DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 31

☆

5/13/2025

0 Comments

 
DRIXIE


ONE DAY ago, sinabihan na ako ni Finn na may suspetsa siya kay Sarge Larry. Pero dahil mabait si Sarge sakin, pinabulaanan ko lang ang sinabi niya. Pero nagkamali pala ako. All this time, siya pala ang mastermind. Tinutukan niya ako at binaril ng stun gun kanina.

Ngayon, pag gising ko, narito ako—nakaupo sa isang matigas na silya, at nakaposas sa likuran ko ang mga braso ko. Huminga ako nang malalim, pinakiramdaman ang paligid. Lumang gusali. Madilim. Sira ang mga pader. May amoy na pinaghalong alikabok at kalawang, isang lugar na halatang matagal ng pinabayaan. Mula sa sirang bintana, naririnig ko ang mga patak ng ulan sa labas, at pagkulog. Pero hindi iyon ang dapat kong alalahanin.

Sa harapan ko ay may dalawang lalaki—malalaki ang katawan, armado, tahimik na nakamasid. Kasama nila si Michelle na kanina ko pa gustong suntukin kundi lang dahil sa posas na ‘to.

“Mga walang hiya kayo! Mga traydor! Nagtiwala sa inyo si Finn pero ginago niyo siya. Pagbabayaran niyo lahat ng ‘to,” banta ko sa kanya habang sinusubukang magpumiglas.

“Oops, girl. Mali ka diyan. Si Finn ang magbabayad sa kasalanan niya. Buhay kapalit ng buhay,” sagot ni Michelle. Confident siya at parang masaya sa nangyayari.

Napakunot-noo ako. “A-Anong ibig mong sabihin? Hindi magagawa ni Finn na pumatay ng tao.”

“Ay! Hindi pa pala sinasabi sayo ng Finn na ‘yon ang tungkol sa kanya at kay Larry? Naku naman. Siguro wala siyang tiwala sayo. Pero, sige. Dahil magtatapos na ang lahat– sasabihin ko sayo.”

Hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila ng babaeng ‘to. Nanayya ka talaga sakin pag nakawala ako.

“Si Finn ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ng isang mabait at mapagmahal na anak. Siya ang–”

“Teka di ko magets,” singit ko. “Pwede bang umpisahan mo sa umpisa? Sino ka? Paano mo nakilala si Sarge? Bakit niyo pinahirapan si Finn?”

Nag kunwari lang ako. Hindi talaga ako interesado kung sino talaga siya at sa kung anong sasabihin niya. May tiwala ako kay Finn. I just need to buy some time to remove these handcuffs. Hawak ko na sa kamay ko ang hair pin na kinuha ko sa sleeve ng jacket ko. Lagi na akong may dala nito dahil minsan na nila akong nabihag. Medyo mahirap lang pero dahil tinuruan ako ni Finn kung paano ‘to gawin, hindi imposible.

“Sige. Tutal marami pa naman tayong oras. Mabuti na rin na malaman mo kung gaano kasama ang taong pinoprotektahan mo.”

Tumalikod siya at humarap sa bintana. Para bang dinaramdam niya ang mga alaala ng nakaraan niya kasabay ng baway patak ng ulan. Mukha siyang nag da-drama sa isang malungkot na music video. Bahala siya diyan. Basta ako kailangan kong makawala. Isa pa, kailangan ko rin isipin kung paano ko patutumbahin ang dalawang goons na kasama niya.

“Kung gusto mo din malaman ang tungkol sa kin… isa lang naman akong aspiring actress noon. Magaling akong umarte, pero para bang walang naka-pansin sa talento ko. Palagi lang akong extra. Hanggang sa… nakilala ko si Larry. Na-in love kami sa isa’t isa…”

Makakatulog yata ako sa kwento ng babaeng ‘to.

Naging tungkol sa love story nila ni Larry ang kwento niya. Hindi ko na masyadong inabsorb sa utak ko dahil parang puro kakornihan lang. Isa pa, kailangan kong mag focus sa posas. Pero kaya pala magaling siyang mag panggap noon at manlinlang ng mga tao– artista pala siya.

Patuloy lang siya sa pag kwento hanggang sa mabanggit niya si Finn. May sinulat daw noon si Finn na isang exposé tungkol sa Ina ni Sarge na isa palang drug syndicate leader. Nakulong ito dahil do’n. Kaso kinalaunan ay kinuha raw nito ang sariling buhay sa kulungan.

...Si Larry ang nagbigay ng layunin sa buhay ko—isang bagay na hindi ko natagpuan sa iba. Hindi niya deserve mawalan ng ina dahil lang sa isinulat ng isang tao. Saksi ako sa kanyang pagdurusa, sa bawat hirap na dinanas niya nang mawala ang kanyang ina.”

Grabe! Di ba niya nahalata na wala naman talaga akong pake sa love story nila? Pero ayos lang basta magawa kong makawala sa posas. Sige kahit boring mag salita ka lang diyan.

“…But Larry is a better person. Hindi niya gagantihan si Finn sa paNanaygitan ng kanyang ina. Sa halip, gusto niyang siya mismo ang magparusa kay Finn—gusto niyang magdusa ito at Nanaytay sa kanyang mga kamay.”

Malinaw na sakin ang lahat. Hindi lang basta artista ‘tong babaeng ‘to may sapak din siya sa ulo. Mas lalo lang niyang nilinaw sakin na inosente si Finn at isa pa ngang bayani kung tutuusin.

Humarap siya sakin. Sakto naman at nagawa kong maluwagan ang posas, anytime pwede na akong makawala. Pero kailangan kong planuhin nang maigi ang gagawin ko para mapatumba itong dalawang goons. Sa ngayon di ko muna igagalaw ang mga braso ko.

“Boss Michelle, pwede ba kong mag-CR saglit? Ihing-ihi na talaga ako, e,” sambit ng isa sa mga goons.

“Hay naku! Istorbo ka. Sige, sige! Bilisan mo!”

Ayos! Umalis ‘yong isa. Mas madali na ‘to.

“So… where were we?” tanong ni Michelle. Lumapit siya sakin.

Ngumisi ako. “Doon na tayo sa part… kung san ko babasagin ang mukha mo.”

Mabilis kong tinanggal ang posas sa mga kamay ko. Binigyan ko siya ng headbutt sa bibig kasabay ng pagtayo ko.

“Aray! Pu–” Napaatras siya at napahawak sa bibig.

Ang isang goon naman ay bubunot sana ng baril sa kanyang bewang. Pero mas mabilis akong nakakilos. Hinablot ko ang braso niya at pinaikot ang kamay niya paharap. Sumigaw siya sa sakit. Ginamit ko ang momentum—isang siko sa leeg niya, isang mabilis na tadyak sa tuhod. Tapos ay tuluyan ko siyang binalian. Bumagsak siya sa sahig, hawak ang binali kong braso. At para mawalan siya ng malay, sinipa ko siya sa ulo.

One down!

Narinig kong pabalik dito ang isa pang goon na mag C-CR sana. Kaya naman bago pa siya makapasok sa pinto na bahagyang nakabukas, malakas ko itong isinara.

Blag!

Binuksan ko ang pinto para i-check. Hindi siya natumba at nakahawak lang sa noo. Kaya naman sinugod ko siya. Tumalon ako at sinuntok ko siya sa ulo.

Di pa rin siya natumba. At parang mas nagalit pa yata siya.

Laking tao kasi nito. Paano ba?

He grabbed me and managed to shove me against the wall. Dahil malaki ang mga kamay niya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga braso ko wala akong nakitang ibang way kundi ang sipain siya sa singit niya.

Agad siyang napahawak sa ibaba niya, at napaluhod pa. Ginamit ko naman ang pagkakataon para bigyan siya ng isang malakas na uppercut. 

Nasaktan ang kamay ko pero okay lang dahil tumba na siya. Sa wakas!

That’s two! Isa na lang.

Bumaling ako kay Michelle habang naka fighting stance pa rin. Dumudugo ang labi niya dahil sa headbutt ko sa kanya kanina. 

“Okay, okay, ikaw na MMA Fighter. Sumusuko na ko,” sambit niya sabay taas ng mga kamay.

Ibinaba ko ang mga braso. Lalapitan ko sana siya para posasan pero bigla niya akong sinubukan na sunggaban. Nakailag ako at nakalayo.

Traydor talaga ‘to. Makakatikim ka talaga sakin. Para na rin sa panloloko mo sa pamilya ni Finn.

Pumorma siya na parang makikipag-boxing. Mukhang may alam siya sa laban kahit papaano.

Ngumiti ako nang may pang-aasar at itinapat ang kamay ko sa harapan, saka dahan-dahang kinawit ang mga daliri ko, hinihikayat siyang lumapit.

Galit na galit siyang sumugod, nakaabang ang mga kamay niya para sabunutan ako. Pero bago pa siya makalapit… isang spinning roundhouse kick ang binigay ko sa kanya. Tinamaan siya sa mukha. Napaatras siya at pasuray-suray.

“Akala mo… nanalo na kayo? Hindi basta-basta… susuko si Larry.” Para siyang lasing na nagsasalita pero di rin nagtagal ay natumba siya sa sahig.

“Tulog ka muna. Dami mong sinasabi. Pag gising mo nakakulong ka na.”

Tumba na silang lahat. Pero kailangan ko pa rin mag ingat. Baka may iba pang goons dito. Kailangan ko rin gawan ng paraan na malaman ni Finn na ligtas ako. Hindi na dapat ako magamit ulit laban sa kanya.

And Finn… I hope you’re okay…





FINN


PINAKIRAMDAMAN ko kung agad ba siyang magpapaputok. Pero alam kong hindi niya ako hinintay nang ganito katagal para tapusin lang ang lahat sa isang iglap. He wants me to know. Gusto niyang ipaintindi sa’kin kung ano ang dahilan ng galit niya—kung ano ang matagal nang sumusunog sa kanya. I want to know too. 

Pero bago pa ko makapagtanong, siya na ang unang nag salita.

“For old time sake, sabihin mo– paano mo nalaman na ako?”

“Hindi naging madali. Pero dahil walang mabigat na dahilan si Chief Reyes para pahirapan ako. At nang malaman namin na Pulis ang boyfriend ni Michelle, pumasok ka sa isip ko. Ikaw lang ang may mabigat na dahilan. Pero sa maniwala ka o sa hindi, umasa ako na mali ako.”

“Kaya pala nakipagkita ka sakin two days ago. I gave it away, didn't I?”

“You lost all power and influence nang ma-coma si Mr. Kim. Wala ka na rin leverage sa kanya dahil wala sayo si Baron. The only thing you have now are lies. But I saw through it. Now we're here.”

He chuckled. “Magaling. As expected sa pinakamahusay na crime exposé writer na nagtatago sa pangalang Fox. Pero… hindi mo pa rin ako napigilan. Ngayon hawak ko si Drixie. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito na magkaroon ka ng kahinaan bukod sa mga magulang mo.”

Hindi ko muna pinansin ang huling sinabi niya. It’s my turn to ask.

“You said it wasn’t my fault… about your mom. So why? Bakit… Larry?”

He smiled. Pero ang mga mata niya ay tila nanlilisik pa rin sa galit. “And you believed me?”

“I did. Because I treated you as a friend,” I said without hesitation.

“Wala akong pake! Ikaw ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang nanay ko!” sigaw niya.

Sumabat naman ako. “You know damn well why she was arrested! Alam mo rin na hindi ako ang pumatay sa kanya!”

Huminga ako nang malalim at nagawa kong huminahon. Kahit pa galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin sa mahabang panahon– alam ko kung ano ang pinaghuhugutan niya ng galit.

“Larry… Sinabi mo noon sakin na naiintindihan mo. Hindi pa huli ang lahat. Ayusin natin. Humarap tayo sa korte. Itama natin ang lahat.”

“Naintindihan? Oo naiintindihan kong nakulong ang Nanay ko. Pero ang mamatay siya? Hindi mo alam ang mawalan ng isang ina! Hindi ako titigil hangga’t di ko kayo nauubos! Kayong lahat na may dahilan kung bakit namatay si Nanay!”

“K-Kayo? Anong ibig mong sabihin?” kunot-noo kong tanong. “Larry kung merong mga taong nasa likod ng pagkamatay ng Nanay mo tutulungan kitang hanapin sila.”

“Tutulungan? Hindi mo ba natatandaan? Sinabi ko sayo noon ang sinabi sakin ni Nanay– may mas mataas pa sa kanya sa drug network. Pero anong sinabi mo? Wala kang makita at naging mas importante sayo ang ibang kaso!”

Nanlaki ang mga mata ko at natigilan. I didn’t realize how much it hurted him when I put his mother’s case aside. Pero noong mga oras na ‘yon, kailangan ko kasing iligtas ang mga bata sa isang ilegal na bentahan. However, if it isn’t too late, I wanted to set things right.

Binaba ko ang mga braso ko at yumuko. “I’m sorry, Larry…Patawarin mo sana ako.” Tapos ay tumingin ako sa kanya ng diretso. I wanted him to see how serious I am. “Let me help you. This time hindi ako titigil hangga’t di nahahanap ang mga taong sinasabi mo.”

Umiling-iling siya. “It’s too late, Finn. Nahanap ko siya at ang iba pa niyang mga kasama. Akalain mong mayor pala ang ungas.”

“Mayor? Larry… anong ginawa mo?”

A memory hit me in a flash. The timeline was on point. Four years ago bago ako maging wanted, may hindi unknown person na naging wanted dahil sa pagpatay sa mayor.

“Pinagbantaan nila ang Nanay ko na papatayin ako kapag nagsalita siya. Kaya nagpakamatay siya.  Pero lintek lang ang walang ganti! Pinatay ko ang mayor. Pinatay ko silang lahat. Ako ang wanted na mayor killer.”

Matapos niyang sabihin ‘yon, para bang nagpahabol sa kanya ang hininga niya. Those words were kept for so long that it felt so heavy for him. Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. I realized that the one I treated as a friend is long gone. He became a blood lust murderer.

“Larry… napatay mo na sila. At ako ang huli– tama ba?”

“Tama ka! Nagkamali ako sa kanila dahil mabilis ko lang silang pinatay. Hindi dapat! Mali! Dapat ay nagdusa muna sila. Katulad ng pagdurusa namin ng Nanay ko. Kaya sinugurado ko na sa huling taong gagantihan ko ay makukuha ko ang totoong paghihiganti. Kailangan maranasan mo ang maging isang kriminal, ang mag tago at mangamba palagi para sa mga mahal niya sa buhay– bago kita tapusin.”


Those words hit me like a gunshot. Dahil sa isinantabi ko ang kaso ng Nanay niya– isang bagay na di ko nagawa para sa kanya– nagkaroon siya ng galit sakin. At dahil hindi siya nakuntento sa ginawa niyang pag ganti, he put all his hatred to me– the one who sent his mother to prison.

“Pero bago ang lahat… may kailangan makakita ng huling sandali mo. Hindi lang kita basta papatayin ngayon. Gusto ko na masasaktan ka sa huling pagkakataon,” sambit pa ni Larry. Tapos ay kinuha niya ang isang radio phone mula sa bulsa ng pantalon. “Michelle, come in. Dalhin niyo na si Drixie dito.”

As soon as he said Drixie’s name, I quickly pointed the gun at him. “Larry! Huwag mong idadamay si Drixie dito! This is between you and me.”

Walang sumagot sa radyo ni Larry kaya’t inulit niyang kontakin ang mga nasa kabilang linya. “Come in! Dalhin niyo si Drixie dito.”

It was just another static feedback– no response.

I can’t help but smirk. “Larry, this is where you failed. Drixie is not a damsel in distress. You forgot she can take care of herself. She’s probably out of this building by now.”

He grunted. “Putres! Mga walang kwenta!” 

Hinagis niya sa sahig ang radio phone. Nasira ito at nagkalasan ang mga pyesa sa paligid. 

“It’s just you and me, Larry. Let’s end this.”

Thunder crashes again, at the same time we lock eyes, guns raised, tension crackling between us.

“Finn, I’m in position. I have a clear shot at the target,” dinig kong sambit ni Zild sa comms earpiece ko. “Waiting for your signal.”

Bago ako pumunta dito, I asked Zild to back me up from a vantage point. He’s now somewhere with a sniper rifle. My directive was to disarm or disable the enemies on my signal. 

I could have said the signal right away and won.  But as I look into Larry’s eyes, I see all the hatred. Lahat ng galit at paghihirap niya sa mahabang panahon para bang nakikita ko. There was no winning this fight. Not in the way I wanted. But maybe... just maybe, I could save him from himself. If I grant him his desire– I could still save him from his killing spree. Maybe if I surrender, he will finally stop.


Dahan-dahan kong ibinaba ang mga braso ko. Inilipag ko rin sa sahig ang baril. Sinipa ko pa ito palayo habang tinataas ko ang mga kamay ko.

“Larry… Sige barilin mo na ko. Kung sa tingin mo na isa ako sa mga dahilan kung bakit ka nawalan ng ina, shoot me. Kung sa tingin mo rin na matatapos na ang paghihiganti mo at galit sa puso mo– kunin mo ang buhay ko.”

Para bang humigpit ang hawak niya sa baril dahil nanginginig ito. Galit na galit ang mukha niya.

“Hindi! Hindi ‘to pwede. Dapat hindi ganito kadali.”

“Larry… I’m sorry. You can end this now.”

“Finn! Huwag!”

A familiar voice cut through the chaos. My stomach dropped. No—she shouldn’t be here.

“I change my mind,” biglang sambit ni Larry. Ibinaba niya ang braso niya. “Tama ka, Finn. Hindi ‘to matatapos sa pagpatay ko sayo.”

Saglit akong naging kampante pero bigla niyang tinutok ang baril kay Drixie.

 “Nagdusa ang Nanay ko kaya magdurusa ka rin. I’m going to kill your loved ones and let you suffer!”

“Zild now!” sigaw ko. Giving Zild the signal to take the shot.

Gunshots echoed in the whole room. Sinubukan kong iharang ang katawan ko pero nahuli ako. Zild successfully disarms Larry’s hand. But Drixie…

She got shot.

“Drixie, no!” sigaw ko habang tumatayo mula sa pagkakabagsak sa sahig.

“Hindi pa tayo tapos, Finn. Isusunod ko ang mga magulang mo,” sambit naman ni Larry habang nakahawak sa kamay. Hirap siya pero lumalakad na nang mabilis palayo. “I’ll see you soon.”

Hinayaan ko siyang tumakas. Inuna ko ang kalagayan ni Drixie. 

Drixie… please… oh God… No!
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly