DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Catching Fox - Chapter 23

☆

5/13/2025

0 Comments

 
FINN


BUTI NA LANG handa ako. Natakasan ko si Zild at si Zella. I anticipated long before that I can’t be inside a place with just one exit. Kaya sa main hideout ko sa Baguio, may mga daan ako bukod sa main door. All I had to do was to bring them there. Ginamit ko ang secret door na nasa banyo para makalabas at makasakay ng kotse ko.

Now I’m on my way… Kung tama ang iniisip ko– Rave really cares about Drixie. That’s the reason why he took her and left me behind. Siguro dati na siyang tauhan ni Mr. Kim o kaya ay nakipag deal siya. Ano man doon, sigurado na ang rason niya ay para hindi madamay si Drixie sa mga nangyayari. However, if my theory is correct, alam na ngayon ni Mr. Kim na nakatakas ako. Gagamitin nila si Drixie para pasukuin ako. Kung gano’n siguradong nandoon siya sa mansion. If I’m right, then there’s no way to save her… but to give myself up.

Mahabang oras din ang naging byahe ko para makarating sa mansion ni Mr. Kim. Pagdating ko, dinakip ako agad ng mga tauhan niya at iniharap sa boss nila sa main hall.

“Matapos ang maraming taon. Sa wakas, naisipan mo ring sumuko,” sambit ni Mr. Kim.

“Gawin mo na lahat ng gusto mong gawin sa ‘kin. Pakawalan at huwag mo lang sasaktan si Drixie. Alam kong nandito siya.”

What I’m doing is a gamble. I don’t know if this guy will agree to what I just said. But if they already have me, then they don’t have any use for her. Pero handa ako kung sakaling hindi nila pakawalan si Drixie. 

When I was with Zella and Zild, I mentioned about the tracking device that Drixie used to catch me. I brought it. Sila na ang bahala mag ligtas kay Drixie kung sakali.

As for myself, I don’t know yet… All I’m thinking is to get her out of danger. I’ll come up with something along the way.

“Si Ms. Cortez ba?” Mr. Kim chuckled. “Tignan mo nga naman. Oo, nandito sila at hinahanap ka nila sa ‘kin kanina. Naisip ko ngang gamitin siya para palabasin ka. Hindi ko alam ang buong detalye pero mukhang nagkasalisi kayo na naging pabor para sa ‘kin,” kibit-balikat pa niyang sambit. Tapos ay bumuntong hininga siya. “Akalain mong sa wakas ay matatapos na rin ‘to.”

Para bang umakyat ang dugo ko. Isinara ko ang mga kamao ko at sinubukan kong sugurin si Mr. Kim. Kung hindi lang dahil sa dalawa niyang tauhan na nakahawak sakin– nasira ko sana ang mukha niya.

“Saan mo dinala si Drixie?!”

Nagpakita ng palad si Mr. Kim. “Kumalma ka. Binihag ko lang muna sila para pasukuin ka. Wala pa akong ginagawang masama sa kanila. Pero dahil kusa ka ng sumuko-- ‘wag kang mag-alala hindi siya masasaktan at pakakawalan ko rin sila. You have my word.”

Kumalma ako. Atleast, he doesn’t have any plans to hurt her.

Lumapit sakin si Mr. Kim at ipinatong niya ang kamay sa balikat ko. “Hindi kita kilala at hindi ko rin alam kung anong klaseng tao ka. Alam ko rin na wala kang kasalanan. Pero ito lang ang paraan para mailigtas ko… ang natitira kong anak.”

The words hit me like a freight train. For years, I carried the weight of a crime I didn’t commit, a life I didn’t take. And now, here I was, face-to-face with the one person who had every reason to hate me—and he just said the words I’d prayed for and dreaded all at once. 

Parang hindi ako makahinga. Pakiramdam ko pa sobrang bigat ng dibdib ko. My heart was pounding so loud that I could hear it. Nanlaki ang mga mata ko. Pati mga buhok ko sa braso ay tumayo.

Hindi ako makapag isip ng maayos ngayon. Anong nangyayari? Akala ko malakas ang suspetsa at galit sakin ni Mr. Kim? Bakit parang ginagamit lang siya ng kung sino? At tama din ang hinala ko… na buhay ang isa sa mga anak niya? At alam niya? Naguguluhan ako. 

Hindi ko nagawang magtanong o magsalita. Parang nahihilo ako at ang mga binti ko ay parang nanginginig.

Bumaling si Mr. Kim sa mga tauhan niya. “Dalhin siya sa kotse. Itali nang maigi at takpan ang ulo. Sabihan ang lahat ng tauhan na sumama sa ‘tin. Itira lang ang mga bantay.”

“Yes, boss.”

“May tatawagan lang ako. Susunod ako pagkatapos,” dagdag pa ni Mr. Kim.

Huminga ako nang malalim para ibalik ang sarili kong parang nawala saglit. 

I have to analyze everything. Ang sabi niya ako lang ang paraan para iligtas ang natitira niyang anak. Ibig sabihin may gumagamit sa kanya para pahirapan ako. They are bringing me somewhere or to someone.  And I can’t think of anyone else… but the one behind all this.

 



RAVE


KINUHA ko mula sa napatumba namin na tauhan ni Mr. Kim ang isang handgun at communication earpiece. Nakawala man kami sa pagkakagapos, narinig ko rin na aalis ang karamihan sa mga tao dito, siguradong may mga natira pa rin na mga bantay. Hindi kami dapat mag padalos-dalos.

Kaso nag-iisip pa lang ako ng gagawin, lumabas na si Drixie ng kwarto. Ibang klase talaga…

Sumunod na lang ako kaagad. Nakita ko siyang nakasandal sa pader.

“Dalawa lang ang daan. Kanan o kaliwa. May dalawang bantay na nag-uusap sa may kanan,” sambit ni Drixie.

“Okay. Ito ang plano. Tawagin mo sila at tumakbo ka papunta sa kaliwa. Akong bahala pag nandito na sila. H’wag kang matakot—poprotektahan kita. Atsaka hindi ka nila pwedeng galawin. Utos sa kanila ‘yon. Hindi ko alam kung bakit but we’ll use that in our advantage.”

Ikinasa ko ang baril kung sakaling kailanganin.

Ngumisi si Drixie. “Who said I’m scared? Hindi ako titigil hangga’t ‘di ko naililigtas si Finn.”

Ang sakit na makitang determinado siya para sa ibang lalaki. Hindi ko alam pero parang… wala na sakin ang babaeng iniingatan ko noon pa.

“Ready na ko. Sabihin mo pag ready kana rin,” sambit ulit ni Drixie na tinanguan ko naman.

Saka ko na iisipin ang nararamdaman ko sa kanya. Kailangan kong makapag isip at maka-kilos ng tama. Buhay namin ang nakasalalay kapag nagkamali na naman ako.

Agad na kumilos si Drixie. Paglabas niya ng pinagtataguan naming pader, sinipulan niya ang mga bantay sa gawing kanan. 

“Hoy mga unggoy!” 

Tapos ay tumakbo siya papunta sa kabilang direksyon.

Hinabol naman siya ng dalawang lalaking bantay, nang makalagpas sila ng konte, lumabas ako at tinawag ko sila.

“Hey!”

Paglingon nila, pinampalo ko sa mga mukha nila ang hawakan ng baril. Agad naman silang nawalan ng malay. Kinapkapan ko sila para maghanap ng susi ng sasakyan o kahit anong pwede naming magamit. Nakakuha ako ng baton at inabot ko ito kay Drixie.

“Here. Alam kong ayaw mong gumamit ng baril.”

“Thanks. Mas gusto ko talaga ‘yong mga ganito,” sagot niya saka luminga sa paligid. “Ang laki ng lugar na ‘to. Paano tayo lalabas?”

“Sa main entrance. May plano ako.”

Maingat at tahimik namin tinahak ang mga hallway sa mansion ni Mr. Kim hanggang sa makalabas kami sa hardin at makapagtago sa likod ng isang naka-park na van. Mula doon ay tanaw na namin ang main gate ng mansion. Ang problema lang ay mas maraming mga tauhan ang nakabantay doon.

Drixie grunted. “Lahat ng bantay malapit sa main gate. Hindi ito ang tamang daan, Rave.”

“Relax lang. Sabi ko sayo kanina may plano ako.”

Pinindot ko ang buton sa communication earpiece na kinuha ko sa tauhan ni Mr. Kim kanina para kausapin doon ang mga bantay. 

“Ten-sixteen! Problem alert… ugh! Come in! N-Nakatakas… ang mga hostage. Armado sila. Full force required… argh, over,” sambit ko na kunwari pa ay nahihirapan.

“Copy that. What’s your location? Over.”

“Na-trap namin sila… sa kitchen… pero kailangan namin ng back up. Nakakuha sila ng baril… over.”

“Affirmative! Hold your position. We’re on our way. Over and out.”

Sinilip ko ang mga tauhan ni Mr. Kim na nasa gate. Nagmamadali silang umalis at pumasok ng mansion.

“It worked. Dalawang guards na lang ang bantay sa main gate,” bulong ni Drixie.

 “I’ll take the one on the right. Kaya mo ba ‘yong isa?”

“Basic!”

Nakayuko naming nilapitan sa likod ang mga natirang bantay. Pinalo ko ng baril sa batok ang sakin. Nakita ko namang pinalo ni Drixie ng baton sa batok ang sa kanya.

Bukas na ang gate dahil sa ginawa kong pagbangga ng kotse kanina. Pero wala na doon ang kotse ko. Kaya naman tumakbo nalang kami ni Drixie patungo sa kalsada. Kaya lang…

Isang itim na sedan ang biglang dumating at huminto sa harap namin. Agad kong hinawi papunta sa likuran ko si Drixie sabay tutok ng baril sa kotse.

Pagbaba ng bintana ng kotse, tumambad samin si Zella.

“Drixie!  Detective! Sakay!”

Hindi ko alam kung bakit siya nandito pero agad nalang kaming sumakay ni Drixie sa backseat. Pinatakbo naman agad ng isang lalaking na nasa driver seat ang sasakyan.

“Zella!”

“Drixie!”

Tuwang tuwa na nagkita ang mag bestfriend. Pinilit pa nilang magyakapan kahit nasa passenger seat si Zella at nasa backseat naman itong si Drixie.

“Anong ginagawa niyo dito? Alam niyo bang nabihag kami?” tanong ko. 

“Actually—”

Hindi natuloy ni Zella ang sasabihin niya nang bigla siyang hawakan ng lalaking nagda-drive sa balikat. “Kapag kinuwento mo ang lahat ng nangyari baka bukas pa tayo matapos. Ikaw pa. Medyo pang telenovela ka mag-kwento, e.”

“Ang epal mo, kuya.”

“KUYA?!”

Sabay naming sambit ni Drixie. Nagkatinginan pa kami.

Matagal na namin kilala si Zella pero ni-minsan ay hindi niya nabanggit na may kapatid siya.

“Ay! Muntik ko makalimutan,” nakangiting sambit ni Zella. “Drixie, Detective Obryn, meet my kuya… Zild.”

Saglit na lumingon si Zild. “Hey, guys. Nice to meet both of you.”

“Wait, guys. Hindi niyo ba nakita si Finn sa loob? Siya ang nagpapunta sa ‘min doon sa mansion ni Mr. Kim,” singit ni Zella.

“Si Finn! Kailangan natin siyang iligtas. Ihinto mo ang kotse, please. Ako ang magda-drive,” sambit naman ni Drixie.

Itinabi at inihinto ni Zild ang kotse. Tapos ay lumingon siya samin. “Alam mo ba kung nasaan siya?”

Hindi nakasagot si Drixie. Nakita ko lang na binilog niya ang mga kamao niya saka yumuko. May kaunting luha na sa gilid ng mga mata niya.  Kinakagat niya rin ang labi niya na parang pinipigilan niyang umiyak.

Ako naman heto… parang may sumasabit sa dibdib ko na napakabigat. Ang sakit na makita siyang malungkot at sobrang nag-aalala para sa iba.

“Calm down, Drix. Ang mabuti pa pagsama-samahin natin ang mga nalalaman natin para maka-isip ng gagawin,” mungkahi ni Zella. “Anong alam niyong nangyari sa kanya?”

“Pumunta ako sa mansion ni Mr. Kim para iligtas sana siya dahil akala ko doon siya dinala ng mga tumangay sa amin sa Baguio,” sambit ni Drixie. “Pero pagpunta namin do’n-- wala pala siya at ginawa kaming bihag ni Mr. Kim.”

“Habang bihag kami ni Mr. Kim, narinig ko na nasa kanila na daw si Finn. They took him somewhere,” pagdugtong ko.

“Awe! Ang cute niyo. Tinatapos ng isa ang sentence ng isa. Bagay na bagay!” pang-aasar ni Zella.

Napangiti ako pero nang makita ko si Drixie na hindi nagbago ang reaksyon, agad ko rin binawi ang porma ng mga labi ko.

“Huwag mo nga silang asarin. Hindi ‘to ang oras para diyan,” saway naman ni Zild kay Zella.

Nag-peace sign si Zella nang nakangiti. “Sorry.”

“Kayo? Anong nalalaman niyo? Paano niyo nakilala si Finn?” tanong ni Drixie.

“Okay, try kong maikli at simple lang ang explanation,” sagot ni Zella at huminga muna siya nang malalim. “Remember mo ba na may nilagay akong app sa phone mo para makita natin kung nasaan ang isa’t isa?”

Tumango naman si Drixie.

“Well, isang araw, I mean just a few days ago, after nating mag video call para kamustahin ang paghahanap mo kay Fox—may nakita akong spy bug sa phone mo. Hindi ko alam kung sino naglagay pero na-delete ko na ‘yon. Pero dahil do’n kinutuban ako na baka may nangyayari sa ’yong masama and then—”

“This is going to take long. Let me do it,” singit naman ni Zild. “Nailigtas namin si Finn sa pag-aakalang ikaw ang sinusundan namin gamit ang tracker sa phone mo. Pero tinakasan niya kami. But he led us to the mansion using a tracking device that is connected to your phone. Sabi niya binigay mo daw ‘yon sa kanya no’ng una kayong magkita at iyon daw ang way niyo para mahanap ang isa’t isa.”

“Ang pangit mo mag kwento, kuya. Walang pa-suspense,” sambit ni Zella tapos ay bumaling siya kay Drixie. “Besty, sorry nga pala kung di ko nasabi sa inyo na may kapatid ako. Sasabihin ko naman sa ‘yo, e, kaso di siya important sa buhay ko. Masakit siya sa ulo.”

Umiling-iling si Zild. “Ako nga kaya ang masakit sa ulo?”

“Saka na natin pag-usapan ‘yan. Akin na ang phone ko.”

Pagkakuha ni Drixie ng phone niya kay Zella, agad niyang binuksan ang app para makita kung nasaan ang tracking device. Pero ang nakalagay sa app ay ‘Device Offline’ na ang ibig sabihin ay naka-off na ito.

“Kaasar! Wala bang signal dito?” 

“No besty. Walang problem ang signal. Bigla na lang nag-offline ‘yan kanina. I think Finn turned it off. Sinubukan kong i-bypass ‘yong system pero since hindi ko alam ang IMEI o anumang serial number nong tracking device—wala akong nagawa.”

“Iyon lang ba ang kailangan mo para makita sa phone ni Drixie ang tracking device na nakay Finn?” tanong ko. 

Nasasaktan man ako na parang sobra ang pag-aalala ni Drixie kay Finn, ayoko naman na nakikita siyang nahihirapan. Kaya gagawin ko ang lahat ng kaya ko para makatulong.

Kibit-balikat namang sumagot si Zella, “Siguro? I can try. Pero it’s a dead end kung sakaling sinira na pala ng tuluyan ang device.”

“Kailangan nating subukan,” sambit ni Drixie, saka bumaling sakin. “Ikaw ang nagbigay sa ‘kin ng tracking device na ‘yon. Baka may record ka pa ng mga impormasyon na kailangan ni Zella?”

“Wala, pero kilala ko kung sinong meron. Kailangan ko siyang tawagan. Pahiram ako ng phone.” 

Iniabot ni Zild ang phone niya. “Here. You can use mine.”

Lumabas ako ng sasakyan at lumayo ng konte. Then I just have to remember his number.

Ida-dial ko na sana ang number nang bigla kong mapindot ang lock button ng phone. Takte! Mali pa napindot.

Babalik sana ako sa sasakyan para ipa-unlock kay Zild ang phone. Napahinto ako nang makita ko si Drixie at Zella na naguusap. Nakatalikod sila sakin at nakasandal sa sasakyan.

“Besty okay ka lang?” tanong ni Zella. Dinig ko ang pag-uusap nila.

“Hindi. Nag-aalala ako kay Finn,” sagot ni Drixie.

“Ikaw naman. I’m sure he’s fine. Pero teka… Uy, Drix! May napansin ako, a,” tila nanunukso ang tono ni Zella. “I know nasa kakaiba tayong situation ngayon, pero bakit parang hindi ka na shy shy shy kay Rave? And parang hindi ka na nagba-blush diyan kapag malapit siya? Siguro comfortable ka na sa kanya, ‘no? May nangyari bang nakakakilig habang bihag kayo?”

“Nakakakilig?! Bihag kami kanina, at akala ko papatayin na kami ng mga tauhan ni Mr. Kim!” pagalit na sagot ni Drixie.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan nila.

“Drix… I-I’m sorry. Sinusubukan ko lang na pagaanin ang loob mo.”

Bumuntong hininga si Drixie. “Sorry. Nag-aalala lang talaga ako kay Finn. Hindi ko sinasadyang sigawan ka.”

“It’s okay. I’m your best friend, remember? Gagawa tayo ng paraan para hanapin at iligtas siya.”

Niyakap ni si Zella kay Drixie.

“Salamat. Marami ngang nangyari ngayong araw, saka ko na ikukwento. Pero… inamin nga pala ni Rave na gusto niya ko.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Drixie. Ano kayang sasabihin niya? Ano kayang naging reaksyon niya?

Naisipan kong magkunwari na tumatawag na sa phone para di nila maisip na nakikinig ako kung sakaling bigla silang humarap sakin.

 “Weh?! As in gusto? Iyong hindi as a little sister?”

Tumango si Drixie. “Pero na-realize ko na hindi pala kami parehas ng nararamdaman sa isa’t isa.”

Parang may kung anong pumiga sa dibdib ko. Mahigpit ito at parang may mga tinik pa na tumutusok. 


“What?! Bakit naman? ‘Di ba matagal mo na siyang gusto?”


 “Hindi ko alam. Basta na lang na hindi ko na siya gusto.”


Ang… sakit…

Ang simple ng sagot niya. Pero para itong isang bala– maliit at nakamamatay. 

But I think I deserve it. Sa loob ng mahabang panahon umasa siya sakin at di ako umamin. Kahit nakikita ko na siyang nasasaktan noon sa tuwing tinatawag ko siyang kapatid, wala akong ginawa. Nagawa ko pang magpalakad sa kanya kay Zella. Tapos naging makasarili pa ko nang isuko ko si Finn. Napaka-ogag ko.


“Well… kung saan masaya ang best friend ko, full support ako. Ano naman reaksyon ni Rave no’ng binasted mo siya?”

“Ewan ko. Pero tinatawag ko na siyang kuya.”

“Ouch!” sambit ni Zella sabay tawa. “Revenge is real. Pero teka… kung na kuya-zone mo na si Rave… ibig sabihin ba no’n ay may iba kang nagugustuhan? Ang pangalan ba nito ay Finn?”

“Ha? Alam mo mag-focus ka na lang kaya sa pag-aayos ng tracking app.”

“Wala pa kayang binibigay na info si Rave. Tsaka walang sira ang app mo. Kwentuhan mo pa ko, dali na!”

Nakita ko sa mga labi ni Drixie ang ngiti. Kinilig siya nang asarin siya ni Zella kay Finn. I cleared my throat to let them know I am here. 

“Uy detective! Kanina ka pa diyan?” tanong ni Zella.

“Huh? Hindi. Kakabalik ko lang. Na-lock ko kasi yung phone ni Zild.”

Nag usap ulit sila ni Drixie pero ibang topic na. Kaya naman pinasuyo ko nalang kay Zild ang phone niya. Tapos ay lumayo ako ulit. Bago ako nag dial… nilingon ko saglit si Drixie.

I guess… Mas masaya ka na sa iba…

Kahit masakit…

Tatanggapin ko nalang… 

Basta liligaya ka…

Kahit iba na ang gusto mong makasama.
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly