DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 24

☆

5/13/2025

0 Comments

 
FINN


WALA akong makita buong byahe dahil sa kung anong tela na nakatakip sa ulo ko. Hindi rin ako makapag-salita dahil sa duct tape na nakadikit sa bibig ko. Nakagapos din ng ziptie at duct tape ang mga braso ko. Inisip ko na lang kung anong gagawin ko sa mga susunod na mangyayari. But the thought of guessing the one behind all of this can’t escape my mind. Sino kaya ang mastermind sa likod ng lahat ng nangyayari sakin? Bakit niya ginagawa ito?

Nang huminto ang sasakyan, pinababa nila ako at pinaglakad. Tapos ay bigla nila akong pinaluhod. Hindi ko alam kung saan ito pero ramdam kong may mga tao sa paligid.

“James, nasaan na ang mga amo mo? Dapat nandito na sila,” dinig kong tanong ni Mr. Kim. Mukhang iritable na siya. “I want my son!”

“Easy lang, Mr. Kim. Nakausap mo naman si Boss Michelle, di ba? Darating din sila,” sagot ng isang lalaki. Tingin ko siya ang James na tinutukoy ni Mr. Kim.

Tama nga ang hinala ko. Ang mastermind ay hawak ang anak ni Mr. Kim bilang bihag. Kaya niya ako tinutugis—dahil ang tanging paraan para mabawi niya ang anak niya ay ang ipagpalit ito sa buhay ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may narinig akong dumating na sasakyan. I heard the sound of a sliding car door opening.

“Good evening, Mr. Kim. Why are we here again?” Isang boses ng babae ang narinig ko. Siya ba? Siya ba ang mastermind?

Biglang hinila ang tela na nakabalot sa ulo ko, dahilan para magdilim saglit ang paningin ko. Nasilaw ako sa liwanag mula sa kisame, kaya’t napapikit ako nang mariin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata habang nasasanay sa liwanag. I glanced around, taking in my surroundings. The air was cold, carrying the scent of rust and dust. The place looked like an abandoned warehouse—spacious, dimly lit at the edges, with old crates and metal drums scattered around. Nakapaligid din ang mga lalaking armado ng baril.

“Heto! Siya ang kailangan niyo, ‘di ba? Ibigay niyo sa ‘kin ang anak ko!” Mr. Kim demanded.


Then, as I turned to face forward, my eyes fell on a pair of striking red heels. Slowly, I lifted my gaze, taking in the figure before me. My breath caught, and my eyes widened in shock as I realized who it was.

Ang babae ay ang tumayong abogado ko… si Michelle.

Nilapitan niya ako at hinawakan sa pisngi. “Finally, after all these years, we… got the Fox.” Tapos ay tinanggal niya ang duct tape sa bibig ko.

My blood rushed to my head as anger surged through me. I glared at her with fury in my eyes. 

“Ikaw?! Anong ibig sabihin nito? Ikaw ang tumayong abogado ko, ‘di ba? Nagtiwala sa ‘yo ang mga magulang ko! Ahas ka!”

Siya ba ang utak? Pero bakit? Hindi ko siya kilala. Wala akong matandaan o makitang motibo niya. No… I don’t think it’s her. There’s someone else behind everything. She’s just another pawn. I’m sure about it.

Marahang umiling-iling si Michelle. “Mali ka. Lahat ng nangyayari sa ‘yo ay kasalanan mo. At mamaya ay ipapaalala sa ‘yo ng boss ko ang lahat bago ka niya patayin.”

“Enough chat. Nasaan ang anak ko? Nasaan si Baron?” singit ni Mr. Kim. “At nasaan ang boss mo? Gusto ko siyang makilala.”

Tama ang hinala ko, iba ang mastermind. Pero sino? Base sa sinabi ni Michelle may personal na galit sakin ang boss niya. Sinong tao na may galit sakin ang may lakas ng loob at kakayahan na gamitin ang isang mayaman at maimpluwensyang negosyante kagaya ni Mr. Kim?

“Para saan? Para makaganti ka pagkatapos nito? Not a chance, Mr. Kim. Sinabi ko na sa ‘yo kung anong klaseng tao si boss. We are always two steps ahead of you. So obviously he’s not here with us. But don’t worry… we’ll fulfill our end of the bargain,” sagot ni Michelle, saka bumaling sa isa sa mga kasama niya. “Ilabas niyo na ang hostage.”

Mula sa loob ng Van ay inilabas ng isang goon si Baron Kim ngunit parang balisa siya, tulala at parang walang emosyon.

“Baron? Baron anak!” Maluhaluhang nilapitan at niyakap ni Mr. Kim ang anak niya. Pero agad niyang napansin na wala itong reaksyon na parang hindi siya kilala nito. “Anak? Anak? Anak ako ‘to, si Daddy. Ligtas ka na! Ligtas ka na anak.”

“Oh sorry nga pala. Kailangan mo siyang ipagamot. My boss had to break him,” sambit ni Michelle.

Tila nagalit si Mr. Kim. Nagbanta siyang susugod kay Michelle. 

“Anong ginawa mo sa anak ko?!” 

Pero bago makalapit ay tinutukan siya ng baril ng mga lalaki sa paligid.

Kumilos na rin ang mga tauhan ni Mr. Kim, mabilis na naglabas ng kanilang mga baril. Ngayon, parehong panig ang nakatutok ng mga armas sa isa’t isa. Nabalot ng tensyon ang paligid.

“Don’t you worry, Mr. Kim. Babalik din sa dati ang anak mo. Pero kung may dapat sisihin dito—si Fox ‘yon,” sambit ni Michelle na masama ang tingin sa ‘kin. “Ang gusto ni boss ay pahirapan lang itong si Fox ng isang taon, but he went on hiding for three years instead. Kaya ayun, kinailangan ni boss na may pagbuntungan ng galit every time you fail to catch him. But I guess I should say… sorry?”

“Hindi pa ‘to, tapos! Magbabayad din kayo sa mga ginawa niyo,” gigil na sambit ni Mr. Kim habang yakap ang anak.

“Oh I won’t be so sure about that, Mr. Kim. If I were you– just move on. He’s more powerful than you are.”

Mas makapangyarihan pa kay Mr. Kim? Sino siya? I can’t think of anyone who could be the mastermind behind all this. Wala akong ibang magagawa sa ngayon kundi maghintay na dalhin ako sa kanya. Pero mas importante ngayon na makalagan ko ang sarili ko. Para kapag nagkita kami… I’m going to end this, once and for all.







DRIXIE


PAGKATAPOS makuha ni Rave sa kaibigan niya ang impormasyon ng tracking device, nagawa din ni Zella na i-reactivate ito. Gamit ang phone ko, nalaman namin kung nasaan si Finn. Isa itong lumang warehouse na napapaligiran ng mga matataas na damuhan. May mga ilang abandonadong sasakyan din sa paligid at mga kinalawang ng malalaking pyesa ng makinarya. Bukod doon may limang sasakyan makabago at mga armadong bantay sa paligid.


“Siguradong dito nga dinala si Finn,” sambit ni Rave habang nagmamasid sa paligid ng warehouse gamit ang binoculars na pinahiram ni Zild. “Pero maraming bantay sa paligid.”

Naging taguan namin ang dilim na dulot ng gabi at vantage point ang isang abandonadong backhoe loader na nasa higit kalahating metro ang layo mula sa warehouse.

“Hala! Bakit kaya nila dinala si Finn diyan? Para torture-in? Bakit naman ganon?” Sambit ni Zella.

Gustong gumalaw ng mga paa ko, sugurin ang mga kalaban, at subukang iligtas agad si Finn. Pero alam kong mali ‘yon. Kapag walang plano lahat kami mapapahamak.

“Huwag na nating hintayin na may masamang mangyari sa kanya. Gumawa na tayo ng plano kung paano siya ililigtas,” mungkahi ko. Huminga ako nang malalim para maging malinaw ang isip ko. Kailangan kong makaisip ng paraan para kay Finn sa lalong madaling panahon.

Lumapit sa ‘min si Zild matapos siyang bahagyang lumayo at may kausapin sa phone. “I just spoke with HQ. May warrant na tayo para arestuhin sila Mr. Kim. Kayong tatlo ang magiging star witness ko.”

“On the way na ang mga kasamahan mo, kuya?” tanong ni Zella. “Ilan sila? Kailangan marami sila.”

“Maghintay lang tayo ng ilang minuto. Pagdating nila, susugod tayo.”

Maghintay? Hindi… Hindi pwede!

Hindi na ako nakapag isip ng matino. Ang tanging pumapasok ko lang ay ang imahe ni Finn na hirap na hirap na. Ang bigat sa pakiramdam at ang sakit makita ‘yon sa isip ko.

“Wala na tayong oras! Sa bawat minuto na wala tayong ginagawa sinasaktan na nila si Finn.” 

Pumunta ako sa trunk ng sasakyan ni Zild at naghanap ng sandata. 

“Drixie hindi pwede! Maraming mga bantay at may mga baril pa sila,”pagsaway ni Zella sakin. “Kilala mo ko. Lagi akong positive sa mga sitwasyon pero hindi sa ganitong pagkakataon.”

Nakahanap ako ng shotgun. Tinignan ko kung may bala saka ko kinasa.

“Wala akong paki-alam. I’m getting him out.”

“Whoa, whoa, Drix, put the gun down,” sambit ni Rave at hinablot niya ang baril sakin. “You don’t have a license to use this. Iyong baton na lang ang gamitin mo. Pero tama ka… wala tayong dapat aksayahin na panahon.”

“What?! Detective! Are you out of your mind?” protesta ni Zella. “Kuya tulungan mo nga ako sa dalawang ‘to.”

“Kung may plano silang maganda, tutulong ako. Meron ba?”

“I got one. Pero nakadepende sa resulta ng frist step kung paano natin ililigtas si Finn,” sagot ni Rave. “Una, kailangan nating patumbahin ang mga bantay sa labas nang hindi naaalerto ang mga nasa loob. Drix and I will take the left side. Kayo naman ni Zella ang bahala sa kanan.”


“May dalawa akong tranq gun sa trunk. We can use that,” singit ni Zild. “Ilan ang bantay sa labas?”

“Ang bilang ko ay mga sampu. Pero nakapalibot sila sa lugar at hiwa-hiwalay. Madadalian tayong patumbahin sila isa-isa. Next, we will cut their means of escape. Bubutasin natin ang gulong ng mga sasakyan nila.”

“Then what?” tanong ni Zella.

“Then we’ll confirm kung nasa loob ba si Finn at kung buhay pa siya.”

“Buhay pa siya! Alam ko ‘yon at nararamdaman ko ‘yon!” Tinignan ko si Rave ng diretso. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi ‘yon pero ayokong maniwala na wala na si Finn.

“Tapos ay magpapaputok tayo ng baril para mag-panic ang mga nasa loob. By that time, alam kong narito na ang mga taga NBI kaya may katulong tayong hulihin ang mga nasa loob,” patuloy ni Rave.

“Wait. Sigurado ka ba na dapat tayong lumikha ng panic?” tanong ko. “Baka ikapahamak ni Finn ang plano mo. Dapat siguro pasukin na lang natin sila sa loob at lumaban tayo.”

“That’s a tragic decision,” singit ni Zild, saka siya bumaling kay Rave. “Rave, kaya mo ba gustong tignan muna kung buhay pa si Finn ay para masiguradong hindi nila ito balak patayin katulad ng hinala ko?”

I frowned and asked. “Anong ibig niyong sabihin?”

Tumango naman si Rave. “Kung gusto nilang patayin si Finn dapat ay ginawa na nila ‘yon kanina pa sa mansyon. They need him alive for some reason kaya gagana ang plano ko. But I don’t want to do things anymore with just a hunch. Kailangan muna nating masigurado ang kalagayan niya. ‘Cause if he’s dead… I’m sorry but we have to wait for the NBI team to continue our operation.”

“Buhay siya! Ilang beses ko bang sasabihin?!” Tila sumabog ang emosyon ko. Napataas ako ng boses at di ko napigilang maluha.

Agad naman akong niyakap ni Zella. “Drix… calm down.”

Pinunasahan ko naman agad ang luha ko. “Hindi ko kaya. Hangga’t ‘di ko nasisiguradong ligtas siya.”

“I’m with you. He’s alive. Naniniwala din ako do’.”

Hinawakan ko ang mga braso niyang nakayakap sakin. Kahit papaano ay napahinahon ako non. 

“Okay. Payag na ako sa plano,” sambit ni Zild. “May mga communication device ako sa trunk na magagamit natin sa operasyon. Let’s gear up.”

Kinuha ko ang baton at taser sa mga gamit ni Zild. Pinasuot niya rin samin ni Zella ang dalawang bullet proof vest niya. Silang dalawa naman ni Rave ang humawak ng mga tranq gun, at baril.

“Ready guys?” tanong ni Zild samin.

I looked ahead with the same determination to save Finn. 

“Ready! Let’s go save him.”
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly