DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 32

☆

5/13/2025

0 Comments

 
FINN

DRIXIE was lying on the floor, kaya akala ko napuruhan siya. Pero nang lapitan ko siya agad siyang nakabangon. Daplis lang. Mabuti na lang sa may kaliwang braso. Mukhang sakto na nabaril ni Zild ang baril ni Larry.

She seems to be okay, but I can see on her frowned face how the gunshot graze hurts and burns her. 

Hinubad ko ang jacket ko, tinupi ko ito, saka nilagay sa sugat niya. “Here. Keep pressure on the wound. I’ll call for backup.”

“Finn… I’m okay. Habulin mo siya. Huwag mo siya… hahayaang makatakas.”

I heard what she said but I’m more worried about her.

“No! Kailangan kitang dalhin sa hospital.”

Kakargahin ko na sana siya pero pinigilan niya ang kamay ko.

“Finn! Listen to me. I’m okay. I’m Drixie Cortez… for crying out loud. Kaya ko ‘to. Pero ikaw… kailangan mo ng tapusin ‘to,” sambit niya kahit may mga pag-aray sa pagitan ng ibang mga salita.

Seryoso ang tingin niya sakin. Malinaw na sakin na kaya niya talaga. I wanted to stay. To make sure she was really okay. But if I didn’t stop Larry now, this wouldn’t end.

“Sige. Dito ka lang. Hahabulin ko si Larry.”

She grabbed my wrist before I could move. “Finn.”

I met her gaze. It was fierce and unwavering.

“Go. Kick his ass.”

I smirked. Then I stood and ran as fast as I could. I have to catch up.

Habang tumatakbo ako, kinontak ko sa comms earpiece ko si Zild.

“Zild come in! Do you have eyes on the target?”

“He’s moving upstairs. Mukhang gagamitin niya ang garbage chute sa 5th floor para tumakas. Tingin niya siguro napapaligiran natin ang mga exit.”

“Copy that. Puntahan mo si Drixie. She was shot. She needs assistance.”

“Roger that. I’m on my way.”

I took the stairs two at a time, holding nothing but the strength I have left to finish this. For this time I will do everything to stop him. Bawat hakbang ko’y umalingawngaw sa konkretong pader– it was sharp and hollow. Mabigat ang hangin na may alikabok at may bahagyang amoy ng nabubulok—parang unti-unting nalalanta ang gusali mula sa loob. Halos wala nang ilaw sa pasilyo. May kaunti na lang mula sa emergency exit sign kada palapag. 

Every step brought me closer, every breath felt heavier. I clenched my jaw. Isang floor na lang.

Paglabas ko ng fire exit, naabutan ko siya. Mag isa siya sa isang palapag na walang laman. Ang tanging nagbibigay liwanag ay galing sa mga billboard at ibang mga building sa paligid. Kasama na rin ang pa-minsang pag kulog at pag kidlat.

I clenched my fist. Breathing heavily.

“Larry!!” Tinawag ko siya bago pa man siya makalusot sa garbage chute.

Nilingon niya ko saka humarap sakin. Nakangiti siya pero nanlilisik ang mga mata.

“Hindi ka naman makapag-hintay. Pwede naman tayong magkita sa bahay niyo. Kung saan ko papatayin ang mga magulang mo.”

I felt my blood boil. My hands clenched, nails digging into my palms. Wala nang salita. Wala nang pag-iisip. Sinugod ko siya.

I managed to tackle him. Nagpagulong-gulong kami sa sahig, ramdam ko ang gaspang ng basag na semento sa balat ko. Sumakit ang balikat ko sa impact, pero hindi ako tumigil.

Pero mabilis siyang bumawi, pilit akong tinulak palayo bago pinakawalan ang isang matigas na siko sa tagiliran ko. 

Crap!

Nakawala siya at nakalayo. Parehas kaming nakatayo ulit. Pero bago pa ko makaporma, sumipa siya—tumama sa sikmura ko nang buong pwersa.

I stumbled back, barely catching my breath, but he was already coming at me again– binigyan niya ko ng mga suntok na parang walang awa at pakialam ang paglipad.

I blocked and evaded most of his punches. Pero may isang nakalusot. Malakas. Matalim. Tumama sa panga ko. My head snapped to the side, my vision blurred for half a second.

Come on, Finn! Focus!

Sinubukan kong umatras pero hinablot niya ang damit ko at braso. He threw me like a bag of rice on the floor.  Napa-arko ang likod ko sa sakit.

"Hindi mo ko mapipigilan, Finn!" Nanginginig ang boses niya, puno ng poot. "Kinuha mo ang lahat sa'kin! Kaya kukunin ko rin lahat ng sayo!"

Hinatak niya ko patayo. Tutuhurin niya sana ako pero nasangga ko ito. Pinakawalan ko ang isang suntok sa tagiliran niya—tinamaan siya at bahagyang napaatras. 

I didn’t waste the opportunity. Habang nakahawak siya sa tagiliran niya, pinaulanan ko siya ng mga suntok– isa, dalawa, sunod-sunod— sa katawan, sa mukha– kung saan ako nakakita ng opening. 

Bawat suntok ay binigay ko ang lahat ng lakas ko. Bawat suntok ay gusto kong iparamdam sa kanya ang lahat ng paghihirap ko, ng mga magulang ko, at higit sa lahat…

Isang mabigat na uppercut sa panga niya ang pinakawalan ko.

…hindi niya pwedeng galawin ang mga mahal ko sa buhay.

He got knocked down. Hopefully he’s out for good. Dahil para bang naubos ang lakas ko. Lumambot ang mga tuhod ko kaya napatukod ako sa sahig. Beating my friend like this was not satisfying at all. But for my loved ones– I will stop him over and over again.

Unti-unti siyang bumangon. Kahit parang masakit ang mga bugbog ko sa kanya, nanlilisik pa rin ang tingin niya sakin.

“Tama na, Larry. I’ve beaten you. Surrender and face justice.”

“Nag i-imbento ka ba? Hindi pa ‘to… tapos. Hangga’t…humihinga ako,” hirap niyang sambit. Nakatayo siya nang tuluyan at pinunasan pa ang tumulong dugo mula sa labi niya.

Tumayo na rin ako. Inayos ko ang porma ng mga braso ko at ng mga paa ko. Pero nang iatras ko ang kaliwang paa ko– doon ko nakita. The edge of the floor was behind me. Dahil mukhang hindi pa naaayos ng tuluyan ang gusaling ito, walang salamin ang supposedly floor to ceiling window. Isang maling hakbang lang malalaglag ako.

That’s when it hit me. Larry was looking at me fiercely. Ready to attack in a moment now. Kapag umilag ako mahuhulog siya sa building. Kailangan ko siyang pigilan– salubungin ang pagsugod niya.


“Finn!!” 

He lunges at me with rage. Faster than I could. Sasalubungin ko dapat ng pwersa ko ang pag sugod niya, pero patalon ang pag sunggab niya. Para siyang tigre na lumusob. He intended to use his weight to take me down. He didn’t see what’s behind me. 

Before I knew it, we lost our balance. Para bang nawala ang sahig sa ilalim namin. We fell. My adrenaline took over. I reached out, fingers desperately searching—then I caught something. Isang bakal na nakausli.

Para bang bumaligtad ang sikmura ko, ramdam ko ang bigat ng katawan ko habang nakabitin sa gilid. Ang kamay ko halos mabali sa bigat. 

Napasigaw ako sa sakit.

Si Larry naman… nagawang makakapit sa paa ko. Kaya pala halos mapunit ang braso ko.

Sinubukan ko kaagad na abutin ang bakal ng isa ko pang kamay para mabuhat ko ang sarili ko at si Larry. Pero dahil sa bigat namin, hindi ko nagawa.

I offered him my hand instead. I don’t want him to die. I still want to save him despite everything. If we’re going to end this… it has to be the right way.

“Take my hand!”

Tinignan niya lang ang mga kamay ko na para bang nagtataka siya kung bakit inaalok ko pa rin ito.

“Larry… please!”

Tumingin siya sakin. Then for a moment, he looked at my hand. As if considering. But then… he smiled. He made his choice.

“See you in hell, Finn.”

Tuluyan siyang bumitaw sakin. Diretso siyang bumagsak mula dito sa fifth floor hanggang sa madamong lupa sa ibaba.

Sakto namang dumating si Zild kung saan bumagsak si Larry. He checked on him. He looked up and saw me.

“Finn, he’s alive. Tumawag na ako ng medic at mga pulis. They’ll be here soon,” dinig kong sambit niya sa comms earpiece. 

“I need some help here,” sagot ko.

“Hold on! Papunta na ko diyan.”

Hindi ko alam kung kaya ko siyang hintayin na umakyat dito. Napapagod na ako. Hindi ko na magawang buhatin ang sarili ko. If I’m gonna fall, my survival depends on how I will land. Sinuwerte lang si Larry. It’s not his time yet. Ako? I have to figure it out.

I looked everywhere. See if my parkour skills could save me this time. I could try to swing myself, grab on to any ledge, but my body isn’t in perfect condition now.  Isa pa di ko alam ang kundisyon ng building na ‘to. Baka marupok na ang ibang mga bahagi. Isang maling galaw, laglag ako.

Time wasn’t at my side as my luck seems to have run out. Mas lumakas ang ulan. Dahilan para maging madulas ang bakal na kinakapitan ko. My fingers are slipping. My hand hurts like hell. 

Oh crap!

I tried. I really did. But my arms were shaking, my grip burning. My fingers lost their strength, one by one. I have to let go.

Bahala na…

As soon as I let go, someone grabbed my arm. When I look up para bang nakakita ako ng anghel. My heart beat so fast that I could hear it.

“I got you!” she said. Pulling as hard as she could. Kahit pa may sugat siya sa braso.

“Drixie…” I smiled. My body seems to have become light enough that I feel like I could fly. “You always catch me, do you?”

She smiled back. “Syempre naman… always.”

The moment she got here and grabbed me… or even the moment I met her, I already knew—I was saved.







DRIXIE


NANG gabing iyon, nahuli ng NBI si Sarge Larry at si Michelle. Si Finn naman ay sumuko na rin sa kanila. Sa mga sumunod na araw, nakakuha kami ng maayos na lawyers para kay Finn. Sa tulong na rin ni Zild at ng NBI, nilagay siya sa house arrest. Hindi siya pinayagan mag bail ng korte dahil tumakbo na daw siya for three years. Pero okay na ‘yon. At least kasama niya ang mga magulang niya. Deserve nila ang makasama ang bawat isa pagkatapos ng mahabang panahon. 

Medyo nakakalungkot lang kasi hindi ako pwedeng pumunta doon. Lawyers, mga pulis, at family members lang ang pwede. Pero we kept in touch through our phones. Tumutulong din ako para maghanap ng mas marami pang ebidensya na magagamit sa korte.

Nagkikita kami kapag may hearing sa korte. Yun nga lang di siya pwede makipag-usap sakin ng kami lang. Kasama namin lagi ang mga lawyers niya, parents, si Rave, at si Zild. At ang pinag-uusapan namin ay tungkol sa kaso niya. I miss him. Pero naka-focus din naman ako na matulungan siya para mapatunayan na inosente siya.

For the past six months, naging maingay sa buong bansa ang kaso ni Finn– involve kasi ang Chief of police ng Manila, at si Mr. Kim na kilalang mayamang negosyante. Pero dahil doon napabilis ang proseso ng kaso. 

Gumaling si Baron Kim na siyang naging star witness. Tinuro niya si Larry na totoong pumatay sa kapatid niya. 

Dahil din sa testimony ni Finn, at galing ng mga lawyers niya, napaamin nila si Larry sa mga kasalanan. Kahit iyong pagpatay ni Larry sa dating mayor 4 years ago nalaman ng korte.

Nakulong si Larry dahil sa mga murder cases na pinatong sa kanya. Si Michelle naman ay nakulong din dahil sa pagtulong niya kay Larry. Si Chief Reyes natanggal sa pwesto at nakulong din. Si Mr. Kim nagising from coma, pero naka-abang sa kanya ang patong-patong na mga kaso. 

As for Finn…

He’s finally free! Nakita ko kung gaano siya kasaya nang marinig namin ang hatol sa kanya. Para sa ‘kin, isa din iyon sa pinaka magandang araw ng buhay ko. 

He is now spending quality time with his family. Sobrang saya ko para sa kanya. Nakikita ko sa social media na magkasama silang namamasyal. At mukha silang masaya kasama na rin ang kapatid niyang babae.

Ako naman… siguro… waiting? Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa ngayon. Pagkatapos kasi ng kaso ni Finn, parang tinatamad pa ko kumuha ng ibang case. Ewan ko ba. Kasi parang may parte sa sarili ko na naghihintay na mag kausap kami ni Finn. Oo… siya ang hinihintay ko.



IT’S BEEN three months since he was proven innocent. Habang busy pa si Finn kasama ang pamilya niya, binibisita ko si Tiya Mering at ang pinsan kong si Lani. Madalas ako doon kapag hindi nag bi-bird watching. Ngayon naman binisita ko muna si Zella na nagtatrabaho na sa NBI.

“Besty!” Niyakap niya ako agad nang makita ko siya sa loob ng office niya. “Oh my Drixie Pixie! I miss you so much.”

“Sus! Ikaw nga ‘tong walang paramdam sakin.”

“Ay sorry, besty. Super busy kasi di ba alam mo naman? Dito sa NBI maraming work. Tas ‘yong kuya kong super epal, ang daming binigay na things and stuff to check.”

Nginitian ko nalang siya at niyakap din. Naiintindihan ko naman pero pagkatapos kasi ng kaso ni Finn parang naiwan ako mag-isa. Lahat sila sobrang busy na.

“Okay sige. Pag bigyan ang babaeng fragile,” sagot ko at niyakap ko rin siya nang mahigpit.

“Yey!” Tumalon-talo pa siya habang yakap ako pero bumitaw din pagkatapos. 

“How are you? Kamusta na kayo ni Finn? May progress na ba? Is my ship sailing?” makulit niyang tanong na may pagkurap-kurap pa.

Hindi ko mapigilang mapakagat sa labi. Ang init ng mga pisngi ko. Gusto pang ngumiti ng mga labi ko nang sobra. Ang hirap pigilan kaya umiwas nalang ako ng tingin.

“Ewan ko. Busy siya.”

“Ay oo nga pala. He’s making bawi to his family. Okay lang ‘yon, Drix. Pagkatapos no’n sayo na ‘yon naka-focus. Ako maid of honor sa kasal niyo, a.”

Pabiro ko siyang sinuntok sa braso. “Kasal ka diyan. Iyon agad? Di pa nga… I mean di ko pa alam kung ano kami.”

“Walang suntukan. I told you I’m fragile. Anyway, siguradong doon din naman kayo going. Nga pala nabalitaan mo na ba?”

“Ang alin?”

“Si Rave na ang bagong Chief of Police ng Manila!”

Napangiti ako. Deserve niya ‘yon. At sigurado ng magiging malinis ang kapulisan sa pamumuno ni Rave.

Biglang pumasok si Zild sa office ni Zella. “Hoy kapatid. We have to go. We got him.”

“You mean… him?” Halos mapatalon si Zella. Sino kaya ang tinutukoy nila?

Napakunot noo ako. Napansin naman ni Zild na nandoon ako.

“Hi Drixie. Kamusta? Sorry kailangan ko si Zella.”

“Besty, sorry. Let’s catch up pagkatapos ng case ni Mr. Kim. Kaya busy ang lola mo dahil dito, e. Pero very near na kami. Nahuli na namin ang mole ni Mr. Kim dito sa NBI. Lagot siya samin ngayon. And then mapapakulong na namin si Mr. Kim.”

“No problem. Sige na. Alam ko daan palabas.”

Yumakap at bumeso sakin si Zella. “See you again soon, Drix. Love, love!”

“Bye, Drix,” paalam naman ni Zild.

Umalis na ko ng opisina ni Zella at pumunta sa parking area. Bago ako sumakay ng motorbike ko, tumingin muna ako sa phone para i-congrats si Rave. Pagtingin ko sa social media profile niya may bago siyang post. Nagulat ako pero agad akong napangiti.

May picture sila ng pinsan kong si Lani. Mukhang nagde-date sila. Paano kaya sila nagkakilala?

Naisip ko agad si Finn. Hindi ko alam pero parang na-inggit ako. May parte sakin na umaasa na sana kasama ko rin si Finn ngayon.

Habang nag s-scroll sa news feed ng social media, may hindi ako sinasadyang makita. Nawala agad ang ngiti sa mga labi ko. Parang may kung ano na kumurot sa puso ko.

Nakita ko kasi ang social media post ni Jillian. Naka-follow nga pala ako sa kanya para sa disguise ko noon. Siya ‘yong babaeng kasama ni Finn sa Tagaytay noon.

Ang post niya, nasa isang coffee shop siya at kasama niya si Finn. May caption pa na heart symbol.

Bakit sila magkasama? Anong ibig sabihin nito? Bakit nandoon siya? Naulit na naman ba? Umasa na naman ba ko sa wala? 

Hindi ko napigilan ang luha ko. Agad ko namang pinunasan pero di maalis sa dibdib ko ang kirot.

Ang sakit! Bakit ganon? Bakit parang naghintay pala ako sa wala? 
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly