DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 25

☆

5/13/2025

0 Comments

 
FINN


MINABUTI kong manahimik dahil sa tensyon na bumabalot sa paligid ngayon. Ang dalawang partido kasi ni Mr. Kim at ni Michelle ay magka-tutukan pa rin ng mga baril. I need to think of a way to escape in case they start shooting.

“Ano pang hinihintay niyo? Umalis na kayo dito! Bago pa magbago ang isip ko na hindi kayo itumba,” utos ni Mr. Kim kila Michelle.

“Of course. Pero sisiguraduhin lang muna namin na wala kayong ibang plano laban sa ‘min. My boss won’t like it,” sagot ni Michelle. “Do you mind lowering your weapons?”

Mr. Kim made a gesture for his henchmen to lower their weapons. Maging si Michelle ay ginawa ‘yon sa mga tauhan niya kaya’t kahit papaano ay nawala ang tensyon sa pagitan ng dalawang partido.

“James kunin mo na si Fox,” utos ni Michelle. Tapos ay bumaling siya sa isa sa mga tauhan niya. “Ikaw! Lumabas ka at i-check mo ang paligid.”

Then she turned to Mr. Kim. “Sorry, Mr. Kim. I just have to make sure.”

“Kung may balak ako– tinumba ko na kayo kanina pa. Pero hindi muna. Hangga’t ‘di ko pa nakikilala kung sino ang boss mo,” sagot ni Mr. Kim.

Michelle chuckled. “Nakakatawa ka talaga, Mr. Kim. Huwag mo ng pangarapin. Mas makapangyarihan siya sa ‘yo.”

Ilang saglit pa, bago ako maisakay ni James sa van…

BANG!

Isang malakas na putok ng baril mula sa labas ang gumulat sa lahat. Saglit na nag-pause ang magkabilang panig, pero hindi pa man nila natutukoy kung saan nanggaling ang putok ay biglang bumunot ng baril si James.

“Puta! Sinetup tayo!” Ipinutok niya iyon kay Mr. Kim.

BANG! BANG!

Diretso sa dibdib. Namutla si Mr. Kim habang dahan-dahang napaatras. Mabilis akong sumugod para banggain si James, pero huli na ako—bago ko pa siya maabot, bumagsak na si Mr. Kim. At doon na nagkagulo ang lahat.

"PUTA! BINARIL SI BOSS!" sigaw ng isa sa mga tauhan ni Mr. Kim.

Walang babala, nagsimula na ang sagupaan. Sunod-sunod ang palitan ng putok sa pagitan ng mga tauhan ni Michelle at ni Mr. Kim. Mga bala ang nagliliparan, basag ang mga salamin ng sasakyan, may mga bala na tila bumabanda sa bakal, at nagsimula nang bumagsak ang ilan sa magkabilang panig.

The air was thick with the sharp stench of gunpowder, and the ground beneath me trembled as a crate exploded from a stray shot.

Meanwhile, I managed to crawl away while my hands were still tied. Isang lumang makinarya ang napag-taguan ko. Hindi ako maaaring manatili rito—kailangan kong humanap ng paraan para makatakas bago ako tamaan ng ligaw na bala.

Sumilip ako. Nakita ko si James na nabaril din sa gitna ng bakbakan at nakahandusay na sa sahig. Si Michelle naman ay nagawang makasakay sa Van niya kasama ang ibang tauhan. Mabilis silang nakatakas nang banggain ang gawa sa yerong pader ng warehouse. May mga natira silang tauhan kaya’t tuloy pa rin ang barilan.

Sa gitna ng kaguluhan, biglang bumukas ang pinto at dalawang pamilyar na mukha ang nakita ko– si Zild at Zella, sa likod nila ay mga lalaking armado rin ng baril.

"WALANG KIKILOS!" sigaw ni Zild, hawak ang isang baril na agad niyang itinutok sa mga nagbabarilan. "NBI ‘TO! DROP YOUR WEAPONS!"

Umalingawngaw din mula sa labas ang tunog ng mga police siren.

Nagkaroon ng ilang segundong pag-aalinlangan sa pagitan ng mga goons. Ang ilan ay unti-unting ibinaba ang kanilang baril, pero ang iba ay mukhang hindi pa rin susuko nang basta-basta.

Samantala, doon ko nakita ang isang bagay na maaaring makatulong sa ‘kin—isang combat knife na nalaglag mula sa isang goon na ngayon ay wala nang buhay.

Mabilis akong gumapang patungo roon, ang pulso ko ay kumakabog sa kaba. Kahit nakagapos pa rin ako, ginamit ko ang kutsilyo para putulin ang pagkaka-gapos sa mga kamay ko.

“Finn! Finn!! NASAAN KA?!”

My eyes widened as I heard that familiar voice. I looked around and found her.

“No way. Bakit siya nandito? Kakaligtas ko lang sa kanya, a.”

Pupuntahan ko sana si Drixie pero mas lumakas at dumami ang barilan. Nagtago ako ulit at sumilip muna. She was able to find some cover too. Including Rave, a lot of guys were protecting her.

Sa gitna ng kaguluhan, nahagip ng paningin ko si Baron Kim. Tumatakbo siya patungo sa butas na pader na binangga kanina ng Van.

Naisip ko na tumatakas na ang nag iisang witness para maabsuwelto ako sa mga bintang sa akin pero… paano si Drixie?

Drixie’s voice cut through the chaos like a gunshot.

“FINN! FINN!! NASAAN KA?!”

My chest tightened at the sound of her voice. She was so close. I could just run to her, let her know I was okay. But then what? She’d fight for me. She’d insist we stay together. She’d refuse to let me go.

But I knew better now. I was never meant to stay.

I gauge the situation. The number of goons from both parties were dwindling. Ang ilan ay patay na, ang iba ay sumuko na, at may ilan na lang na lumalaban pa. Then I turned to Drixie. She was being well protected. Mas marami rin ang mga NBI agents na kasama niya kumpara sa mga kalaban.

Drixie… I’m sorry. I know you went through hell to come here. But I have to go.

I wish I could tell her that before I go but time is my enemy. 

My gaze flicked to Baron Kim, slipping through the wreckage like a ghost. If I lost him now, I lost my chance at clearing my name. Clenching my fists, I ran after the key to my freedom.




DRIXIE


NAGAWANG mapalibutan ng mga kasama naming NBI agents ang mga goons sa loob ng warehouse. Kaya naman tumigil na ang barilan at sumuko na ng tuluyan ang mga kalaban. Mabuti nalang talaga dumating sila kanina bago kami makapasok sa loob.

May mga nasawi, at sugatan na mga kalaban. Nakita ko rin si Mr. Kim na buhay pa pero mukhang kritikal ang lagay. Isinakay siya sa ambulansya.

Pero kahit pa nakahinga ako ng maluwag dahil wala si Finn sa mga namatay o sugatan ang lagay– di pa rin ako mapakali. Wala siya dito at natatakot ako na baka natangay siya ng mga nakatakas na kalaban.

“Rave! Sigurado ka bang nakita mo si Finn kanina?”

“Sigurado ako. Siguro tumakas siya. Ang sabi may mga nakatakas daw. Don’t worry may mga nagpapatrol na sa paligid.”

“Tutulong ako sa kanila.”

Paalis na sana ako pero bigla akong pinigilan ni Zild.

“You can’t go anywhere, Drixie. May chance na maka-engkwentro mo ‘yong ibang mga nakatas. And you’re still a civilian. Kami ang mayayari kapag may nangyari sayo.”

“Please hayaan mo kong umalis. Kaya ko ang sarili ko. Pag nahanap ko si Finn dadalhin ko siya sa inyo. Sasamahan ko siya. Pangako. Gusto ko lang makasigurado na ligtas siya.”

“I can’t do that, Drixie. I’m sorry. Nandito ang mga kasamahan ko kaya dapat ay by the book lahat ng gagawin ko. If you’ll insist– I have to arrest you.”

Tila umakyat ang dugo ko sa katawan. Binilog ko ang mga kamao ko. Gusto kong hindi makinig– tumakbo, at balewalain ang mga sinabi niya.

Biglang hinawakan ni Rave ang kamay ko. Maging si Zella ay humawak rin sa kabila kong kamay.

“Drixie…”

“Besty, please calm down. Think positive. He’s alive and out there. Somewhere.”

“Zild, Zella ako na ang bahala kay Drixie,” sambit ni Rave. Dinala niya ko sa kotse at isinakay sa backseat. “Drix… magpahinga ka muna at magpalamig. Pangako tutulungan kitang hanapin siya kapag pwede na.”

Hindi ko siya inimik. Umiwas lang ako ng tingin at nanahimik. Ilang saglit pa ay naiwan akong mag-isa sa loob ng sasakyan. Hindi ko napigilang maiyak. Parang pinipiga ang puso ko. Pakiramdam ko nabigo ko si Finn. Hindi maalis sa isip ko na baka pinahihirapan na siya ng tumangay sa kanya.

Teka… Ano bang ginagawa ko? Hindi makakatulong kay Finn kung iiyak lang ako dito. Kailangan ko siyang hanapin.

Agad kong pinunasan ang luha ko. Tapos ay chineck ko kung may susi ang kotseng sinasakyan ko. Nahanap ko ito sa dashboard. Kaya naman lumipat ako sa driver seat. Mabilis kong inistart ang sasakyan at minaneho ito nang mabilis paalis.

Sinubukan nilang buksan ang pinto ng sasakyan pero na-ilock ko ito agad. Tumabi din sila para di mabangga kaya’t nakaalis ako.

Nagawa kong makarating sa kalsada. Nagmaneho ako ng walang tigil habang tumitingin-tingin  sa paligid. Baka sakaling makita ko si Finn.

Pero paglipas ng kalahating oras… bigo akong makita siya. 

Tumunog ang phone ko. Naisip kong tinatawagan ako ni Zella kaya’t di ko ito pinansin. Pero ilang saglit pa ay tumunog ulit ito. Saglit ko itong sinilip– may message ako mula sa isang unknown number.

Itinabi ko muna ang sasakyan at huminto. Tapos ay binuksan ko ang message.

Drixie… may kilala ka bang magaling mag-drawing ng stick man sa investigation board?

“Finn!” 

Para bang napatalon ako nang mabasa ko ‘yon. Agad kong sinubukan na tawagan ang number ng nag message sakin. Pero hindi nag-ring ang kabilang linya. Tanging operator lang na nagsasabing ‘unattended’ or ‘out of coverage area’ ang narinig ko.


“Finn sagutin mo please.”

Ilang ulit ko na sinubukan kontakin si Finn pero paulit-ulit lang ang natatanggap kong response. Hanggang sa may isa pang message ang dumating.

Drixie. It’s me– Finn. Sana nasa mabuti kang kalagayan. Hindi ko alam kung paano niyo ko natunton kanina sa warehouse pero salamat. Thank you sa lahat ng naitulong mo sa ‘kin lalo na sa mga masasayang alaala. At sorry… sorry that I have decided na hindi na muna ako magpapakita sa ‘yo. I guess until this mess is over. I made a promise back then to your father that I will protect you no matter what. Pero sa totoo lang mas nalagay ka sa kapahamakan nang makilala mo ko. Nang dahil sa akin nagulo ang buhay mo. So I have to do this on my own now. Nasasaktan ako ngayon na hindi na kita makikita pero kailangan. I’m really sorry. Goodbye for now… my lioness.


Mabilis na pumatak ang luha sa mga mata ko. Nanginginig din ang mga labi ko. Sinabayan pa ng kirot sa dibdib ko na parang paulit-ulit na pinipiga. 

Hindi pwede… hindi ‘to pwede. Oo, nalagay ako sa kapahamakan pero wala akong pake. Kailangan niya ako.

At…

At…

Kailangan din kita… Finn…

Ewan ko kung bakit ganito pero hindi ako mapapalagay kung wala ako sa tabi mo. Dapat magkasama natin harapin ito.

Nanginginig ang mga daliri ko habang muli kong binabasa ang mensahe ni Finn. Malabo na ang mga salita sa liwanag ng screen, pero kahit ilang beses akong pumikit at dumilat, hindi nawala ang sakit.

Humigpit ang dibdib ko, parang may mabigat na bagay na bumabara sa baga ko. Biglang naging isang labanan ang bawat paghinga. 

Bakit ang sakit-sakit nito?

Napayakap ako sa sarili ko habang nakayuko sa upuan. Hindi dahil sa pagod, hindi dahil sa laban—Kundi dahil hindi pa ako handang mawala siya.

Pinunasan ko ang luha ko at nag reply sa message niya.

No! Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Sasamahan kita. Nasaan ka? Mas kaya natin pag magkasama tayo.

Hinintay ko saglit ang reply niya pero wala kaya’t nag send pa ulit ako ng message.

Finn? Nasaan ka? Please. Sabihin mo sa ‘kin. Tutulungan kita.

Ilang ulit ko siyang sinendan ng message pero hindi na siya muling sumagot pa.




TWO DAYS LATER


NABIGO kaming lahat na hanapin si Finn. Kahit si Zella na magaling sa computer di rin siya nakita. Pati ‘yong tracking device, nahanap namin sa gitna ng damuhan pero wala siya. Dahil do’n hindi ako makatulog. Naisip kong sundan ang kaso niya. Baka sakaling magpakita siya kapag nalaman niyang malaki na ang chance na manalo siya sa kaso at napatunayang inosente siya.

Pumunta ako sa NBI– sa opisina ni Zild para kumuha ng impormasyon. Pero…

“I’m sorry, Drixie. Dahil comatose si Mr. Kim at ang mga tauhan niyang may alam sa pangyayari ay ayaw magsalita sa ngayon– we can’t proceed with Finn’s case,” sambit ni Zild.

“Okay. Naiintindihan ko. Pero please! Baka naman meron kayong impormasyon na makakatulong sa akin na mahanap siya.”

“I’ll look into it at kokontakin kita kapag may nahanap ako. For now, leave it to us.”

Lumabas ako ng NBI office, at bumalik sa motorbike ko ng may mabigat na pakiramdam. Kinuha ko ang phone ko at muling binasa ang last message ni Finn. Marami na kong message na pinadala sa kaya para pabalikin siya, pero wala siyang reply.

Ano ba ang akala niya? Kapag nag paalam siya tapos na ang lahat? He thinks leaving me will keep me safe. Hindi niya ba na-realize?

The moment he left, he took my peace with him.

Napabuntong hininga nalang ako. Pero kahit anong gawin ko… sa tuwing maaalala ko siya– sumasakit ang dibdib ko.

Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Kailangan niyang malaman.

I sent him a text message again.

Finn… I miss you.
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly