DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 30

☆

5/13/2025

0 Comments

 
FINN


KITA KO sa monitor na papasok na ang apat sa loob ng canning factory, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin makita ang mukha ng isang lalaki. I don’t know why, but this is making me restless. Ramdam ko ang paninigas ng panga ko habang pinapanood ang galaw nila. Hindi ko gusto ‘to. This uncertainty.

Kinuha ko na ang handgun ko. Handang lumabas ng van.

This was the plan—lure them in and get them to surrender– confess. Pero sa puntong ‘to, wala na akong pakialam sa konting lihis sa plano. Kung kinakailangan, ako mismo ang magtatapos nito.

“Finn!”

Napalingon ako kay Drixie. She looked like she’d just seen a ghost, her eyes locked on the monitor. “H-Hindi… Bakit niya kasama si Michelle?”

Mabilis akong bumalik sa screen. I wanted to see him in person first, pero sapat na ang nakita ko sa monitor. My chest tightened.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong luminga-linga ang lalaki sa paligid bago tuluyang pumasok sa factory.

“S-Si… Si Chief Reyes?!”

For a second, I just stared. My mind processed what I was seeing, but my body stayed frozen. Kahit pa isa siya sa mga hinala ko noon pa, iba pa rin pala ‘yong marinig lang sa iba at makita mismo ng dalawang mata mo.

My grip on the gun tightened. Wala nang atrasan ‘to. Panahon na para komprontahin ang mastermind ng lahat ng paghihirap ko.

Bumaba ako ng van na parang wala akong ibang kasama. The anger that simmered inside me boiled over. Dumidilim ang paningin ko. Diretso akong naglakad papunta sa main door.

“Finn, sandali!” Pagpigil ni Drixie sakin.

Napahinto ako. Hawak ko na ang door handle ng Van, pero hindi ako lumingon.

“Alam ko, galit na galit ka. Kahit ako... hindi ako makapaniwala na si Chief ‘yon... galit din ako!” Ramdam ko ang panginginig ng boses ni Drixie. Then, I felt her touch on my cheek—soft but grounding. Parang hinila niya ako pabalik sa realidad.

“May tiwala ako sa ‘yo. Alam kong gagawin mo ang tama,” dagdag pa niya.

Huminga ako nang malalim. Kung kanina, puro galit lang ang nasa loob ko, ngayon, mas malinaw na ang isip ko. Tumango ako sa kanya.

Then, gunshots exploded from inside.

“Drixie, dito ka lang! Wait for our backup.”

“No! I’m coming with you.”

Tinignan ko si Larry para pigilan si Drixie. Na-gets naman niya agad.

“Drixie dito muna tayo. Kailangan nila tayo bilang back up dahil wala pa ang tinawag kong mga back up natin..”

She hesitated but nodded. “Okay, sige. Mag-ingat ka.”

I quickly smiled at her and then went ahead.

Pagpasok ko, nagkatutukan na ng baril sina Chief Reyes, Michelle, Rave, at ang isang pulis na kasama nila. Pero may isa pang pulis na nakahandusay sa sahig, may tama sa balikat.
Wala nang oras. Mabilis akong gumalaw—walang ingay, walang babala. Lumapit ako sa likuran ni Chief Reyes at tinutok ang baril ko sa batok niya.

“Ibaba mo ang baril mo,” I said, my voice low and controlled.

Hindi siya kaagad sumunod. Si Michelle naman, halatang nataranta, panay ang salit-salit ng pagtutok ng baril sa akin at kay Rave. She didn’t know what to do.

Mas idiniin ko pa ang baril sa ulo ni Chief. “Tatlong taon akong naghintay para malaman kung sino ang may pakana ng lahat ng ‘to. Huwag mong subukan ang pasensya ko.”

Dahan-dahan niyang binaba ang baril niya.

“Sa sahig,” utos ni Rave.

Sinunod niya. Nang mailapag ang baril, itinaas niya ang mga kamay niya.

“Ikaw? Ano pang hinihintay mo?” I turned to Michelle, my eyes burning through her. She knew I wasn’t bluffing.

Wala siyang nagawa kundi sumunod.

Sinipa ko ang mga baril papunta kay Rave, na agad namang kinuha ang mga posas. This was the plan all along. Now, they had nowhere to run.

Habang pinoposasan ni Rave ang mga kamay nila, binalingan niya ang pulis na kakampi namin. “Madali ka! Dalhin mo na ‘yang kasama mo sa ospital. Kami na ni Finn ang bahala dito.”

Wala ng sinayang na oras ang pulis. Tinulungan niyang makatayo ang kasama niyang sugatan at itinakbo ito palabas.

Ako naman, hindi inaalis ang tingin kay Chief Reyes. The man who ruined my life. The man I had spent three years hunting, suspecting, doubting.

Now, he was right in front of me. Nakaposas. Defenseless.

And yet, my hands still shook with rage.

“Magsalita ka,” I said, my voice dangerously calm. “Bakit… bakit mo ako finrame up? Bakit ako? Anong ginawa ko sa ‘yo?”

Tahimik lang siya. Nakayuko.

Then my patience snapped.

“SUMAGOT KA!!”

“Pasensya ka na hijo… wala akong ibang choice kundi ang sumunod. H-Hindi ako… hindi ako ang hinahanap mo,” nakayuko niyang sagot.

Nanlaki ang mga mata ko at napaatras ako ng ilang hakbang. Tila ba lumambot din ang mga hita ko. Anong sinasabi niya? Hindi siya? Sino? Kung hindi siya? Sino? 

Bigla namang humalakhak si Michelle na nag-echo sa buong paligid.

“Hindi mo ba pinasok sa kokote mo ang sinabi ko dati? He’s always two steps ahead.”

Bago pa ako makasagot, isang malakas na ugong ng makina ang pumuno sa paligid. Sa puntong ‘yon isa lang ang pumasok sa isip ko.

“Drixie!”

Parang may kung anong pwersang nagtulak sa akin para tumakbo palabas ng pabrika. Hindi ko na inisip kung ano’ng mangyayari sa mga iniwan ko sa loob. Isa lang ang sigurado ako—kailangan kong makita siya.

Pagkarating ko sa labas, ang naabutan ko ay ang panel van na patuloy na lumalayo, ang usok ng tambutso nito’y parang demonyong tinatawanan ako dahil wala akong magawa.
Huli na ang lahat. 

“Damn it!” Sinuntok ko ang pader na pinakamalapit sa akin. Halos sumabog ang baga ko sa gigil. Paano ‘to nangyari? Bakit? Bakit hindi ko siya naprotektahan?

“Zild, come in! We have a situation. May dumukot kay Drixie at kay Sarge Larry,” sambit ni Rave sa phone, galit at nagpa-panic ang tono ng boses niya. Naka-sunod pala siya sakin.


Hindi… Hindi dapat ganito ang nangyari…






RAVE


MASYADO kaming nag focus sa kung sinong tumangay kay Drixie at Sarge, pagbalik namin sa loob ng canning factory wala na si Michelle at tanging si Chief Reyes na lang ang natira. Ilang beses ko siyang tinanong pero wala siyang imik sa upuan at tila balisa lang.

“Mga walangya! Naisahan nila tayo! Parang alam nila ang plano natin,” sambit ko. I turned to Finn. Tahimik lang siya at bahagyang nakayuko. Tila malalim ang iniisip.

“Finn?”

“Finn!”

Tumingin siya sakin pero para bang wala pa rin ang focus niya. His eyes were burning with anger or… is it disappointment? What the hell is he thinking?

“What’s the plan? May contingency ba tayo dito?”

“I have to go,” sagot niya nagbabadyang umalis.

“Teka saglit! Paano ‘tong si Chief?”

“Stick to the plan. Then do everything you can do to squeeze any information from him. Then text it to me. Kailangan kong umalis para kay Drixie.”

Gusto ko sanang umalis din para hanapin si Drixie pero dahil sa kapabayaan ko nakatakas si Michelle. Hindi ko dapat hayaang makatakas si Chief. Kailangan kong kunin ang confession niya para malaman na rin kung bakit siya nakikipagtulungan kila Michelle. Saka ko siya dadalhin sa NBI. Isa pa, kita ko sa mga mata ni Finn na para bang alam niya ang susunod na gagawin at alam din niya kung saan hahanapin si Drixie.

“Sige. Mukhang alam mo kung saan ka pupunta.”

“Oo pero… umaasa pa rin akong mali ako sa suspetsa ko.” 

Tumango ako. “Ako na ang bahala dito.”

Umalis si Finn at naiwan kami ni Chief Reyes sa loob. Chineck ko ang posas niya, mahigpit pa rin ito. Kumuha ako ng upuan at umupo ako sa harap niya. I wanted to keep the pressure on him. Kahit alam kong alam niya na ang ganitong taktika, tao pa rin siya na maaapektuhan nito. Lalo na ngayong alam ko ng isa siyang maruming pulis.

Tumagal din ng sampung minuto ang katahimikan sa pagitan namin. Tinitigan ko lang siya. Gusto kong isipin niya kung ano ang iniisip ko at kung ano na ang tingin ko sa kanya. Sa pamamagitan nito, mas madali ko siyang mapapa-amin sa mga kasalanan niya.

“May pagkakataon kang tumakas, pero di mo ginawa– bakit?” tanong ko.

“Ayoko na, hijo. Naghihintay lamang ako ng pagkakataon na mahuli ako. At ito na ‘yon. Sumusuko na ko,” sagot niya pero di pa rin siya makatingin sakin ng diretso. Para bang tulala lang siya sa sahig.

“Kalokohan! Ginagago mo ba ko?! Sa tingin mo ba maniniwala pa ko sayo? Sinira mo ang imahe mo sakin. Tinitingala pa naman kita– kami nila Drixie at Zella. Akala ko tuwid ka– maruming pulis ka pala.” 

Binilog ko ang mga kamao ko. Gusto ko siyang suntukin para malaman niya lalong binigo niya ko pero mukhang di ko pala lubos na kilala ang taong nasa harap ko. Akala ko lang noon kilala ko siya– hindi pala. Kailangan kong kumalma at ituring siyang kriminal na paaaminin ko.

“Sige, sabihin na nating naniniwala akong sumusuko ka na. Bakit? Bakit mo nagawang makipagtulungan kay Michelle, kay Mr. Kim, at kung sino mang hudas ang nasa likod ng lahat ng nangyari kay Finn? Siya nga pala, ire-record ko ang usapan natin na ‘to. Kung talagang sumusuko ka na, makipag tulungan ka samin at umamin ka nalang sa mga kasalanan mo.”

Huminga siya nang malalim.

“Dahil sa kasakiman ko… sa posisyon na akala kong mag papaganda ng buhay ko. Pero… mali… mali pala ako.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Nang mamatay ang dating pakner ko– ang tatay ni Drixie, nag apply ako bilang bagong Police Chief. Pero dahil di maganda ang arrest record ko, na-deny ako. Gusto kong ipagpatuloy ang nasimulan ni Gaston kaya ginawa ko ang lahat para mag pumilit na maging Chief of Police. Doon ay nagpakilala sakin si Mr. Kim.”

Bumuntong hininga siya. Para bang pinapakita niya sakin kung gaano kabigat ang sikreto niya.

“Ginamit ni Mr. Kim ang yaman at impluwensya niya para ako ang maupo bilang Chief. Noong una, ang sabi niya ay para maging maayos ang kapulisan. Naniwala ako noon. Pero may tao palang nag uutos lang ng gagawin kay Mr. Kim. Isang araw, humingi siya ng pabor—pakawalan ang isang tauhan niya. May kapalit na pera. Tinanggap ko.”

Napamura ako sa isip. 

“Doon ka bumagsak,” malamig kong sabi.

Tumango siya ng marahan. “Ang pagkakamaling ‘yon ang naging alas sakin ng mastermind. Nakuhaan ako ng ebidensya—litrato, resibo.”

Patuloy akong nakinig sa kwento ni Chief Reyes. Sinigurado ko rin na naka-record sa phone ko ang lahat ng usapan namin.

“Doon nagsimula ang patuloy na mga pabor at utos. Pakawalan ang isang kriminal, hayaan tumakbo ang isang ilegal na negosyo, at kung ano-ano pa. Kasabay no’n ay tumatanggap na ako ng pera. Inisip ko nalang na pagagaanin nito ang buhay ng pamilya ko. Pero dahil do’n nagkaroon siya ng maraming ebidensya na laban sakin kaya’t sumunod nalang ako ng sumunod.”

“Gusto mo bang sabihin na inosente ka? Na napilitan ka lang? Bullshit! Ang sabi mo gusto mong ipagpatuloy ang nasimulan ni Chief Gaston Cortez, pero tumanggap ka kaagad ng lagay? Patawa ka, Chief– at nakakasuka,” sambit ko.

“Sa maniwala ka o sa hindi, sinubukan kong mag retiro, at huwag ng sundin ang utos nila. Ang sabi nila sakin mangyayari lang ‘yon kapag nahuli ko si Fox. Pero unti-unti kong napagtanto na hindi nila ako pakakawalan. Patuloy akong magiging tuta nila.”

“Chief! Hindi pa rin yan sapat na rason para maging marumi ka. Walang sapat na rason para maging maruming pulis. May sinumpaan tayong tungkulin! Nakalimutan mo na ba?”

Hindi siya sumagot. Saying those words loud also hit me. Minsan na akong nagkamali para sa pansariling desisyon pero dahil do’n mas paninindigan kong maging totoo sa serbisyo. Hindi ko hahayaan ang mga kagaya ni Chief na maruming pulis na magpatuloy lang sa gawain nila.

Tiningnan ko siya nang matagal. Sa kauna-unahang pagkakataon—mukha siyang matanda. Nawala ang matikas at tila nakakatakot na Chief ng kapulisan. Parang bumagsak ang mundo sa kanya.

“Hindi… Tama ka. Isa akong maruming pulis. Nabigo ko si Gaston– kayong lahat. Pati na ang pamilya ko. Oras na para itama ito– kaya ngayon sumusuko na ako. Gawin niyo na kung anong gusto niyong gawin sakin. Wag niyo lang idamay ang pamilya ko.” May panginginig sa boses niya. Umiiyak siya pero gusto niyang pigilan.

Tumayo ako. Sapat na ang narinig ko. Dadalhin ko na siya sa NBI.

“Bago kita dalhin sa NBI… Sabihin mo… Sino ang mastermind?”




​

FINN

TWO DAYS AGO

WE HAVE a half baked plan to finish my case once and for all. Pero di ako kumbinsido na si Chief Reyes ang mastermind. Tama si Rave. He doesn’t have anything against me. So what if he’s not the one? What’s my back up plan? At this point, I need every help I can get.

Iniwan ko muna si Drixie at Rave sa hideout ko. Tulog si Drixie kaya walang naging problema. Sa dami din kasi ng napag-planuhan namin, mukhang napagod siya. At 10PM na rin kasi kaya bagsak na ang leon. Si Rave naman nagtiwala sakin kaya okay lang ang paglabas ko. Siya nalang daw bahala mag explain kay Drixie kung sakali.

Sa isang bar sa Manila na kuta ng mga Bikers Gang, kung saan puro usok ng sigarilyo at amoy ng lumang alak. Mahinang neon lights lang ang nagbibigay ng ilaw, kumikislap sa dingding na may mga grafitti at lumang karatulang "No Guns, Just Knives." Sa bawat sulok, may mga biker na nagbibilang ng pera, nag-aarm wrestling, nag iinuman, o tahimik na nagmamasid, tila naghihintay ng gulo. Sa lumang jukebox, tumutugtog ang malakas na rock music, sinasabayan ng lagapak ng basag na bote sa sahig. Dito, walang pulis. Walang batas. Kung papasok ka, siguraduhin mong kaya mong lumabas nang buo.

Dito ko inimbitahan si Larry na makipagkita sakin. Kilala kasi ako dito, at alam kong hindi nila ako isusuko. Marami kasing may utang sakin dito– mga tinalo ko sa sugal. Kung sakaling isumbong ako ni Larry sa mga pulis gaya ng sabi niya noon, magkakagulo muna dito bago ako makuha.

But to my surprise, when he arrived, he wore a smile. Mukhang natutuwa siyang makita ako. Taliwas sa huli naming pagkikita noon kung saan binantaan niya akong huhulihin. I guess having the Bikers as my protection was a bit too much.

“Finn!” 

“Larry!”

We gave each other a quick bro hug. Tapos ay umupo kami ng magkatapat sa pagitan ng isang lamesa na nasa sulok ng bar.

“Grabe! Ang laki ng pinagbago mo. Ito na ba mga bago mong kaibigan?” sambit niya habang lumulinga sa paligid.

I chuckled. “Hindi naman. But they are reliable. Atsaka dito lang ako ligtas. Marami pa rin naghahanap sakin dito sa Manila,” sagot ko. “Kaibigan… salamat nga pala at sinagot mo ang imbitasyon ko.”

Huminga siya ng malalim saka sumandal. “Sa totoo lang, Finn, nag dalawang isip ako. Alam mo naman kung ano ang sinabi ko sayo noong huli tayong magkita, di ba? Pero kilala kita. Hindi mo ko kokontakin kung di ka desperado.”

“Tama ka… Sa puntong ito desperado ako. Pero bago ‘yon– let’s have a drink for old time sake? Game ka? O bumigay na ‘yang atay mo dahil lagi kang talo sakin sa wasakan noon?”

“Ha? Nag iimbento ka ba? Kailan ako natalo sayo? Maglabas ka ng shots at beer! Simulan na natin ‘to,” masigla niyang sambit.

“That’s the Larry I knew!” Sambit ko sabay tawa. Tapos ay tinawag ko ang waiter para bigyan kami ng alak.

Marami kaming bagay at mga alaalang napagkwentuhan. May mga nakakatawa at mga pinagtalunan kagaya na lang kung sinong team ang pinakamalakas sa NBA ngayong season. Hindi ko na rin namalayan kung ilang oras na kaming nag-uusap hanggang sa nabanggit ko ang masama naming nakaraan…

“Pare… Larry…” Medyo mabagal ngunit malakas na ang salita at boses ko dahil sa alak. Pero alam ko pa rin naman ang nangyayari. Wala rin akong balak malasing dahil baka pag gising ko nasa presinto na ko at nakakulong. “Gusto ko ulit mag sorry sayo sa nangyari noon.”

“Pambihira ka!” Malakas niyang nilapag ang baso matapos uminom. “Heto na naman tayo. Lagi ka nalang nag so-sorry tungkol diyan.”

“Hindi, pare… Kailangan mong malaman na hindi ko intensyon na mangyari ‘yon sa Nanay mo. If I knew… that she was behind the drug trade… I would have–”

“Manahimik ka na,pwede?!” Ibinagsak niya ang kamao niya sa mesa. Kaya’t natigilan ako. “Namatay siya dahil kinuha niya ang sariling niyang buhay sa kulungan. Iyon! Iyon ang nangyari! Walang kinalaman ang exposé mo.”

There was a long silence from both of us. Inaamin ko, dahil sa alak mukhang may nasabi ako na di ko na dapat sinabi. Isang alaala na tingin ko gusto niya na rin kalimutan. Pero kahit sabihin pa niyang walang kinalaman ang sinulat ko sa pagkamatay ng Nanay niya, para sakin naging dahilan ito. 

Unfortunately, before we met, I uncovered a secret drug trade that uses blind people as their courier. Ang mastermind ay ang Nanay ni Larry. He wasn’t involved in his mother’s illegal ways, and only found out about it when she got arrested. 

Ang sabi ni Larry– hinanap niya ako noon para pakiusapan na bawiin ang mga sinulat ko. Pero nang magkita kami at magkausap, na-realize niya na mali ang mga gawain ng Nanay niya. We even became friends after that. Siya ang naging contact ko noon sa presinto tungkol sa mga kasong konektado sa mga exposé ko. There was even a time where we went undercover to expose a secret human trafficking network.

Nabasag ang katahimikan sa pagitan namin nang bigla siyang tumawa pagkatapos uminom ng alak.

“Masyado na tayong seryoso. Sabi ko sayo wag na kasi natin pag usapan ‘yon. Uminom pa tayo!”

Inaya niya akong makipag-cheers ng inumin. Tinanggap ko ito at ngumiti.

“Para sa muli nating pagkikita. Cheers!”

Sabay kaming uminom ng alak at para maiba ang usapan, inopen ko ang isa pang topic na gusto kong maalala namin.

“Larry, pare, natatandaan mo ba ‘yong nag undercover tayo para mapuksa ‘yong mga nagbebenta ng mga bata? Grabe! Di ko makakalimutan ‘yong ginawa mo no’n. Nagkuwari kang mayaman para makapasok sa bentahan. Paniwalang-paniwala sila sayo.”

He shrugged. “What can I say? Lies can be powerful. Kapag ako ang gumawa kahit sino maniniwala.”

“Yabang mo. E kung wala ako no’n baka naihi ka sa shorts mo,” sambit ko sabay tawa.

“E ako baka lang naihi. Ikaw naihi talaga!”

Tuloy lang ang inuman namin at tawanan. Pero bago pa kami malasing sinabi ko na sa kanya ang plano ko kay Chief Reyes– ang entrapment operation at ang magiging role niya.

“Sige payag ako. May mahihiraman ako ng panel van na may surveillance, at may mga kilala akong pulis na pwede nating maging back up.”

He didn’t hesitate to help me. Mukhang ito na ang sign na matatapos na ang lahat.

“Salamat, Larry. Sabi ko na maasahan kita.”

“Wala ‘yon. Here’s to the end of your case.”

We clink our glasses and go on for the rest of the night.




PRESENT


I HATE this to happen. I don’t want to be right at this point. Hanggang ngayon na papasok na ako sa isang abandonadong opisina kung saan ko na-track ang panel van, umaasa pa rin akong mali ako. Tama, hindi ako lubos na nagtiwala. I learned from my mistakes kaya nilagyan ko ng tracking device ang van.

Para bang nakiramay ang panahon sa mangyayari. Lumakas ang ulan na may kasamang pag kulog at pag kidlat. The perfect storm for what’s about to happen. I’m about to confront the one behind all of this.

Pagpasok ko, sa lobby pa lang ng gusali, tumambad na siya sa harap ko. Walang ibang tao kundi siya. Malinaw ang imahe niya dahil sa mga work lights sa paligid.

“I was about to call you.” Nakangisi siya habang hawak ang baril. “Sasabihan sana kita kung nasaan ako. Pasukuin ka kapalit ni Drixie. Pero heto ka na pala.”

Tumingin siya sa relo niya, tila wala man lang kaba. “Tamang-tama lang ang dating mo. Dahil oras na para tapusin natin ‘to.”

He was pointing a gun at me. Ganon din ako sa kanya. 

"Tama ka...”

I tightened my grip on the trigger, my voice cold but I’m angry inside. I still wished I was wrong. But as I stared into his eyes, the truth hit me like a gunshot. 

Naririnig ko ang malalakas na patak ng ulan sa bintana, bawat bagsak nito ay parang tambol ng digmaan sa utak ko. Malinaw na sakin ang lahat.

The one I trusted. The one I considered a friend.

I exhaled. Steady. Controlled. Deadly. Then I finally said his name…

“Let's end this once and for all… Larry."
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly