakakunot-noo kong pag-ulit.

“W-Wala, Drixie. Kapag nakita mo o nahuli mo ‘yan. Ibigay mo siya sa ‘kin, ha? Tawagan mo ko agad. Huwag kang mag-alala makukuha mo pa rin naman ‘yong reward. Gusto ko lang na ako ang mag hatid sa kanya dito sa presinto.”

Hindi ako sumagot.

Bakit pakiramdam ko may mas malalim na dahilan? Pero baka OA lang ‘tong si Chief Reyes.


Tumingin sa relo si Chief Reyes. “Drixie, may gagawin pa pala ako. Wala ka na bang tanong?”


“Wala na. Thanks for this, Chief. Balitaan na lang kita.”


“Good luck, Drixie. Mag ingat ka.”


Paglabas ko ng opisina ni Chief Reyes para bang nag uumapaw ang damdamin ko. Sobrang excited ako sa misyon na ‘to. Pakiramdam ko kasi mas mahihirapan ako dito pero ito ang gusto ko– ‘yong macha-challenge ako.

Ngayon kailangan kong umuwi at kunin lahat ng mga pwede kong magamit. Pagkatapos, pupuntahan ko mga friends and relatives nitong si Fox.


Diretso na sana ako palabas ng presinto nang marinig ko si Zella.

“Drixie wait!”

Nakayakap na kaagad siya sa ‘kin– ang bilis!

“San ka pupunta? Ang sabi ni Sarge tina-track mo raw si Fox? Totoo ba ‘yon?” Nag-aalala ang tono ni Zella.

Tumango ako. “But don’t worry. Easy lang sa ‘kin ‘to.”

“No! Drixie Pixie! Are you out of your mind?” Bumitiw si Zella at humarap sa ‘kin. “Fox is the most dangerous wanted guy on earth.”

Napakunot-noo ako. “Hindi ba parang exaggeration ‘yan?” 

“Yes! I mean maybe. Kinda. Pero ang point ko mapapahamak ka sa gagawin mo. I smell danger!”

Kinuha ko ang wanted poster ni Fox mula sa bulsa ko at ipinakita kay Zella. “Mukha namang hindi siya delikado. I checked his physique and background. Hindi siya malaking tao at hindi rin siya sobrang maskuladong lalaki. It says here na physically fit lang siya. Ang height niya 5”10’-- matangkad lang siya sa ‘kin ng 6 inches.  Kaya kong patumbahin ‘to pag kinakailangan.”

“Wait…” Hinablot ni Zella ang poster sakin. “Siya ba talaga ‘to? Bakit ang gwapo? May pagka-chinito pa. Mukhang K-Pop Idol. Weh? Di nga? Siya ‘to?”


“That’s him.”


Napalingon ako sa kilala kong boses na sumingit sa ‘min– si Rave. 

“I heard from Sarge that you’ll be hunting Fox. Kaya naghanap ako ng iba pang mga impormasyon tungkol sa kanya na makakatulong sa ‘yo,” sambit ni Rave.

Bahagyang nag-init ang mga pisngi ko.  Talaga bang ginawa niya ‘yon para sa ‘kin?

“A-Anong nalaman mo?”

“I found out that he’s been dating rich girls in different cities using aliases. Kaya niya nagagawang maka-survive all these years. He’s pretending to be a rich Asian heir para mauto ang mga babaeng ‘yon,” sagot ni Rave.

“Saan mo nakuha ang info na ‘yan?” tanong ni Zella.

“Sa isang kaibigan na isa rin private detective. Apparently, isang businessman sa Pampanga ang nag hire sa kaibigan ko. Naloko daw kasi ang babaeng anak ng businessman na ito ng isang lalaki. Sinabihang pakakasalan pero ‘di na bumalik pa. Nang ipakita sa kanya ang litratong palihim na nakuha, napag-alaman niya na ang lalaking nanloko ay ang wanted natin dito sa Maynila na si Fox. Then I did some digging at nalaman kong nagawa niya na rin sa ibang babae ang tactic na ‘to.”

“Well… I think hindi ko sila masisisi. Ang gwapo kaya nito,” sambit ni Zella habang nakatingin sa wanted poster ni Fox.

Agad kong hinablot kay Zella ang wanted poster ni Fox. Muli akong bumaling kay Rave. “Thank you, detective. Magagamit ko nga ‘yan para mahanap siya.”

“Anything, for my little sister. Alam ko kasing hindi kita mapipigilan kaya tutulungan na lang kita. Just promise me that you’ll be safe. And call me if you need some help,” nakangiting sambit ni Rave.

Tumango ako pero agad akong umiwas ng tingin. Di ko talaga siya kayang tignan din lalo na kapag nakangiti siya sa ‘kin.

Bumuntong hininga naman si Zella at niyakap niya ako ulit. “Mukhang wala na akong magagawa. Gaya ng sabi ni detective… mag iingat ka. Alam ko kaya mo ‘yan. Tawagan mo rin ako, ah.”

Ang sarap sa puso na maraming tao ang nagke-care sa ‘kin. Kahit wala na akong magulang, may mga tao pa rin sa paligid ko na nandiyan para sa ‘kin. I won’t let them down. Huhulihin ko si Fox, at babalik akong buhay para sa kanila.









HANDA na ang lahat ng gamit ko. I got my zip ties and classic handcuffs, fully charged taser, pepper spray, baton, pocket knife, at ang baril na bigay sa ‘kin ni Rave. Full tank na rin ang motorbike ko. May mga dala din akong mga damit na iba’t ibang klase na gagamitin ko kapag magdi-disguise.


Ang una kong pinuntahan ay ang bahay ng matalik raw na kaibigan ni Fox– sina Mr. and Mrs. Prado. Nagsuot ako ng kulay black na blazer over a white shirt at black slacks. Nagsuot din ako ng round glasses. Nag-disguise ako bilang isang journalist. Magkukunwari akong nagsusulat ng article tungkol kay Fox para patunayan na inosente siya. Pero hindi ‘yon totoo at gagawin ko lang ito para makakuha ng lead.


Pinatuloy naman ako ng mag-asawang Prado hanggang sa sala ng two storey nilang bahay.


“Mr. and Mrs. Prado maraming salamat talaga sa pagpapatuloy niyo sa ‘kin,” nakangiti kong sambit. “Magandang break ito para sa article ko.”

“Anything, para kay Finn. Alam namin na inosente siya,” sagot ni Mrs. Prado. “Gusto mo ba ng juice or coffee?”

“Kahit wag na, Mrs. Prado. Nakakahiya po. Or water na lang po.”


Ang hirap magkunwaring masiyahin at madaldal. Mas gusto ko pa rin talaga ang default ko na di masyadong nagsasalita.


“No way. Dito sa bahay namin natitikman ng mga bisita ko ang cake ko. I’ll leave you with my husband muna para maihanda ko ang cake.” Tumayo si Mrs. Prado at dumiretso sa kusina nila.

“You have to try her cakes. Masarap mag bake ang asawa ko,” sambit naman ni Mr. Prado . “By the way, bakit ang case ni Finn ang napili mong isulat? I mean maraming mga kaso na mas sikat. Kaya bakit ang sa kaibigan ko?”

“Um… Iyon nga po kasi Mr. Prado. Hindi masyadong kilala ang kaso nito ni Finn for some reason. Kaya baka makatulong ang article ko para sa kaso niya.” 

“I see…”

Kinabahan ako. Bakit parang naghihinala yata si Mr. Prado? Kailangan ko ng ilabas ang alas ko sa kanila.


“Wait! Mr. Prado… are you Ryan Prado? As in the actor?”


Natawa nang konti si Mr. Prado. Sumandal siya at nag de-kwatro ng binti. “Ako nga! The one and only.” 


“OMG! Sabi ko na nga ba, eh. Sabi ko, parang pamilyar ka sa akin. I’m a huge fan noon bago naging busy sa work. Sana hindi po awkward dahil alam kong ‘di naman nagkakalayo ang mga edad natin pero… fan na fan niyo po ako. Ang galing niyo kasi, multi-talented!”

Hindi ko talaga siya kilala. Nabasa ko lang ‘yon sa files na binigay sakin ni Chief Reyes. Isa siyang artista na hindi gaanong sikat pero lumabas na sa maraming movies.

Tawa nang tawa si Mr. Prado. Mukha itong proud na proud sa sarili na kunwaring nahihiya pa. “Please. Hindi naman masyado.”

Nice! Mukhang nakuha ko na ang loob ni Mr. Prado.

“Ano nga palang pangalan mo ulit?” tanong ni Mr. Prado.

“Zella… Obryn! Zella Obryn, Mr. Prado.”

“Oh please, Zella. Call me Ryan. I love my fans.” Mr. Prado chuckled. “Anong pinaka gusto mong movie ko?”


Crap! Na-caught off guard ako doon. Hindi ko natandaan mga movies niya. “Ah… eh… madami, eh. Actually halos lahat… I think…”

“Oh kain ka muna, Zella! I made this mango cake earlier,” sambit ni Mrs. Prado bitbit ang isang tray na may mga slices of cake sa mga platito at mga basong may orange juice.

Saved by the cake! Muntik na ko ‘don. Planet of the Apes pa naman ‘yong nasa isip kong sabihin. E, wala naman siya do’n– iyon lang talaga pumasok sa isip ko.

Anyway, magkatabi na sila ngayon. Back to business. Kailangan ko silang makumbinseng sabihin sa ‘kin kung nasaan si Fox.
Next chapter
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly