DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 29

☆

5/13/2025

0 Comments

 
DRIXIE


PAGKATAPOS ng halos tatlong araw na planning, nakapag desisyon na kaming magsimula sa kanya-kanya naming misyon para mahuli ang mastermind. Ang target ko? Si Chief Reyes. Ang misyon ko? Subukan patunayan ang suspetsa naming may kinalaman siya sa kaso. Courtesy ni Finn ang trabahong ‘to. At dahil wala namang panganib, diretso ako sa opisina ng ni Chief dito sa Manila Police Headquarters.

“Oh, Drixie! Napadalaw ka yata?”

Bumuntong-hininga ako. Sabay upo sa harap ng desk ni Chief. “Sorry, Chief… Nami-miss ko lang si Papa.” Yumuko ako, kunwari.

“Alam ko ‘yang ganyang mukha mo, hija. Napanood ko yata ang paglaki mo kaya kabisado na kita. May problema ka ba? Sabihin mo sa ‘kin. Ako muna ang tatayong Papa mo sa pagkakataong ‘to. Para kay Pakner.”

Tahimik ako. Hinintay ko lang kung anong susunod niyang sasabihin.

“Teka… dahil ba ‘to sa puganteng si Fox?” Napahinga siya nang malalim. “Nabalitaan ko nga pala ang nangyari. Totoo ba ‘yon? Totoo bang hinahanap mo ulit siya? Pero di na bilang isang wanted person kundi…”

Di ko na siya pinatapos. Tumango lang ako sabay punas-kunwari ng luha. Sana lang talaga, magpahayag siya ng simpatya imbes na maglabas na naman ng galit kay Finn. Gusto ko sanang pababain ang suspetsa na may kinalaman siya sa kaso. Isa pa, parang tatay ko na rin si Chief simula noong mawala si Papa.

Marahang tumango si Chief. “Naiintindihan kita, nak. Siguro nararamdaman mo rin ngayon ang naramdaman ng Tatay mo noong iwan kayo ng Nanay mo.” Tumayo siya, hinatak ang isa pang upuan, at tinabihan ako. Pagkatapos ay hinaplos niya ang likod ko. “Pero gaya ni Pakner… alam kong kakayanin mo rin na malagpasan ‘yan. Ikaw pa! Nagmana ka yata sa tigasin. Pero ang mapapayo ko sa ‘yo… huwag mo na siyang hanapin pa. Mas magiging magaan ang buhay mo kapag gano’n ang ginawa mo.”

“Pero kasi, Chief… inosente siya! At alam kong kailangan niya ng tulong ko para mapatunayan ‘yon.” Sinadya kong panginigin ang labi ko, pampadagdag drama.

“Maaari ngang inosente siya, Drix. Pero kung lulunurin mo naman ang sarili mo sa kalungkutan… wala kang mapapala. Ikaw lang ang talo. Pero sige, heto pa isa pang payo... Kung ayaw mong tumigil sa paghahanap sa kanya… e lakasan mo ang loob mo. Walang mangyayari kung hahayaan mong kainin ka ng lungkot. Hanapin mo siya. Magpursigi ka pa, at wag na wag kang susuko.”

Napapikit ako. Tinamaan ako sa sinabi niya. At grateful ako na hindi niya ko pinagbabawalan nang tuluyan. Kaya niyakap ko siya nang mahigpit. “Salamat, Chief. Gagawin ko po ang sinabi niyo. Maraming salamat.”

“Sabi ko na gaganahan ka agad, e. Manang-mana ka talaga sa Papa mo. Konting tulak, ganado na agad,” sagot niya bago tumawa.

Napangiti ako. Tumayo ako nang may magaang pakiramdam. “Sige, Chief. Aalis na ako para maghanap.”

Tumayo rin siya. Pero bago ako tuluyang makaalis, hinawakan niya ko sa braso. “Teka, saglit lang, Drixie.”

Napalingon ako. “Po, Chief?”

“Um… gusto kong malaman mo na… kapag nahanap mo si Fox, pwede mo kong tawagan para matulungan kita sa mga gagawin mo.”

Napakurap ako. Dapat ba akong maghinala sa sinabi niya? Pero ngumiti pa rin ako. “Yes, Chief. Maraming salamat.”

Paglabas ko ng opisina ni Chief, sinalubong ako ni Sarge Larry. “Drixie! Good morning. Kamusta ka?”

“Sarge! Morning.”

Inilapit niya ang ulo niya sa tainga ko at bumulong.

“Finn sent me. Para masiguradong ligtas ka.”

Bahagya siyang umatras at ngumiti. Tumingin siya kay Chief Reyes na para bang gusto niyang ipakita na hindi siya bumulong sakin.

“Sabay na tayo palabas. Nagugutom na ko, e,” sambit niya.

Nanlaki ang mga mata ko saglit. Hanggang sa naalala ko ang kwento ni Finn na dati silang magkaibigan ni Sarge.

Habang palabas kami nasilip ko ang phone ni Sarge. Nag se-send siya ng message kay Finn na palabas na raw kami ng presinto at magkasama na kami.

Paglabas namin ng presinto, agad akong tinawagan ni Finn.

“Hello? Drixie! Okay ka lang ba? Are you safe right now?” Halatang nag-aalala siya sa boses niya.

“Huh? Y-Yes. Safe ako. B-Bakit mas inaalala mo ‘ko kaysa sa misyon ko? Hindi ba mas importante ‘yon? Tsaka nandito si Sarge sa tabi ko. Sabi niya pinadala mo siya ”

“Siyempre hindi. Mas importante ka. Mas importante ka sa kahit anong bagay, kahit sa sarili ko. Ikaw ang mas mahalaga. Kaya hiningi ko rin ang tulong ni Larry. Para sigurado akong safe ka pagpunta mo diyan.”

Nag-init ang mukha ko. Para akong sasabog sa kinukubling kilig. “A-Ano ka ba? A-Anong pinagsasabi mo d’yan? Mag-focus ka nga sa misyon natin.”

“Sorry. I just can’t help but care about—”

“Si-Si Chief mukhang wala siyang kinalaman sa kaso!” pinutol ko agad. Hindi ko na kaya. Baka lalo akong kiligin. At mas importante muna sa ngayon ang misyon.

“Okay, sige. Bumalik ka na dito sa tabi ko. Miss na kita agad, e.”

Napakagat-labi ako. Gusto ko ‘yong paraan ng pagiging prangka ni Finn. Kahit hindi pa namin nasasabi sa isa’t isa ang tatlong mahiwagang salita, ramdam na ramdam ko naman.

Pero biglang bumalik sa isip ko… ang huling sinabi ni Chief bago ako umalis. “Pero hindi ako sobrang sigurado. May doubt pa rin ako. Sorry… I think hindi ko nagawa nang maigi ang misyon ko.”

“Ano ka ba? Huwag mong sabihin ‘yan. You’ve done more than enough for me. Mag-ready na lang tayo sa mga pwedeng mangyari. I’ll see you soon. Mag-ingat ka sa pagmamaneho, a.”

“O-Okay. Thank you. S-See you soon,” nakangiti kong sagot. “Sarge may sasabihin ka ba kay Finn bago ko i-hung up?”

“Wala naman. Alam niya na ang susunod kong gagawin. Magkita-kita nalang tayo sa next phase ng plano.”

Nagpaalam sakin si Sarge saka tuluyang umalis. Ako naman ay sumakay na sa motorbike ko.

“Ingat sa pagmamaneho, a,” sambit ni Finn sa phone. Di ko pa pala na-hung up.

“Okay. Thank you. I… I…”

“Yes, Drix?”

“I’ll see you soon,” mabilis kong sambit saka nag hung up.

Napangiti nalang ako at napayakap sa phone.Kahit papalapit na kami sa crucial point ng misyon, hindi ko maiwasan ang gaan ng pakiramdam ko. Dahil kahit sa gitna ng panganib… nariyan si Finn, na laging handang ipaalala kung ano talaga ang mas mahalaga.





RAVE

NAGTAGUMPAY rin ako sa binigay na misyon sa akin ni Finn. Nagawa kong linlangin at dalhin sa isang lumang canning factory ang dalawang pulis na target ko. Sinet-up namin ang lugar na ‘yon. Pagdating do’n, tinutukan ko ng baril ang dalawa. Sumuko ang mga ito. Sa tulong ni Finn ay naigapos namin ng posas ang mga ito sa upuan at iniwan namin sa isang kwarto nang matagal.

“Oh ‘di ba? Sabi sa ‘yo mas maganda ‘yong plano ko. Kunwari kailangan mo lang sila sa isang emergency operation. Sumama sa ‘yo, ‘di ba?” pagmamayabang ni Finn.

“Oo na, oo na, ang kulit mo. Nasaan na si Drixie?”

“She’s on her way.”

“Huwag na natin siyang hintayin. Let’s offer them our deal.”

“Iyon naman talaga ang plano. Ewan ko ba sayo kung bakit kailangan pa natin silang paghintayin ng mahigit 30 minutes,” sambit ni Finn.

“Gano’n talaga. They need some time to calm down and think straight. Bihag natin sila kaya for sure pakiramdam nila nasa panganib sila. We don’t want that. We want them to think na pwede nila tayong maging kakampi.”

“Okay. Ikaw na ang kumausap. Baka hindi ako makapagpigil sa dalawang ‘yon. Nang makita ko mga mukha nila naalala ko ‘yong gabing tinakot nila ako.”

Pumasok kami sa kwarto. Naabutan naming sinusubukang kumawala ng dalawang pulis sa posas.

“Times up, boys,” sambit ni Finn. “Hindi pala marunong kumawala sa posas ang mga pulis?”

“Manahimik ka! Itutumba kita kapag nakawala kami dito,” sagot ng isa.

“Teka, hindi yata alam ni Detective at ng lalaking ‘to ang ginagawa nila. Para sabihin ko sa inyo… you assaulted and detained an officer of the law. Sa tingin niyo ba makakalusot kayo dito?” sambit ng isa pang pulis at tumawa ito. “Pagpalagay na nating, oo. Pero sa tingin niyo ba makakalusot kayo ng buhay sa boss namin? Good luck mga tsong.”

“So may boss nga kayo?” sambit ni Finn, saka umiling. “Tsk tsk. Nahuhuli talaga sa bibig ang isda.” Biglang hinatak ni Finn ang kwelyo ng isang pulis. “Sino?! Sinong boss niyo? Sagot!”

Nanginginig ang mga kamay niya. Kita sa mga mata niya  at paghinga ang galit at trauma na binigay ng dalawang ‘to sa kanya. Pero di dapat kami magpadala sa emosyon ngayon.

“Finn, huwag!” Inawat ko siya hanggang sa bumitiw ito. “Huminahon ka. Ako na dito. Pakakantahin natin ang dalawang ‘to.”

Sumunod siya at sumandal na lamang sa isang sulok.

Tumawa ang dalawang pulis. “Nag-aaksaya lang kayo ng panahon. Kahit torture-in niyo kami o offer-an ng malaking halaga… wala kaming sasabihin.”

“Kung ako sa inyo… hindi ako papakasigurado.” Ibinagsak ko ang isang folder sa mesa sa tapat ng dalawang pulis. “Naglalaman ang folder na ito ng investigation files tungkol sa inyo. Sa madaling salita… mga ebidensya na nagpapatunay na may kaugnay kayo sa mga illegal na transaction ni Michelle at ni Mr. Kim. Bukod pa yan sa testimony na binigay ng kasama ko laban sa inyo.” Napatitig ang dalawang pulis kay Finn. Para bang inaalala nila kung sino siya.

“Ano? Naaalala niyo na ko? Ako ‘yong inaresto niyo noon at pinilit patakasin. Pero dahil pinapili niyo ko noon… papipiliin rin namin kayo,” sambit ni Finn.

“Ang ibig sabihin ng kasama ko… itong mga ebidensyang ‘to at ang testimonya niya ay hawak na ng isang NBI agent,” patuloy ko. “It’s only a matter of us giving the go signal for that agent to submit this. Makukulong kayo. Sigurado ‘yon at malalaman ng buong bansa ang ginawa niyo. Unless… willing kayong makipag-cooperate sa ‘min.”

Sa puntong iyon alam ko nang naka-checkmate ako. Nanahimik ang dalawang pulis. Ang isa sa kanila ay napalunok pa.

“Kung makikipagtulungan kayo sa ‘min… I can persuade our friendly NBI agent to drop the case against the two of you. Kahit pa mainit ang ulo nitong kasama ko sa inyo. Magiging kakampi pa kayo sa operasyon namin na mahuli ang mastermind at mabibigyan din kayo ng chance na makapagbagong buhay,” dagdag ko. “Freedom… think about it. This time hindi na ‘to mabibili ng kung sinong hudas ang tumutulong sa inyo.”

“A-Ano bang gusto niyong tulong na magawa namin?” mahinang sambit ng isang pulis.

“Well… simulan natin sa boss niyo. I need his identity,” sagot ko.

“H-Hindi namin alam. Maniwala kayo! Ang nag-uutos palagi sa amin ay si Ma’am Michelle.”
 
“Tama po, detective. Kailanman hindi namin nakita at nalaman kung sino ang pinaka-boss. Pero napansin namin… simula nung ma-coma si Mr. Kim hindi na namin naramdaman ang presensya nila boss Michelle,” dagdag pa ng isang pulis.

Bumaling ako kay Finn. “Mukhang tama ang theory mo na humina ang kalaban simula no’ng nawala si Mr. Kim.”

Ngumisi si Finn. “Well… kung gano’n. Let’s move to the next phase. Let’s trap them.”




FINN

WITH LARRY’S help, nagkaroon kami ng panel van na ginagamit ng mga pulis pang surveillance. Kasama ko sa loob si Drixie at si Larry, nakatutok kami sa anim na computer monitors na konektado sa mga hidden cameras sa paligid ng lumang canning factory. Sa loob ng gusali, naroon si Rave. May takip na cloth bag ang buong ulo niya at kunwaring nakaposas sa isang upuan. The plan is for him to pretend to be me. Habang ‘yong dalawang pulis ay susunduin si Michelle at ang mastermind para dalhin dito.

“So hihintayin lang natin ‘yong dalawang pulis na dalhin dito si Michelle at ‘yong mastermind? Paano kung ‘di nila gawin?” tanong ni Drixie.

“They don’t have a choice. When Mr. Kim became out of the picture, wala na silang matinding backer. If I’m not mistaken, desperado na sila ngayon. And don’t worry kapag bumaliktad sila Kapag si Zild ang bahala sa kanila.”

“Tama, mag tiwala ka lang kay Finn, Drixie,” singit naman ni Larry. “He got everything planned. May mga back up din tayong darating mamaya.”

“Salamat, kaibigan. Sorry for dragging you into this,” sambit ko sabay hawak sa balikat ni Larry.

He smirked. “Don’t mention it. Let’s end this once and for all.”

“May tiwala ako sa ‘yo. Pero doon sa dalawang pulis na umapi sa ‘yo noon, wala. Kung naabutan ko lang sila dito kanina, sasapakin ko talaga ‘yong mga ‘yon, e,” sambit naman ni Drixie, sabay pigil sa kamao niya.

I smiled. I really like her courage in everything. Kanina, ramdam ko ang kaba, pero ngayong nasa tabi ko si Drixie, parang naglaho lahat ng iyon. Para bang kahit nasa gitna ako ng panganib, siya lang sapat na para mawala ang takot ko.

Napansin niya ang tingin ko at umiwas siya ng tingin, halatang nahiya. “B-Bakit? Pinagtatawanan mo ba ‘ko?”

I chuckled. “Hindi, ah. Iniisip ko lang ‘yong scenario kapag pinakilala na kita kay Mama. Sigurado kasing magugustuhan ka niya.”

“P-Pakilala? B-Bakit? Magkakilala naman na kami, ah,” kunot-noo niyang tanong.

Pero bago ko pa siya sagutin, bumalik ang atensyon namin sa mga monitors. Isang police car ang pumarada sa tapat ng entrance ng canning factory.

“Nandito na sila,” sambit ni Larry.

Hindi ako kumurap. Inabangan ko ang mga lalabas sa sasakyan. Naunang bumaba ang dalawang pulis. Sumunod si Michelle.

Pagbukas ng isa pang pinto sa back seat, lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ito na. Sa wakas, malalaman ko na kung sino ang may pakana ng lahat ng paghihirap ko.

Isang lalaki ang huling bumaba ng sasakyan. Pero dahil sa anggulo ng camera, likod lang niya ang kita sa monitor.

I clenched my fist. Nanginig ang mga kamay ko, pati labi ko. I wanted to see him. Gusto kong makita kung sino ang sumira ng buhay ko. Tatlong taon akong naghintay para sa sandaling ‘to. Tatlong taon akong nagdusa, nagtatago, at pinaghahanap para sa kasalanang hindi ko ginawa. Ngayon, may pagkakataon na akong patunayan na inosente ako.
​
“Humarap kang hudas ka.”
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly